Laking pasalamat ni Flora Amor na nakasabay niya ang kaibigang si Elaine sa loob ng elevator dahil pansamantalang na-focus dito ang kanyang atensyon.
Sa totoo lang, buong araw niyang pinagplanuhan kahapon kung ano'ng sasabihin at gagawin 'pag nakita niya ang chairman ngayong araw. Susunod siya sa lahat ng utos nito pero hanggat maaari ayaw niyang makipag-usap kung 'di naman gano'n kahalaga at didistansya siya nang todo mula sa lalaki.
"Musta ang trabaho mo bilang PA?" usisa ni Elaine.
"Boring. Mas gusto ko pa rin sa department natin," sagot niyang sinadya pang lukutin ang mukha para ipahalatang hindi siya masaya sa bagong trabaho.
"Hindi ba pwedeng lumipat ka uli duon?"
Umiling siya.
"Hindi ko alam. Parang hindi na yata mangyayari. 'Yaan mo na, naninibago lang seguro ako," an'yang inayos ang lukot na sleeve ng kanyang damit.
"Alam mo ba girl, usap-usapan ngayon ditong dumating daw ang fiancee ni big boss" narinig niyang may nagsalita sa likuran.
Nagkatinginan silang magkaibigan.
"Sinong big boss?" bulong niya kay Elaine habang nakadikit ang mukha sa tenga nito.
"'Yong chairman," pabulong din nitong sagot.
"Ahh."
So big boss pala ang tawag ng karamihan sa lalaki.
"Maldita 'yon. 'Pag makasalubong mo 'yun sa pasilyo, lumayo ka agad. Walang sinasanto ang babaeng 'yon, palibahasa'y spoiled ng chairman lalo na ng mga magulang," anang kausap ng isang babae.
Muli niyang inilapit ang mukha sa katabing kaibigan.
"Kilala mo ba ang mukha ng sinasabi nila?" pabulong niya uling tanong dito.
"Ang sabi nila, model daw 'yon kaya maarte pero 'di ko alam kung anong itsura niya," sagot nito.
Tumango-tango siya.
Sobrang ganda seguro kaya gano'n kamaldita. Pero hindi naman ata sobrang sama ng ugali. Ayaw niyang manghusga hangga't 'di niya nakikilala nang mabuti ang isang tao. Pero naisip niyang 'pag dumating nga ito, for sure una nitong pupuntahan ang fiance kung saan siya nagtatrabaho. Ibig sabihin, magkikita sila sa loob ng opisina.
Kinabahan siya bigla. 'Di ba nga't may usapan sila ng manlolokong lalaking 'yon na magpapanggap silang mag-asawa sa loob ng isang linggo? Pa'no pala niya pakikitunguhan ang fiancee nito?
Hindi pa niya nasasagot ang sariling tanong nang bumukas ang pinto ng elevator. Lumabas silang dalawang magkaibigan.
"Flor, totoo bang tahimik at cold-hearted ang big boss ng kompanya?" usisa nito habang naglalakad sila sa pasilyo.
'Hindi 'yon totoo! Manloloko siya at sinungaling pa!' gusto niyang isambulat sa kaibigan pero pinigilan niya ang sarili.
"Hindi ko alam eh. Hindi ko pa kasi siya lubusang nakikilala. Pinagawa niya lang ako no'ng Sabado ng cappuccino tapos 'di na ako inutusan pa," sagot niyang muling uminit ang dugo nang maalala ang nangyari no'ng nakaraang araw.
"Gano'n ba?"
"Yup."
Pagkatapat lang sa research department ay huminto ito.
"Dito na ako Flor, ingat ka sa work mo."
"Ikaw din. Sige bye," tugon niya habang dere-deretso ang lakad papunta sa opisina ng amo.
Nang mapatapat sa pinto ng opisina ng lalaki ay kumatok siya agad, ilang segundo lang ay bumukas na ang pinto saka siya pumasok.
Wala sa loob ng opisina ang lalaki. Kunut-noong nilingon niya ang pintong pinasukan. Kusa ba 'yong bumubukas na parang sa mall lang o hawak ng lalaki ang remote at nang marinig nitong kumakatok siya ay pinindot nito ang remote kaya bumukas iyon? Pero 'asan ito?
Iniikot niya ang paningin sa buong opisina ngunit 'di niya ito nakita, pagkuwa'y agad sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi at dumeretso sa kitchen.
Gusto niyang patunayan ang hinala niyang hindi nga MSG ang nailagay niya sa cappuccino nito at lalong hindi asin kundi asukal.
Ngunit nanlumo siya nang 'di na makita sa lalagyan ang boteng 'yon. Wais talaga ang lalaki, alam na alam kung anong kalokohng tumatakbo sa isip niya.
Sunod niyang hinanap ang medicine kit nito sa ibabaw ng ref ngunit wala na rin 'yon doon. Lalo siyang nagngitgit sa galit.
'Talagang maingat sa pagpaplano ang hinampak na 'yon.'
Binuksan niya ang pinto ng ref at hinanap ang medicine kit o 'di kaya ang bote ng MSG pero wala talaga.
Gigil na pabagsak niyang isinara ang pinto.
"What are you looking for, Amor?"
Tila magnanakaw na halos mapalundag siya sa pagkagulat nang marinig ang boses nito sa likod ng ref.
Ngunit nang tingnan niya ang pinagmulan ng boses ay wala siyang taong nakita.
Nagtatakang pinagmasdan niyang maigi ang nasa harapan.
Ibig bang sabihin, nasa loob ng secret room ang lalaki kaya hanggang sa kinatatayuan niya ay dinig niya ang boses nito? At ang dingding ng ref ang secret door niyon?
Tumango-tango siya para kumpirmahin ang hula. Ibig ding sabihin nasa loob ng kwarto nito ang remote ng pinto ng opisina at kaya galing ito dito nang pumasok sila ng kanyang manager ay dahil kalalabas lang nito sa loob ng kwarto.
Muli siyang tumango-tango.
Ang akala ng lalaking 'yon, maiisahan siya nito talaga. Ngayon pa lang, mag-iisip na siya kung paanong makakaganti sa ginawa nito no'ng Sabado.
"What are you doing here?"
Ang pagalit na boses na 'yun ang nagpabalik sa kanyang naglalakbay na kaisipan at agad pumihit paharap sa may-ari ng boses.
"Good morning po, ma'am," mahina niyang bati nang makilala ang Finance Director ng kompanya at kunut-noo itong pinagmasdan.
Para talagang pamilyar sa kanya ang mukha ng babae na tila noon pa niya ito nakita, 'di nga lang niya alam kung saan at kelan 'yon nangyari.
"What are you doing here?" muli nitong tanong.
"Ako po ang bagong personal assistant ng Chairman," an'ya sa babaeng naka-maikling skirt at chiffon ding short sleeve blouse shirt with collar na hanggang sa pagitan ng dibdib ang pagkakabukas ng butones kaya lantad ang maputi at makinis nitong cleavage.
"Get out. Dixal doesn't need a personal assistant!" utos nito sa maawtoridad na boses sabay turo sa pinto ng kusina.
"Pero ma'am--" sasagot sana siya nang bigla itong sumigaw.
"I said get out!"
Namumula agad ang pisngi nito sa selos ba o sa galit?
Ang tindi talaga ng lalaking 'yon, daming babae sa buhay.
Naalala niya ang sinabi noon ng kanyang manager,
"Never argue with the fiancee and the finance director." Kaya napipilitan na lang siyang sumunod at lumabas ng kusina.
"Where is Dixal?"
Kunut-noong bumaling siya sa babaeng kapapasok lang sa pinto ng opisina.
At sino na naman 'to? Isa na uli sa mga babae ng sinungaling na lalaking 'yon?
Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa habang papalapit sa kanya.
Matangkad itong babae na sa hula niya'y 5'4" ang taas at lalong nagmukhang matangkad sa gamit na sandals with 4 inches high heels. Sa suot nitong sleeveless short Jersey tank dress na maiksi at hapit sa katawan lalo na't V-neck iyon na halos lumuwa na ang dibdib sa tabas niyo'y kahit sino segurong lalaki'y mapapatitig dito. At aaminin niyang napanganga siya sa paghanga sa sobrang ganda ng babae, hindi nakakasawa tingnan ang mukha, almost perfect ang katawan at kung maglakad ay talaga namang tumatalbog ang balakang.
Napansin din niya ang bitbit nitong bag na may nakasulat sa harap, "Louis Vuitton"
'Woah!' sosyal sa bag pa lang! Ga'no kaya ito kayaman?
Nang huminto ito sa harapan niya'y mas maigi niyang napagmasdan ang mukha ng babae, mula sa foundation na gamit na bumagay sa kulay ng balat, sa artificial nitong pilikmata na lalong nagpaganda dito, sa gamit nitong pink coral matte lipstick na talaga namang nakakaingganyong halikan ang makapal na mga labing hugis puso.
Iniabot nito sa kanya ang hawak nitong bag, at siya nama'y tila na-intimidate na hinawakan iyon.
Ang ganda talaga ng babaeng ito sa harapan na kahit siya ay napapatanga sa taglay nitong alindog.
"Oh, look who's here! The childhood friend of my loving fiance," anito sa nanunuyang tono nang mapansin ang papalapit sa kanilang finance director.
"And the slut fiancee, good to see you, bitch!" mas lalong nang-iinsulto ang sagot ng isa.
Napansin niyang sa palitan pa lang ng mga salita ng dalawa'y may alitan na ang mga ito kaya't tumabi siya't inilapag sa ibabaw ng sofa ang iniabot na bag ng nakilala niyang fiancee ng lalaki at humarap sa dalawang pinagmamasdan ang suot ng bawat isa.
"Hey, old lady. Is this dress of yours from UK? Oh, I mean ukay-ukay? Such an old fashioned woman, pa'no kang mapapansin ni Dixal kung ganyan lagi ang ayos mo?" maarte at patuyang puna ng fiancee sa isa habang sinusuyod ng tingin ang huling sinabayan pa ng tila nandidiring dampi sa daliri ang suot na damit ng kausap na noo'y kalmado lang ang mukha at 'di nagpapaapekto sa ginagawa ng una.
"We'll, I'm not as slut as you are na kahit sinong lalaki ay pinapatulan. At least I'm stick to Dixal," malupit ding banat ng finance director.
Pigil ang hagikhik ni Flora Amor habang pinagmamasdan ang dalawang kapwa naman magaganda pero ewan kung bakit nag-aagawan sa isang lalaki lang na 'di naman kagwapuhan--uhmmm-- gwapo naman talaga pero mas gusto niyang sapakin sa inis kesa hangaan ang itsura.
"Where is Dixal?" tila napikon ang fiancee at sumeryoso ang mukhang tanong sa isa.
"Oh, hindi ba niya sinabi sa'yong we just made love at his house kaya na-late siya ng dating ngayon? Oh, I forgot, wala pala kayong communication for a week, right?" pasarkastiko nitong sagot at sinabayan ng tawa ang sinabi.
Nagtaas baba ang dibdib ng fiancee sa galit patunay na totoo ngang napikon na ito.
"You bitch! Where is he?" paasik na nitong tanong.
Isang matunog na halakhak lang ang isinagot ng finance director saka lumapit sa mesa ng chairman.
Siya nama'y dahan-dahang naglakad pabalik sa kusina at panay dasal na huwag mapansin ng dalawa.
"Stop fooling me around, Veron! Where is my fiance?" sugod nito sa isa.
'Veron,' pag-uulit niya sa pangalang binanggit ng mapapangasawa ni Dixal.
Pamilyar talaga ang pangalang iyon sa kanya, pero bakit 'di niya maalala kung saan niya ito nakita?
"I already told you, we just made love at hindi pa siya nakakabangon. Just wait for him here," nanunuya na naman nitong sagot.
At ewan niya kung bakit pero parang siya ang nasaktan sa sinabi ng finance director, sakit na tila dinidibdib niya hanggang ngayon.
Why? Ga'no ka-intimate ang relasyon ng dalawa? Mas intimate pa sa mapapangasawa ng lalaki? Kung gano'n pala, bakit hindi ito ang pakakasalan ni Dixal, kundi 'yong fiancee?
Ngunit bakit siya ang nasasaktan sa mga narinig mula rito?
Nasa gano'n siyang pag-iisip nang may biglang humatak sa kanyang kamay.
"Come, Amor."
"Dixal?!" agad niyang tinakpan ang bibig nang 'di marinig ng dalawa ang gulat niyang hiyaw.
May pinindot ang lalaki sa likod ng ref, bumukas ang pinto ng secret room nito saka mabilis siyang hinatak papasok sa loob.
"Ang tindi mo. Ando'n ang mga kabit mo sa loob ng opisina, ikaw ang pinag-aawayan. Tapos Ikaw, heto, ibang babae ang hinahatak." Hindi niya alam kung bakit gano'n ang agad ang kanyang bungad pero nagpapatianod lang sa gusto nitong gawin.
Marahan itong tumawa habang hawak ang kanyang kamay, tumapat na uli sila sa kabinet nito saka may pinindot na naman at bumukas na uli ang isang pinto, nagulat pa siya nang bumulaga sa kanya ang isang elevator. May sariling elevator ang lalaki?
"Nagseselos ka ba?"
"Kapal mo!" pairap niyang sagot, pilit kumakawala sa pagkakahawak nito.
Muli itong tumawa.
"Bitiwan mo nga ako. Saan mo ba ako dadalhin?"
"We'll attend a meeting." Sumeryoso na ang boses nito.
"Ang dami mong secret doors. Seguro marami kang babae at lahat sila dinadala mo rito." akusa niya, 'di mapigil ang inis na nararamdaman.
Lalo lang humigpit ang hawak nito sa kanyang kamay.
"I already told you, I don't have any but my wife," turan nito saka siya kinabig sa beywang, 'di niya naiwasang mapahawak sa damit nito sa pagkabigla.
"Amor, you're so cute when you're jealous," nunudyo nitong usal, ang higpit ng yakap sa kanya.
"Tse!" matalim ang tingin niya kahit 'di naman nito nakikita ang kanyang mga mata't nakasubsob ang kanyang mukha sa dibdib nito.
"Tuwang-tuwa ka seguro kasi naka-sex mo ang finance director."
"Hey, stop accusing me," angal nito.
"Anong accusing eh siya mismo may sabi."
Sa halip na makipagtalo sa kanya'y ang lakas ng tawang pinakawalan nito.
"You're really this jealous huh?" Pagkuwa'y bahagya nitong inilayo ang katawan at hinalikan ang kanyang noo.
"I respect you, Amor. Hindi kita magagawang lokohin nang gano'n lang."
"Tse!" pairap na uli niya iyong sinulyapan.
"Amor--"
"Ano?" inis siyang nag-angat ng mukha subalit mga labi nito ang sumagot sa kanyang tanong.
Totoong nagulat siya sa ginawa nito ngayon lang subalit bakit ang puso niya'y tila iyon ang laging hinihintay, ang katawan niyang agad sumusuko sa panunukso nito'y agad nangatog sa antisipasyon sa mangyayari kaya't wala siyang nagawa kundi humawak sa kwelyo ng office attire nito, ito nama'y humigpit ang hawak sa kanyang beywang at ang isang kamay ay awtomatikong pumisil sa kanyang dibdib dahilan upang 'di niya sadyaing mapaungol.
Sa masarap na halik ng lalaking ito at sa bango ng hininga'y 'di na naman niya magawang pumalag, sa halip ay pinili niyang pumikit at namnamin ang masarap nitong halik.
"Amor...Amor, kiss me," anas nito nang bahagyang ilayo ang mga labi sa kanya.
Kumunot ang kanyang noo, pulang pula ang pisngi sa hiya.
"I-I don't know how," namumula niyang sagot.
"Just close your eyes and kiss me," usal nito sa baritonong boses.
Sa pagkakataong iyo'y gusto niyang sundin ang lalaki at alamin kung bakit pinag-aagawan ito ng dalawang naggagandahang babae sa loob ng opisina kanina.
Pumikit siya at dinampian ito ng halik, isang beses, isa pa hanggang sa kusa niyang iawang ang mga labi at muli itong hinalikan na agad namang gumanti sa mapusok na paraan habang sinasambit ang kanyang pangalan.
Napanungol siya, kusang ipinulupot ang dalawang kamay sa leeg nito at kinabig pa lalo ang batok nito palapit sa kanya.
"That's it sweetie. That's it," paans nitong sambit na halatang nagugustuhan ang ginagawa niya.
inilabas niya ang dila at hinayaan itong sipsipin iyon kasabay ng pagkawala ng isa pang ungol mula sa kanyang bibig na lalong nagpaigting ng pagnanasa ng lalaki.
Napaliyad siya nang lamukusin ng malapad nitong palad ang isa niyang dibdib.
"Kiss it, Dixal," pakiusap niya. Subalit bigla itong huminto at sa halip na sumunod ay hinalikan siya sa noo.
"Hold it for now sweetie," anito sa nanunudyong boses, tila sinasadyang ibitin siya sa ere.
Parang binuhusan ng malamig na tubig na agad niya itong itinulak.
"You're a damn sadist!" matalim niyang titig dito para itago ang pagkapahiya.
Malakas na naman itong tumawa.