Chereads / Alchemic Chaos: Fate / Chapter 23 - Kabanata Kinse: Banta ng kasamaan (1)

Chapter 23 - Kabanata Kinse: Banta ng kasamaan (1)

Natagpuan ng batang si Kira ang sarili na nasa loob ng isang luma at mabahong kulungan. Umiiyak pa rin ang bata dahil sa pagkamatay ng kaniyang ama; hindi niya pansin ang isang kalansay sa kaniyang tabi.

Hindi maalis sa kaniyang isipan ang brutal na ginawa ng mga kawal sa kaniyang ama, ang ginawa ng mga ito sa kaniyang kaharian at ang pagpugot ng mga ulo ng mga kaniyang kababayan kani-kanina dahil sa pagsuway ng mga ito sa hari ng Titania.

"A-Ama! Ama!" panaghoy ng bata habang mahigpit na hinawakan ang rehas ng kaniyang kulungan.

Maya-maya pa ay nakarinig siya ng mga yabag na papunta sa kaniyang kinaroroonan, ngunit wala siyang pakialam at patuloy na umiiyak.

"A-Ama! Dalhin niyo ako sa ama ko!" Palapit nang palapit ang mga yabag hanggang sa nakita na niya ang dalawang paa na nasa harapan ng kaniyang kulungan.

"Ito na ba ang anak ng konde? Kung hindi lang ito bata ay baka ginawa ko na itong aking bagong asawa," natatawang ani ng isang pamilyar na boses; boses ng halimaw na siyang nag-utos na sirain ang kaniyang tirahan at patayin ang kaniyang ama.

Naramdaman ng bata ang galit sa kaniyang sistema at niyugyog ang rehas. "Pakawalan niyo ako! Halimaw ka! Pinatay mo ang tatay ko... Ang sama-sama mo!" asik ng bata at patuloy na yinuyugyog ang rehas na siyang dahilan ng pagyanig nito.

Bakas ang galak sa mukha ng hari sa nakikita. Alam niyang kapag magpapatuloy pa ang ginagawa ng bata ay babagsak ang selda. Sa taglay ng bata ay tiyak na magagamit niya ito kaya't mainam na huwag niya itong patayin...sa ngayon.

"Buksan mo ang kulungan niya," utos niya sa kawal na kasama niya na mukhang nag-aalangan.

"N-Ngunit, kamahalan?"

Matalim niyang tiningnan ang kawal. "Sa tingin mo may magagawang masama ang paslit na ito sa akin?" ngiti-ngiting wika nito at nagawa pang lumuhod para mapantayan ang bata; hinawakan ang baba nito; ang kaniyang kamay ay kinagat ng bata at siya ay sinigawan.

"Hayop ka!" tumawa lang ang hari at sinenyasan ang kawal na gawin ang kaniyang utos.

Tumalima naman ang kawal at nanginginig na binuksan ang selda; sa pagbukas nito agad na tumakbo ang bata papunta sa hari at pinagsisipa ang binti nito.

"Masama ka! Masama ka!" muling tumawa ang hari at binuhat ang nagmamaktol na bata; humahanga siya sa tapang nito na magagamit niya at sa lakas nito na itanggi man niya, ang sipa nito ay nagpamaga sa kaniyang binti.

"Tawagin mo ang mayordoma, ipahanda ang isa pang silid at maghanda ng pagkain at damit para sa batang ito."

"N-Ngunit, kamahalan?" isang masamang tingin ang pinukol ng hari sa kawal at agad itong tumakbo palabas upang gawin ang kaniyang sinabi.

"Hindi ako sasama sa iyo! Patayin mo na lang ako! Gusto kong makasama ang ina at ama ko!" hikbi ng bata at pinagsusuntok ang likod ng hari.

Tumawang muli ang hari at pinaharap ang umiiyak na bata; bakas ang takot sa mga mata nito kahit na pinipilit nitong magmatapang. "Hindi ka maaring mamatay, bata. Ang aking mga bihag ay namamatay ng walang dangal sa aking serbisyo at iyon din ang mangyayari sa iyo..." marahas nitong hinaplos ang buhok ng bata.

"...Ngunit, kung gusto mong makaganti sa akin at mamatay ng may dangal, kailangang alisin mo muna ito ngayon, dahil...may pagkakataon kang patayin ako kung malapit ka sa akin, 'di ba?" tiningnan ng hari sa mata ang batang babae.

Alam ng bata na tama ang sinabi ng hari...may pagkakataon siyang maghiganti.

Dalawang taon na ang lumipas at maayos ang pagtrato ng hari ng Titania sa bata. Pakiramdam ni Kira ay mabait ito ngunit hindi pa rin maalis sa isipan ni Kira ang mga ginawa nito sa kaniyang kaharian at mga magulang.

Ngunit—agaran namang nawala ang tingin ni Kira na mabait ang hari noong minsan ay nasa hardin siya ay nakita niya itong may kinakaladkad na batang mukhang mas matanda sa kaniya; halos wala nang saplot ang bata at puno ng pasa, sugat at naliligo sa sariling dugo.

Mukhang nawalan na nang malay ang bata ngunit patuloy pa rin ang pagkakaladkad ng hari dito; nagtago sa may halaman si Kira habang pinapanood ang pangyayari.

"Gising! Malakas ang loob mong suwayin ako 'di ba? Ngayon, dapat malakas din ang loob mong tanggapin ang lahat ng parusa," asik ng hari at kinuha ang latigo na nakasabit sa may bewang nito at nagsimulang latiguhin ang kawawang bata.

Naalala ni Kira ang ginawang panlalatigo ng hari sa kaniyang ina bago ito tuluyan. Nag-init ang mga mata ni Kira sa galit sa naalala at hindi niya napigilang umiyak; pigil ang hikbi niya upang hindi siya marinig ng hari.

Tiningnan niyang muli ang batang lalaki na ngayo'y sumusuka ng dugo, maya't pa ay dumako ang pagod na tingin nito sa kaniya; mga tingin na tila nangungusap na sinasabing "umalis ka na".

Sa hindi malamang dahilan ay umalis siya; punong-puno ng luha ang mata. Nang medyo makalayo siya ay kumaripas siya nang takbo habang humihikbi.

Lumipas ang mga taon at nakalimutan na ni Kira ang pangyayari, hindi na rin niya nakita ang batang lalaki simula noong tulungan niya ito dalawang linggo pagkatapos nang makita niya itong sinasaktan ng hari. Ngunit, naalala niya pa ang huling sinabi nito sa kaniya...

"Huwag kang padalos-dalos sa loob ng palasyo, sarili mo lang ang dapat mong pagkatiwalaan dahil ang sobrang pagtitiwala ay maaring magdala sa iyo sa kapahamakan."

Naging paborito siya ng hari dahil sa kaniyang mga nagawa, kung kaya't parang prinsesa ang trato nito sa kaniya lalo na noong nakuha niya ang pulang bato ng Infrtr sa bulkan ng Invecti; pinaniniwalaang pugad ng mga sinumpang nilalang, ngunit sa kabila ng mga ginagawa niya sa hari ay tinutulungan niya pa rin ang mga dinehado nito kahit na patago lamang ang kaniyang ginagawa.

"Hindi lahat ng kabutian sa kapwa ay susuklian ng katulad na kabutihan."

Tagaktak ang pawis ng dalagang natutulog sa isang kama, tila siya ay binabangungot dahil minsan ay sumisigaw din siya. Hindi rin mapigilan ng kaniyang katawan ang paglipat-lipat ng puwesto sa higaan at tumulo ang mga butil ng luha sa mga mata.

Hindi nito alintana ang dalawang boses na naguusap sa kaniyang tabi.

"Ano ba ang alam mo bubwit? Tingnan mo si Kira, nahihirapan siya ngayon pero kung patatagalin pa ang ibang problema ay baka hindi na niya kakayanin," ani ng isang maskuladong boses.

"Bakit ka may pakialam kay Kira? Importante ba siya sa iyo—"

"Tumahimik ka, bubwit!"