Chereads / One-sided Love by pinkyjhewelii / Chapter 3 - Chapter 3

Chapter 3 - Chapter 3

Hindi ko mapakalma ang sarili ko. Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko. Kasalanan 'to ni Ciara, e. Kung hindi niya ako itinuro na gawing muse ng SWU Wolf, e'di sana hindi ako kinakabahan ngayon.

Basta para kay crush, ipapahamak ka talaga ng sarili mong kaibigan, e.

"Reiko, para namang sinisilihan ang pwet mo niyan." Natatawang sabi ni Ciara.

Hinila ko ang buhok niya. "Baliw ka kasi! Paano natin haharapin ang SWU Wolf? Nakakahiya!"

"What? Pagkakataon na natin para malapitan ang crush natin! Waaa! Sabi sa 'yo, e. May napapala tayo sa kagandahan mo." Tumawa pa siya lalo.

A friend like this? Sarap sabunutan.

"Hindi ko alam kung paano ako pupunta sa gym! Kainis ka naman, e."

Napakamot siya sa ulo niya. "Reiko, ang dali dali lang pumunta sa gym. Maglalakad ka---aray!"

Hinila ko ulit ang buhok niya. "Mamimilosopo ka pa. Hindi ko na nga mapakalma ang sarili ko."

"Ganyan talaga. Iba talaga kapag si crush ang pupuntahan mo, talagang magwawala 'yang heart mo. Sa akin nga pati small and large intestine ko, nagkakagulo na. Malalapitan ko si Kenzo my loves! Makikipag-selfie ako sa kaniya ha! Tapos magpapa-fansign na din ako. Waaaa! Siguradong maiinggit na naman sa akin ang fangirls niya. Biglang sikat ako sa facebook!" Mahabang litanya niya. Para pa siyang nagde-daydream.

Grabe talaga 'tong kaibigan kong 'to.

Kung siya excited, ako kinakabahan. Paano ko sila kakausapin? Paanoooo?

"Anong una kong sasabihin sa SWU Wolf pagpunta ko doon sa gym?" Tanong ko kay Ciara.

Nakaupo kami dito sa bench sa SWU quadrangle. Nakatambay, at naghihintay ng oras para pumunta sa gym.

"Like, duh! Ang dali dali lang. Ganito, pagpasok natin sa gym, sigaw ka ng malakas na hello! Ganern. Tapos, sabihin mo, narito na ako, ang muse niyo, nanginginig pa! Pak ganern!"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Oooppss! Easy lang, girl! Masyado kang na-ha-highblood ka agad, e. Nagbibiro lang ako."

"Umayos ka kasi!" Sabi ko. Puro kalokohan kasi ang alam, e. Kinakabahan na nga ako.

"Just simply say hello to them. Gets naman na nila na ikaw na ang muse, e."

I cleared my throat. Ano ba kasi itong pinasok ko. Si Ciara kasi talaga ang may kasalanan, e. But on the other side, dapat nga akong matuwa kasi makakasama ko si....

"Tara na nga, girl! Punta na tayo sa gym. Nakapagsulat na ako sa papel ng pangalan ko para sa fansign kay Kenzo!"

"Seriously?"

Tumawa na naman siya. Baliw na 'to. "Seryoso ako! Alam mo namang crush na crush ko si Kenzo, e."

"Kahit masungit?"

"Oo naman. Nakaka-turn-on kaya ang kasungitan niya."

Malala na 'tong besfriend ko.

"Ano, tara na?"

Handa na ba ako? Waaaa! Pwede bang sumigaw muna ng isang super duper lakas? Kasi...shiiiiitttttt! Makakasama ko si crush!

"Gorabels na tayo. Yeeee. Kunwari ka pa kasi diyan. If I know, gusto mo din naman. Uyyy, makikita niya..."

"Tse! Tigilan mo ako, Ciara. Tara na nga!"

I am ready. Okay. Inhale, exhale.

Naglakad na kami patungo sa SWU gym. Habang papalapit ay lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Grabe, bakit ganito kasi. Though, nakakasama ko na sa mga family gatherings and other parties si Enzo, iba pa rin ang pakiramdam kapag makakasaluma ko talaga siya. Hindi ko naman kasi siya nilalapitan. Hindi kasi ako feeling close. Ang madalas ko lang nakakausap ay 'yung Ate niya.

"Shemay! In ten seconds, nasa gym na tayo. Ano ang first word mo for Enzo? Kinikilig ako!"

"Baliw ka ba? Hindi naman kelangang siya agad ang kausapin ko. Hindi ba dapat si Kenzo kasi siya ang team captain? Psh."

"Of course! My Kenzo!

Paglapit namin sa gym ay sumilip muna kami ni Ciara. Naroon nga ang SWU Wolf na mukhang nagpa-practice at ang iba ay nakaupo sa bleachers na parang may meeting. Napansin ko ang ilang babaeng nanunuod lamang sa kanila. Iba talaga ang SWU Wolf, kahit meeting at practice lang nila, pinapanood pa din sila ng mga estudyanteng babae.

"May fangirls pala sa loob." Sabi ni Ciara.

"Hindi na 'yan maiiwasan." Sabi ko saka siya hinila papasok sa gym.

Ramdam kong nagtinginan sa akin 'yung mga babaeng nasa taas na parte ng bleachers. Siguro, nagtataka sila dahil naglalakad ako ngayon sa gitna ng court, papalapit sa SWU Wolf.

"Hi Reiko!" Bati sa akin ni Jimmy. "Hi....?"

"Ciara." Sagot ni Ciara kay Jimmy.

"Okay, Ciara. Hi!"

Nginitian ko siya. Nagtinginan na rin sa amin ang ilang players. Oh, come on! Para nila akong tutunawin.

"Miss Abellano." Ma-awtoridad na sambit ni Kenzo. Bakit ba napakasungit ng isang 'to? Ang layo sa personality ng triplets niya, e. Sina Enzo at Renzo, jolly at ngumingiti.

"Too formal. Just call me Reiko." Kung matawag naman ako nito, akala mo hindi close ang family namin sa isat' isa, e.

Tumikhim siya. "Okay, Reiko. Sit down here. I'll talk to you." Sabi niya.

"Woah! Easy-han mo, Kenzo. Baka masindak sa 'yo si Reiko niyan." Sabi ni Renzo. Lumapit pa siya sa akin. "Selfie!" Sigaw niya saka nag-click nalang basta ng camera niya na nakaharap sa akin. Bale kaming dalawa ang nakunan ng selfie.

Kumunot ang noo ko sa ginawa niya.

"Pagpasensyahan mo na 'yang si Renzo. Adik sa selfie 'yan!" Tumatawang sabi ng ka-team niyang 'di ko tanda ang pangalan.

Ngumiti lang ako at tumingin kay Renzo na abala na sa phone niya. He's smiling like an idiot? Seriously?

Napansin ko si Enzo na busy sa pagpa-practice. Nalungkot ako ng kaunti. Hindi man lang kasi siya lumapit para batiin ako. Deadma lang siya.

"Girl, lapit na tayo kay Kenzo." Bulong sa akin ni Ciara.

Lumapit kami sa bleachers kung saan nakaupo si Kenzo. He's looking at me intently. 'Yung totoo? May problema ba sa akin 'to?

"So...?" Panimula ko.

"Sinabi ko na 'to sa president ng school and she approved it. Gagawa sila ng memo na i-excuse ka sa classes mo dahil every game namin sa iba't ibang school, kailangang kasama ka namin."

President ng school. He's really formal. Samantalang nanay niya 'yon. Si Tita Chelsea.

Tumango-tango ako. "What do I need to wear?" Tanong ko.

"Nagpapagawa kami ng bagong uniform para sa inter-school game. Ipapasunod naming ipagawa ang uniform mo as muse. Siguro, kailangan mong sumama sa amin sa pagawaan para masukatan ka nila. If it's okay with you?"

"It's fine. No problem." Sagot ko.

"Mamayang five ang tapos ng practice namin. You can wait for us para diretso na tayo sa pagawaan ng uniform. I know you have a driver, just text or call him na huwag ka ng sunduin. Kami na ang maghahatid sa 'yo sa bahay niyo pagkagaling natin sa pagawaan ng uniform."

Napalunok ako. Ang isipin palang na makakasama ko sa iisang sasakyan si Enzo, mahihimatay yata ako.

"Sure. Sige!" Sagot ko. Pero ang kaba ko, jusko!

"Kenzo!"

Napalingon kami sa tumawag na iyon. At lalong nahulog ang puso ko nang makitang si Enzo pala 'yun. Nakalapit na siya dito sa amin. My golly!

"Hi, Reiko!" Bati niya. He's smiling.

Oh my, ang puso ko! Umaabot ang kilig sa mount everest! Shemay!

"H-Hi..." Nauutal ako! Nakakahiya!

"Out muna ako. Magme-meryenda lang ako sa labas." Paalam ni Enzo kay Kenzo.

Seryoso lamang na nakatingin si Kenzo kay Enzo. Hindi ba siya marunong ngumiti?

"Tch. Sa supermarket ka lang pupunta para bumiling pakwan."

"Hayaan mo na, bro. Sige ha! Saglit lang ako." Umalis na agad si Enzo. Ka-sad! 'Di man lang nagpaalam sa akin, char!

Pero napansin kong....wait, may key chain siyang pakwan. Ilang beses ko na rin siyang nakikitang kumakain sa cafeteria ng pakwan. At ngayon, pupunta pa siyang supermarket para bumili ng pakwan?

Naglilihi? Buntis? Ay, wait. Lalaki pala siya.

Adik sa pakwan? Hindi naman kasi ako stalker niya kaya wala pa akong gaanong alam sa kaniya. Crush ko lang siya. Hanggang doon lang. Hindi ako 'yung mga klase ng babae na susundan at aalamin lahat lahat ng tungkol sa crush nila.

Ang weird niya.

"So, Reiko. Can I get your number?"

Napalunok ako nang marinig ang boses ni...Kenzo. Buti nalang, hindi ako nalilito sa kanilang tatlo. May differences naman sila kahit iisa ang mukha nila.

"Oh. Okay." Sagot ko saka kinuha ang phone niya na nakalahad sa akin. Nag-type ako ng number ko saka ibinalik sa kaniya.

"Then, it's settled. I'll call you, or text you later." Sabi niya.

I nodded. "Alright! So, babalik na ako sa class ko." Paalam ko.

"Reiko!" Sigaw ni Renzo. Tumingin ako sa kaniya. "Wala, wala.."

Nginitian ko lang siya.

"Tch. Too obvious." Narinig kong komento ni Kenzo.

Sumenyas na ako sa kanila pero bigla naman akong kinurot sa tagiliran ni Ciara kaya natigilan ako.

"Ano ba?!"

Dinilatan niya ako ng mata. "Fansign, besty!" Mahinang sabi niya.

Oo nga pala. Baliw talaga 'tong si Ciara.

Hinarap ko ulit si Kenzo. "Ah, Kenzo?"

"Yes?"

"She's Ciara, my bestfriend. Kung pwede daw makipag-selfie sa 'yo?"

Saglit siyang tumingin kay Ciara saka tumango. Ganoon pa din ang mukha niya. Hindi man lang ngumiti.

Kinikilig na lumapit si Ciara kay Kenzo habang nagpipipindot sa phone niya. Pinanood ko lang siya.

"Wait lang, Kenzo ah. Nag-hang 'yung phone ko. Hehe."

Natawa nalang ako sa sinabi ni Ciara.

Kapag talaga kaharap natin si crush, matataranta ka talaga, e.

"Okay na. One, two...click!"

Napailing na lamang ako. Paano, nag-selfie sila. Nakangiti nga si Ciara pero si Kenzo, seryoso lang at wala man lang ngiti kahit kaunti lang. Masungit nga talaga 'tong isa ito.

"Uhm, Kenzo. Pwede din ba magpa-fansign?" Tanong ni Ciara.

"Sorry. I don't do fansigns." Sagot ni Kenzo.

"Ah, sige. Okay lang! Thank you sa selfie!" Sabi ni Ciara saka mabilis akong hinila palabas ng gym.

Hindi na ako nakapalag. Ang higpit ng pagkakakapit sa braso ko ni Ciara, e.

"Hoy, babae! Ano bang nangyayari sa 'yo! Madadapa tayo, e."

Tumigil siya sa paghila sa akin nang makalabas kami sa gym. Hinihingal-hingal pa siya.

"OMG! Gusto kong mag-collapse! Nagkaroon ako ng selfie kay Kenzo Shinwoo! And look, not one, but two takes! Waaaaaa!" Tuwang-tuwang sabi niya habang pinapakita sa akin ang screen ng phone niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Oo nga, e. See that? Mukhang napilitan lang si Kenzo." Tinawanan ko siya.

"Ang sama mo! Sayang nga ang fansign, e. Pero okay na rin. May selfie naman, e. Mas bongga 'to! Maniniwala na nito ang mga friends ko sa facebook na hindi 'to edited. Totoong totoo!"

Si Ciara kasi, sa totoo lang, may malalim talaga ang pagka-crush kay Kenzo na tipong nag-po-photoshop siya ng picture niya at ni Kenzo na pinagtatabi niya para kunwari kasama niya sa picture. Lagi siyang inaasar sa comments ng mga friends pa niya at classmates namin.

At ngayong totoo na silang may picture, for sure pagkakaguluhan ng mga classmate namin 'yan.

"Kalma ka na. Tara na sa room!" Sabi ko.

"Kinikilig talaga ako! Waaaa!" Tili pa niya habang naglalakad kami. "Pero ikaw besty, kunwari ka pa. Kanina pinansin ka ni Enzo. Nautal ka pa nga. Uyyy, kilig ang ovaries!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Baliw ka talaga!"

"Psh. Kunwari pa, oh."

"Tigilan mo ako, Ciara. Tara na sa room."

"Oo na! Basta ipo-post ko 'to sa facebook, Kenzo noticed me! Waaaa." Hinampas pa niya ako sa braso ko.

Napailing na lamang ako. Iba talaga kapag napapansin tayo ng crush natin, minsan nakakabaliw sa kilig.

Madalas pa, 'pag kinilig ang kaibigan mo, nanghahampas. At syempre ikaw din, ganoon. Vice versa.

Kasama kaya si Enzo mamaya sa pagpunta sa pagawaan ng uniform? Makakasama ko kaya siya sa iisang sasakyan? Kakayanin ko ba? Nae-excite na kinakabahan naman ako. Tapos ihahatid pa nila ako sa bahay. Ang saya ko bigla!

"Hoy, Reiko! Anong iniisip mo? Madadapa ka sa kaka-imagine mo diyan. Ikaw ha!"

"Ano?!" Pagtataray ko. "Hindi 'no!" Binilisan ko na ang paglalakad pabalik sa room. "Bilisan na nga natin!"

"Woooo! Kunwari ka pa talaga." Tumatawang sabi ni Ciara habang nakasunod sa akin. Hindi ko na siya pinansin.

Huminga ako ng malalim at muling inalala 'yung nangyari kanina. Ganoon ba talaga kapag crush mo or gusto mo ang isang tao? Isang "hi" niya lang, parang manghihina ang tuhod mo tapos mauutal ka pa. Kaso, 'yun lang 'yun. Hanggang doon lang. Walang, ask on a date, or kahit paghingi ng number, hindi niya ginagawa. Nahihiya naman akong kunin ang number niya. Hay! Hirap magka-crush kapag hindi ka masyadong napapansin.

May pag-asa kayang magustuhan niya din ako?