Chereads / FLOWER OF LOVE / Chapter 56 - WHO'S THE KID'S FATHER?

Chapter 56 - WHO'S THE KID'S FATHER?

After a couple of minutes na plinano ni Dixal kung papa'nong papasok sa loob ng sasakyan na may batang karga habang tulog ito ngunit mahigpit ang kapit sa kanyang leeg, sa wakas ay nagawa rin niyang ipasok ang katawan ng kargang bata. Ang problema nga lang, nakalapat ang likod ng bata sa manibela kaya wala rin siyang choice kundi ihiga ito sa tabi ng driver's seat kaso hindi ito bumibitaw sa pagkakapulupot sa leeg niya kaya napilitan siyang kargahin uli ito at ayusin ang kanyang upo.

Isa na lang ang problema. Hindi rin siya makapagdrive dahil natatakpan ng likod ng bata ang manibela.

Hindi naman niya ito magising mula sa mahimbing na pagkakatulog at baka mag-tantrums na naman.

Buti na lang napansin niyang umilaw ang naiwang phone sa ibabaw ng upuan na 'di niya alam nakasilent pala.

"Unknown number is calling," ang nakalagay sa screen ngunit nang damputin niya'y saka naman namatay ang tawag.

"300 missed calls?! Damn!" bulalas niya.

Never niyang iniiwan ang phone sa kung saan at hindi niya inisa-silent. Ngunit ngayon, malibang naiwanan niya'y naka-silent pa. Seguradong kagagawan iyon ng bata.

Ini-dial niya agad ang number na gumawa ng 300 missed calls sa kanya. Segurado siyang iyon na ang ama nito.

"Devon! Where are you? "

Ewan kung bakit may tila kumirot sa puso niya nang marinig ang boses ng isang lalaki.

Why is he feeling like he's jealous of that man dahil nagkaroon ito ng anak na tulad ng batang ito.

"Devon." He remembered the name at last.

Nakalimutan niya kasi ang pangalan nito no'ng una niyang makita. But now, he won't forget it anymore.

"Tulog na siya. Puntahan mo na lang kami sa harap ng Beantage Cafe malapit sa Phil health Imus," an'ya sa kausap.

"Okay. Who is this by the way?"

"It's Dixal Amorillo. Kaano-ano mo ang batang to?"

"Dixal?"

Bahagya pang tumaas ang boses nito pagkarinig sa pangalan niya at 'di agad nakapagsalita.

Why? Kilala ba siya ng lalaking 'yon?

"He's my son. I'm his Pappy."

"Ahh, okay. Punta ka na lang rito," sagot niya saka pinatay na ang tawag at sandaling natahimik.

Bakit pakiramdam niya'y ayaw na niyang malayo sa batang ito? Pakiramdam niya'y may koneksyon silang dalawa, a deep connection that can't be explained. Niyakap niya ang bata nang mahigpit, feeling his calm heartbeat.

What was he feeling deep within his heart? Was he longing for a son like this kid?

Kung nagkaanak sila ni Amor noon, baka kasing edad lang ito nito ngayon.

He hugged him tighter.

"Dad, I love you. Don't leave us again, huh?"

Ewan kung nagising ito sa higpit ng yakap niya o nananaginip lang but those words na alam niyang para sa kanya, tila ba may kung anong mabigat na bagay ang dumagan sa kanyang dibdib pagkarinig no'n.

Was it a feeling of guilt dahil ibibigay na niya ito sa totoong ama samantalang siya ang tinatawag na daddy? Step father lang ba nito ang pappy na 'yon?

"Pappy," pag-uulit niya. Bakit parang narinig na niya ang salitang 'yon kanina lang umaga bago pa niya makita ang bata.

"Pappy."

"Pakausap nga kay Pappy."

Naalala niyang sinabi ni Flora Amor sa kausap sa phone kanina. Kumunot bigla ang kanyang noo.

Amor is related to this kid? How is she related to him?

May kung anong pumitik bigla sa kanyang dibdib dahilan upang mahirapan siyang huminga.

Could it be that this kid is really his?

"Oh God!"

"Am I really your dad, kiddo?" 'di niya mapigilan ang emosyong biglang bumalot sa kanya.

Subalit bago pa siya tuluyang nadala ng emosyong 'yon ay kumakatok na sa bintana ng sasakyan ang isang lalaki.

At nang buksan niya ang bintana'y tumambad sa kanyang harapan ang isang pamilyar na mukha.

"Mr. Amorillo, tatanawin kong utang na loob ang pagkakahanap mo sa anak ko."

"Are you Amor's younger brother?" paniniyak niya.

"Yes, I am, sir. Let me take my son," nagmamadali nitong kinuha ang bata sa kanyang bisig. Subalit tulad kanina'y mahigpit itong nakakapit sa kanyang leeg.

"Pakitanggal ng kamay niya sa leeg mo, sir,"

anang nagpakilalang ama ng bata.

"Hey, easy. You'll wake him up if you do," saway niya nang mapansin nitong pipilitin nitong kalagin ang kamay ng bata sa kanyang leeg.

Siya na ang kusang lumabas sa sasakyan habang karga pa rin ang bata.

"Why are you calling me sir when I'm your sister's husband?"

"I don't remember ate having a husband, Mr. Amorillo," makulimlim ang mukhang saad nito saka binawi sa kanya ang batang nang mga sandaling 'yon ay mahigpit pa ring nakapulupot sa kanyang leeg ngunit pinwersa na nitong kalagin ang mga kamay nito sa leeg niya hanggang sa tuluyang magising ang bata at agad nagsisigaw nang makitang 'di na ito nakayakap sa kanya.

"I'll go with daddy! I'll go with daddy!"

Tila dinudurog ang puso niya sa narinig.

"Stop it Devon! Let's go home!" saway ng pappy nito habang mahigpit na yakap ang nagpupumiglas na bata at pilit inaabot ang katawan niya.

"Dad, I'll go with you! Take me with you!" Hindi na ito tumigil sa kakasigaw.

"Hey, Harold. Let me carry him first," pakiusap niya sa lalaki, unang beses niyang ginawa 'yon dahil lang sa isang bata.

"No! We're leaving now!" paasik nitong sagot na tila sobra ang galit sa kanya.

"But your son is crying. Maybe I can help to calm him down," giit niya pero tila wala itong narinig at mabilis ang mga hakbang na lumayo sa kanya kasama ang panay hiyaw na bata.

"Dammit! Dammit!"

Bakit siya ang nahihirapan habang naririnig ang batang umiiyak at paulit ulit siyang tinatawag. It's crashing his bullshit heart at aaminin niyang ngayon pa lang ay gusto na niyang habulin ang mag-ama at bawiin ang bata mula dito.

At nang hindi matiis ang sarili'y pumihit siya paharap sa dalawang umalis ngunit nakasakay na ang lalaki sa tricycle at papalayo na sa lugar na 'yon.

Wala siyang nagawa kundi habulin ng tingin ang mga 'to pagkuwa'y kinuha mula sa bulsa ang phone at tinawagan si Lemuel.

"Kumusta ang meeting mo kay Mr. De Ocampo," usisa agad ng lalaki.

"Maghire ka ng isang investigator, Lemuel. Alamin niya kung may anak nga si Harold Salvador, ang kapatid ni Amor," utos niya sa lalaki.

"Hey, why all of a sudden? I thought you're just curious about Flora Amor? Bakit napasali na ngayon ang kapatid niya sa vocabulary mo?" nahihiwagaang usisa ng kaibigan.

"Just do what I told you!" Aburido niyang wika rito.

"Okay, okay I'll do it."

Pagkatapos patayin ang tawag ay muli niyang tiningnan ang daang tinahak ng tricycle kung saan sumakay si Harold kasama ang bata.

"Amor, what are you hiding from me?" he muttered.

------

HETO si Amor sa loob ng bahay habang walang tigil sa kakaiyak sa pag-aalala sa anak dahil hanggang ngayo'y 'di pa rin ito nakikita. Ang kapatid naman niyang si Harold ay basta na lang umalis at mariin silang inutusang 'wag nang pupunta sa pulis para magpa-blotter sa nawawalang anak at ito na lang daw maghahanap ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin.

"Flor, tahan na. Dibdib ko ang sumasakit sa kakangawa mo eh. Wala naman segurong masamang nangyari sa baby ko. 'Di ba nga't sabi ni Harold eh tumawag ito sa kanya kanina, mamamasyal lang daw kasama ng kaibigan," saway ng inang pinapakalma ang anak ngunit maging ito man ay 'di na rin mapakali at panay himas ng dibdib.

"Ma, ang anak ko. Baka nadukot na 'yon ng mga kidnapper, 'yong nangunguha ng mga bata ngayon at binibenta ang lamang-loob. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko 'pag gano'n ang nangyari sa anak ko!" patuloy niya sa pagngawa.

"Tumahimik ka nga!" hiyaw nito.

"Nung and'yan ang anak mo, 'di mo man lang mayakap. Ngayong nawawala lang, para ka nang namatayan! Tumahimik ka!" Garalgal na ang boses ng ina kahit pagalit magsalita, halatang nadadala na rin sa iyak niya.

Subalit lahat sila natahimik nang marinig ang matinis na bulyahaw ng bata mula sa labas ng bahay.

Halos magkasabay sila ng inang lumabas ng pinto at nauna pa nga itong sumalubong sa apo.

"Ang baby ko. Saan ka bang nanggaling baby ko?" Umiyak na agad ito pagkakita lang sa bata.

"I'll go to Daddy! I'll go to Daddy!" hanggang duon ay 'yon pa rin ang isinisigaw ng bata.

Nagmamadaling kinuha ni Flora Amor ang anak mula sa kapatid at mabilis na kinarga.

"Okay! Okay! We'll go to daddy. Let's go to daddy," alo niya rito.

Saka lang ito tumigil sa pagsigaw at agad siyang niyakap.

"Amor, let's go to daddy. I wanna see daddy. I wanna see daddy," paulit-ulit nitong sambit sa pagitan ng sunod-sunod na paghikbi, hula niya'y kanina pa ito sigaw nang sigaw dahil medyo paos na ang boses.

Matalim niyang tinitigan ang kapatid bago pumasok sa loob ng bahay at pilit inalo ang batang hirap na sa paghinga at humihikbi na lang subalit 'di pa rin tumitigil kakasabi sa kanyang "Let's go to daddy. Let's go to daddy."

Ipinasok niya ito sa loob ng kwarto at doon pinatahan habang karga-karga.

"Okay sweetie, we'll go to daddy. We'll surely go to daddy."

'Di niya mapigilan ang pagpatak ng mga luha. Ngayon lang ito nagwala nang gano'n dahil lang gustong makita ang tinatawag nitong daddy na 'di nga niya alam kung sino. Kung sino man 'yon, aalamin niya sa kapatid. Hindi pwedeng hindi niya malaman dito kung anong nangyari bakit gano'n kung makasigaw ang bata. Ang pagkakaalala niya, hindi pa ito nagta-tantrums sa harap ni Harold dahil isang sabi lang ng kaptid eh tumatahimik na ito, pero bakit gano'n ang ginawa nito ngayon?

"Amor, let's go to daddy," sa pagitan ng mahinang hikbi ay sambit nito.

"Okay sweetie, we'll go to daddy." Ganp'n lagi ang sagot niya habang pinapatulog ang anak hanggang sa maramdaman niyang bumigat na ito at hindi na nagsasalita, marahil ay nakatulog na.

Nang masegurong nakatulog na'y saka niya ito inihiga sa kanyang kama, binakuran ng unan sa magkabilang tagiliran at mabilis na hinanap ang kapatid ngunit nakaalis na raw ito sabi ng inang nagmamadali na ring pumasok sa kanyang kwarto upang usisain ang apo kung ayos lang ba ito.

Malakas talaga ang kutob niyang may itinatago si Harold sa kanya. Hindi magngangawa ng gano'n si Devon kung wala itong nakita na magpapaalala sa ama nito, ni 'di pa nga nito nasisilayan ang mukha ng ama pero bakit ngumawa nang gano'n mula sa pinanggalingan nito hanggang makarating sa kanilang bahay.

"Flor, tumutunog ang cellphone mo," tawag ng ina sa loob ng kanyang kwarto.

"Where are you?" aburidong boses agad ni Dixal ang kanyang narinig mula sa kabilang linya.

"Pasensya ka na pero 'di na yata ako makakabalik sa opisina ngayong araw. May nangyari kasi sa bahay, 'yong mama ko, nahihirapang huminga eh siya lang mag-isa rito," pagsisinungaling niya.

Narinig niyang bumuntunghininga ang lalaki.

"Amor, what are you hiding from me?"

"Hiding from you? Alam mo na namang may amnesia ako, 'yon lang naman itinatago ko." maagap niyang sagot ngunit agad siyang kinabahan sa makahulugang tanong na 'yon.

Muli itong bumuntunghininga.

"Okay, but make sure papasok ka bukas," turan pagkuwan.

"Okay, sige. Salamat."