Chereads / High School Zero / Chapter 7 - Chapter Seven

Chapter 7 - Chapter Seven

Helga couldn't take her eyes off of Tammy. Something about the girl bugs her. It just won't go away no matter how hard she ignores it. It itches at the back of her head like an old scar.

"Hey, Tam!" bati ni Fatima kay Tammy saka binuksan ang sariling locker para kunin ang ilang gamit.

"Good morning!" bati ng kadarating lang na si Cami.

"Good morning!" nakangiting bati ni Tammy sa grupo.

Binuksan ni Tammy ang locker at nakita ni Helga kung paano nawala ang ngiti nito sa labi. May kinuha itong puti at nakatiklop na papel mula sa loob ng locker.

A letter of confession or harassment? Hindi rin naman nakapagtataka kung makakuha si Tammy ng ganoon klase ng sulat.

Tumunog ang bell. Mabilis na itinago ni Tammy ang sulat sa isa sa mga notebook nito bago isara ang locker.

Buong klase ay hindi inalis ni Helga ang mata kay Tammy. Binantayan niyang mabuti ang mga galaw nito. Hinihintay niya na may gawin itong mali o kakaiba. Gusto niyang maalis ang suspicion niya sa babae.

"Y'know, kanina ko pa napapansin na tinititigan mo si Tammy," puna ng katabi niyang si Lizel. "So, what's the matter?"

"Nothing," sagot ni Helga.

"Really? Don't tell me, na in love ka na rin sa kanya?" nakangising tukso ni Lizel.

Tinignan ni Helga si Lizel. "Shut up, stupid. Like that will ever happen."

"Just kidding, geez."

***

Nang mag-lunch time, napunta silang apat sa washroom. Doon ay nagkulong si Tammy sa isa sa mga cubicles, naririnig nila ang pagsusuka nito.

"Are you okay, Tammy?" katok ni Cami.

"Do you want water?" tanong ni Lizel.

"Tammy, are you pregnant?" tanong ni Fatima.

"Shut up, Fatima," sabi ni Helga.

"What, malay natin diba?" kibit balikat na sabi ni Fatima.

Makaraan ang ilang minuto, maputlang lumabas ng cubicle si Tammy. Binuksan nito ang faucet sa sink at naghilamos.

"Tammy..." sambit ni Cami na hawak ang cellphone at handa nang tumawag ng tulong.

"I'm fine," sagot ni Tammy. Kinuha nito ang panyo sa bulsa at pinunasan ang mukha.

She's clearly not fine. Kunot noo si Helga habang tinitignan si Tammy. Halata na wala itong lakas kahit man lang ngumiti katulad ng palagi nitong ginagawa.

"May kinain ka bang hindi maganda?" tanong ni Lizel.

"Are you preggy?" kulit ni Fatima.

"No. Um. I...have..." bulong ni Tammy.

"Oh," ang tanging nasabi ng apat na babae.

"Well, do you need a napkin? May extra ako sa bag," sabi ni Cami.

"No," iling ni Tammy. Napahawak ito sa ulo.

"Tammy, magpahinga ka nalang sa infirmary," sabi ni Helga habang tinitignan ang namumutlang mukha ni Tammy.

"Yeah. Helga's right, Tam. You're pale, you need to rest," sabi ni Lizel.

"And don't worry sa mga teachers. Kami na ang bahala na magpaliwanag," sabi ni Fatima na kinukulot ang buhok sa daliri.

Tumango si Tammy. Inalalayan nila ito hanggang sa infirmary at ipinaliwanag sa school nurse kung ano ang problema.

***

Nang matapos ang klase ay dinumog ang apat na babae ng kanilang mga kaklaseng mga lalaki. Hindi maawat ang mga ito sa pangungulit sa kanila.

"Ano'ng nangyari kay Tammy?" tanong ng isang lalaki.

"It's none of your business," sabi ni Fatima na nakatingin sa hawak na salamin.

"Oo nga, wala na kayo ron," sabi ni Lizel.

"Nasaan si Tammy? Saan nyo siya dinala?" kulit ng isa pa.

"Sabihin ninyo kung ano'ng nangyari!" demand ng isa pang lalaki.

"Shut up, losers! Hindi nyo na kailangan pang malaman, okay?!" naiinis na sabi ni Helga saka tumayo sa silya. "Stooopid!"

Mabigat ang mga paa na lumabas ng classroom si Helga. Bakit ba masyadong maraming tanong ang mga kaklase niya? Sa totoo lang ay kanina pa nga niya napapansin na parang ang daming tao sa labas ng classroom nila.

"Ano kayang nangyari kay Tammy?" bulong ng isang babae.

"Oo nga, wala siya sa classroom niya," bulong ng kasama nitong babae.

"Miss, pwede bang malaman kung nasaan si Tammy Pendleton?" tanong kay Helga ng isang lalaki na galing sa kabilang classroom. "May nangyari ba sa kanya?"

Dammit! Ang akala ni Helga ay safe na siya sa mga tanong pero hindi pa pala. Bakit ba napaka-popular ng taong iyon? Tinignan niyang mabuti ang lalaki. Cute. Hindi maiwasan ni Helga na mainis.

Pilit ang ngiting ipinakita ni Helga bago sumagot. "Tammy? Who's that? Artista ba 'yon?" aniya saka tinalikuran ang lalaki.

Tuloy tuloy ang paglalakad niya papunta sa infirmary. Maagang natapos ang klase nila pero kailangan pang maghintay na sumapit ng eksaktong oras bago buksan ang gate ng school. Napaka-strict talaga ng eskwelahan nila. At hindi rin pwedeng lumabas tuwing lunch break na sadyang ikinaiinis ni Helga!

Pumasok siya ng infirmary at nakitang walang tao. Mukhang pumunta sa faculty ang nurse ayon sa note na nakapaskil sa pinto.

"Tammy?" tawag niya. Hindi siya nakakuha ng sagot.

Hinawi niya ang kurtinang tumatakip sa kama at nakitang mahimbing na natutulog si Tammy. Pinagmasdan ni Helga si Tammy. Agad niyang napansin ang mahahaba nitong pilikmata na ikina-inggit niya. Bumalik na rin ang natural na pula sa mga pisngi nito. Balak na sana niya itong gisingin pero nakuha ng atensyon niya ang bag nito na nakapatong sa silya.

Bigla niyang naalala ang sulat na nakuha nito kaninang umaga. Nangati ang kanyang mga kamay at bago pa man niya mapagtanto ang nangyayari, hawak na niya ang notebook na pinagsingitan ng sulat.

Sinilip muna niya ang natutulog na mukha ni Tammy bago buksan ang notebook nito.

Malinis magsulat si Tammy. Organized. Sa sobrang ganda ng pagkakasulat ni Tammy sa notebook, parang gusto nang idagdag iyon ni Helga bilang font sa computer niya. Gaano ba kaperpekto ang taong ito?

Binuklat buklat niya ang notebook at nakita ang maliit na nakatiklop na papel. Kinuha niya iyon at agad na binuksan para basahin. Doon nakasulat ang isang specific na lugar at oras.

***

Pumunta sa library si Helga. Ayon sa nabasa niya ay doon pinapapunta si Tammy ng taong nagbigay ng sulat. Hindi niya alam kung bakit ba niya ito pinuntahan. Siguro ay dahil sa curiosity niya. Gusto lang niyang malaman kung sino ba ang nagsulat non at ano ang kailangan nito kay Tammy.

Naisip din niya na baka masagot na ang mga tanong niya tungkol kay Tammy kung gagawin niya ito. Hindi talaga siya mapakali. Alam niyang may mali sa kaklase niya. Hindi lang niya alam kung ano.

Nang buksan niya ang pintuan ng Library, halos walang tao sa loob maliban sa librarian. May ilang estudyanteng nandon pero puro magazines lang ang binabasa. Ginawa lang itong tambayan ng iba.

Pumunta siya sa general reference section. Nasa bandang dulo ito ng library. Sigurado siyang wala nang pumupunta pang mga estudyante roon. Iyon kasi ang section kung saan nakalagay ang mga directories, alamanac, dictionaries, manuals, etc. Sino pa nga ba ang gagamit ng mga makakapal na librong nakalagay doon kung may internet naman sila?

Kaya naman nang makita ni Helga ang nag-iisang taong nakatambay sa general reference section, sigurado siyang ito ang may ari ng sulat. Gusto na lang niyang mapa-facepalm nang makita kung sino ang nandon. Mukhang nagsayang lang siya ng oras.

Because that person was none other than the former number one school idol, Hanna Song.

Bakit nito gustong kausapin si Tammy? Dahil ba sa nangyari last week sa cafeteria? Dahil ba napahiya ito sa harap nila?

Paalis na siya nang mapansin siya ni Hanna.

"What are you doing here? I didn't ask for you," iritadong sabi ni Hanna nang makita si Helga. "Where's Tammy?"

"Don't know. Don't care," kibit balikat na sagot ni Helga saka tumalikod para umalis na.

"Cut the crap! Pinapunta ka ba niya rito? That coward!" inis na sabi ni Hanna.

"Ano bang kailangan mo sa kanya?" hindi nakatiis na tanong ni Helga sa babae.

"And why should I tell you? Errand girl ka lang niya."

Naikuyom ni Helga ang kanyang kamao sa galit.

"Here's a piece of advice Hanna. If you're going to harass Tammy Pendleton, you should first know how to use that brain of yours. The entire school is in love with her," sabi ni Helga habang nakahalukipkip saka ngumisi. "You think tatahimik lang sila kapag may ginawa ka laban sa kanya?"

Nalukot ang magandang mukha ni Hanna sa narinig. Pero agad din itong ngumiti.

"You said 'sila' as if it doesn't concern you kung anuman ang mangyari kay Tammy."

"Tammy is not my friend," matigas na sabi ni Helga. Nagsasabi lang siya ng totoo. She barely knows her.

"Oh really? Then what are you doing here?"

"Coincidence."

Tumawa si Hanna. "You really think I'm that stupid, huh?"

"Yes."

"F*ck you."

"No thanks, I'd rather not."

"Don't be so smug, you're just an errand girl."

Tumalikod na si Helga kay Hanna. "I'm going."

"You should be careful, hun."

Nilingon niya ito. "With who?"

Matamis na ngumiti si Hanna. "With that girl, Tammy Pendleton. She's smart. No. She's cunning. She's the calculating type."

Natahimik si Helga. Kung titignan si Hanna, mukhang hindi ito gumagawa ng kwento. Sa isip niya ay alam niyang may katotohanan ang sinasabi ni Hanna. Pero wala siyang patunay.

"With her sweet smile and innocent eyes, she can get away with everything. Even with murder I bet."

"And why are you telling me this?" tanong ni Helga.

Lumapit sa kanya si Hanna. "Well, let's just say that I don't hate you that much. And besides, you don't really like her, do you?"

Ngumiti si Hanna saka nilagpasan si Helga. Nauna itong umalis. Naiwan si Helga sa kinatatayuan at naging abala sa pag-iisip. Totoo kaya ang sinabi ni Hanna? Ito ba ang dahilan kung bakit hindi siya mapakali sa tuwing makikita ang ngiti ni Tammy? Pero wala siyang patunay. At siya ang tipo ng tao na hindi naniniwala kung walang ebidensya.

Kailangan makita ng sarili niyang mga mata ang dahilan kung bakit iyon nasabi ni Hanna. Pero paano?

***

Nagising si Tammy sa tunog ng bell. Sakto naman na may humawi ng kurtina sa tabi niya. Nakita ni Tammy ang nakangiting mukha ng school nurse. He looks young. Maybe just the same age as her kuya Angelo. Maputi ang balat nito at itim na itim ang buhok. Nakasuot ito ng salamin na may itim na rectangular frame.

"How are you feeling?" tanong ng lalaking nurse. Nakasuot ito ng white button down shirt at brown pants underneath his white lab coat.

"I'm fine. I'm okay now."

"Do you want me to call anyone? Your mother perhaps?"

Bumangon mula sa pagkakahiga si Tammy. "No. Hindi na po, she's busy at susunduin niya pa ang kapatid ko sa school. I'm okay."

Tumayo si Tammy mula sa kama at kinuha ang kanyang bag na nasa silya. Nakakatatlong hakbang palang siya nang bigla siyang nahilo. Agad siyang hinawakan sa braso at inalalayan ng nurse nang muntik mawala ang balanse niya.

"Sigurado ka ba na kayo mo?" malumanay ang boses nito na bakas ang pag-aalala.

"Yes. I'm okay now."

"Maybe I should drive you home—"

Biglang bumukas ang pinto ng infirmary at pumasok ang isang lalaking estudyante. Agad na inalis ng nurse ang pag-alalay sa kanya.

"What is going on here?" malamig nitong tanong.

Nakilala ni Tammy ang lalaki bilang isa sa mga Alpha ng Pendleton High. Naramdaman niya ang tensyon na biglang bumalot sa paligid. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari. At kung bakit masama ang tingin nito sa kanilang dalawa ng katabi niyang nurse.

"TAMMY!!!" biglang sumulpot ang tatlong babae sa may pintuan. Sina Fatima, Cami at Lizel.

"Uwian na, okay ka na ba?" tanong ni Cami.

Tumango si Tammy saka tumingin sa school nurse. "Thank you, but I promise I'm okay now."

"Ah. S-sige," namumutla at tila kinakabahan nitong sabi.

Napahawak sa straps ng bag niya si Tammy. May kakaiba talagang nangyayari sa dalawang lalaki.

"Tammy, sabay ka na sa'min. Dadaan kami sa Burger Queen, sama ka. Hindi ka pa nag-lunch diba?" tawag ni Lizel.

Ngumiti si Tammy saka naglakad papunta sa mga babae. Nadaanan niya si Reo na hindi inaalis ang mga mata sa nakatalikod na school nurse. Pakiramdam niya ay may mangyayari sa oras na umalis sila.