Chereads / Alchemic Chaos: Fate / Chapter 22 - Kabanata Katorse: Lihim na kaganapan (3)

Chapter 22 - Kabanata Katorse: Lihim na kaganapan (3)

Tumingin si Ringo sa naka-yuko na kawal sa kaniyang harapan at pinunasan ang luha sa kaniyang mga mata. "Ano ang iyong kailangan? Isalita mo ang sadya mo," wika niya.

Agad dumiretso ang postura ng kawal. "Kamahalan! Ang mga diablo ng kanluran ay gumagawa na nang paraan upang sakupin ang buong kontinente! Ang kaharian ng Cera ay nasakop na nila at ang mga naninirahan kung hindi nagsimatayan ay naging mga bato!" Naalarma ang emperador sa narinig.

Matagal nang nanahimik ang mga diablo ng kanluran mula noong sila ay selyohan ng mga bihasang mga nilalang noong apat na daang taon na ang nakakalipas at ang tanging makakaalis sa selyo ay isang malakas na nilalang na gamay ang maitim na mahika o isang napakalakas na alkmemista. Hindi lubos maakala na may nilalang na makakagawa nito sa panahon ngayon at ang tanging makakatalo lamang sa mga ito ay mga bihasa sa alkemiya at mahika na lagpas antas sampu.

Isa siya rito ngunit hindi niya kakayaning mag-isa.

Saan siya makakahanap ng mga kasama?

"Tumawag ka ng pagpupulong, isama mo si Vien na ngayo'y inyong heneral. Tawagin ang mga bihasa sa alkemiya na ating kinasasakupan o kung kaya niyong humingi ng tulong sa iba pang kaharian. Kailangan nating magka-isa, siguraduhin niyong mga tapat lamang ang kukunin niyo at huwag itong ipaalam kay Tsukino. Nagkakaintindihan ba tayo?" utos niya kay Vien at sa isa pang kawal; si Vien na mukhang hindi makapaniwala na pinataw niya rito ang pagiging heneral.

"Makakaasa kayo, kamahalan!" ani ng isang kawal; Si Vien ay tunganga pa rin at hindi makapagsalita.

"...Ngunit, kamahalan! Ako ay isang walang silbi at walang dangal na kawal! Bakit niyo ako pinatawan ng ganitong rango?" sa wakas ay nakapagsalita na si Vien.

Umalis sa kaniyang trono ang emperador at pumunta sa may malaking bintana; pinagmasdan ang pulang kalangitan at ang unti-unting pagkamatay ng mga halaman na dala ng mga diablo ng kanluran.

"Ang talino at katapan mo ay sapat na upang patawan kita ng ganitong rango. Pinagkatiwalaan ka ng aking yumaong kuya noon at gagawin ko rin ito ngayon, huwag mo sana akong biguin, Vien," wika niya at tiningnan si Vien.

"P-Pero..."

"Tatanggapin mo na o hindi?"

"M-Masusunod kamahalan!" sa wakas ay pumayag na si Vien at lumapit sa kaniya.

"Hindi ko po kayo bibiguin, kamahalan! Makakaasa po kayo!" yumuko ito.

"...Ngunit kung hahanap po kayo ng mga mahuhusay sa alkemiya..." nagaalangang wika nito.

"Ano iyon? Ano ang nasa isip mo?"

Sumeryoso ang tingin ng kaniyang bagong heneral. "At kung nais niyong maibalik si binibining Kira, kailangan niyong mapaniwala siya na hindi kayo kalaban dahil maniwala kayo sa hindi...kailangan niyo rin ang kaniyang kapangyarihan sa labang ito pati na rin ang-"halimaw" na tinuturing ninyo."

SAMANTALA, sa pasukan ng gubat na pagmamay-ari ni Xerxes ay may isang naka-nakabalabal na lalaki na tahimik na naglalakad papasok, hindi man lang nababahala sa mga halimaw na halaman na mukhang hinahayaan lamang siyang pumasok na para bang kilala na siya nito.

"Kamusta ka na kaya, Dmitri? Alam mo na kaya ang mga nangyayari sa labas? At kung gaanong kailangan ng buong kontinente ang iyong kapangyarihan?" mahinang usal ng lalaki na mukhang kilalang-kilala ang may-ari ng gubat.

Paanong hindi makikilala ng dating hari ng Krūó ang lalaking hinayaan siyang mabuhay noong sinakop ng Titania sa pamamahala ng heneral na si Kira ang kaniyang bayan at pinatapon siya ng hari sa gubat na ito upang patayin siya ng "halimaw."

"Hanggang ngayo'y halimaw pa rin ang turing nila sa iyo, Dmitri?" tumawa ang lalaki at pinagpatuloy ang pagbabagtas sa gubat patungo sa tahanan ni Xerxes.