NANAGINIP ako kagabi. Nakita ko roon si Kenshin, masaya sa piling ni Chirae. Hanggang panaginip ba naman, hindi pa rin ako ang pipiliin niya? Ang sakit sakit lang.
Kahit naman kinakaya ko pa ring pakisamahan si Kenshin na parang walang nangyari, na para bang hindi ako nasasaktan, may times pa rin lalo na kapag mag isa ako na umiiyak na lang ako. Kasi sa paraang iyon, kahit papaano ay nababawasan iyong sakit sa dibdib ko.
Hanga nga ako sa sarili ko e. Paano ko ba nagagawang maging jolly sa harap ni Kenshin? Paano ko ba nababalewala iyong sakit na pinaparamdam niya sa akin? Paano ko hinaharap at tinatanggap ang mga masasakit na salita mula sa kaniya? Paano ko natatawanan iyong bawat pagpapamukha niya sa akin na hindi niya ako gusto?
Paano?
Paano ko nakakayang maging malakas kahit sobrang sakit na?
Muli akong nagsalin ng alak sa shot glass saka ko iyon ininom. Nasa bar ako pero wala ako sa Hashtag bar. Kung gusto kong uminom na walang makikialam, dapat sa ibang bar ako. Ayokong makita si Kenshin tapos paasahin na naman niya ako sa ipapakita niya.
"Cybel, tatlong bote na ang naubos mo? That's enough."
Tumingin ako sa lalaking kararating lang. Si shingshangshung. I called him and told him to be with me. Gusto ko kasing magpakalasing at gusto kong siguraduhin na may maghahatid sa akin pauwi. Well, gusto ko lang din talaga ng kasama. Iyong mapagsasabihan ko ng sama ng loob kasi ang bigat bigat na e.
Ngumiti ako. "Di ba pinapunta kita dito para samahan ako habang umiinom ako at hindi para pigilan?"
"Pero, Cybel..."
"Oopps, no buts! Kung pipigilan mo lang pala ako, iwan mo nalang ako dito."
"Sa tingin mo ba kaya kong iwan ka sa lagay mong 'yan? You're drunk. Babae ka kaya hindi ko hahayaang mag isa ka rito. Paano nalang kung may mambastos sa 'yo?"
I smiled. Muli akong tumungga ng alak. Kung ganito sana si Kenshin... e 'di sana masaya. Kaso hindi e.
Nagsimula na namang tumulo ang luha ko. "Shingshangshung..."
"It's Daryl. Masyadong mahaba iyang tawag mo sa akin." He chuckles.
Tumingin ako sa mga mata niya. Nakita ko pa kung paano siya nagulat dahil siguro may luhang tumutulo mula sa mga mata ko.
"Cybel..."
"Sa tingin mo, anong kulang sa akin? Alam kong hindi ako sobrang ganda o sobrang sexy pero hindi naman kahiya hiya ang itsura ko e. B-Bakit hindi ako magustuhan ni Kenshin?"
Lumambot ang ekspresyon ng mga mata niya.
"You're beautiful inside and out, Cybel. You're a wonderful woman. Bakit hindi ka niya magustuhan? Nasa kanya na ang mali. Hindi niya alam kung ano ang sinasayang niya. You're worth it. Hindi porke hindi ka niya gusto ay hindi ka na karapat dapat na gustuhin."
"Buti ka pa nakikita iyon. Buti ka pa..."
Nagsalin ako sa shot glass saka uminom ulit. Nakakaramdam na ako ng pagkahilo pero kaunti lang naman. Mataas naman ang alcohol tolerance ko. Isa pa, kaya naman talaga ako umiinom ay para magpakalasing. Para mamaya, diretso na akong makakatulog without thinking about him.
"Maybe I'm not enough for him to love me back." Sabi ko saka sinenyasan ang bartender na isang bote pa ng alak.
"Huwag mong isisi sa sarili mo kung bakit hindi ka niya mahal o gusto, Cybel. The thing is. You've always been good enough. You've just been giving the best part of you to the wrong person."
May chance bang marinig ko ang mga ganitong salita mula kay Kenshin? Imposible. Palagi naman niyang sinasabi sa akin kung ano ang nasa isip niya. Sa sobrang honest niya, nakakasakit na.
Tumunog ang phone ko. It's biatch. Sinagot ko iyon habang tumutungga ng alak.
"Biatch, hindi ka pupunta dito sa unit ko? Narito sina Kenshin at Drake. Bonding daw tayo."
I smiled. Bonding with them. Wala namang problema e kaso naroon si Kenshin. Paaasahin na naman niya ako.
"Ah, biatch, I'm busy right now. Babawi nalang ako sa 'yo bukas." Sabi ko.
"Wait, biatch. Are you drunk?"
Tumawa ako. "You really know me, biatch. But anyway, don't worry nag-eenjoy lang ako." Pagsisinungaling ko.
Enjoying while crying, huh?
"Pero biatch, ano ka ba! Nasa Hashtag bar ka ba? Bakit naman nag iinom ka mag isa? Pwede naman kayong mag inom dito sa unit e."
"May kasama ako, biatch. Okay? May date kaya ako!" Tumawa pa ako para magmukhang totoo.
Ayokong ipaalam kay biatch kung anong pinagdadaanan ko ngayon dahil siguradong magagalit siya kay Kenshin at baka dahil doon ay masira pa ang pagkakaibigan naming apat. Isa pa, buntis siya at ayokong ma-stress siya.
Kaya ko namang sarilinin ang sakit na nararamdaman ko e. Kayang kaya ko pa.
"Seriously? Sino ang ka-date mo?"
"Biatch ang dami mong tanong. Baka mamaya niyan, paglabas ng anak mo, sobrang daldal din. Sige na, enjoy kayo sa bonding niyo. Pass muna ako ha?"
"Okay, sige. Basta mag ingat ka, biatch. Bye."
I ended the call. Minsan, nakakapagsinungaling tayo hindi dahil iyon ang gusto nating gawin kundi dahil ayaw mong pati sila ay maapektuhan sa pinagdadaanan mo.
The biggest lie I always said is I'm fine. When actually, I am not.
"Kaibigan mo?"
Tumingin ako kay shingshangshung. Yeah, I know he's Daryl. Mas trip ko lang siyang tawaging shingshangshung.
"My bestfriend."
"Bakit nagsinungaling ka? Bakit hindi mo sabihing nagpapakalasing ka kasi nasasaktan ka? Mas masarap sa pakiramdam ang mailabas ang nararamdaman. Nakakagaan ng loob."
I chuckles while my tears are flowing from my eyes. "She's pregnant. Ayokong ma-stress siya saka kaya ko namang sarilinin iyong sakit. Isa pa, nariyan ka naman e. Kahit papaano ay mailalabas ko ang sama ng loob ko."
He wiped my tears. Nagulat pa ako nang maramdaman ang kamay niya sa pisngi ko.
"He's not worth of your tears, Cybel. Pero kung iyan ang makakapagpagaan ng loob mo, iiyak mo lang. I'll be here."
Lalo akong naiyak. Masarap sa pakiramdam na may nakakaintindi sa nararamdaman mo. Ito ang unang pagkakataon na para bang nag-break down ako. Na para bang ngayon ko lang mailalabas lahat lahat ng masasakit sa puso ko.
I'm actually surprised how my heart is so strong to handle all this pain. Strong nga siguro talaga ako. Strong independent woman.
"Thank you, Daryl." Sabi ko.
"Whoa. First time mo akong tawagin sa pangalan ko." Aniya.
"Try lang iyon. You're still shingshangshung for me." Sabi ko saka ngumiti.
Paano ko nagagawang ngumiti kahit may tumutulong luha mula sa mga mata ko? Hanga na talaga ako sa sarili ko.
Muling tumunog ang phone ko. This time, it's the reason why I'm here, getting drunk and crying.
"Answer it." Sabi ni shingshangshung. "Hindi sa nangingialam ako baka emergency iyan."
"Yeah. Kinakausap lang naman niya ako kapag may kailangan siya. Maybe you're right. Maybe it's an emergency." Sabi ko.
Sinagot ang tawag pero hindi muna ako nagsalita. Huminga ako ng malalim saka kumalma. Ngumiti ako para maging jolly sa pakikipag-usap sa kaniya.
"Frey, nasaan ka? Sabi ni Cherrypink, umiinom ka pero wala ka sa Hashtag bar."
"Sinabi ko din kaya kay biatch na may date ako. Bakit ba? Bukas nalang ako sasali sa bonding with our friends okay? Kayo nalang muna." Pinilit kong maging masigla. Pinilit kong hindi iparinig sa kaniya na umiiyak ako nang dahil sa kaniya.
Hindi ko ugaling magpaawa.
"Nasaan ka?"
"Ang kulit mo talaga, Kensh! Miss mo na ako 'no?!" Tumawa pa ako para mas effective pakinggan. "Huwag mo nang alamin, okay?"
"Frey."
"Ano?"
"Tell me where are you." Madiin ang boses niya.
"Bakit ko sasabihin? Kasi pupuntahan mo ako kasi miss mo ako?" Tumawa pa ako---ng fake. "Don't me, Kensh. Duh! Friends tayo pero hindi ako obligado na ipaalam sa 'yo kung nasaan ako."
Tumahimik siya sa kabilang linya.
"Cybel, tama na 'tong apat na bote. Ihahatid na kita sa bahay niyo."
Nanlaki ang mga mata ko nang magsalita si shingshangshung. Ngumiti pa siya na parang sinadya talaga niyang iparinig iyon dahil kausap ko si Kensh.
"Marami ka nang nainom. Susunduin kita." Sabi ni Kenshin.
Wow. Ayan na naman siya. Susunduin? Tapos aasa na naman ako na baka kasi gusto niya ako? That's bullshit.
"May date ako, Kensh. You don't need to come here." Sabi niya.
"Gaano kahirap sabihin sa akin kung nasaan ka, Frey?"
Huminga ako ng malalim. "Gaano rin ba kahirap na intindihin na may kasama ako at may date ako kaya hindi kita kailangan para sunduin ako, Kensh."
Hindi ko gustong sabihin iyon pero ayoko lang na ganoon si Kensh kasi mula sa maliliit na bagay na ginagawa niya sa akin ay umaasa ako. At oras na para pigilan ko ang sarili ko dahil ayokong umabot sa punto na baka hindi na ako makabangon sa sakit na nararamdaman ko nang dahil sa kanya.
"Mapagkakatiwalaan mo ba iyang ka-date mo, Frey?"
"Mas may tiwala ako sa kaniya kesa sa 'yo, Kensh. Okay? So don't bother yourself. Masyado ka ng nagiging huwarang kaibigan." Sabi ko. I want to be strong kahit ngayon lang.
"Frey."
"Sige na, Kensh. Bye!" I ended the call. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya.
Gusto kong magpakatatag. Kaya ko naman siyang balewalain e. Kaya ko namang pigilan ang puso ko na ma-excite sa tuwing kinakausap niya ako. Kaya ko naman pala.
"Cybel..."
Tumingin ako kay shingshangshung. "Thank you."
"Hindi mo ako kailangang pasalamatan. Gusto ko na ako iyong taong narito para sa 'yo. Always remember that I'm always here for you, Cybel. Wala akong pakialam kung umiyak ka sa akin na ibang lalaki ang dahilan. I want to be the man who could wipe your tears and the man who could be your shoulder to cry on. Hindi ako masaya na nakikita kang nasasaktan pero masaya ako na kahit papaano ay pinagkakatiwalaan mo ako."
Tinitigan ko ang mukha niya. I maybe crazy but I kissed him.
Pumikit ako habang hinahalikan siya. He respond to my kisses. Sa paraang ito, gusto kong ipaalam sa sarili ko na hindi lang si Kenshin ang lalaki sa mundo---na may ibang lalaki pa na handang mahalin ako.
Nagulat nalang ako nang bumulagta sa sahig si Daryl. What the hell?
"Lasing ka na, Frey. Ihahatid na kita sa inyo." Hinawakan ako ni Kenshin sa braso ko pero nagpumiglas ako.
Nakita ko kung paano nanlilisik ang mga mata niya. Napansin ko na pawisan siya. Hindi ko alam kung paano niya ako nahanap.
"Bakit mo siya sinuntok?!" Sa halip ay sigaw ko sa kaniya.
"He's taking advantage. Hinahalikan ka niya dahil lasing ka, Frey!"
I grins at him. "I was the one who kissed him, Kensh. Ako ang humalik sa kaniya dahil naaakit ako sa kaniya. He never took advantage of me."
Mas nanlisik ang mga mata niya. "Ihahatid na kita. Uuwi ka na, Frey."
"Paano mo nalaman na narito ako? Don't tell me nag-effort kang hanapin ako, Kensh? Masyado kang ma-effort bilang isang kaibigan." Idiniin ko ang salitang kaibigan.
Iyon lang ang tingin niya sa akin 'di ba?
"Frey."
Inalalayan kong tumayo si Daryl. "Are you okay? Sorry..."
"Okay lang, Cybel."
Good thing about Daryl, hindi na niya pinatulan si Kenshin kahit sinuntok siya ng ganon ganon nalang.
"Cybel. Really." Kenshin grins while looking at me. "Ihahatid na kita. Ilang beses ko bang kailangang ulitin, Frey?"
"Ilang beses ko din bang dapat sabihin na may date ako? Kitang kita mo naman 'di ba? Sinuntok mo pa nga e. Siya ang maghahatid sa akin sa bahay kaya umalis ka na, Kensh. I never ask you to come here."
Hindi siya nakapagsalita. Nakatitig lang siya sa akin. Hindi ko mabasa ang mga mata niya kung ano ang nararamdaman niya.
"Frey, hindi ka ganyan." Sabi niya saka muli akong hinawakan sa braso ko. Naglapag siya ng ilang bills sa bar counter saka ako hinila. Nagpahila na ako hindi dahil marupok na naman ako kundi para matapos na dahil pakiramdam ko ay hindi titigil si Kenshin. I saw his eyes. It's not the innocent Kenshin.
Sinenyasan ko nalang si shingshangshung na tatawagan ko siya.
Nang makarating kami sa parking lot ay tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko.
"Ayan ka na naman, Kensh." Panimula ko. Wala akong pakialam kung tumutulo ang luha ko habang makatingin sa kaniya. "Sa ginagawa mo, aasa na naman ako na baka gusto mo talaga ako at ayaw mong may kasama akong ibang lalaki."
"Ihahatid kita." Sa halip ay sagot niya. Hindi niya pinansin ang sinabi ko.
"Tama na, Kensh." I bit my lower lip. "Tama na dahil marupok ako e. Tama na iyong ganitong mga gesture mo na may pakialam ka sa akin kahit wala naman."
"May pakialam ako sa 'yo, Frey."
"Bilang kaibigan, oo. Alam ko naman e. Pero sa ginagawa mo, umaasa iyong puso ko e. Kahit ayokong mag-assume, hindi ko maiwasan! Hindi ko mapigilan iyong puso ko kaya nga hanggat maaari ayoko munang nakakasama ka. Sana maintindihan mo ako."
Bakit habang nakatingin sa mga mata niya, pakiramdam ko ay nasasaktan siya? O dala lang 'to ng alak kaya nag-iimagine ako ng mga bagay na imposibleng mangyari?
"Uuwi na tayo."
Palagi niyang iniiwasang sagutin ang mga sinasabi ko.
"May kotse ako. Hindi mo ako kailangang ihatid because I can drive."
"Ihahatid kita." Diin niya.
"Tangina naman, Kenshin! Tama na pwede ba? Tama na!" Hindi ko maiwasang mapahagulhol. "Kapag sinabi kong ayoko, ayoko! I don't want to get attached to you anymore because it only destroys me. Tulad ng pinamukha mo sa akin, wala kang nararamdaman sa akin kaya pwede bang kahit bilang kaibigan, tulungan mo akong maalis 'tong nararamdaman ko para sa 'yo? Hayaan mo akong layuan ka! Hayaan mo akong mag-move on!" Pinaghahampas ko siya sa dibdib niya.
Nakatitig lang siya sa akin. Ayoko nang magpakatanga sa kaniya. Malakas ang loob ko ngayon dahil nakainom ako. Pero kaya ko namang panindigan 'to e.
Ako lang naman kasi ang nasasaktan.
"Minamahal kita ng walang hinihinging kapalit. Kahit ilang beses mo nang ipinamukha sa akin na wala kang nararamdaman sa akin at wala akong pag asa sa 'yo, hindi iyon naging dahilan para tumigil ako. Mahal kita e. Kaya kong ibigay lahat sa 'yo kahit buong pagkatao ko pero tao din ako. May limitasyon at may hangganan ang pagiging tanga ko sa pagmamahal sa 'yo. Handa na ako. Handa na akong tanggapin na kahit kailan, hindi magiging tayo."
Nanginginig na ang labi ko sa pag iyak. Ang sakit sakit lang kasi magmahal ng taong kahit kaunti, walang nararamdaman para sa iyo.
"Alam ko namang hindi mo kayang suklian ang pagmamahal ko dahil lang sa nagkulang ako. Hindi mo kayang suklian dahil sa katotohanang hindi mo ako mahal. Tama na, awat na. Papaawat na ako. Hanggang dito nalang ang kaya ko. Hanggang dito nalang ang pagmamahal na pilit kong pinamukha sa 'yo pero binalewala mo. Siguro nga, hindi ikaw ang para sa akin."
Tinatagan ko ang sarili ko. Kaya ko pa.
"Kaya please lang, Kenshin. You fucking leave me alone." Sabi ko saka tinalikuran na siya.
Dumiretso ako sa kotse ko saka sumakay. Mabilis kong inilock ang mga pinto ko at pinaandar ang kotse ko.
I don't want to think anything about him. Kung ano man ang isipin niya dahil sa mga sinabi at ikinilos ko, wala na akong pakialam do'n.
Ako ang nasasaktan dito, at ako lang din ang makakatulong sa sarili ko. Tama na ang pagiging marupok. It's not healthy anymore.
It is never too late to love myself again as much as I love him.