Chereads / Fallacious Romance / Chapter 6 - Chapter 6

Chapter 6 - Chapter 6

Ilang beses nang tinapunan ni Hera ng tingin si Chase pero deadma naman ito. Naikasal na ang kuya niya kani-kanina lang at ngayon ay nasa reception area na sila pero kahit isang beses ay hindi man lang siya nagawang tingnan ng lalaking kanina pa niya tinititigan. Simula nang halikan niya ito apat na araw na ang nakararaan, hindi na siya nakakatulog nang maayos sa gabi. Palagi na lang niyang naaalala ang mukha ni Chase na gulat na gulat. Lumaki na tuloy ang eye bags niya dahil sa puyat.

Gustong-gusto niya itong lapitan at kausapin kahit hindi niya alam kung anong sasabihin niya rito. Pero parang nagbibiro ang tadhana, para kasing talagang inilalayo nito si Chase sa kanya. Kasama nito sa iisang table ang mga dating kaibigan ng Kuya Louie niya.

Natigil lang ang pagsulyap ni Hera rito nang maramdaman niyang may sumiko sa kanya. Nailing na lang siya nang makita ang nakasimangot na mukha ng matalik niyang kaibigan.

Ngumuso ito at umarteng mananabunot. May isinenyas ito sa kanyang hindi naman niya nakuha.

"What? Gusto mo bang maglaro ng charades?" tanong niya habang inaayos ang suot niyang gown.

Kanina pa niya gustong magpalit dahil init na init na siya pero siguradong mapapagalitan siya ng kuya niya kapag ginawa niya iyon. Isa pa, ilang linggo bago siya nakapili ng damit, tapos papalitan niya lang agad? Tiis-ganda na lang.

"Bakit ba kanina ka pa nakatingin sa pwesto nina Kuya? Kuwento ako nang kuwento dito, hindi ka naman nakikinig."

Binasa niya ang kanyang labi. "Hoy, hindi ako natingin do'n, ha."

"Anong akala mo sa 'kin? Bulag?" Humalukipkip si Lynne saka pabirong umirap.

"Kuwento mo na lang ulit 'yung sinasabi mo kanina," aniya.

May paayaw-ayaw pa ito noong una pero nagkuwento rin naman ulit. "Remember that guy na sinabi kong ii-introduce ni Kuya sa 'kin na estudyante niya? His name is Marcus."

Tumango siya. Pa'no naman niya malilimutan 'yun e sa gabing 'yon din nangyari ang halik—ano ba, Hera, tama na ang kaiisip do'n! 'Wag kang feeling teenager na naka-experience ng first kiss, pangaral ng utak niya.

"Yeah, what about him?" Kinuha niya ang juice sa tabi niya. Inubos niya 'yon sa isang inuman lang. Somehow, she felt refreshed, pero may ibang tumatakbo sa utak niya.

Tumingin na lang siya sa harap. Nagsimula nang magbigay ng speech ang mga kamag-anak at malalapit na kaibigan ng groom at bride. Her mom was the first one who gave the newly wed couple a speech. Iyak ito nang iyak pero tawa rin nang tawa. Napangiwi siya nang sabihin ni Lynne na mukhang alam na nito kung kanino siya nagmana.

Buti na lang at hindi siya kabilang sa mga kailangang mag-speech. Sinabihan niya kasi ang Kuya Louie niya na iti-text na lang niya ang message niya dahil ayaw niyang humarap sa maraming tao. Mabuti na lang at pumayag ito. Takot din sigurong kung ano-ano ang sabihin niya sa harap ng maraming bisita.

"Narinig mo ba 'yung sinabi ko?"

Tinapunan niya ng tingin si Lynne. "Yup, alam mo na kung kanino ako nagmana."

Ngumuso ito. "Hindi 'yan, after that."

"May sinabi ka pa ba?" Napakamot siya sa leeg. Ni hindi na nga niya maalala kung ano'ng pinag-uusapan nila three minutes ago.

"About Marcus. Kainis naman 'to. Ba't ba lumilipad ang utak mo?"

Umiling siya. Kinuwento niya ang pagpunta ni Chase sa bahay nila noong isang araw. Pinagsabihan niya rin si Lynne na kung hindi ito naniniwala sa pag-ibig at balak nitong tumandang dalaga, aba, 'wag siyang idamay at gawing rason. Tinawanan lang siya nito.

"Kaya lang niya pinuntahan para pagalitan?" Ngumisi ang matalik niyang kaibigan. "Anong ginawa mo?"

Inirapan niya ito. "Wala. Pinaalis ko," pagsisinungaling niya. Ayaw naman niyang ikuwento rito ang ginawa niyang paghalik sa kapatid nito. Alangan namang sabihin niyang, 'Actually, I kissed your brother. Ang kulit kasi.' Baka atakin sa puso nang wala sa oras ang kaibigan niya.

"So, ano nga ulit ang meron do'n kay Marcus?" sabi na lang niya.

"He's gay!"

Tumaas ang kilay niya. "Hindi nga?"

"Yeah, ganito kasi, aksidente lang talaga 'yung pagkikita namin. Kumain kami sa labas ni Kuya, sakto, nando'n 'yung Marcus."

"Aksidente? Sinadya 'yon ni Chase!" she accused.

Umiling si Lynne. "Nagulat din kaya siya."

"Sus naman, ang dali-daling umarte."

"Tingin mo kayang umarte ng kapatid ko?" natatawang tanong nito.

Napaisip si Hera. "Oo nga, 'no? Malabo. Taong-bato nga pala."

Lynne made a face. "Anyway, ayun, nakakatawa kasi nahuhuli ko si Marcus na panay ang sulyap sa kapatid ko sabay kagat sa labi," natatawang kuwento nito.

Humagikhik siya. "Iba ang kamandag ng kapatid mo," komento niya. "Pero paano mo nasigurong bakla nga? Umamin ba?"

"Umamin? No! Nahuli kamo. May dumating kasing isang lalaki tapos lumapit sa 'min. Akala ko kung sino, 'yun pala ex-boyfriend ni Marcus, gustong makipagbalikan. Kung makikita mo lang 'yung itsura ni Kuya kahapon, sobrang epic! Hindi siya makapaniwala."

Tinapik niya ang braso nito nang magsimula itong humalakhak. "Quiet, girl, nakatingin na sa 'tin si kuya," bulong niya.

"Ay sorry, kasi naman, sobrang fail. 'Yung gusto niyang ipakilala sa 'kin, sa kanya pa yata may gusto."

Natawa na rin si Hera. Sayang, parang gusto niyang makita ang eksenang 'yon. Kung hindi lang sana siya naging abala sa pagtulong sa wedding preparations, baka sumama siya kay Lynne kahapon. Pinaglaruan niya ang wine glass na nasa kanyang harapan.

Huminto sila sa pagkukwentuhan nang makitang tumayo na ang bagong mag-asawa at nagpunta sa gitna para magsayaw. Parehong nagniningning ang mga mata ng dalawa at malawak ang ngiti.

Her brother, Louie, looked so dashing in his white tuxedo and pants. His neatly styled hair and wide beam made him appear like a prince charming fresh from a fairytale book. Mica, on the other hand, was wearing an off-shoulder ball gown clad with embroided gems and stones. Kumikislap ang mga bato tuwing tumatama sa liwanag.

The reception took place in a luxury hotel somewhere in Quezon City malapit sa Basilica kung saan naganap ang wedding rites. The motif was amaranth pink and white, and almost 300 guests were invited.

Pumalakpak siya. Hera was one proud sister. Kahit kailan, hindi niya nakitang nagseryoso ang kapatid niya. Ngayon lang, kay Mica lang. Napangiti siya.

"Nga pala…"

Nilingon niya si Lynne. "Hm?"

"May trabaho na 'ko!" impit na sigaw nito na nagpalaki sa mga mata niya.

"For real?! Ni hindi ko alam na nag-apply ka na pala, grabe 'to."

Natatawang tumango ito. "Nag-send lang naman kasi ang application online, as in try lang. Pero ayun, sabi ko, saka ko na sasabihin 'pag sure na sure na."

"Saan?"

"Alam mo 'yung private hospital malapit sa 'min? Less hassle nga kasi almost 15 minutes lang 'yung time na mako-consume sa pagpunta ro'n kahit maglakad ako."

"Congrats!" sabi niya bago niyakap ang kaibigan. "Kailan ang start ng duty mo, Nurse Lynne?"

Hinampas naman siya nito sa balikat. "Agad-agad. By Monday, start na 'ko."

"Aw, Saturday na ngayon. Paano ako, sino na lang ang makakasama ko sa mga panahong nasa duty ka?" Pinalungkot niya ang mukha at suminghot-singhot pa na parang naiiyak.

Natawa naman si Lynne sa kanya. "Sabi ko kasi sa 'yo magtrabaho ka na ulit. Bakit ba ayaw mo? Sayang naman ang pagiging accountant mo."

Napalabi siya sa sinabi nito. "I'm taking a break." From the tiring, stressful and demanding work of an accountant.

Of course, wala namang trabahong madali. It's just that, kailangan niya talaga munang magpahinga. Buti na lang, sinuportahan siya ng pamilya niya sa desisyon niya. Kahit minsan, nang-aasar ang mga ito na palamunin na lang siya, alam niyang hindi siya pababayaan ng mga ito.

"Mayaman ka kasi kaya 'di mo problema ang pera, 'di mo rin kailangang magtrabaho," komento ni Lynne.

"Sa'n banda ang yaman ko, Lynne? Kung kagandahan, I wholeheartedly agree, pero kung pera, Kuya Louie is the answer."

Humagikhik naman ang kaibigan saka muling nagsalita ng tungkol sa kung ano-ano. Habang nagkukuwento si Lynne ay aksidenteng napatingin si Hera sa pwesto ni Chase. Halos takasan ng kulay ang mukha niya nang makitang nakatingin din ito sa kanya.

Napalunok si Hera. Gusto niyang mag-iwas ng tingin pero parang hinihigit siya ng mga mata nito.

Nagulat siya nang tumayo ito. Sinundan niya ang buka ng bibig nito—mukhang nagpaalam sa mga kasamahan na pupunta sa kung saan. Itinuro nito ang daan patungo sa restroom. Napatayo rin siya pero nang makitang nakatingin sa kanya ni Lynne ay bumalik siya sa pagkakaupo.

"Bakit?" takang-tanong ng kaibigan niya.

Napakamot naman siya sa ulo. "CR lang ako."

"Sama ako." Tumayo si Lynne pero agad niya itong pinigilan at pinaupo. Nagtatakang napatingin ito sa kanya.

Nginitian niya lang ito. "Wag na, saglit lang ako. Bye." Saka siya tuluyang tumalikod at mabilis na naglakad paalis.

Malakas ang kabog ng kanyang dibdib. She knew she was acting like crazy but she couldn't stop herself. Parang may sariling buhay ang katawan niya. Lumiko siya sa kanan patungo sa restroom ngunit isang kamay ang nagtakip ng bibig niya mula sa likod. Kinabig siya nito kaya napasandal siya sa pader.

Pumadyak-padyak siya. Nagsisimula na siyang kabahan nang biglang magsalita ang may hawak sa kanya, "Bakit mo 'ko sinusundan?"

Napalunok siya nang tanggalin nito ang pagkakahawak sa bibig niya. Dahan-dahan siyang humarap dito at napakurap nang makita ang mukha ni Chase.

Pinilit niyang magsalita pero parang may bumara sa lalamunan niya. Lumunok siya nang ilang ulit at pinaypayan ang sarili gamit ang kamay, habang ang lalaki sa kanyang harapan ay mataman lang siyang tinitingnan.

"Bakit mo 'ko sinusundan?" ulit nito.

"Sinusundan? People go to the restroom to either take a pee or… you know. Naiihi ako, so let me go," palusot niya.

"Really? Sabi ng Logic freak sa harap mo, that's false dilemma. People go to the restroom not just to pee or you know. There are hundred reasons why."

Napairap siya. Hindi na siya nagulat nang bumanat na naman ito ng logic. Ang mas ikinagulat niya ay nang tumalikod na ito at naglakad palayo. Napakabastos! Pagkatapos ng ginawa nito kanina, ito pa ang may ganang mag-walkout.

Sinundan niya ito at hinigit sa braso. "Wait lang," aniya.

Tinanggal nito ang kamay niya mula sa braso nito kaya napasimangot siya.

"Hera, you're wasting my time," sabi nito nang makalipas ang ilang segundo.

Wasting his time? Wow ha! Napabuga siya ng hangin. Sa sobrang inis, inunahan na niya ito sa paglalakad nang makita niyang paalis na ito. At least, mukhang siya ang nag-walkout.

Irtitableng binalikan niya ang pwesto nila ni Lynne at pasalampak na umupo sa upuan. Pinaypayan niya ang sarili. Pakiramdam niya, sinayang lang niya ang oras sa pag-iisip dito. Bakit ba kasi affected siya sa halik na 'yon? It wasn't even her first kiss!

"Hoy, ba't pairap-irap ka d'yan? What happened?" tanong ni Lynne.

"Mainit," ang ulo niya kay Chase, that's what it was.

Tumango ito. "Maingit nga talaga. By the way, nilapitan ako ng Mommy mo noong nasa CR ka. She was ecstatic na pumasa ako sa board. She gave me this." Itinaas ni Lynne ang isang paperbag na halatang alahas ang laman.

Sa isang iglap, nawala ang init ng ulo niya at napalitan ng pagkamangha. "Wow!" she exclaimed. She's 100% sure it was a necklace. Mahilig kasi ang Mommy niya sa kuwintas.

"Samantalang no'ng pumasa ako sa board, ang ibinigay sa 'kin e washing machine at sangkaterbang detergent. Matuto raw akong maglaba," kunwaring nagtatampong niyang sabi.

"Sus, naglalambing lang 'yon sa 'yo. Saka alam kasi ni Tita na ginagawa mo akong driver pag lasing ka. Tagahatid, tagalinis ng suka. My gosh, ngayon ko lang na-realize kung gaano mo 'ko inaalila."

Hera snorted. "Alila talaga?"

Nag-peace sign ito. "Nga pala, sabi ng mommy mo, paalis din sila agad ng dad mo pagkatapos ng kasal?"

"Yup. They will celebrate their 30th wedding anniversary in Hawaii."

"Oo nga raw." Nagtaas ito ng dalawang kilay saka siya nginitian nang makahulugan.

"What?"

"Actually, may pabor talagang hinihingi si Tita kaya niya ako binigyan ng regalo, e." Natatawa si Lynne habang umiiling. "Hindi ka maniniwala rito!"

Napalunok siya, bigla siyang kinabahan nang gamitin na naman nito ang tonong 'yon. "Ano?"

"Sa inyo raw muna ako habang nasa honeymoon ang kuya mo at si Ate Mica. Samahan daw kita."

Oh. Sumilay ang ngiti sa labi niya. Not a bad idea. Hindi rin naman talaga siya sanay na walang ibang kasama sa bahay. May mga katulong sila pero umuuwi ang mga ito tuwing gabi.

Kinapitan niya ang braso ng kaibigan. "Pumayag ka ba? You need to! Sige na, pumayag ka na para may kasama ako," she pleaded.

Bumagsak ang balikat niya nang umiling ito.

"I can't."

"Why?"

"Because I have another idea. Mas maganda." Humagikhik ito. "Mas magugustuhan mo 'to."

Nagtaas siya ng isang kilay. "Ano naman?"

"Instead of me, why don't you stay in our house instead? Mas masaya 'yon!" Iniyugyog nito ang balikat niya.

Hindi na siya makangiti. "Are you serious?"

"Of course!" Sa ngisi pa lang ng kaibigan, parang alam na niya ang ibig nitong sabihin.

Chase.