NALOLOKA ako dahil hello, kasama ko sa mansyon namin si Kenshin. Alam niyo iyong feeling na jusme, masasabi ko nang magkasama na kami sa iisang bubong!
"Kensh, dito ka tutulog sa kwarto ko, okay? You can't stay at other rooms dahil baka biglang dumating si Papa at makita ka."
Madami naman kaming guest room. Pero syempre gusto kong dito siya sa kwarto ko para pagsamantalahan niya ako. Oo, gusto ko iyon!
"Kapag nakita niya ako, pwede mo namang sabihing anak mo ako e."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Anong tingin mo sa akin, matanda?!"
"Tingin ko sa 'yo, mahaba ang baba."
"Letse ka! Umayos ka ha! Dapat nga magpasalamat ka sa akin dahil pinatuloy kita dito sa bahay namin." Sabi ko.
"Salamat, Frey."
Napangiti naman ako sa sinabing iyon ni Kensh. Marupok talaga ako. Simpleng salamat niya, kumakabog ang dibdib ko. Ano ba!
"Alam ko namang hindi ka pwede sa unit ni Drake e. Kasi of course, doon ka agad pupuntahan ni Daddy Ken."
"Frey, huwag mo siya tawaging daddy. Hindi naman kita kapatid e. Saka wala sa genes namin ang mahaba ang baba."
"Punyeta, Kenshin ha!"
Ngumisi siya. "Pero tama ka naman. Hindi talaga ako pwede kay Drake. Hindi rin ako pwede sa bahay ni Ninong Jerome at lalong hindi ako pwede sa bahay nina Duke."
Kawawang Kenshin. Hay, pasalamat nalang siya na may "ako".
"Saka sigurado ako na kahit malaman ni Dad na narito ako sa bahay niyo, hindi niya ako pupuntahan dito." Sabi niya.
Kumunot ang noo ko. "Bakit naman?"
"Syempre, Frey. Mahaba ang baba mo. Matatakot si Dad kasi matutusok siya. Mapanganib iyang baba mo."
"Kenshin! Hindi ka nakakatawa!"
"E hindi naman ako nagpapatawa, Frey. Abnormal ka ba?"
Naningkit ang mga mata ko. Ako pa talaga ang abnormal? Ako? E siya nga 'tong may kakaibang personality na hindi maintindihan. Minsan gusto ko siyang tanungin kaso baka naman ma-offend siya.
"Ewan ko sa 'yo. So, tabi nalang tayo dito sa kama ko kasi queen size bed naman siya." Sabi ko.
Para paraan! Syempre mas masaya kung katabi ko siya matulog saka lalasingin ko siya kapag gabi para pagsamantalahan niya ako. Enebe! I sooo likr that idea.
"Dito nalang ako sa sofa mo, Frey. Hindi tayo pwedeng magtabi dahil hindi naman tayo mag-asawa."
I rolled my eyes. "E 'di gawin mo akong asawa. Duh!"
"Hindi naman kita gusto e. Saka marami pa akong pangarap sa buhay, Frey. Ayoko pang magkaroon ng asawa."
Nakakasakit ah! Lakas mang realtalk!
"Saka ayoko ding makatabi ka kasi..."
"O, ano? Kasi mahaba ang baba ko at matutusok ka, ganoon?!"
"Kasi baka hindi ko mapigilan ang sarili ko."
Napalunok ako. Kesye enebe! Sinabi nang marupok ako! Simpleng salita niya, nagwawala ang mga worms sa tiyan ko. Nakakainis!
"E kesye ene elem me nemen ne---"
"Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na sukatin ang baba mo gamit ang ruler."
Muling naningkit ang mga mata ko. "Isa pa, Kenshin ha!"
"Mahaba baba mo."
"Kenshin!"
Tumawa siya. "Pero dito na nga ako sa sofa, Frey. Hindi magandang tingnan na nagtatabi sa pagtulog ang babae at lalaki kahit hindi mag-asawa. Kasalanan iyon."
Umandar na naman ang pagiging banal niya. Demonyohin ko nga siya minsan ano?
"It's up to you." Sabi ko.
Hinayaan ko siyang umupo sa sofa. Napansin ko ang pagtahimik niya.
"Frey..."
Tumingin ako sa kaniya. "What?"
"Paano kung..."
"Kung ano?"
"Kung malaman mo na magpapanggap lang ako, matatanggap mo pa kaya ako?"
Gosh. Is this the start na para aminin niya sa akin kung anong meron sa kaniya?kung bakit paiba iba ang personality niya? Nagpapanggap lang ba siya?
"Kung reasonable naman ang pagpapanggap mo, why not?"
Hindi siya sumagot.
"Bakit? Ano ba iyon? Tell me. Huwag kang mag-alala dahil hindi kita huhusgahan."
"Nagpapanggap lamg ako na..."
Kinakabahan ako! May sakit kaya siya? Sa utak ba or what?
Nag iba anv ekspresyon ng mukha niya. Bigla nalang siyang ngumiti. "Nagpapanggap lang ako na simpleng tao, Frey dahil isa akong..."
Aaminin na niya. Ayan na!
Nakaabang lang ako sa sasabihin niyang habang malakas ang pagkabog ng dibdib ko. Wala nga pala akong dibdib, okay.
"Isa akong power ranger. Ako si power ranger blue. Palagi akong naroon sa oras ng kagipitan. Huwag mo sananag ipagkakalat."
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya pero letse, abnormal talaga siya. Bwisit!
"Kasali pala ako sa wonder pets, Kenshin. Ako si mingming. Kaya sa oras ng kagipitan, magtulungan tayo, okay?" sarkastiko kong sabi.
Humagalpak naman siya ng tawa. Bwisit na lalaking 'to! Lakas ng trip e. Minsan hindi ko tuloy alam kung kailan siya seryoso at hindi. Pero bakit ganoon, kanina, pakiramdam ko may gusto siyang sabihin talaga pero hindi nalang niya itinuloy at iniba nalang ang usapan kasi hindi niya kayang sabihin?
"Okay, magswimming nga pala ako kasi super init." Sabi ko nalang para maiba na ang usapan.
Saka isa pa, gusto kong ipakita sa kaniya kung gaano ako ka-sexy. Hindi kasinglaki ng pakwan ang boobs ko tulad ng kay human melons pero duh, sexy ako. Malaki ang pwet ko saka basta sexy ako! Siguradong magpo-form ng puso ang mga mata ni Kenshin kapag nakita niya ang full hot sexy body ko.
Pumasok ako sa walk-in closet ko saka kinuha ang pinaka-sexy kong swimsuit. Dumiretso ako sa banyo saka nagpalit. Lumabas ako ng banyo ng naka swimsuit.
"Hala, Frey! Ang bastos mo naman. Porn 'yan!" Aniya habang tinatakpan ng mga kamay niya ang mga mata niya.
Bwisit talaga!
"Mag-swimming ako, bakit ba? Alangan naman mag pantalon ako. Anyway, kung gusto mong mag-swimming din, just change your clothes and bumaba ka nalang, okay?"
Nararamdaman kong susunod siya sa akin sa baba. Yeee! Maybe, he's having his boner na?
Lumabas ako sa kwarto ko. Ibinalot ko sa katawan ko ang hawak kong bathrobe. Bumaba ako sa may kitchen saka lumabas sa sliding door papunta sa pool.
Ang sarap sa feeling ng ganitong weather. Masarap magbabad sa pool habang naka-swimsuit tapos pinapanood ako ni Kenshin. So heaven!
Tinanggal ko ang bathrobe ko saka bumaba sa pool. Katamtaman lamang ang lamig ng tubig ng pool. Naglangoy agad ako. Tatlong pabalik balik at pagtigil ko ay namataan ko si Menshin na palapit ditlo sa pool.
See? Hindi siya nakatiis kasi ang yummy ko.
"Mag-swimming ka?" Tanong ko habang nakatingala. Nakatayo kasi siya sa gilid ng pool.
"Oo sana? Kapag ba nagswimming ako, mababasa ako?"
Pinaningkitan ko siya ng mata. "Hindi. Baka invisible ka kaya hindi ka mababasa."
Pilosopo kung pilosopo.
Ngumiti lamang siya saka umupo sa gilid ng pool. Lumapit naman ako sa kanya habang nasa tubig pa rin ako.
"Kenshin, maganda ba ako?"
Tumango siya.
"Kiss mo nga ako." Sabi ko sabay hagalpak. As if naman! E siguradong palagi 'yang may karugtong na, kaso mahaba ang baba mo.
Tumingala ako sa kaniya pero nanlaki ang mga mata ko nang sumalubong sa akin ang labi niya. Hinahalikan niya ako! Jusko, ayoking itigil 'to!
He groans as he bit my lower lip. Pakiramdam ko ay bigla akong nag-init.
Napaka inosente niya at pilosopo, pero hindi ko maipagkakaila kung gaano siya kasarap humalik. Para siyang expert sa bagay na iyon. The way he suck my tongue and bite my lips. Punyeta ni Kenshin, ang yummy!
Saglit siyang tumigil na para siyang napaso.
"Uh, Frey... ipagtitimpla kita ng juice sa loob." Sabi niya saka mabilis na tumayo at tumakbo papasok sa loob.
I gulped. That is so hot! Ang yummy niya talaga. Why?! Bakit binabaliw niya ako ng ganito?
Pinaypayan ko ang sarili ko kasi ang landi landi ko. Konting dila, konting kagat, gusto ko na agad magpabuntis sa kaniya. Kainis! Iba talaga ang epekto sa akin ni Kenshin.
Muli akong lumangoy para malamigan naman ang katawan ko. Baka hindi ako makapagpigil at ayain si Kenshin na kunin na ang virginity ko. Kaloka!
Maya maya pa ay bumalik si Kenshin na may dalang baso ng juice.
Ipinatong niya sa gilid ng pool. "Juice, Frey. Ako ang nagtimpla niyan."
Napangiti ako. Kahit palagi niya akong binabara, ang lakas naman niyang magpakilig.
Lumapit ako sa gilid ng pool saka kinuha ang juice. "Thank you, Kensh!" Sabi ko.
Ngumiti lamang siya. Ininom ko na ang juice.
"PUNYETA! ANO 'TO, JUICE O ASIN?!"
Halos maduwal ako sa lasa ng juice. Punyeta, napaka alat! Maalat pa sa tubig ng dagat.
"Hala, Frey. Hindi ko naman 'yan nilagyan ng asin ah. Iyong puting bilog bilog ang nakita ko doon sa kusina. 'Di ba asukal iyon?"
Huminga ako ng malalim. "Bibigyan mo ba ako ng sakit sa bato?!" Sabi ko.
"Ha? Bato nalang ibibigay ko sa 'yo, Frey. Marami sa tabing kalsada."
"Matulog ka na nga lang doon sa taas!"
Jusko, tatanda ako ng maaga sa konsumisyon kay Kenshin. Utang na loob, para siyang batang... argh!
✉
NARITO kami ni Kenshin sa kwarto ko. Niyaya ko siyang uminom kaya nagpunta kami kanina sa grocery para mamili ng mga beer and chips and all. Gusto pa nga sana niyang yayain sina Drake pero noong tatawagan ko na, pinigilan naman niya ako. Kaming dalawa nalang daw.
Syempre, kilig ang lola niyo!
Nakaupo kami dito sa sofa sa loob ng kwarto ko. May center table naman kung saan nakapatong ang beers and kung ano anong pagkain.
Nakatatlong bote nga agad si Kenshin. Mas napatunayan niya tuloy sa akin kung gaano siya kalakas uminom. Wala sa itsura niya pero isa siya sa taong hindi agad agad nalalasing.
Unti unti lang ako sa pag inom dahil ayokong malasing. I don't want to miss the chance. Kasi baka lumabas na naman iyongwwild side niya. Syempre ready ako. Kung gusto niyang rakrakan, go for the gold! Aarte pa ba ako?
"Frey..."
Tumingin ako sa kaniya. He looked devastated. Hindi ko nga alam kung dahil ba iyon sa paglalayas niya o may iba pa siyang pino-problema.
"I don't know why but..."
"Ano iyon, Kensh?"
Ngumiti siya sa akin. "With you, I feel like I don't need to pretend..."
"What do you mean?"
Pakiramdam ko ay seryoso si Kensh ngayon. I know something is bothering him.
Muli siyang uminom ng alak. Bottoms up.
"If there is something bothering you, Kensh, don't hesitate to tell me. Balahura man ako, hindi naman ako madaldal na ipagkakalat ang secret mo and all."
"I know."
Ngumiti ako. At least, pinagkakatiwalaan niya ako.
"I lied."
Kumunot ang noo ko. "Lied? About what?"
"I lied about my mom."
Napalunok ako. So it's about her mom. Do I meed to prepare for it? Ano ang ibig sabihin niya?
"Kenshin, tell me. What is it?"
"Alam..." his tears started to fall. "Alam kong may nanay ako, Frey. I knew her even before when I was young. I knew her."
Nanlaki ang mga mata ko. Alam kong sa oras na ito ay seryoso si Kenshin. He's crying and it's painful to see him like this.
"I'm trying to... try what would be the reaction of Dad if he found out that I found my mother. Gusto kong makita kung paano niya tatanggapin na kilala ko ang nanay ko. But... I saw it. I fucking saw it, Frey. I saw pain from his eyes. Hindi ko kayang saktan si Dad."
Ano 'tong nalalaman ko? This is so heartbreaking.
"Even Drake. I want to know his reaction. Kaibigan ko si Drake. He's not just a friend but a brother and I can't tell him that I knew my mother ever since dahil ayokong masaktan ang kaibigan ko. I can sacrifice my happiness for him. I can pretend that I have no idea about my mother just for them."
Natutop ko ang bibig ko. This is unexpected. The jolly Kenshin, iyong kapag nag uusap sila tungkol sa katotohanang wala silang nanay... why?
Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Ramdam ko ang bigat na dinadala ni Kenshin.
"My mom... she's... she's dead."
Lalo akong nagimbal sa sinabi niya. Mabilis na nagpatakan ang luha ko.
"Kenshin... please, save it. You don't need to tell me about it. Please..." ayoko siyang nasasaktan. Ayokong makita siyang mahina.
I'd rather see him pissing me off. Kesa ganito.
"I'm trying to... accept the fact that she died without knowing that I knew. Alam ko, Frey... alam kong nanay ko siya but I pretended not to know about it for my Dad and for her. Nagsisisi ako. Nagsisisi ako..."
Mahigpit kong niyakap si Kenshin. This is a big revelation that even me, myself can't believe this.
"Si Drake... he's my friend and a brother. Ayokong siya lang ang lumaki na walang nanay. Gusto ko siyang damayan. Gusto kong maramdaman niya na hindi siya nag-iisa. So I decided not to tell him. All these years, I'm keeping it to myself. And it's too painful..."
Hindi ko na alam kung paano pipigilan ang luha ko. Nasasaktan ako para kay Kenshin. Iisipin ko palang na ako ang nasa kalagayan niya, baka mabaliw ako sa sakit at bigat ng pakiramdam.
"I love my Dad more than anyone. Ginawa niya ang lahat para sa akin. I know how he sacrificed his self for me. At ayoko... ayokong isipin niya na hinahanap ko ang nanay ko. Ayokong ipakita sa kaniya na kailangan ko ang nanay ko. All I wanted to show him is... sapat nang siya lang, siya lang, Frey."
Sacrificing his happiness for his father and his friend. I salute him.
"Kenshin, look at me." Iniharap ko siya sa akin. "You did great. You managed to keep the pain for your loved ones. And now that you opened up yourself to me, don't worry. I'm here. Hahatian kita sa sakit at bigat na nararamdaman mo. I'm here. Hindi mo man masabi sa kanila for now, it's fine. Right time will come na masasabi mo rin iyan sa kanila. Don't worry because your secret is safe with me."
Kahit siguro masaktan ako ni Kenshin or kahit hindi na kami magkaibigan, hinding hindi ko ilalabas ang sikreto niyang ipinagkatiwala sa akin.
Maraming tanong sa isip ko. Gusto ko siyang usisain tungkol sa nanay niya, sa pagkamatay nito, paano niya nalaman, but then, I know he woll tell me when he's ready. Ayoko siyang pangunahan. Sapat na sa akin ang pinagkatiwalaan niya ako.
"Frey..."
I wiped his tears. Namumula ang mga mata niya, ang ilong niya, ang pisngi niya... he's not the usual Kenshin I know.
"Cheer up! Hindi ko alam kung paano ako makakatulong but staying with you and listening to all of your secrets, I can do that for you. Always remember that you don't need to pretend around me. You can be yourself, Kenshin."
He hugged me. I felt his pain. Ramdam ko kung gaano pa siya umiiyak kaya hinayaan ko lang siya. As of this moment, I know that all he need is a shoulder to cry on.