Chereads / High School Zero / Chapter 6 - Chapter Six - Tammy's POV

Chapter 6 - Chapter Six - Tammy's POV

I love Saturdays, I can wear pajamas all day and just stay in my room. Or read a book or watch TV in the living room. It's my favorite day. Ahh~ So peaceful.

*Screeeech*

Nagulat ako sa malakas na tunog na narinig ko. Kaagad akong tumingin sa labas ng bintana ng kwarto ko. Nakita ko'ng may naka-park na itim na kotse sa tapat ng bahay namin. Mula roon ay bumaba ang tatlong babae na may mga bitbit na mga paperbags.

"Ate?"

Nilingon ko si Timmy, ang nakababata kong kapatid. Mas matanda ako sa kanya ng tatlong taon. Pareho kami ng kulay ng mata, kulay abo na nakuha namin mula kay Papa. Kamukhang kamukha niya si Papa.

Nasa kwarto ko siya ngayon, nakaupo sa kama ko at nagbabasa ng libro niya na hindi akma sa kanyang edad. Masyado siyang advance kumpara sa mga kaklase niya. May ilang beses na sinabi ng teachers na pwedeng mag-skip ng grades si Timmy pero hindi pumayag si Mama. Siguro dahil natatakot si Mama na tumanda kami kaagad? Sa totoo lang, ayoko rin iyon mangyari. Ayokong maging kaklase si Timmy.

"Timmy," sabi ko saka itinutok sa kanya ang sarado kong kamao.

Tinignan ni Timmy ang kamao ko at ibinaba ang kanyang libro. Nagising si Cosine, ang puting pusa niya na natutulog sa kanyang paanan.

Stone. Paper. Scissors.

"Tch."

"Do your best today, Ate," ani ni Timmy saka itinuloy ang pagbabasa.

No choice, kailangan kong maging human sacrifice. My peaceful Saturday...

***

Nang bumaba ako ng hagdan, nakita ko sina Ninang Michie, Ninang Maggie at Ninang China na nasa sala. Kinakausap nila si Mama tungkol sa mga damit na no doubt ay designs nila.

"Kyaaa! Ayan na si Tammy!" tili ni Ninang China nang makita ako.

Napatingin silang lahat sa akin.

"Tammy, ang maganda kong inaanak!" bati ni Ninang Maggie.

"Tammy, namiss mo ba kami?" tanong ng nagpapa-cute na si Ninang Michie.

Sila ang mga kaibigan ni Mama. Ang alam ko ay simula highschool palang ay magkakakilala na sila. May ari sila ng MCM, isang kilalang clothing line na may mahigit one hundred and fifty branches na sa Pilipinas.

"Tammy," tawag sa akin ni Mama. Iniinspeksyon niya ang ilang damit na nasa loob ng paperbags. Malamang ay tinitignan kung may mga revealing na damit na nakatago roon. "Nasaan ang kapatid mo?"

"Natutulog pa po siguro, Mama," sagot ko.

"Ay sayang naman, may mga dinala rin kaming damit para sa kanya," sabi ni Ninang Maggie. "Heto, mga latest designs namin. Ilalabas namin 'yan next month. Gusto namin na isuot mo muna."

Masaya akong ngumiti. "Thank you po, Ninang."

"Kyaaaaa! Cutie!" sabi ni Ninang Michie na bigla akong dinamba ng yakap.

"How divine!" sabi ni Ninang China.

"How invigorating!" sabi ni Ninang Maggie. "Kapag nakikita ko si Tammy, pakiramdam ko bumabata ako."

"True!" sang ayon ni Ninang China.

"Hihi! Kasing cute ko si Tammy," natutuwang sabi ni Ninang Michie. Bigla niya akong hinalikan sa pisngi.

Ito ang dahilan kung bakit nagtatago kami madalas ni Timmy. Kung hindi halik, yakap o kurot sa pisngi, binibihisan nila kami na parang manika.

"Sammy, ipahiram mo na ulit sa'min si Tammy, please!" sabi ni Ninang China.

"Hindi pwede, may pasok siya," tanggi ni Mama. "Bakit may mini skirt dito?"

"Samantha naman, decent length 'yan," paliwanag ni Ninang Maggie. "Kasing haba lang 'yan ng school uniform niya. One inch above the knee."

"Strict parin ni Sammy," bulong ni Ninang Michie na hindi inaalis ang yakap sa akin.

"Sammy please, one day lang naman. Ipahiram mo na sa'min si Tammy," pakiusap ni Ninang Maggie.

"No means no, busy siya sa school niya. Kakaumpisa lang ng klase," paliwanag ni Mama.

Humiwalay na sa akin sa wakas si Ninang Michie. Nilapitan niya si Mama para siguro makiusap.

"Sammy, please? Please, please, please?" pangungulit ni Ninang Michie kay Mama. "Pleaaaase?"

"Hindi sabi pwede!"

"Kyaaa! Scary!"

Biglang tumunog ang doorbell namin. Mabilis akong tumakas mula sa kanila. Sa totoo lang, walang kaso sa akin kung hihiramin ako nina Ninang. Hindi naman ako ganoon ka-busy sa pag-aaral ko. Naituro na sa akin ni Mama lahat ng topics namin ngayon sa school. Kahit may ma-miss pa akong klase, hindi iyon makakaapekto sa akin.

Medyo nakakapagod nga lang ang mga ipinapagawa sa akin ng mga Ninang ko. Pero sa tuwing nagagawa ko nang maayos ang gusto nila, natutuwa ako. Siguro ito ang tinatawag na sense of accomplishment?

"Hello, Tammy! Willow is here!" bati sa akin ni Willow nang makita ako.

"Ah, Pillow."

Agad siyang sumimangot. "Willow! Willow, okay?!"

Binuksan ko ang gate at pinapasok siya.

"May bisita kayo?" tanong niya nang mapansin ang itim na kotse sa tapat ng gate.

"Mga ninang ko."

"OMG! Sina tita MCM!" kuminang ang kanyang mga mata.

Tita MCM?

Bigla siyang naluha. "Finally. Sa wakas masusuot ko na rin ang mga damit nila. I'm so happy!"

"Alam mo naman na may large size sila, diba?"

"Hmph! You don't understand me at all, Tammy. Ayokong masira ang image ng line nila kung isusuot ko 'yon sa chubby kong katawan noon. At bakit large? Medium lang, okay?!"

"How troublesome." Mas cute talaga siya noon.

"Shut up! Hindi mo maiintindihan dahil... dahil..." tinignan niyang mabuti ang katawan ko. "Wala kang alam Tammy, wala kang alam!"

Napabuntong hininga ako. My Saturday...

***

"Kyaaa! Bagay sa'yo!" natutuwang sabi ni Ninang Maggie.

Ipinasuot nila kay Pillow ang mga damit na hindi pumasa kay Mama. Isang itim na off-shoulder long-sleeves shirt at black and red mini-skirt. Si Pillow na ngayon ang bagong human sacrifice.

"Ang cute mo naman!" puri ni Ninang Michie.

"Thank you po! Hihihi!" masayang sabi ni Pillow.

"Tch." Hindi siya cute.

Malambot siya noon, ngayon hindi na. Cute ang cheeks niya noon, ngayon wala na. Nag-eenjoy talaga akong pakainin siya nang marami noon dahil kasing cute siya nang hamster kapag kumakain. Lalo na kapag napupuno ang bibig niya, lumulobo ang mga pisngi niya. Cute. Pero ngayon, wala na akong makurot sa kanya. Hindi na rin siya masarap gawing unan. Hindi na siya kasing laki ng polar bear.

"Tammy, magpalit ka ng damit. Sa labas tayo kakain ngayon," sabi sa akin ni Mama na katabi ko sa sofa. "Sabihan mo na rin ang kapatid mo."

"Opo, Mama," tumayo na ako.

"Aayusin ko ang buhok mo mamaya," sabi ni Mama na nagtitiklop ng mga ikinalat na damit ng mga Ninang ko. "Kunin mo yung curler."

"Yes po, Mama."

Umakyat na ako sa second floor at pumasok sa kwarto ko. Ano kaya ang isusuot ko?

"Timmy, sabi ni Mama—"

Nakita ko si Timmy na mahimbing na natutulog sa kama ko. Nakabukas parin ang librong binabasa niya kanina. Cute.

***

"I'm finished," anunsyo ni Timmy nang maubos niya ang dessert niya. Nagpunas siya ng bibig gamit ang napkin.

Kumakain kami ngayon sa isang family restaurant. Isang sikat na restaurant sa lugar namin. Puno ng mga tao ang lugar at mahirap magpa-reserve, mabuti nalang at kakilala ni Mama ang may ari, isa sa mga Ninong ko.

Kasama namin na kumakain ang tatlo kong Ninang at si Pillow. Magkakatabi kami ni Pillow at Timmy sa isang side, nasa katapat naman namin sina Mama at mga Ninang ko. Abala sila sa pinag-uusapan nila tungkol sa past nila. At tungkol na rin sa business nila.

"Timmy, gusto mo pa ba ng ice cream?" tanong ko sa kapatid ko. "You can have mine if you want."

"No, I'm full," tanggi niya.

"Then, Pillow," tanong ko sa kabilang side ko. "You want ice cream?"

"Hindi na—ah. Tammy, sabi ko ayoko na."

"Eat it."

"Tammy, ayokong tuma—"

"Eat."

"Pillow, you should eat it," sabi ni Timmy.

Tumango ako.

"It's Willow!"

Nakasimangot siya pero kinain na rin niya ang ice cream na inilagay ko sa tapat niya. She's sulking. How cute. Pero mas cute parin siya noon.

Napakunot ang noo ko nang may maramdaman akong nakatingin sa akin. Kaagad kong hinanap kung sino 'yon.

Hindi kalayuan, tatlong tables ang layo mula sa amin, nandon ang isang lalaki. Puro tato ang kanyang dalawang braso. Itim na itim ang kanyang wavy na buhok katulad ng suot niyang shirt at pants.

Nakatingin siya sa akin nang diretso. Kahit na tinignan ko siya ay hindi niya iniwas ang kanyang tingin sa akin.

Kilala ba niya ako? Estudyante ba siya ng Pendleton High? May aura siya ng isang Alpha. Or maybe he's a King. Kahit na magkalayo kami, nararamdaman kong hindi siya isang weakling.

Naglaban kami ng titigan. Matalas ang mga mata niya. Piercings? May mga hikaw siya sa tenga. Nakita kong tumaas ang isang gilid ng kanyang labi nang tumagal ang titigan namin.

"Oppa!" May babaeng humarang sa aming dalawa.

Nakita ko ang white and pink hoodie niya na may dalawang tenga ng bunny, may maliit din na buntot sa likod. Cute.

"Hehe! Taken na siya Tammy," bulong sa akin ni Pillow. She's teasing me.

"You're mistaken, Pillow," sabi ko.

"Oh really?" nakangisi niyang tanong. "Kung sabagay iba nga naman ang type mo. Yung mga... Hihihi."

Bumuntong hininga ako. How troublesome.

***

Nang makauwi kami ng bahay, dumiretso na si Timmy sa kanyang kwarto. Halata na inaantok na siya kanina pa lang sa byahe pauwi.

"Tammy, sigurado ka ba na gusto mo sa school na 'yon?" tanong sa akin ni Mama. "Pwede pa kitang ilipat sa iba kung gusto mo."

Katulad ng nakagawian ay ipinagtitimpla pa rin niya ako ng gatas bago ako matulog. Ganoon din kay Timmy, pero siguradong tulog na siya ngayon.

Inabot ni Mama sa akin ang baso. Kaagad ko iyong kinuha at ininom ang kalahati ng laman.

"I'm sure po, Mama," sagot ko. "Gusto ko po talaga sa school na 'yon."

Gusto kong pumasok sa school ni Papa.

"Kapag nagkaroon ng problema, sabihin mo lang sakin, okay baby?" halata na nag-aalala parin siya sa akin. Hinawakan niya ang isa kong pisngi.

"Opo Mama, hwag na po kayong mag-alala."

Ngumiti siya. "Okay, matulog ka na."

Inubos ko na ang laman ng baso ko. Kinuha iyon ni Mama pagkatapos at nilagay sa sink.

"Good night po, Mama."

"Good night, Tammy."