Chereads / FLOWER OF LOVE / Chapter 51 - SHE WAS TRICKED BY HIM

Chapter 51 - SHE WAS TRICKED BY HIM

"Dito mo na lang ihinto ang sasakyan," ani Flora Amor kay Dixal nang malapit na sila sa tapat ng kanilang bahay.

Sumunod naman sa kanyang sinabi ang kasama, pagkuwa'y dumukwang ito para tanggalin ang kanyang seatbelt.

"Ako na," pigil niya ngunit tila wala itong narinig.

"Amor, do you still remember the day that I gave you your first kiss?"paanas nitong tanong habang nakayuko't tinatanggal ang kanyang seatbelt.

"Hindi," tipid niyang sagot.

Agad itong nag-angat ng mukha at mariin siyang tinitigan kung nagsasabi siya ng totoo.

"It was just like this," pagkasabi niyo'y agad nitong kinabig ang kanyang leeg at marahan siyang hinalikan sa labi, nananantya sa una, at ewan kung bakit pero nagkaroon siya ng urge na gumanti dahilan upang biglang mag-alab ang halik nito giving her a french kiss. Napaungol siya nang 'di sinasadya, saka naman ito huminto.

"I won't try to make you remember everything, but please try to feel me while kissing." usal nitong tila nahihirapan. She felt bitterness in his voice.

Kumurap-kurap siya habang namumula ang pisngi. Ano'ng ibig nitong sabihin? Na manhid siya't di ramdam ang halik nito? Pa'no ba siya humalik noon kung totoo ngang ito ang kanyang asawa? Mas maalab, mas marubdob? Ewan, 'di niya magets ang ibig nitong sabihin.

"I'm sorry pero wala talaga akong nararamdaman sa'yo." Hindi niya alam kung saan kumuha ng lakas ng loob para sabihin 'yon.

Natahimik ito, muling yumuko. Pagkuwa'y kumulimlim ang mukhang umayos ng upo.

"Kailangan ko nang umalis."

"Okay," an'ya saka binuksan ang pinto at agad na lumabas ng kotse.

Nagulat pa siya nang halos paliparin na nito ang sasakyan palayo sa lugar na 'yon.

Why? May nasabi ba siyang 'di maganda para magalit ito? Naging tapat lang naman siya, sinabi kung anong laman ng kanyang puso.

"Amor...Amor..."

"Huh?"

Takang hinabol niya ng tingin ang sasakyang papalayo. Bakit naririnig pa rin niya ang boses ng lalaki kahit sa malayuan?

"Ate! Ate! Where is he?" tumatakbong lumapit si Devon sa kanya at hinabol rin ng tingin ang sasakyang papalayo.

"Sino?" maang niyang tanong saka tila pinagsakluban ng langit at lupang pumasok sa loob ng bahay.

Sumunod ang batang malungkot din ang mukha.

"I thought I heard him calling your name," wika nito ngunit 'di na niya narinig 'pagkat nasa loob na siya ng kwarto.

Agad niyang isinara ang pinto ng silid at isinandal ang katawan doon. Bakit nasaktan siya sa ginawa ng lalaki? Nagalit ba talaga ito sa sinabi niya?

"Flor, nakauwi ka na pala. Halika't tulungan mo akong magluto nitong pansit at dadalhin ko na 'to sa kabilang bahay!" tawag ng ina sa kanya.

Saka lang niya naalalang birthday pala ng kanyang ate Divina at may handaan mamaya sa bahay ng mag-asawa sa tabi lang naman nila. Kaya pala tahimik ang buong bahay nang dumating siya, si Devon lang ang nakita niyang sumalubong sa kanya, seguradong ando'n ang lahat sa kabilang bahay, tumutulong sa mag-asawa para sa selebrasyon mamayang gabi.

"And'yan na, Ma!" sagot niya at inayos muna ang mukha bago lumabas ng kwarto.

"O, lagyan mo ng kunting vetsin para lumasa naman," anito saka ibinigay sa kanya ang nasa plastik na bote.

"Vetsin 'to, Ma?" maang niya pang tanong.

"Aba'y Oo. Ayan, palibhasa kasi 'di ka mahilig magluto kaya kahit vetsin 'di mo alam ano itsura."

"'Di nga, Ma. Vetsin 'to?" muli niyang tanong habang hawak ang bote ng MSG, pinagmasdang maigi ang granules no'n at naalala ang inihalo niya sa cappuccino ni Dixal. Parang 'di naman magkatulad ang mga 'yon.

"Haluin mo nga't napapagod na ako," utos nito sa kanya.

"Pa'no nga'y anlaki ng kawaling pinaglutuan mo. Parang pang isang barangay na 'tong niluluto mo eh."

"Nakupo, kulang pa nga 'yan. Nakalimutan mo na ba no'ng nakaraang taon eh ganyan din karami ang niluto natin pero naubos agad,"

sagot nito habang iniaabot sa kanya ang dalawang sandok.

Kinuha niya ang mga 'yon at siya na ang naghalo ng niluluto nito sa malaking kawali.

"'Wag mo kasing sasarapan, Ma nang di maubos agad," suhestyon niya.

"Kuu! Ikaw talaga."

Maya-maya'y tinawag nito ang apo at pinakuha ang medicine kit sa loob ng tindahan.

"Kumusta ang bago mong trabaho? 'Di naman ba mahirap?" usisa nitong nakaupo sa silya habang pinagmamasdan siyang naghahalo ng pansit.

"Mama, ito na po," abot ng bata sa hinihingi ng lola.

"Buksan mo na anak at kunin mo 'yong pulang kapsula d'yan."

"Okay lang naman ang trabaho ko."

Wala sa sariling napatingin siya sa anak habang iniaabot ang sinasabing kapsula sa ina, saka muling bumaling sa hinahalo ngunit bigla ring ibinalik ang tingin sa kapsula.

"Ba't ka umiinom niyan, Ma? Pang lason 'yan?!" bulalas niya.

"Ano'ng panglason eh vitamins 'to, nakalimutan ko lang inumin kanina kasi madaming bumibili sa tindahan."

"Ha? Hindi gamot sa lason 'yan?" Napatigil siya sa ginagawa, hinablot sa ina ang capsule at tinitigang mabuti.

Wala itong nagawa kundi muling haluin ang papaluto nang pansit, maya-maya'y pinatay na ang stove.

Siya nama'y matagal na pinagmasdan ang sinasabing vitamins ng ina. Iyon nga 'yung kinuha niya sa medicine kit ni Dixal. Iyon ang gamot sa lason na ininom nito.

"Ma, vitamins mo ba talaga 'to?" paniniyak niya.

"Oo nga, kulit mo eh."

Biglang ang bugso ng galit sa kanyang dibdib.

'Ang hinayupak na 'yon, naisahan na naman ako!'

Tiim-bagang na lumabas siya ng kusina at pagalit na nagmarcha pabalik sa loob ng kwarto.

"Ang walanghiyang 'yun! Akala ko pa naman totoong nalason sa MSG. 'Yon pala uminom lang ng vitamins! Grrr! Dixal, mabubugbog kita sa Lunes pag nakita kita!"

Tumaas-baba ang dibdib niya sa sobrang galit habang kuyom ang mga kamaong itinaas ang mga 'yon at para lang nasa harapan ang lalaki na ilang beses na sumuntok sa ere.

"Ahh! Hayop na 'yun! Naisahan na naman ako!" sigaw niya, mangiyak-ngiyak na sinipa ang silyang nasa harapan.

Walanghiyang 'yon, wala nang ginawa kundi isahan siya at kontrolin sa mga palad nito. Bigla niyang naalala ang nangyari kanina sa loob ng kwarto ng lalaki sa opisina. Ang lahat ng nangyari, talagang plinanong maigi ng hayop na 'yun? Pa'no nito nalamang gano'n ang gagawin niya? Ibig bang sabihin, talagang asukal ang nailagay niya sa cappuccino nito?

Tila lutang na nahiga siya sa sariling kama at maya-maya pa'y galit na namang naglupasay sa ibabaw niyon.

"Dixal! Dixal! Nakapanggigigil ka!" paulit-ulit niyang hiyaw.

Kung pwede nga lang chop-chop-in niya nang pinung-pino ang lalaking 'yun, ginawa na niya sa sobrang galit rito nang mapatunayang naisahan na naman siya. 'Di kayang tanggapin ng kanyang pride na paulit-ulit siyang niloloko ng lalaki, unti-unting kinokontrol sa mga palad nito.

Kung alam lang niyang gano'n ang ginawa nito kaninang umaga, 'di sana hindi lang 'yun ang sinabi niya sa pagmumukha nito bago umalis.

Dapat sinabi niyang hinding hindi niya ito magagawang mahalin kahit kelan. Tignan lang niya kung 'di ito masaktan nang sobra.

"Flor, pupunta na kami sa kabilang bahay. Sasama ka ba?"

"Hindi!" pasigaw niyang sagot.

"Ate, 'di ka po ba pupunta sa party?" tanong ng anak nang makapasok ito sa loob ng kanyang kwarto.

Napilitan siyang bumangon at inayos ang sarili.

"Mamaya, pupunta ako do'n," sagot niyang di pinahalata ang galit.

"Amor, why is he calling your name?"

Maang siyang napatingin sa bata, kunut-noo itong tinitigan.

"Who's calling my name?"

"Wala po." Malungkot itong yumuko.

"Maybe, I just heard it wrong."

"Sige na. Sumama ka na kay mama sa kabilang bahay. Naroon na ang mga tita mo 'di ba?"

"Amor, did you meet my dad?" curious nitong usisa as if alam nito kung sino ang tinutukoy.

Natigilan siya, hindi akalaing lalabas sa bibig ng bata ang ganong klaseng tanong. Mula nang magsalita ito bago mag-isang taong gulang, hindi man lang nito nabanggit ang salitang daddy, pero heto ngayo't tinatanong ang tungkol sa ama, and what surprised her was that, deretsahan ang tanong nito.

"What do you mean?" taka niyang balik-tanong.

Tumingin sa kanya ang bata, tinitigan siyang mabuti pagkuwa'y ilang beses na umiling saka malungkot na yumuko.

"Amor, don't you yet remember anything?" nang muling tumingin sa kanya ang anak ay makahulugan uli nitong tanong.

At tulad ng nauna, napatanga na naman siya sa sinabi nito as if alam nitong may amnesia siya at nauunawaan ang kahulugan ng salitang 'yon.

Is her son a genius?

Sa paraan ng pagsasalita nito ng English, at sa mga librong binabasa nito at gustong basahin, bakit tila naiiba ito sa karamihan kahit sa mga kapatid niya? Kasing edad lang halos nito ang anak ng kanyang kuya Ricky pero 'yon eh masayang naglalaro kasama ng ibang bata sa labas ng kanilang bahay, samantalang ang anak niya ay madalas nasa loob lang ng bahay, nagbabasa sa kwarto nito at nagko-computer, hindi basta nagko-computer lang, kaya nitong kalikutin ang kanyang lappy nang 'di nasisira.

So, ibig sabihin, genius nga ang anak niyang 'to? Kaninong genes ang namana? Sa ama?

"Come, anak." Sa unang beses, narinig niya ang sariling sinasambit ang salitang 'yon sa bata.

"Sit beside me," an'yang tinapik ang gilid ng kama.

Biglang nagliwanag ang mukha nito at nakangiting lumapit sa kanya, umupo sa tabi niya.

"Amor, do you already acknowledge me as your son?"

Namutla siya sa sinabi nito.

"Of course. Bakit naman hindi eh anak naman talaga kita." Marahan siyang tumawa ngunit tila napahiya sa sinabi ng anak.

Inaamin naman niyang hindi siya gano'n ka-close dito kasi no'ng ipinanganak niya ito'y nasa isip niyang bunga ang bata ng panggagahasa sa kanya ng ama nito kaya siya nagka-amnesia subalit ngayon, iba na ang kanyang pananaw.

Binuhat niya ang anak saka inupo sa kanyang hita.

"Ikaw nga itong 'di tumatawag sakin ng mommy eh, kahit mama, o nanay na lang," panunumbat niya.

Umangat ang mukha nito, tinitigan siya.

"Do you know what Amor means?"

"Huh?"

"It's Love in spanish."

"Ha?" napanganga siya.

"Why should I call you mommy when I'm already calling you love?"

Biglang kumawala ang isang masaganang luha sa kanyang mga mata, pagkuwa'y mahigpit na niyakap ang bata at hinalikan sa tuktok ng ulo.

"Yes, yes. Your Amor is a silly woman. She doesn't know that your calling her, love." garalgal niyang usal sa bata.

"Amor-"

"Hm?"

"Can I hug you?"

Nakagat niya ang ibabang labi sa narinig mula sa anak. Ahhh-- kelan ba niya ito niyakap nang gan'to kahigpit? Hindi niya matandaan kasi busy lagi siya sa pag-aaral noon at ngayo'y sa trabaho naman.

"Okay, hug Amor so tight," sambit niyang pinipigilan ang mapahagulhol.

Niyakap nga siya nito pagkuwa'y agad din itong kumawala sa kanya at tumayo sa ibabaw ng kama saka siya hinalikan sa noo, kung hindi lang siya nagpipigil ng nararamdaman ay talagang humagulhol na siya ng iyak ngunit sa halip ay tumawa siya.

"Bakit doon?"

"That man told me, it's a sign of respect," sagot nito.

"So your saying that you've met a man who kissed you on your forehead?" maang niyang tanong.

Tumango ito.

"A stranger?"

"Not totally."

Napatitig siya sa anak. Sino ang tinutukoy nito?

"Amor, let's find my dad soon, huh?"

Muli niya itong niyakap nang mahigpit at pinakawalan ang kanina pa pinipigil na mga luha.

"Yes, we'll find him soon," pangako niya.

"Amor, I love you," usal ng bata.

Sa pagkkataong iyo'y impit na siyang napaiyak.

"I love you too."

Kelan ba niya sinabi ang salitang 'yon, ngayon lang ata.

Ahh, napakarami pala niyang pagkukulang sa sariling anak. Ni hindi nga niya alam na matalino pala ito kesa sa karamihan o mas matalino pa sa kanya.

Babawi siya, dapat siyang bumawi rito habang hindi pa huli ang lahat.