CHAPTER 3
*2 weeks after the wedding*
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa muka ko. Anong oras naba? Tinignan ko ang oras sa phone ko 6:00 am na pala. Bumaling ako sa gilid ko at wala ng Caleb ang nakahiga.
Napa buntong hininga nalang ako at tumayo. Ano pabang aasahan ko? Ang magising na nasa tabi ko siya at sabay kaming gigising at mag babatian ng good morning? Asa pa ko.
Lumabas na ako ng kuwarto at dumaretso sa kusina. Simula ng ikasal kami ni Caleb nag desisyon siyang sa condo unit niya nalang kami tumira at wag ng mag hire ng mga maids. At first ayaw ni mommy but in the end pumayag din siya sa dahilan ni Caleb na dalawa palang naman daw kami at saka na kami lilipat sa malaking bahay kapag may mga anak na kami tsk, ni hindi niya ako matingnan ng matagal mag ka anak pa kaya?
Sana nga lagi nalang namin kasama sila mommy dahil kahit papaano ang sweet at ang caring niya sakin kapag kaharap namin sila. How i wish na sana hindi nalang pag papanggap ang ginagawa namin sa tuwing may kaharap kaming ibang tao, na sana totoo talaga.
Kumuha ako ng baso at kumuha din ng tubig sa ref na walang kalaman laman kundi puro mga beer ni Caleb, napailing nalang ako. Uminom na ako ng tubig. Ano kayang magandang lutuin para mamayang gabi? Walang kalaman laman ang ref. Chineck ko ang cabinet pero puro mga noodles ang nakalagay. Hayy mukang kailangan ko atang mag grocery.
Pumasok uli ako sa kuwarto namin ni Caleb para maligo at mag ayos. After kung mag ayos ay kinuha ko na ang car key ko at ang phone at wallet ko saka lumabas. V neck white t-shirt at jeans shorts lang ang suot ko since sa grocery store lang naman ako bibili.
Nang makarating ako sa parking lot ay pinatunog ko na ang alarm ng kotse ko at pumsok na ako sa loob at minaobra ko na ito saka pinaandar. Saglit lang akong naka rating sa grocery store pinark ko kaagad ito at lumabas na.
Maraming kulang sa Condo unit namin ni Caleb kaya marami rin akong binili. Matapos kong mabili lahat ng kailangan namin ay papunta ako sa counter ng mabungo ang cart ko ng isa pang cart. I was about to nag the guy who bumped my cart but to my surprise it was Jacob my best friend nung high school.
"Jacob?/Rianne?" Sabay na sigaw namin. Natawa kaming dalawa. He gave way and i said thanks to him.
"Since when kapa naka balik from america?" I asked sabay kaming naka pila ngayon sa counter.
"Last week lang. Ikaw kamusta kana? Ang laki ng pinag bago mo ah. You become more beautiful." I smiled. I raised my left hand para ipakita ang wedding ring namin ni Caleb.
"Wow, really? At hindi talaga ako invited ah?" He said amusingly habang natatawa.
"Yep last last week lang. And sorry kung di na kita nainvite, wala na akong contact sayo simula ng umalis ka eh. And besides we made our wedding private." Napatango tango naman siya sa sinabi ko.
"Kaya pala hindi nakarating sakin na kasal kana pala." He said na parang may halong bitterness or nag ha-hallucinate lang ako?
"But anyway, are you happy with him?" He unconsciously asked habang palabas kami ng store. What should i say? Sasabihin ko bang hindi dahil ang totoo ay hindi naman talaga ako mahal ng asaw ko or should say yes?
"Yep! Super happy!" I said and gave him an assuring smile. He nod and smiled back at me. Lie! A big lie! Pero ano nga bang magagawa ko? Alangan namang sabihin ko ang totoo edi masisira ang image ni Caleb.
Pinatunog ko na ang alarm ng car ko at binuksan ang back seat para dun nalang ilagay ang pinamili ko.
"Let me help you." He offered kaya naman binigay ko sa kanya yung mga pinamili ko at siya na ang nag lagay at nag sara ng pinto.
"Thanks." I smiled at him. Kahit papaano namiss ko din itong lalaking to. He's my best friend since high school kaya nga lang ng mga 3rd year collage na kami, his family decided to migrate in america for good. Pero ang laki din ng pinag bago niya. Mas naging define ang mga muscles niya compare noong patpatin palang siya. I smile at the taught.
"San kaba naka tira ngayon? Ihahatid nalang kita convoy nalang marami kang dala baka mahirapan ka sa pag bitbit. Anyway nasan ang asawa mo?"
"Ah, he's at work busy siya." Where in fact hindi ko alam kung nasaan siya. Pumayag ako sa offer ni Jacob dahil may point siya sa sinabi niya. Nasa 10th floor kami at ako lang mag isa mas mapapadali kong tutulungan niya ako. Wala namang masama dahil kaibigan ko naman si Jacob.
Pumasok na ako sa loob at pinaandar ang kotse ko. Nakarating din naman agad kami sa parking lot at nilabas na namin ang mga pinamili ko at nag hati kami ng bitbitin.
"Nice place." He said habang nag lalakad pa punta sa kusina namin. Yeah we have a nice place. Hindi mo rin masasabing nasa condo ka dahil sa bungalow style niya. I can say that Caleb has a good taste.
"Sige Ri, have to go may gagawin pa kasi ako eh see you soon!" He said saka lumabas ng pinto habang kumakaway ng patalikod. Natawa nalang ako sa inakto ni Jacob. Sinarado ko na ang pinto saka bumalik sa kusina. At inayos ang mga pinamili ko. I decided na itago sa isang cabinet ang mga beer ni Caleb para mailagay ko pa ang ibang mga napamili ko. After kong gawin yun ay nag simula na akong mag prepare ng lulutuin ko. I decided to make a fish fillet.
7:30 pm na so i decided na mag shower na muna. Nag suot lang ako ng pajama at spaghetti strap na sando. Kanina pa din ako nagugutom kaya mauuna na akong kumain dahil feeling ko mamaya pa uuwi si Caleb. Saan kaya siya nag punta?
After kong kumain at hugasan ang pinag kainan ko i decided to watch a tv and wait Caleb.
*bogsh!*
Nagising ako sa napakalakas na kalabog ng pinto and i saw Caleb na pasuray suray na nag lalakad pa puntang kusina.
"C-Caleb anong nangyari sayo?" Hinawakan ko siya sa balikat pero tanabig niya lang ang kamay ko. Padabog niyang nilapag ang baso at dumaretso siya sa kuwarto namin. Sinundan ko siya i saw him na naka higa na siya sa kama. He is really drunk. I heave a sigh.
Pumunta ako sa walk in closet namin at kumuha ng damit niya para palitan siya ng damit. Lumapit ako sa kanya at sinimulang hubarin ang white polo niya tears suddenly fell into my eyes as i saw a lipstick stain on his chest. Ang sakit! Bakit kailangan niyang gawin sakin to?
Hindi ko mapigilan ang mga luhang rumaragasa sa mata ko pero pinilit ko paring bihisan si Caleb. Matapos ko siyang bihisan ay papunta na sana ako sa cr kung saan nakalagay ang lagayan ng maruruming damit namin ng hawakan ni Caleb ang kamay ko.
Hindi ako makagalaw dahil sa higpit ng pag kakahawak niya saakin. Tinignan ko siya pero naka pikit parin siya.
"Please Clarissa don't leave me..." he said in a husky voice. Again nag unahan nanaman ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.