Chereads / One-sided Love by pinkyjhewelii / Chapter 2 - Chapter 2

Chapter 2 - Chapter 2

Maaga akong pumasok para makipagdaldalan kay Ciara. Hindi kami nakapag-kwentuhan kagabi sa telephone kasi pinutol ni Mom ang linya sa kwarto ko. Kainis! Ano bang masama sa pakikipag-telebabad? Buti nga hindi ako nagda-drugs, e.

"Earth to Reiko, please?"

Sinimangutan ko si Ciara. Nakaupo kami dito sa may labas ng room namin. May bench kasi dito at may inaabangan kaming dumaan.

Alam na! Kahit sino namang may crush, ganito ang ginagawa, e. Nag-aabang na dumaa baka sakaling mapansin.

"Nakita mo na ba siya?" Tanong ko. Ayokong pangalanan kasi.. kasi kinikilig ako!

Ngumiti siya ng nakakaloko. "Oo na! Huwag kang mag-alala, hindi masasayang ang pag-aabang natin. Dadaan 'yan mamaya! Nakita ko sila kanina sa gym, dumaan kasi ako. Kunwari may naiwan akong libro dun kahit wala. Haha!"

"Galawang papansin tayo, Ciara ah!" Tumawa ako. Baliw talaga 'tong babae na ito. Crush na crush kasi niyan si ano..

"Syempre! Lahat gagawin ko para kay crush. Hindi kasi ako pinapansin. Parang menopause lagi." Humagalpak siya ng tawa. "Paano kaya niya ako papansinin?"

"Lapitan mo kaya!" Suhestiyon ko. Wala naman sigurong masama kung lapitan natin ang crush natin 'di ba?

"Nakakahiya, e! Murahin ko kaya sa chat sa facebook? Ewan ko nalang kung hindi ako pansinin no'n!"

Tumawa ako sa sinabi niya. Tumawa din siya. We laugh together.

Halos maluha-luha pa ako kakatawa hanggang sabay kaming mapatigil ni Ciara.

"Hina mo talaga, brad!"

"Oo nga, libre mo lunch. Talo ka, e."

"Tch."

"Dahil talo kayo, bilhin niyo lahat ng pakwan sa canteen. Bigay niyo sa akin. Wahahah!"

"Lul! Muka mo pakwan!"

"O, tama na! Selfie na sa mga talo!

Parang nag-automatic na naging hugis puso ang mata namin ni Ciara. Hanggang sa nakalampas na ang grupo ng mga lalaking iyon, nakasunod pa din kami ng tingin.

"Ang gwapo talaga niya.." Nagde-daydreaming na sabi ko.

"Ang hot niya.." Sabi naman ni Ciara.

Ang SWU Wolf na pinagkakaguluhan ng SWU highschool department. Kasama na kami doon ni Ciara.

"Kelan kaya talaga tayo mapapansin ng crush natin?"

Tinitigan ko siya sa malayo.

"Gagawa ako ng paraan. Basta! Hahamakin ko lahat, mapansin niya lang!" Buong lakas ng loob kong sabi.

Hinila ako ni Ciara. "Tara na sa loob ng room. Nagiging makata ka na diyan, girl!"

Nagpout ako saka nagpahila na lamang sa kaniya.

Magka-klase na naman. Boring pa ang mga teachers.. Mas gusto ko pang panoorin siya kesa makinig sa lecture ng mga teachers. Mas may napapakinabangan pa ako kasi.. Binubuo niya ang araw ko.

"Reiko, ayos ka lang? Natutulala ka na naman sa kawalan." Siniko ako ni Ciara kaya umayos ako ng pagkaka-upo sa desk ko.

Tiningnan ko siya ng masama. "Nag-iimagine lang ako. Panira ka naman, e."

"Oopps! Sorry, girl! Ano, ikinakasal na ba kayo sa imagination mo? Hindi mo man lang ako in-invite!"

I showed her my pokerface. Baliw talaga ang babaeng 'to.

"Ayoko na ngang mag-imagine!" Sabi ko saka tinutok ang tingin sa white board sa unahan.

Nakasulat kasi doon ang tungkol sa field trip namin next month. Pero wala pang teacher kaya hindi pa na-e-explain ang tungkol doon.

"Ahhhhhhh!"

Nagulat ako nang maghiyawan ang mga classmates kong babae.

"Ano 'yun?" Tanong ko kay Ciara. Wala kaming idea kasi dito kami nakaupo sa bandang likod.

Mabuti nalang talaga at hindi alphabetical ang seating arrangement dahil ayoko sa unahan.

Nagkibit-balikat si Ciara.

"OMG! Ahhhhh!"

"Mga classmates! Narinig ko lang! Papunta daw sa bawat room ang SWU Wolf! Ahhhhh! May something silang ia-announce." Sigaw ng isa naming classmate--si Lysa ang bibig ng buong SWU, means pinaka-tsismosa.

My heart suddenly beats so fast. Pupunta sila dito sa room namin!

"Oh my, Reiko! Fangirl mode on tayo! Makikita ko siya! Magpapapansin ako ng todo todo! Waaaa!"

Nataranta ako sa hiyaw ni Ciara. Bigla akong nahiya. Anong gagawin ko? Mapansin kaya niya ako?

Pero..

Nanlaki ang mga mata ko nang may maalala ako.

"Ciara!"

"O!? Nakakagulat naman 'to?!"

"Narito tayo sa likod! I cannot! Dapat nasa unahan tayo nakaupo para kaharap natin sila!"

Nanlaki din ang mga mata ni Ciara. "Oo nga pala! Shemay!"

Dinaig niya si Flash dahil bigla siyang nawala sa tabi ko at nang tumingin ako sa unahan, kausap na niya iyong classmate naming lalaki sa unahan na nakaupo. Para siyang nagpapa-cute na ewan.

Maya maya pa ay muntik nang malaglag ang panga ko nang tumayo 'yung dalawang lalaki naming classmate na nasa unahan bitbit ang bag nila. Papunta sila dito sa pwesto ko.

"Girl, dito na tayo dali! Pakidala na ng bag ko!" She flips her hair.

Mga diskarte talaga. Gagawin ang lahat para kay crush.

Napailing na lamang ako saka binitbit ang bag ni Ciara. Dala ko din ang bag ko papunta sa unahan at naupo sa tabi niya.

"What did you do?" Tanong ko sa kaniya.

"Well, iba na ang nagagawa ng kagandahan." She answered and winks at me.

Umakto ako na parang nasusuka. "Ewan sa'yo."

Sumandal ako sa upuan ko saka huminga ng malalim. May i-a-announce sila so tatayo sila dito sa harap. At dahil nakaupo kami dito sa unahan, malapit na malapit kami! I cannot talaga! Ang puso ko, nagba-bungee jumping na.

"Ahhhh! Andyan na sila!" Sigawan ng ibang classmates namin.

Napalunok ako at napahigpit ang kapit sa desk ko. Andyan na nga. Bakit ba ganito ang kabang nararamdaman ko?

Nagpasukan sa room namin ang mga classmates namin at umayos sila ng upo sa mga upuan nila.

Naunang pumasok ang teacher namin kasunod ang ilang myembro ng SWU Wolf.

Dug, dug..

Shemay. Sabi sa akin ng Tita Fancy ko, kapag may dug dug daw akong naramdaman, ibig sabihin daw no'n, in love ako. Whatttt? In love na ako sa... sa kaniya?

"Class, quiet! Narito ang SWU Wolf dahil may ia-announce sila sa inyo. So, makinig kayong mabuti. Iiwan ko sila dito dahil may meeting pa ako." Paalam ng teacher saka lumabas din.

Napalunok na naman ako. Nasa harap ko sila. Nakatayo..

"Hi, I'm Jimmy."

"Kenzo."

Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit sa braso ko ni Ciara.

"Yo, Renzo!"

"Pa-selfie!" Sigaw ng mga classmates kong papansin.

Tumawa lang siya. Hindi ko alam kung sa akin siya nakatingin o sa gawi ko lang. Nakatingin kasi ako sa kanila kaya napansin ko.

"Daniel here."

Parang tumigil ang ikot ng mundo ko nang tumingin sa amin si..

"I'm Enzo."

O-to the-M-to-the-G!

Hindi ko alam kung matatawa ako kasi, ngayon ko lang siya natitigan ng malapitan dito sa school. Ngayon ko lang napansin na may key chain siyang pakwan sa phone niya na hawak niya.

Pakwan talaga?

"We're here to talk about our game next week. We need your full support guys." Panimula ni Kenzo.

Humigpit na naman ang kapit sa akin ni Ciara.

"Girl, pupunitin mo ba ang braso ko?" Bulong ko sa kaniya.

"Reiko.. hindi na kinakaya ng small intestine ko. Kilig overload! Shemay!" Kinikilig na sabi niya pero mahina lang.

"We already talked to faculty and they allow all the students to watch the game." Sabi nung Jimmy.

"Ang game ay gaganapin sa Western University. Four in the afternoon. See you all there guys." Nakangiting sabi ni Renzo.

Of course, I know him. Anak siya ng bestfriend ng Dad ko. And.. pamilya lang naman nila ang may-ari nitong SWU.

Renzo Shinwoo. May ka-triplets siya. Sina Kenzo at..

"To show your support, just wear anything with color blue." Nakangiti ring sabi ni Enzo.

Ayun nga, sa triplets, kasama si Enzo Shinwoo. Lahat sila member ng SWU Wolf.

"Huwag niyong kalimutan guys! Wednesday next week!" Sigaw ni Daniel.

"Just use google where the hell is Western University." Dugtong ni Kenzo.

Alam ko may pagka-suplado siya pero crush na crush pa rin siya ni Ciara.

"Reiko! Bakit ang hot niya magmura? OMG. I need to make a move!"

Kumunot ang noo ko. "Anong move move ang sinasabi mo?"

Bigla siyang tumayo. "May muse na ba kayo?" Tanong niya.

Nasapo ko ang noo ko. Talaga 'tong si Ciara, o!

"Oh, that. Actually, we have a meeting later and we'll talk about it." Sagot ni Kenzo.

Nakatayo pa din si Ciara na para bang na-estatwa na. Okay, kinausap lang naman siya ng crush niya.

"Si.. Si.. Si Reiko! Oo, si Reiko! Bagay siyang maging muse!" Sigaw niya.

Nalaglag ang panga ko. What the?

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Anong pinagsasasabi nitong si Ciara? Akala ko pa naman sarili niya ang iaano niya!

Bakit akkkooo?

"Good suggestion." Narinig kong sabi ni Renzo. Nabosesan ko siya. Nakatungo kasi ako---sa kahihiyan. Kasalanan ni Ciara 'to!

"Papayag naman siya, e. Hindi ba, Reiko?"

Napilitan akong tumunghay. Malalagot sa akin 'tong si Ciara mamaya. I will pull her hair!

Ngumiti ako ng alanganin sa mga lalaking nakatayo sa unahan.

"Is it okay with you, Miss Abellano?" Tanong ni Kenzo.

Kilala niya ako, siyempre. Hindi ko lang sila close.

Ano ba, papayag ba ako? Ano ba 'yan. Magpa-pabebe pa ba ako? Chance ko na ito para makalapit sa kaniya.

Alanganin akong ngumiti saka tumango. "Oo, sure. No problem." Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko.

"It's settled then, sama ka sa meeting mamaya. Sa gym. We'll give you some details." Nakangiting sabi sa akin ni Renzo.

Iniwasan kong tumingin kay... sa kaniya dahil ayokong makita ang reaction niya.

Tumango ako kay Renzo at ngumiti.

"Then, guys! We are done. Thanks for listening!" Paalam ng SWU Wolf.

Nang makalabas sila ay naghiyawan pa ang mga classmates kong babae. Para pang nangingisay sa kilig ang iba. Yung iba naman, nanghahampas ng katabi.

At ako?

"Ahh! Aray naman, Reiko!" Sinabunutan ko si Ciara.

"Bakit bigla mo akong tinuro na mag-muse! Grabe ka. Nakakahiya!"

"Why? Maganda ka naman. Sexy ka! O, saka kinabahan ako, e. Sarili ko dapat isa-suggest ko kaso baka ma-turn-off sa akin si Kenzo.

Bumuntong hininga ako. "Hay, ewan ko sa'yo. Paano na 'yan! May meeting pa mamaya! Hindi ko keri pimunta do'n mag-isa!"

"Duh! E'di siyempre, sasamahan kita. Perks of being your friend. OMG! Ma-rape nga mamaya si Kenzo sa gym."

Tinampal ko ang kamay niya. "Grabe ka talaga!"

"Joke lang! Hahaha! Basta, basta! Kelangang makapagpa-selfie ako sa kaniya mamaya."

I rolled my eyes. "Whatever!"

Pero hindi nga, kasama ko sila sa meeting mamaya. In instant ay pumayag silang maging muse nila ako? Agad agad? Grabe, nakaka-overwhelmed na nakakakaba.

Kasi, si ano..

Masisiraan yata ako ng ulo! Kailangan kong umakto ng maayos mamaya! Ang hirap naman kasi kapag kaharap mo na ang crush mo, parang conscious ka sa bawat galaw mo!