Suot ang kanilang gray shirts at black gym pants, nagtipon ang class 1-A sa gymnasium para mag-laro ng basketball. Nakaupo sa bench ang mga babae at pinapanood ang mga kaklase nilang lalaki na maglaro.
"Pati ba tayo kailangan maglaro?" tanong ni Fatima.
"Lima lang tayong babae sa section natin so baka hindi," sabi ni Cami.
"I don't wanna play," sabi ni Lizel.
"I wanna eat. I'm hungry," sabi ni Helga.
"You're always hungry," puna ni Fatima.
"I'm on a mediterranean diet," paliwanag ni Helga.
"Oh? Maybe I should do that too," sabi ni Lizel.
Napaayos sila ng upo nang makita nilang palapit sa kanila ang babaeng coach.
"Girls! Get up! You're next!" tawag ni Coach Garcia.
"Ehhhh!" halos sabay sabay na sabi ng apat na babae.
"Pendleton, you're exempted for today's activity," sabi ng Coach kay Tammy.
"Thank you po!" masayang sabi ni Tammy at nanatiling nakaupo.
"Geez! Kung alam ko lang, sana sinabi ko rin na may period ako ngayon. Kainis!" reklamo ni Fatima.
"Ugh! Let's just do this," naiinis na sabi ni Helga saka pumunta na sa court.
Hinati sa grupo ng tig-dalawa ang apat na babae. Magkakampi sina Helga at Cami, sina Fatima at Lizel naman ang magkasama.
"Ehem. I'm not bragging but, I have a cousin who's a famous basketball player," sabi ni Fatima na iniikot ikot ang ilang strands ng buhok sa daliri.
"Ano naman ang kinalaman ng pinsan mo rito?" tanong ni Cami.
"Just warning 'ya girls, baka magulat kayo sa ipapakita ko."
"Ugh. Shut up," sita ni Helga.
"Okay," sabi ng coach na pumagitna kina Cami at Fatima, saka nito ibinato ang bola sa taas. "Start!"
Unang naabot ni Fatima ang bola at nakuha iyon ng kakamping si Lizel. Pero naagaw iyon ni Helga at dinala sa kabilang side ng court.
"Ooh!" reaksyon ng mga kaklase nilang lalaki.
"Defense oy!"
"Travelling 'yan, potek!"
"Hala hindi na nag-dribble!"
"Hahahaha! Mukhang mga tanga o!"
"Foul 'yan uy!"
"Basketball pa ba nilalaro nila?"
"Agawang buko na 'to! Hahaha!"
"Hwag ninyong sipain yun bola! Potek!"
"Respeto naman guys! Basketball hindi football!"
Hindi alam ni Tammy kung matatawa siya o mapapailing sa nangyayaring laro sa harap niya. Hindi naman pumipigil ang coach na abala sa pag-grade sa apat na babae.
"Kyaaa! Bitawan ninyo!" sigaw ni Fatima.
Abala sa pag-aagawan ng bola ang apat na babae. Walang balak bumitaw. Ni wala pa sa kanila ang nakaka-shoot ng bola sa ring.
"Kayo ang bumitaw sa bola!" sabi ni Cami.
"Ouch! My nails!" reklamo ni Lizel.
"Gah! You guys are so embarassing!" sabi ni Helga.
***
"Ugh, I'm so tired!" sabi ni Helga habang nakapangalumbaba sa mesa.
"Ayong na mag-PE!" sabi ni Lizel saka umubob sa mesa.
"That was fun!" sabi ni Fatima.
"Gusto ko na mag-lunch!" sabi ni Cami.
"Oi!" tawag ng isang lalaki sa grupo nina Helga. "Galing ng laro ninyo kanina."
Nagsitawanan naman ang mga lalaking nararinig.
"SHUT UP!" sigaw ni Helga na namumula ang mukha sa kahihiyan.
"Settle down, settle down kids," sabi ni Miss Go sa mga estudyante nang pumasok ito. "May mahalagang announcement si Mr. Reyes sa inyo."
Pumasok ang PE teacher na si Mr. Reyes sa loob ng classroom. Tumahimik ang mga estudyante nang makita ito. Malaking tao ang lalaki na mukhang dating myembro ng militar. Sa hitsura nito ay mas mapagkakamalan itong debt collector kaysa guro. Bukod sa matapang nitong mukha ay kitang kita ang pilas sa gitna ng kanang tenga nito. Mukhang nahiwa iyon ng kutsilyo. Nakasuot ito ng black jersey at bukod doon ay hindi pa ito nakikita ng mga estudyante na nakasuot ng iba pang uniporme. Pumunta ito sa gitna kung saan nandon ang teacher's table. Inilapag nito roon ang folder na hawak.
"Alam nyo ba kung ano ang nakasulat sa folder na ito?" umpisa nito sa malalim na boses saka sila tinignan nang mariin.
Hindi maiwasan ng mga estudyante na makaramdam ng takot.
Tumalas ang mga mata ng guro. "Mga pangalan ninyo." Binuksan nito ang folder. "Ang mga pangalan na babanggitin ko ay kailangan pumunta rito sa sabado. Magsisimula na ang endurance test ninyo. Ang sino man sa inyo na bumagsak ay pipilipitin ko—"
"Ehem!" tikhim ng babaeng guro.
Inulit ni Mr Reyes ang kanyang sinasabi. "Ang sino man sa inyo na bumagsak ay pipiliin kong huwag isali sa tournament."
"Horse shit! Yung tournament!"
"Woah, malapit na nga pala ang tournament!"
"Potek! Sa wakas! Ang tagal ko nang hinihintay nyan!"
"Mangarap kayo mga ulol, ako ang mananalo. At sigurado akong magiging King din ako."
"Yabang mo pandak ah!"
"SILENCE!!!" sabi ni Mr Reyes at hinampas ng dalawang beses ang mesa.
Agad na tumahimik ang mga lalaki. Ang maliit na myembro ng mga babae naman ay tila walang interes sa nagaganap, maliban sa isa.
"Bilang ng mga lalaking sumali, labing-isa. Sila ay sina..." at sinumulan ni Mr Reyes na sabihin ang mga pangalan ng mga lalaking sumali.
"Next month na ang tournament. Sino kaya'ng magiging Alpha natin?" tanong ni Lizel.
"Actually, next week na 'yon," sabi ni Fatima.
"Really? Manood tayo," sabi ni Cami.
"Why even bother?" sabi ni Helga.
"Parang masaya manood e," sagot ni Cami. "Hey, Tammy manood tayo~"
Ngumiti si Tammy. "Mas maganda kung pupunta tayong lahat."
"Bilang ng mga babaeng sumali, isa," anunsyo ni Mr Reyes na nakakuha ng atensyon ng lahat.
"EEEHHHH?!" sambit ng buong klase.
"Sino'ng sumali sa'tin?" tanong ni Lizel.
"Hindi ako!" sabi ni Fatima.
"Helga?" tanong ni Cami.
"Seriously?" iritadong tanong ni Helga.
Inabangan ng mga estudyante ang pangalan na babanggitin ni Mr Reyes.
"Tammy Pendleton."
"HUUUUUH?!"
***
"Tammy, sigurado ka ba sa pinapasok mo?" tanong ni Lizel habang nakaturo kay Tammy ang tinidor na hawak nito.
"Oo nga, sa liit ng katawan mong 'yan?" sabi ni Fatima na pinaglalaruan ang straw sa kanyang baso.
"Sa payat mo, kaya kong mabali ang braso mo," sabi ni Cami.
"OA ka," sabi ni Lizel.
"Malakas ako e," sagot ni Cami. "Kita ninyo kanina, nakuha ko yung bola sa agawan este basketball pala."
"Edi ikaw na pala sumali. Proxy ka ni Tammy," suhestyon ni Fatima.
"Ayaw!" iling ni Cami saka pinagpatuloy ang pagkain.
Si Helga naman ay nananatiling tahimik at nakatingin kay Tammy. Halata na may malalim na iniisip.
"Wait, rember noong first day tapos napagkamalan ni Tammy na attendance sheet yung papel?" tanong ni Lizel.
"I remember! Late pa nga siya non," tumatawang sabi ni Cami.
"So, yun ba ang dahilan kung bakit kasali ka?" tanong ni Fatima.
"Huh? You mean hindi mo binura ang pangalan mo don sa list?!" tanong ni Cami.
"Uhh." Tumango si Tammy saka ngumiti. "Nakalimutan ko e."
"HAAAAAH?!"
"Oh my gosh, girl!" sabi ni Fatima na napa-facepalm.
"Baka pwede pa mag-backout ni Tammy." Sabi ni Cami.
"Ang sabi ni gorilla kanina hindi na pwede kasi nabigyan na ng one week para mag-backout..." sabi ni Lizel.
"There's still a way para hindi makasali sa tournament," sabi ni Helga.
"Ay wow, Helga nandyan ka pala. Akala namin nakidnap ka na ng mga aliens e. Tahimik mo," sabi ni Fatima.
"Shut up stupid," inis na sabi ni Helga.
"Ano yung paraan Helga?" tanong ni Lizel.
Helga rolled her eyes. "Ang sabi ni gorilla kanina, kung babagsak ka sa endurance test then hindi ka na mapapasali sa tournament."
"Oo nga!" malakas na sabi ni Cami.
"So all you need to do is to fail that test," sabi ni Helga kay Tammy.
Tammy blinked at Helga. "Oh. I see."
"Pero ano kaya yung endurance test?" tanong ni Lizel.
***
Nang makalabas na ng school si Tammy ay nagulat siya nang makita na may naghihintay sa kanya sa may gate ng school.
"Tammy!" tawag ni Willow sa kanya. Sa suot nitong St Celestine High uniform, napaka-out of place nito sa lugar nila.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ni Tammy sa babae.
"Hinihintay ka," sagot ni Willow.
"Well obviously, stupid," singit ni Helga.
"Sinong sinasabihan mo ng stupid? Hindi stupid si Tammy!" sabi ni Willow kay Helga.
"Stupid talaga," umiling si Helga. Umalis na ito nang walang paalam nang makita ang driver na sumusundo rito.
"Ano'ng problema non?" naniningkit sa inis na tanong ni Willow.
"Bakit ka nandito?" tanong ni Tammy.
Ngumuso si Willow. "Samahan mo 'ko mag-shopping."
Bumuntong hininga si Tammy saka tumango.
"Yes!" Hinila na ni Willow si Tammy sa kamay at sumakay sila sa kotseng naghihintay sa kanila sa tapat ng school.
***
"Ang tagal na nating hindi nakakapag-shopping," sabi ni Willow habang naglalakad sila na may tig-isang cup ng caramel macchiato.
Tumingin tingin si Tammy sa paligid. Nasa shopping district sila, nasa kabilang dulo ito ng Pendleton High. Inabot din sila ng halos isang oras sa byahe.
"Bili tayo ng taiyaki," sabi ni Willow at muling hinila si Tammy sa kamay papunta sa tindahan ng fish-shaped bread.
Kinain nila ang tinapay habang naglalakad. At nang maubos na nila ang mga hawak na pagkain ay pumasok sila sa isang cosmetics shop.
"Wow! Tammy, tignan mo o. Ang cute ng lipstick, sailor moon."
"Bawal ang make-up sa school ninyo, diba?"
"Sa school ninyo?" tanong ni Willow habang inaamoy amoy ang isang lip gloss.
Naalala ni Tammy ang red lipstick ni Hanna Song. Umiling siya kay Willow.
"Wow, ang swerte naman. Gusto ko na talagang magpalipat ng school," bulong ni Willow. "Oh! Ang cute naman non!" sabi nito saka tumakbo sa kabilang side ng shop.
"Never thought I'd see you here," sabi ng isang lalaki mula sa likod ni Tammy.
Nang harapin ito ni Tammy ay nakita niya si Reo, Alpha ng class 2-A. May boyish grin ito sa labi at isang dimple sa pisngi. Kung ilalarawan ito ni Tammy, si Reo ay nasa category ng mga pretty boys.
"Narinig ko na kasali ka sa tournament," sabi nito.
"Ah, yes."
"Well, good luck with that. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng sasali sa tournament."
"Thank you."
"Actually, I need help right now. I'm looking for a gift for my lover. I don't know anything about cosmetics."
"Hindi talaga ako—"
"C'mon, please? I'm lost."
Ngumiti si Tammy. "Okay."
Pinapili si Tammy ni Reo sa tatlong lipbalm na nagustuhan nito. Sa huli ay ang gold lip balm na may drawing ng eiffel tower ang binili nito. Nang mabili na nito ang kailangan ay kaagad na rin itong nagpaalam sa kanya matapos magpasalamat.
"He's cute, sino 'yon Tammy?" tanong ni Willow na nakatingin sa umalis na lalaki.
"May girlfriend na 'yon," sagot ni Tammy.
"Nagtatanong lang ng pangalan," nakangusong sabi ni Willow.
"Tapos ka na ba, Pillow?"
"Ugh! It's Willow!"