CHAPTER 8
Rianne's Pov
Limang buwan na ang nakaka lipas mag mula ng makita ko ang galit na galit na si Caleb. At sa limang buwang nakalipas ay hindi parin nag babago si Celeb. In fact, mas lumala siya ngayon.
After ng pangyayaring iyon, he never treated me as his wife. Gabi na siyang umuuwi well that's not new but this time kapag uuwi siya hindi pwedeng walang kasamang babae. Mas naging mainitin ang ulo niya at parati na niya akong pinag bubuhatan ng kamay. And almost every night na namin iyon ginagawa.
Nandito ako ngayon sa café dahil may usapan kami ni Jane. Jacob is now busy with his business kaya bihira na siyang nakaka sama saamin.
"Ri, may nakuha akong magaling na abogado para sa kaso niyo ni Caleb. In fact nasakin na ang annulment paper. Pwede ka ng mag file ng annulment! Dapat mo ng itigil yang pagiging martyr mo sa asawa mo!" Nagulat ako kay Jane ng hampasin niya yung lamesa at bahagyang napatayo. Nakaka hiya sa mga tao dito pinag titinginan kami! At bakit ang bilis ng processing ng papers?
"Maupo ka nga! Nakakahiya ka ang daming tao oh!" Saway ko sa kanya. Ano ba naman tong babaeng to.
"Hehehe sorry po, sige po ituloy niyo lang po yung ginagawa niyo. Masarap po coffee dito try niyo po. Hehehe." Nahihiyang napa upo si Jane habang nag p-piece sign sa mga taong naka tingin sa kanya.
"Sorry nadala lang ng emosyon." Pahabol niyang sabi sakin. Napa iling nalang ako sa kabaliwan niya.
"San mo ba nakuha yan? Mamaya peke yan! At bakit ang bilis ng processing niyan?" Totoo naman eh. Hindi ko alam kung kanino niya pinagawa yung papers, mamaya peke pala yun.
"Remember the time na una akong bumisita sa inyo at nalaman ko ang sitwasyon mo? I decided na humingi ng tulong sa kaibigan kong attorney na mag file siya ng annulment papers para sa case mo and don't worry safe to. Hindi ka mapapahamak dito." Inabot niya sakin ang brown envelope.
"Sorry Jane but i won't take this. May hope parin ako na mag babago siya. At yun ang pinanghahawakan ko." Mahal na mahal ko si Caleb at hindi ko kayang iwan siya.
"Rianne ilang months kanang nag dudusa kay Caleb! Wag ka ng umasang mag babago pa siya! Ano, hihintayin mo pang pumuti ang uwak? Hindi na puputi yun! In short wala ng pag-asa! Rianne wake up!" Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Lahat ginawa ko para mag bago si Caleb. Pinag silbihan ko siya, nag sunod sunuran ako sa kanya. Lahat, para lang magawa niya akong tanggapin. Simula ng maikasal ako kay Caleb hindi na ako naka ranas maging masaya. Puro sakit ang nararanasan ko sa kanya. Nakalimutan ko na nga atang maging masaya.
"Hindi sa ganon Jane, oo napapagod na ko pero mahal ko talaga si Caleb. Ayokong mag hiwalay kami. Meron pa naman akong natitirang pag asa na mag babago pa si Caleb."
"So ano? Uubusin mo yan hanggang sa masagad ka? Sige! Bahala ka. Alam mo Rianne kung may award lang ang pagiging tanga at martyr, siguro ikaw na ang nabigyan. nahakot mo pa nga ata." Siguro nga. Siguro ang dami ko ng trophies pag nag kataon.
"Hindi rason ang mahal lang Rianne, oo nga't mahal mo si Caleb pero ikaw naman ang nag dudusa. Minsan kailangan mo ding umalis sa sitwasyong alam mong hirap na hirap kana, kahit mahal mo pa. Bitaw bitaw din pag may time."
Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya.
"Take this with you. Pirmahan mo nalang kapag nauntog kana sa katangahan mo kay Caleb. Sorry for the word Rianne, kaibigan kita at ayokong nasasaktan ka pero sa ginagawa mo mas inilalagay mo ang sarili mo sa sakit. Kung hindi ka naaawa sa sarili mo, pwes ako, awang awa na sayo."
Tama si Jane, matagal din akong nag dusa sa sakit na ipinaramdam sakin ni Caleb. But i still won't give up. I'm going to hold this one last hope at kapag hindi ko na kaya bibitaw na ako.
****
Gabi na ako naka uwi dahil nag pasama pa si Jane sa mall at bibilhin niya daw ang bagong labas na bag ngayon. Ewan ko ba diyan kay Jane masyadong materialistic. Oo nga pala hindi ako nag paalam kay Caleb na aalis ako. Paniguradong magagalit siya sakin kapag nalaman niyang umalis ako.
Well, for sure naman wala pa siya. For sure, nangbababae nanaman siya.
Binuksan ako na ang pinto at pumasok sa loob. See wala pa si Caleb? Sinara ko na ang pinto at binuksan ang ilaw.
Pumasok ako sa loob ng kuwarto namin at binuksan ang ilaw saka dumaretso sa walk in closet para mag palit ng damit. Teka, bakit parang bukas ang shower sa cr? Mas lumapit pa ako dito para ma sure kung tama ang narinig ko pero hindi nga ako nag kamali. Bukas ang shower and i saw Caleb na naliligo sa loob. And what's more shocking ay may kasama siyang babae sa loob.
I hear the girl moan at the same time ay si Caleb. Hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko. Akala ko immune na ako sa lahat ng ginagawa ni Caleb. Akala ko kaya ko pa. Napaatras ako ng makitang lumabas silang dalawa. Pareho na silang may tuwalyang saplot.
Napalabas nalang ako ng kuwarto at lumabas ng unit namin at sumakay ng elevator. Nanginginig kong pinindot ang button papuntang rooftop. Tumunog ito at lumabas na ako.
Nag lakad ako sa railings at doon ko sinigaw ang lahat ng frustrations ko.
"Ahhhhhh!!! Ayoko na!! Pagod na pagod na ako! Ang sakit sakit na..." Napahagulgol nalang ako at napaupo. Ang sakit sakit na. Akala ko mapanghahawakan ko pa ang last hope na meron ako pero hindi ko na pala kaya.
Napaupo nalang ako at niyakap ang mga tuhod ko. Iniyak ko lahat lahat. At ngayon ko lang nagawang umiyak ng ganito. Pero ang bigat sa puso ko ay hindi manlang mabawasan.
Napatingala ako ng maramdamang may tao sa harap ko. Napatingala ako at bumungad sakin ang panyon. Tinitigan ko ito at tinanggap ko rin naman. Ingat ko pa ang muka ko para makita ang taong nag abot nito. Matangkad siya at malumanay na nakangiti saakin. To be honest hindi ko siya kilala. At ngayon ko palang siya nakikita.
"Mukang sobra na siguro yang sakit na nararamdaman mo at hindi mo na kinaya." He said at umupo rin sa tabi ko.
Hindi ako nag salita.
"Hindi ko alam kung sino ang dahilan ng pag iyak mo; but i'm sure that you are really hurt. Kung hindi mo na kaya itigil mo na. Tama na ang sakit na naranasan mo sa taong walang ginawa kundi ang saktan ka. You don't deserve someone like him and he don't deserve you." Tamayo ni siya at nag simulang mag lakad. Hindi ako nakapag salita sa mga sinabi niya. At tanging pag titig sa matipunong likod niya lang ang nagawa ko.
He stopped walking. "Oh, i forgot. Ayokong mag paka mysterious sayo. Ako nga pala si Yohan." He said then smiled at me saka dumaretso at pumasok sa elevator.
*******