HINDI ko alam kung tama ba itong pinasok ko. Kung magiging real talk ako sa sarili ko, masasabi kong wala naman akong kasiguraduhan kung may nararamdaman ba talaga sa akin si Kenshin.
Oo, marinig ko siyang kausap si Duke nang sabihin niyang ayaw niyang masaktan ako pero hindi naman porket ayaw tayo masaktan ng isang tao ay mahal na nila tayo.
"Sabihin mo nga sa akin, Kenshin. Anong trip mo at may pa hotel ka pang nalalaman? Alam ba 'to ng dad mo?" Tanong ko.
Tahimik siyang nakaupo sa malaking kama. Narito kami sa isang premium suit sa Hongstar Hotel na pag-aari ng pamilya ni Drake. Akalain mo nga namang sineryoso niya iyong sinabi niya na mag hotel kami for one week!
"Hindi alam ni dad."
"O, paano kung magpatawag na naman 'yong dad mo ng soco, or kmjs o kung ano man para lang mahanap ka? Mahal na mahal ka kaya ng tatay mo."
Ngumisi siya. Kakaibang ngisi na hindi ko nakikita kapag inosente siya. So nasa wild side niya siya ngayon? Kailangan ko bang ihanda ang sarili ko? Baka hindi lang pahawak sa abs ang gawin niya! Baka pahawak banana na! Hindi ko kinakaya!
"We'll stay here for one week."
"Paano ang dad mo?"
Hindi ko alam kung anong level ang pagiging marupok ko pagdating sa lalaking ito.
"I'll tell him."
"Sasabihin mo na kasama mo a---"
"Business trip."
"Magsisinunhaling ka? Bakit hindi mo nalang sabihin na kasama mo ako sa hotel kasi hindi mo kayang mabuhay ng one week na hindi ako palaging kasama?"
"Assuming ka sa part na iyon, Frey."
Sinimangutan ko siya. Assuming na kung assuming pero ano ba kasi 'to? Bakit may pa hotel?!
Grabe pa man din ang pagtutol sa akin ng tatay niyang napakalalim magtagalog!
"Ano ba talagang dahilan mo? Bakit kailangan nating mag-stay dito sa hotel for one week? Seryoso ka?"
"Kailangan ba palaging may dahilan?"
Huminga ako ng malalim. "Oo naman, Kenshin! My gosh, lahat ng bagay may dahilan. Ano 'to, trip mo lang kaya isinama mo ako rito. At magsasama tayo sa hotel na 'to for one week dahil wala lang? Seriously?!"
"Bakit, iniisip mo ba na kaya gusto kong mag-stay tayo dito ng one week ay dahil gusto kitang makasama?"
Aray ha. Sanay naman akong masaktan pero nakakaloka e! Hindi ko na siya mabasa. Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang trip niya sa buhay niya.
"Alam mong marupok ako, Kensh. I can do everything for you kasi sinabi ko naman 'diba? Gusto kita. Gustung gusto kita."
"I never said that I like you too, Frey."
"Alam ko! I know that you don't see me like how I see you. Tanggap ko naman na ako lang iyong nagpapakatanga sa iyo. Pero ayos lang! I don't mind being an idiot just to be with you."
Umiling siya. "Bakit kailangan mong magpakatanga sa isang tulad ko na wala namang nararamdaman para sa iyo, Frey?"
"So, don't tell me, ginusto mong magsama tayo dito para ipamukha sa akin na wala akong mapapala sa iyo? Na wala kang nararamdaman kahit tuldok lang para sa akin? Ganoon ba 'yon, Kensh?"
"No..."
"Then what? Ano ba talagang rason mo?!"
"Nothing in particular. Gusto ko lang."
"Gusto mo lang?!" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Magtititigan tayo dito? Tapos ano? Paulit ulit mong ipapamukha sa akin na hindi mo ako gusto? Ganoon ba?"
Nasasaktan ako pero kaya ko naman. Bearable naman kasi ako naman ang may gusto nito e. Pero bakit nakaka bitter naman iyong ganito na pinapakita sa akin ni Kenshin? Hindi ba niya kayang sakyan nalang ang kagagahan ko sa kanya? Kahit kunwari nalang gusto din niya ako? Kasi pakiramdam ko aabot na siya sa limit ko e.
"Hindi ko naman kailangang ipamukha pa sa 'yo, Frey. Dahil malinaw ko namang sinabi sa 'yo na hindi kita gusto. Honest lang naman ako."
Really? "Ano iyong pagpapahawak mo ng abs mo sa akin? Ano iyong pinapakita mo na parang ayaw mong may nakakausap akong ibang lalaki? Ano iyong protective ka sa akin kapag may nambabastos sa akin? Anong tawag mo do'n, Kenshin?!"
"Concern lang ako sa 'yo dahil kaibigan kita."
"Kaibigan." All this time, kaibigan pa rin.
"Do friends kiss? What, sucking boobs? Flirting? Do friends do that?!"
"Sinabi ko na naman sa 'yo, Frey. Maaaring dala lang iyon ng libog. Lalaki rin ako."
"Tanginang libog pala 'yan! Hindi kita sinisisi dahil ginusto ko naman 'to e pero alam mo bang sa bawat halik mo, yakap mo, at pagsakay sa kalandian ko sa 'yo, mas lumalalim ang nararamdaman ko sa 'yo at dahil din doon mas umaasa ako na baka gusto mo na rin ako."
Tumayo siya. Lumapit siya sa akin pero napaatras ako.
"Frey. Hindi tayo pumunta dito para pag-usapan ang bagay na 'yan. Let's just enjoy."
"Enjoy what, Kenshin? Enjoy your company? Tapos mas mahuhulog ako sa 'yo? Tapos maglalandian tayo dito? Ha? Tapos aasa na naman ako? Mag aassume na naman ako? Bullshit, Kenshin!"
Mukhang nagulat siya sa pagmumura ko.
"Masamang magmura, Frey."
"Pero mas masama ang ugali mo, Kenshin. Ang gulo gulo mo! Hindi kita maintindihan. Hindi ko alam kung ano ang trip mo! Pero ngayon, malinaw na naman sa akin e. Everything was a lie."
"Frey hindi gano'n."
"Hindi mo naman kasalanan. Hindi mo naman kasi sinabing umasa ako 'di ba? Never mo nga naman kasing sinabi na gusto mo din ako. Lahat ng nangyari, lahat lahat, that was all a bunch of crap!"
Sinubukan niya akong hawakan pero mas umatras ako.
"Siguro nga ni katiting, wala kang nararamdaman sa akin. Siguro nga hindi naman talaga ikaw ang para sa akin. Siguro nga hindi ko naman talaga dapat hinahayaan ang sarili ko na mas mahulog sa 'yo."
"Frey."
"Sobrang linaw na sa akin, Kensh. You will never like me. Kahit pa anong gawin ko at kahit ano pa ang iparamdam ko sa 'yo, hindi ka magiging akin. Hindi ko makukuha ang puso mo. Nakakatawa nga e. Kasi alam mo, hindi lang naman kita gusto. Mahal na kita, Kenshin pero ang bobo ko dahil wala ka namang paki." Pinahid ko ang luha ko. "Well, maybe one day I'll find someone who feels lucky to have me. Baka sakaling sa tamang panahon, matagpuan ko 'yong lalaki na deserve mahalin."
Hindi naman ito ang plano e. Dapat nga lalandiin ko na naman si Kenshin dahil dakila akong marupok at game na game naman ako pero it's just funny na naabot ko 'yong clinax point ako. I reached my maximum patience kaya heto, nailabas ko tuloy ang sama ng loob ko.
Yes, na alam kong mali dahil it is my fucking choice.
"Frey huwag kang umiyak."
"Mata ko 'to kaya iiyak ako kung gusto ko! Saka ano naman sa 'yo? Bakit? Concern ka ba as a friend? Hayaan mo na. Buhay ko naman 'to. Friend lang kita kaya may limitation ka pa din sa pakikialam sa buhay ko."
"Frey ang dami mong sinasabi. Tama na ang pagiging seryoso mo."
I faked a smile. Kahit kailan, hindi kayang seryosohin ni Kenshin ang sitwasyon kapag ako ang involved. Maybe I am just a joke to him.
Masakit. Pero mas maigi na ang ganito. At least aware siya sa nararamdaman ko saka sino bang nagsabi na wala akong karapatang magreklamo dahil ginusto ko naman 'to?
It sucks when there's someone that you want, but no matter what, you'll never be able to have him.
Tatanggapin ko na ba na hanggang dito lang talaga kami? Hindi pa man kami nagsisimula, wala na agad.
"Umalis na tayo, Kensh." Sabi ko. "Let's pretend na hindi ito nangyari. Just pretend na wala akong mga sinabi."
"Frey ayokong masira kung ano mang meron tayo. Magkakaibigan tayo nina Drake at ni Cherrypink."
"Yeah, yes. Magkakaibigan. The let's stay as friends. Kaya ko naman e. Ang dali dali lang namang magpanggap na okay ka kahit hindi. Na iyong lalaking mahal mo, hanggang pagkakaibigan lang talaga ang kayang ibigay sa 'yo. Dapat nga thankful pa ako 'di ba? At least you offered me friendship. Thanks anyway."
"Frey huwag ka namang ganyan."
Tinitigan ko siya sa mga mata niya. "Habang nakatingin ako sa 'yo ngayon, hindi ko na masigurado kung heartbreak ba itong nararamdaman ko o saya. Ganoon ba kapag mahal mo ang isang tao? There will always be a part of you na gusto mo siyang nakikita kasi iyon ang nagpapasaya sa iyo but on the other side, parang ayaw mo nalang pala siyang makita kasi nasasaktan ka lang."
Sa wakas ay nahawakan niya ako sa kamay ko. Malapit na malapit siya sa akin. Nakatingala ako habang nakatingin sa mukha niya. He's serious right now.
"Galit na galit ako sa 'yo at kung anu anong sinasabi ko pero tanga pa rin naman ako. Lahat naman Kensh, ginagawa ko e. Lahat ng pagpapansin, paglalambing at pati pagpaparamdam sa 'yo na mahalaga ka sa akin, ginawa ko naman e. Saan ba ako nagkulang? Saang parte ba ako nagkamali..."
Hinayaan kong maglandas ang luha ko sa pisngi ko.
"I know I was good enough. But you made me
believe I wasn't."
"You're a nice girl, Frey." Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko na humaharang sa mukha ko. "I never said that you're not good. You're good enough to be someone's girl, Frey. Pero hindi para sa akin. All these bullshits, nasa akin palagi ang problema. I did kiss you, I did flirt with you, I did but I am not good enough to like you back."
Hindi ko maintindihan kung ano ang gusto niyang iparating. He's mysterious in his own way at hindi ko alam kung bakit may kakaiba sa kaniya.
Pinahid ko ang luha ko saka ngumiti. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya but I think it's better to stop this drama. Okay na sa akin na nailabas ko lang ang saloobin ko.
This is not me! Hello, I'm Freya Cybel and I'm always positive. Drama is not my thing.
Wala naman kasi siyang kasalanan, in the first place. Ako 'tong malandi, ako 'tong marupok at ako 'tong nahulog.
"Let's stop this conversation, Kensh. So ano nga? What's your plan? What's with this room? May mga plano ba tayong gagawin? Secret plan, gano'n kaya dapat tayong mag-stay dito?" Sabi ko saka hinawi siya.
Naglakad lakad ako dito sa loob ng kwarto. I stopped my tears na para bang walang nangyari---na para bang hindi ako nasaktan.
"Frey..."
Tiningnan ko siya nang nakangiti. "Forget about what I said. Wala lang 'yon, Kensh. Masyado mong sineryoso ang mga bagay bagay na iyon. Nagdrama lang talaga ako." Pagsisinungaling ko. "So ano nga?"
"Ihahatid na kita sa inyo." Sabi niya.
"Wait, why? Baka may secret plan tayo?"
Umiling siya. "Wala, Frey. Tara na."
Ngumisi ako. "Hay naku, Kensh! Siguro naakit ka na naman sa akin 'no!? Gusto mo lang talaga akong masolo e."
How could I do that? Pretending that everything is fine. Oh, fuck myself.
"Frey, tara na."
"Let's stay here for a week, Kensh."
"No, Frey..."
"Maybe I needed to be with you in order to learn that I deserved more."
I saw pain in his eyes because of what I said. O baka guni guni ko lang 'yon? Paano siya masasaktan kung wala naman siyang nararamdan? Paaasahin ko na naman ba ang sarili ko? No, that's all enough.
"If... that's what you want. Okay, Frey."
Humiga ako sa kama saka inayos ang sarili ko. Pumikit ako. Hindi ako inaantok at hindi rin ako pagod. This is just a way of escaping things from reality. Para kahit kaunti ay mapanatag ang loob ko.
"Idlip lang ako." Iyon lang ang sinabi ko habang nakapikit. Wala akong narinig na sagot niya.
Hindi ko na binalak na silipin kung ano ang ginagawa niya. I will stay like this for a while hanggang mapakalma ko ang puso ko at wala na akong nararamdamang bitterness. Hanggang maramdaman ko na ulit iyong acceptance---that he will never like me.