HINDI ko namalayang natuluyan akong mapaidlip kahapon sa hotel. At ngayon, narito lang naman ako sa simbahan dahil isinama ako ni Kenshin. Sinundo niya ako sa mansyon. Well,umuwi na rin kami kahapon at hindi na itinulay ang one week stay sa hotel. Back to normal na naman kaming dalawa.
I'm so proud of myself. Napakagaling ko talagang magpanggap na okay lang ang lahat. I deserve an award!
"Chirae, may business card ka ba? I need flowers kasi dadalaw kami sa grandfather ko tomorrow. My father asked me to buy some flowers." Sabi ko.
Nakaupo kami dito sa parang bench park sa tabi ng simbahan. Wala na naman daw ang pastor nila. Late na naman daw pero hihintayin pa rin daw nila.
"Wow! Sige! No problem." Sabi niya. May dinukot siyang calling card mula sa wallet niya. "Here! Free delivery kami."
Tiningnan ko ang card na ibinigay niya sa akin.
AKI BLOSSOMS
Chirae Y. Pangilinan
09111111111
Kumunot ang noo ko. Saan naman niya nakuha ang pangalan ng flower shop niya. Aki? Ganoon na ba kaliit ang mundo para maging kapangalan ni Kensh iyon? O baka naman iba ang pangalan niyon before tapos dahil nagpapa cute siya kay Kensh ay ipinangalan niya sa second name nito?
"Is this new? I mean, bagong flower shop lang siya? Hindi kasi familiar ang name? Or baka pinalitan lang?" Tanong ko.
Ngumiti siya ng matamis. "Matagal na 'yan. Buhay pa ang Mama ko, sikat na iyan sa lugar namin. Saka iyan din talaga ang original name ng flower shop namin. Wala namang nakalagay na fake e. Hehe."
I rolled my eyes. Small world, huh.
"Fine, fine." This girl is stupid.
"Chichi, hindi daw makakarating si pastor." Humahangos na sabi ni Kenshin.
Napatayo naman si Chirae. "Hala, bakit daw?"
"Hindi ko alam kung totoo pero nakipagsuntukan daw si pastor e."
Nanlaki ang mga mata ko. Seriously, gangster ba ang pastor nila?
"Hala! Baka akala ni pastor, boxer siya!" Sabi ni stulid girl. Sakit niya sa braincells.
"Hindi ko nga alam, Chichi e. Baka akala niya wrestler siya? Tapos nakalimutan niyang pastor siya?" Sabi naman ni Kensh.
Balik inosente na naman si Kenshin.
Napailing nalang ako. Hindi ko yata kakayanin na makasama sina Kenshin at Chirae ng kaming tatlo lang sa loob ng isang magdamag. Baka mabaliw ako o kaya magdugo ang ilong ko sa pagiging slow and idiot nila.
Lumapit sa akin si Kensh. "Kapag niyayaya kitang sumimba, palaging hindi nakakapunta si pastor. May balat ka ba sa pwet, Frey?"
Pinandilatan ko siya ng mata. "Makinis ang pwet ko, duh! Gusto mo ipakita ko pa sa 'yo e."
Natawa lang sila. Mga baliw.
"Paano ba 'yan, shinshin, uwian na ulit."
"Sabay ka na sa amin, chichi. May kotse naman akong dala."
Umiling si chichi girl kuno. "Parating na ang bestfriend ko. Mas mabuti siguro kung makikilala niyo siya." Aniya. "O ayan na siya!"
Tumingin ako sa itinuro niya. Isang babae na mukhang ka edad niya or ka edad ko? Mahaba ang buhok niya, mukhang maldita pero aminado ako maganda siya.
"Vannie, churchmate ko si Kenshin. Tapos siya friend niya, si Frey." Pakilala niya sa amin.
Ngumiti naman sa amin ang babae. Mukha rin naman siyang mabait pero may pagka bitchy I think?
"Hi! I'm Vannie Angela Ynarez. Bestfriend ako ni Chirae." Aniya.
Nakipagbeso naman ako sa kaniya.
"Tara na ba, bessy?" Sabi ni Chirae sa bff niya.
Tumango si Vannie saka hinila sa braso si Chirae. "Oo. Tara na. Lalagyan pa kitang make up. Hindi ba sabi ko sa 'yo, kapag lalabas ka, dapat palaging maganda. Ang dami dami kong binigay na make ups sa 'yo. Kahit liptint lang sana ginagamit mo. Gayahin mo nga ako bessy, palaging maganda."
I arched my eyebrow. Hindi ko maiwasang matawa sa usapan nilang dalawa habang palayo sa amin. Kikay yata iyong bff ni Chirae pero itong eng-eng na babae, napaka simple lang.
"Kensh, uuwi ka na ba? Kasi dadalawin ko muna si biatch."
"Sasama ako. Gusto ko ring dalawin si baby sperm."
"Nasa tiyan pa nga lang e."
"Kahit na. Hihintayin ko siyang lumaki para maturuan ko siya kung paano maging pinagpala ng lahat."
I rolled my eyes. "Whatever. Fine!" Sabi ko.
Nagmartsa na ako papunta sa kotse ni Kensh. Nauna na akong sumakay saka hinintay siyang makasakay sa driver's seat.
"Frey."
"Ano?"
"Nagulat ka ba na nakipagsuntukan si pastor?"
Tumango ako. "Oo? Kasi hindi ko alam na nanununtok din pala ang mga pastor. You know, they are so kind."
Saglit na natahimik si Kensh.
"Why?"
"Magugulat ka rin ba kung... makagawa ako ng bagay na wala sa personalidad ko?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Like what? Like magiging murderer ka? Gangster?"
"Katulad ng halimbawa, hindi naman talaga ako inosente."
Napatingin ako sa kaniya. "What do you mean? Hindi ka naman talaga inosente. Malibog ka nga 'di ba?" Diretsang sabi ko. Iyan ang dinadahilan niya kung bakit nagagawa niya akong landiin e.
Parang nabulunan si Kenshin. Natawa ako.
"You should have seen your face. Parang gulat na gulat ka pa." Pang aasar ko.
"Huwag mo akong sabihan ng ganoon, Frey."
"So ano ngang pinapahiwatig mo? Na ano ka? Na kasama ka sa power rangers? Na kapatid ka ni spiderman o baka naman may powers ka?"
Natawa siya. "Wala, wala."
"Ano nga? Ano bang wala sa personalidad mo?"
"Wala nga."
"Bigla ka bang mag iiba..." pinabitin ko talaga ang sinasabi ko.
Tumikhim siya. He looked uneasy.
"Iyong biglang puro hotdog na pala ang kakainin mo at hindi na itlog?" Tumawa ako.
Para namang nakahinga siya ng maluwag. There is something in him.
Ano nga ba talaga ang tinatago ng isang Kenshin Aki Sarmiento?
Nagsimula na siyang mag drive. Hindi ko maiwasang titigan siya sa mukha niya.
Akalain mong pagkatapos kong magdrama drama, heto at parang okay na okay pa rin kami ni Kensh. Para bang normal lang ang lahat. Para bang bulang nabula iyong pangyayari kanina na nagsagutan kaming dalawa.
Ganito ba kalaki ang pagmamahal ko sa kaniya? Na kaya kong umakto lng normal kahit nasaktan ako?
Talent ko yata 'to. Pero aminin ko man o hindi, nasaktan niya ako, nasasaktan ang puso ko sa mga nasabi niya, gusto ko ng sumuko, alam kong tanga ako sa pagmamahal sa kaniya pero at the end of the day, I still want to be with him, at least. Iyon lang masaya na ako.