Chereads / His Unrequited Love / Chapter 8 - Great Pretender

Chapter 8 - Great Pretender

CHAPTER 6

Rianne's Pov

"Just don't mind her, she's just my maid. Hindi lang kasi siya sanay sa nakita niya."

And that slap me. I'm just his maid. Oo nga pala hindi niya gusto o ginustong mag pakasal sakin. But hindi ba pwedeng hindi niya nalang sabihin yon? Kasi sobrang sakit sobra. Kumbaga sa boxing, knockout na ang puso ko, Bugbog sarado na. Pero kahit ganon, pilit parin siyang tumatayo at lumalaban.

"Really? Okay, can you make a juice for me? Don't put too much sugar okay." Ang lakas ng loob ng babaeng to! Pero tumayo din ako ng marinig ko ang pag tawag ni Caleb sakin.

Kahit nanghihina ay pinilit ko paring tumayo para gawan ng juice ang bwiset na babaeng yun. Pumunta ako sa kusina and i saw Caleb drinking his beer. I can see no regrets at all. Wala manlang bahid ng awa sa mga mata niya.

Napayuko nalang ako at sinimulang timplahan ng juice ang babae. After that ay inabot ko na ito sa babae. Kung may lakas lang ako ng loob, kanina ko pa binuhos sa muka niya itong juice at pinalayas siya.

"Thank you." She sweetly said. Naka upo siya ngayon sa lap ni Caleb. Nagulat ako ng ibuga niya yung juice.

"What the heck?! Bakit ang alat nito?! Pinag lalaruan mo ba ako?!" Para siyang dragon sa galit, umuusok ang ilong. Napatayo silang dalawa marahil ay pareho silang nabasa.

"S-sorry hindi ko napansin na iodized salt ang nailagay ko." Which is true. Sa sobrang kalutangan ko hindi ko na namalayan yung nakuha ko ay iodized salt na pala.

Sinampal niya ako ng sobrang lakas. Kanina pa ako umiiyak hindi ba to matatapos?!

"Shane, go ahead ako ng bahala dito." Awat niya sa babae na Shane pala ang pangalan.

"What?! Okay fine!" Kinuha niya ang bag niya at padabog na umalis.

Nang maka alis na si Shane sakin naman bumaling ang tingin ni Caleb. Hindi ako magalaw sa kinakatayuan ko at tanging pag yuko nalang ang nagawa ko.

Napahawak ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko. Ang sakit pakiramdam ko mag kakapasa ako bukas.

"C-caleb t-teka ang sakit. Caleb nasasaktan ako!" Hindi ko mapigilang hindi mapasigaw. Bintawan niya ako sa gulat niya na sa wakas ay lumaban ako kahit papaano.

"Wala kanang nagawang tama! Ang palpak mo! Napaka walang kwenta!" Inihagis niya ako sa kama at siya namang pag talikod niya sakin sabay hawak sa sentido niya.

"Maawa ka naman sakin please nasasaktan na ako." Napaupo ako sa kama ng sabihin ko yun. Hindi ko alam kung saan ako naka kuha ng lakas ng loob para masabi ko sa kanya iyon.

Natawa siya. "Ikaw ba Rianne? Hindi kaba naawa sakin noong mga panahong nasasaktan ako. You took the chance na mapasayo ako sa panahong nanghihina ako. And you took the chance na pwede pang maging kami ni Clarissa!"

Kinuha ko ba talaga ang chance na nag hiwalay sila ni Clarissa para lang mapa sakin siya? Hindi ko alam na ganon ang iniisip niya.

"Hindi totoo yan! Oo sige! Let's just say that i took the chance nang mag hiwalay kayo ni Clarissa. But Caleb, i did it because i want to replace Clarissa, gusto ko siyang palitan sa puso mo." Tumulo nanaman ang traydor na luha ko. "Kasi ako hindi kita kayang iwan. Hindi ko gagawin ang ginawa ni Clarissa sayo kasi mahal kita."

"That's bull sh*t. Tandaan mo to Rianne, no one can ever replace Clarissa. Not even you." And he left me dumbfounded. Napa hagulgol nalang ako sa pag iyak.

Siya na ang nag sabi, hinding hindi ko kayang palitan si Clarissa sa puso niya. Pero umaasa parin akong mababago ko ito. He is just blinded by Clarissa. At gagawin ko ang lahat para mawala ito at makita niya ako.

Sana lang hindi mahuli ang lahat dahil kahit papaano ay napapagod din ako.

****

Nagising ako sa biglaang pag bukas ng ng kurtina namin. Maka ilang pikit pikit pa ako bago ko maaninag si Caleb na nakatalikod saakin. Bagong ligo siya. And his broad shoulder is showing. Hindi ko alam kung paano niya pa nami-maintain ang ganyanf ka gandang katawan, eh hindi ko siya nakikitang nag g-gym.

I notice his wet hair na tumutulo pa, it makes him more hot. He is the perfect adonis for me. Hindi narin ako mag tataka kung bakit maraming nag kakansarapa sa kanya.

"Go fix your self and get ready pupunta tayo sa bahay niyo ngayon." Nasabihan pala siya ni Daddy kahapon. I secretly smile. Tumayo na ako at dumaretso sa cr para maligo. After a minute ay lumabas na akong cr. I do some rituals first like putting some lotion then kinuha ko na ang mustard yellow kong floral dress and nag sandals lang ako.

I need to look blooming para hindi mahalata ni mommy na parati akong umiiyak. Knowing her, napaka observer niya.

****

Hapon na ng makarating kami sa bahay namin. Sobrang traffic ngayon dahil friday. Umulan pa.

"Ija, Caleb, you're finally here! Akala ko mas-stuck na kayo sa traffic." Masaya kaming sinalubong ni mom at bineso kaming dalawa ni Caleb. I feel Celeb's hand wrap around my waist. I smile bitterly. Dito niya lang nagagawa ang pagiging asawa niya. Sa bahay na ito at sa harap ng mga magulang ko.

Diyan naman siya magaling eh, ang mag kunwari. He's a great pretender when it comes to us. Kunwari perfect couple kami, kunwari happily married but the truth is we're not.

"Mabuti nga po at nakarating kami agad kung hindi ay baka naabutan na kami ng ulan. By the way mom, si dad nasan?" Sagot ni Caleb kay mommy habang sumusunod kami sa kanya pa puntang dining area. Oo nga no? Bakit wala si daddy?

"Oh, pass daw muna siya dahil may emergency meeting siya ngayon. Ewan ko ba diyan sa daddy mo Rianne, mag mula ng ikasal kayo ng asaw mo, mas lalo na siyang naging busy sa business niya. He even forget about me." Nag mamaktol na sabi ni mommy. Our business is really important para kay daddy. Dugo at pawis nag inalay niya para lang lumago ito. Kaya laking pag papasalamat niya ng pumayag akong mag pakasal kay Caleb.

"Ija, what happen pala diyan sa braso mo bakit may pasa ka?" No. Bakit napansin pa ni mommy? Kailangan ko ng reason na hindi niya mahahanapan ng butas.

"Ah, period kopo kasi ngayon and tumama po yung braso ko habang nag lilinis ako sa ilalim ng sink namin." Please sana gumana!

"Okay, next time kasi ija, mag iingat ka. Sensitive talaga tayo when we're on our period so always take care of your self okay?" Napatango nalang ako at ngumiti kay mommy. While Caleb is just silent. Well maybe because he's guilty. Pero asa pa.

"Sige na take a seat. Pasensiya na tayong tatlo muna dahil busy si Alejandro ngayon. Sige na, nag luto ako ng paborito niyong dalawa." Mommy is always cheerful kahit may problema siya. Hindi niya pinapakitang nahihirapan siya kaya gustong gusto ko siyang gayahin. Palaban.

I smile at her saka umupo habang inaalalayan ako ni Caleb.

***

Gabi na ng makauwi kami ni Caleb mga around 10:30 pm na siguro ngayon. Ayaw pa sana kaming pauwin ni mommy at dun nalang daw kami matulog. Pero hindi rin pumayag si Caleb kaya nag-agree narin ako. At baka pag talunan pa namin to pag uwi namin.

Matapos ng ilang oras naming pag kukunwari ay balik na uli kami sa dati. Ang kaninang sweet na Caleb ay bumalik na sa dati. The Caleb that ignores my existence.

Mabilis siyang bumaba ng kotse niya ng makarating kami sa parking lot at iniwan rin ako. Ng makalabas siya ay siya ring pag tunog ng kotse niya. Napa buntong hininga nalang ako.

I look like a lost puppy na hinahanap ang nanay niya. Mag-isa akong nag lalakad dito sa mismong main building kung saan makikita mo ang receptionist ng condo na ito at ang mini waiting area sa gilid.

"Ri!" Napabalik lang ako sa katinuan ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Hinanap ko kung saan ito nanggaling and i saw Jacob na prenteng naka tayo sa waiting area habang kumakaway sakin.

It's Jacob. I smile at masaya ko siyang nilapitan.