Chereads / A Certified Casanova / Chapter 7 - Chapter 7

Chapter 7 - Chapter 7

TULALA ako hindi dahil sa pinakita ni Robi kagabi kung hindi dahil hindi pa rin ako maka-move on sa ginawang paghalik sa akin ni Terrence. Hindi ko siya maintindihan kung bakit kailangan niya iyong gawin.

Ayun nga at hindi ko maiwasang tumingin sa kaniya. Abala siya sa pag aaliw sa grupo ng mga college students sa isang mesa. Feel na feel niya talaga.

Well, dahil sa kaniya, dumoble ang kinikita ng Cafe de Lucio at mas nagiging sikat pa itong cafe. Madami na nga ring nagpopost online about dito. Palaging nababasa ko na kung gusto raw nilang makita ang nag-iisang Terrence Palermo, pumunta lang sila sa Cafe de Lucio. Kaya nga minsan, iyong ibang customers, pagpasok na pagpasok dito sa cafe, hinahanap agad si Terrence. Kulang na nga lang, pagawan ko siya ng booth kung saan pwedeng magpa-picture sa kaniya jusko.

Kinabahan ako kagabi kasi akala ko talaga dadalhin niya ako sa motel o kung saan man pero na-appreciate ko naman na ihatid niya ako sa apartment ko. Kaloka nga kasi dinaig pa niya si Robi. Kaya naman kahit nainis talaga ako sa pakikialam niya kagabi, nawala din iyon agad.

Hindi ko na namalayang kaharap ko na si pogi.

"Ini-imagine mo bang nagse-sex tayo, Keeshia?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Wala bang isang araw na lilipas na hindi mo sinasabi ang word na 'yan?"

"Malabo e. Kaya kung ako sa 'yo, makipag-sex ka nalang sa akin." Tumawa pa siya.

"Bastos ka talaga."

"Pero matanong nga kita, Keeshia. Boyfriend mo ba talaga 'yung kagabi? Yung mukhang aso?"

Hinampas ko siya sa braso. "Boyfriend ko siya at mahal na mahal ko siya."

"Mahal na mahal din niya ang pera mo, Keeshia."

Mas sumama ang tingin ko sa kaniya. "Huwag kang judgemental! Mahal ako ni Robi. Mahal namin ang isa't isa."

"Talaga ba, Keeshia? E ako, kahit hindi ko mahal 'yung mga nakaka-date kong chicks, hinahatid sundo ko 'yan, ginagastusan ko pa. Tapos ikaw mahal ka, hindi ka man lang masundo? Tapos siya pa ang nanghihingi ng pera sa 'yo sa halip na siya? Gago din ng boyfriend mo. Hindi ka mahal no'n. Maniwala ka sa akin."

"Ang daldal mo. Huwag ka ngang epal. Mahal ako ni Robi at hindi basehan iyong paghingi niya sa akin ng pera."

Tumawa siya. "Bobo ka talaga, Keeshia. Sarap mo tuloy i-kama."

Jusko! Mamaya, may makarinig pa sa amin. Bwisit na Terrence.

"Saka huwag ka nang makisawsaw sa relasyon namin. Kung ano mam ang set up namin, wala ka na doon. Hindi naman kita kaibigan saka---"

"Hindi close? Naghalikan na tayo kagabi kaya sa tingin ko close na tayo. Gusto mo bang halikan ulit kita habang hinahawakan ang boobs mo para mas close na talaga tayo?"

"Letse ka talaga, Terrence! Bunganga mo naman."

"What? Bunganga ko gustong sumubsob sa boobs mo. Sisipsipin ko 'yan."

Kalma, kalma!

"Terrence utang na loob, bibig mo naman! Napaka bastos mo. Paano kung marinig ka ng mga customers ha!"

"Kapag narinig ako ng mga customers, maho-horny sila. Ikaw ba, Keeshia. Hindi ka ba horny sa akin?"

Suko na ako. Bahala siya dyan. Hindi ko na siya kakausapin bwisit siya.

"Talk to my hand." Inirapan ko siya.

"Hey hand, dito ka nga sa hotdog ko. Hawakan mo."

Uusok na sa galit ang ilong ko. Nakakasira ng ulo ang kabastusan ng lalaking 'to!

Pero hindi na ako nagsalita para tumigil na siya. Lahat ng sabihin ko, may sagot siyang kabastusan. At hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang itago ang maria clara blood ko.

"You're Terrence Palermo, right? Pwede bang magpa-picture?"

"Sure girls, pwedeng pwede. Pwede ko din ba kayong i-kama?"

Nagtilian ang tatlong babae. Jusko, kung sa iba, sasampalin na nila si Terrence sa kabastusan pero itong mga 'to, natuwa at kinilig pa.

Paano kaya kung pangit si Terrence at ganoon ang sinabi sa kanila? Siguradong sadabihan nilang manyak. Kasi gwapo si Terrence.

Kakaiba na talaga ang mga kababaihan ngayon.

Hinayaan ko na siya doon sa mga babae at inabala ko na lamang ang sarili ko. Habang tunatagal, padumi na naang padumi ang isip ko dahil sa kaniya.

🚩

MASAYA ako dahil magkikita kami ni Robi ngayon. Miss na miss ko na siya kaya talagang gustung gusto ko na siyang makasama. Tinanong ko kasi siya kung naroon siya sa unit niya at um-oo naman siya kaya isu-surprise ko siya. Sigurado akong miss na din niya ako.

Sumakay ako ng taxi para mas mabilis makapunta sa unit ni Robi saka gabi na rin kaya hindi gaanong dumadaan ang mga sasakyan. Bukas ay friday at off ko kaya pwede akong matulog ngayon sa unit ni Robi.

Every friday ang off ko at si Miss Hestia ang nagbabantay sa cafe.

Ang ganda ganda ng ngiti ko ngayon. Monthsary din kasi namin bukas kaya nakaka-goodvibes. Bumili ako kanina ng gift for him. Iyong paborito niyang pabango.

Maya maya pa ay nakarating din ako. Pagbaba ko ng taxi ay nakangiti akong pumasok sa building. Kinakabahan nga ako dahil isu-surprise ko siya. Bukas ay yayayain ko din siyang mag-date. Araw din ng sweldo bukas kaya may panggastos kami.

Nang makarating ako sa unit niya ay huminga ako ng malalim. Siguradong matutuwa siya na narito ako.

Pagbukas ko ng pinto ay napansin kong tahimik. Baka tulog na siya? Sabagay gabi na din kasi. Baka pagod pa siya sa work.

Umakyat agad ako sa kwarto niya. Kakatok na sana ako pero nakabukas ang pinto. May kaunting awang doon kaya sinilip ko.

Nabitawan ko ang hawak kong paperbag na nakakuha ng atensyon nila.

"Baby?"

Tiningnan ko siya sa mga mata habang pilit na tinatakpan ng kumot ang katawan niya.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ilang beses ko na siyang nahuling may kasamang babae. Worst, kasama niya palagi sa kama pero pilit kong iniintindi iyon kasi mahal ko siya at ayokong mag away pa kami.

"H-Hindi mo ba kilala ang babae na 'yan? Nilandi ka lang niya 'di ba? Lasing ka ba kanina kaya hindi mo alam na may kasama kang b-babae?" Malumanay na tanong ko.

Pero iyong puso ko, unti unting napupunit.

"Oo baby, tama ka. Lasing ako kanina at hindi ko alam ang ginagawa ko. Sorry baby. Hindi ko talaga sinasadya."

Hinawakan niya ako sa kamay ko pero bumitaw ako.

"Robi... mas maganda siguro na huwag muna tayong mag-usap. Nakakailang din kasing makipag usap sa 'yo habang hubad at may nakikita akong hubad na babae sa ibabaw ng kama mo."

Nag-walk out ako.

"Baby, wait!"

Mabilis akong lumabas ng unit niya. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.

Bakit ganoon? Bakit sa halip na I love you, palaging sorry ang naririnig ko sa kaniya?

Bakit ganoon? Bakit pinipilit ko namang maging karapat dapat na girlfriend pero bakit palaging may ibang babae?

Bakit ganoon? Bakit kahit nananatili akong loyal sa kaniya, palagi siyang may alibi tuwing may kasama siyang ibang babae?

Bakit ganoon? Bakit kahit alam kong niloloko niya ako, palagi ko siyang pinapatawad?

Bakit... bakit ang tanga tanga ko?

Kasi pakiramdam ko, wala na akong ibang makikilalang lalaki na tulad ni Robi? Mahal na mahal niya ako e. He was the kindest, the most ideal man when I met him. Pero bakit nag-iba na?

Nasa akin ba ang mali?

Nang makalabas ako nang building ay nahigit ni Robi ang braso ko. Nakasuot na siya ng short at sando.

"Baby, listen..."

Ilang ulit ko na bang narinig iyan? Palagi nalang ba akong makikinig? Palagi nalang ba ako magpapanggap na ayos lang ang lahat?

"Sorry, lasing ako kanina. Hindi ko alam na may inuwi akong babae. Sigurado akong nilandi niya ako at inakit! Lalaki ako, baby. I have my needs at lulong ako sa alak kaya hindi ko na namalayang bumigay na ako sa kaniya. Baby..."

Tiningnan ko siya sa mga mata niya. "Paulit ulit nalang ba, Robi? Palagi nalang bang ganyan? Sa tuwing mahuhuli kitang may kasamang babae, palagi akong nagbubulag bulagan dahil gusto kong isalba ang relasyon na 'to! Dahil hangga't maaari ayokong maghiwalay tayo dahil ikaw na ang nakikita kong makakasama ko habambuhay. Ginagawa kong tanga ang sarili ko dahil mahal na mahal kita. Hindi pa ba sapat iyon?"

"Baby..."

Pinahid ko ang luha ko. "Siguro nga kasalanan ko. May mga pagkukulang ako kaya hinahanap mo 'yon sa ibang babae pero paano naman ang nararamdaman ko? Kung mahal mo ako, hindi mo hahanapin sa akin ang bagay na hindi ko kayang ibigay sa 'yo. Hindi ba dapat kung mahal mo ako, irerespeto mo 'yon? Hindi ba dapat kung mahal mo ako, tatanggapin mo na hindi ko kayang ibigay lahat ng gusto mo? Hindi ba dapat makuntento ka sa mga bagay na kaya ko lang ibigay sa 'yo?"

"Mahal kita, baby. Nagkamali ako. Sorry..."

"Utang na loob, Robi! Nakakasawa na ang sorry mo. Nakakasawa na. Hanggang kailan? Hanggang kailan ko maririnig ang sorry mo? Sex nalang ba ang mahalaga sa 'yo?! Dahil hindi ko maibigay sa 'yo, sa ibang babae mo ginagawa? Bakit, Robi?! Iyon lang ba ang purpose naming mga babae? Ang gamitin ng mga lalaki sa kama? Kasi... kasi kung talagang mahal mo ang isang babae, may sex man o wala, igagalang mo siya at mamahalin nang siya lang. Ako lang dapat, Robi e..."

Hinawakan niya ako sa mga kamay ko pero bumitaw ako. "Hindi na mauulit. Sorry, baby. Pangako, hindi na mauulit."

"Alam mo ba kung ano pa ang mas masakit sa nahuli kitang may kasamang ibang babae? Iyong paulit ulit kong naririnig ang sorry, pangako, at hindi na mauulit. Dahil 'yan ang mga salitang ayokong marinig."

"Baby, Keeshia..."

"Huwag muna tayong mag-usap, Robi. Gusto ko munang mapag isa."

Kaya ko siyang tiisin. Gagawin ko ito para sa sarili ko.

"No, baby. Paaalisin ko iyong babae na iyon. Dito ka lang. Hindi ka aalis."

"Please, Robi. Ayokong mag-stay sa condo mo na... na ilang babae na ang isinama mo."

"Keeshia, baby, please?"

Hinila ko sa kaniya ang kamay ko pero ayaw niya akong bitawan.

"Bitawan mo ako, Robi!" Sigaw ko.

Hindi pa din niya ako binibitawan hanggang magulat ako nang bumulagta siya.

"Man, ikaw na ang nagloko, nahuli ka ng may babae, ang lakas pa ng loob mong pigilan siyang umalis? Gago ka talaga e 'no?"

"Terrence..."

"Kanina ko pa kayo pinapanood at kanina pa nangangati ang kamay ko na upakan ka. Malandi ako, gago ka pero kahit kailan, wala akong inagrabyadong babae. Kung lalandi ka lang din naman, huwag kang mag-girlfriend. Putangina mo."

Hindi ko alam kung bakit ganito si Terrence at lalong hindi ko alam kung bakit narito siya? Sabi niya kanina pa siya, pero paano? Bakit?

Wala na akong nagawa nang hilahin ako ni Terrence. Nakaparada sa gilid ng daan ang kotse niya saka ako isinakay. Hindi na ako umangal dahil gusto ko din naman talagang makaalis doon. Gusto ko munang makalayo kay Robi.

Pinaandar ni Terrence ang kotse saka inabot sa akin ang isang panyo.

"Punasan mo 'yang luha mo. Hindi bagay sa 'yo." Sabi niya habang nakatutok ang tingin sa daan.

"Bakit..."

"Bakit ako naroon? Sinundan kita kanina pa nung sumakay ka sa taxi para masiguro kong maihahatid ka ng ayos sa apartment mo. You know, hindi na masyadong mapagkakatiwalaan ang mga taxi and it's too late. I didn't know, sa boyfriend mo ka pupunta. And there, I just stayed for a few minutes and saw you running outside habang umiiyak."

Nakakahiya. Nakakahiya na makita niya akong ganito.

"Ganoon ka ba talaga? Lahat ng kilala mo, sinusundan mo para makauwi ng maayos?" Tanong ko habang pinapahid ang luha sa mukha ko.

"What? Of course not. Sa'yo lang dahil matigas ang ulo mo. Hindi ko alam kung bakit ayaw mong makisakay sa akin. Gabi na and you always take the risk. Babae ka, Keeshia. Madaming gago na tulad ko sa mundo."

Ano bang dapat kong maramdaman? Kahit malibog at manyak ang lalaking 'to, unti unti kong nakikita iyong soft side slash gentlemen side niya. Mabait naman kasi talaga siya. At na-appreciate ko 'yon.

"Thank you..." sabi ko.

"Nah, I don't need your thank you."

"Ano? Gusto mo sex, ganoon? Ganyan ka e 'di ba?" Nakuha ko nang magbiro.

Ang sakit sakit ng puso ko. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Gusto kong mailabas 'to. Gusto kong magpakalasing at makalimutan ang lahat.

"Hindi ako nakikipagsex sa mga brokenhearted. I won't take advantage, I wont let them give theirselves to me because they're in their weak point. Kaya kong kumuha ng babae kahit kailan ko gusto."

Manyak pero may prinsipyo pala ang lalaki na 'to. Para tuloy unti unti kong nakikita si Terrence bilang isang mabuting lalaki at hindi iyong pagiging manyak at bastos niya.

"Ibaba mo nalang ako sa bar, Terrence." Sabi ko.

Kung uuwi ako sa apartment ko, iiyak lang din naman ako doon e. Mas gusto kong diretso tulog nalang kaya dapat malasing ako.

"Alright." Sabi niya.

Huminga ako ng malalim. Dati, sa tuwing masasaktan ako, wala akong natakbuhan kundi sarili ko pero ngayon, bakit may isang Terrence Palermo na bigla biglang sumusulpot at ang nakakainis, gumagaan ang puso ko sa mga pinapakita niyang kabutihan sa akin?

Nang makarating kami sa bar ay kumunot ang noo ko dahil ipinasok niya sa parking lot ang kotse niya.

"Ibaba mo nalang ako dito." Sabi ko.

Ipinarada niya ng maayos ang kotse niya. "What? Do you think I will let you drink alone? I told you, babae ka. Keeshia, huwag kang bobo. Kapag nalasing ka, sa tingin mo, safe pa ang mundo? Paano kung mapagsamantalahan ka dahil lasing ka? Makakapalag ka pa ba?"

Ang puso ko...

Sa tono ng pananalita niya, napaka natural niya. Kumbaga, hindi siya nagpapanggap na mabait o ano, basta natural lang. Iyon siya. Ganoon siya.

Nauna na siyang pumasok sa bar at sumunod ako. Kumakabog ang dibdib ko. Para bang nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko kanina at napalitan iyon ng kakaibang pakiramdam. Hindi ko alam kung ano ito pero bago...

Sinundan ko si Terrence hanggang sa bar counter. Umupo ako doon sa stool.

"Drink all you want. Nasa paligid lang ako. I'll enjoy myself but don't you dare go home alone." Sabi niya saka ako iniwan dito sa bar counter.

Napailing nalang ako pero bakit para sa akin, ang cool niya ngayon? Siya iyong klase ng lalaki na hinding hindi mo hahayaang makalapit sa iyo dahil mapanakit ang mga ganyan ka-gwapong lalaki.

"One bottle nga nung pinaka matapang na alak niyo." Sabi ko sa bartender.

Kailangan ko ng matapang na alak para ilang inom lang, lasing agad ako at makakatulog agad ako. At sa paraang iyon, hindi ko maiisip si Robi.

Kahit naman nasaktan niya ako, mahal na mahal ko pa rin siya at handa akong tanggapin pa rin siya pero sa ngayon, ayoko muna siyang makausap.

Uminom ako ng alak. Ewan ko lang kung hanggang saan ang kaya ko. Sa bagay, andyan naman si Terrence e. Sabi niya, andyan lang siya sa paligid.

Binuksan ko ang phone ko at tiningnan ang mga pictures namin ni Robi mula pa noong mga bago palang kami. Siya ang pinaka-sweet na lalaking nakilala ko. Napaka-swerte ko dahil isang Robi Pineda ang naging boyfriend ko. Lalo na iyong pakiramdam na kinaiinggitan ako ng mga kakilala ko. Ang sarap sa pakiramdam. Hindi man ako mayaman, maswerte naman ako dahil may boyfriend akong mabait. Iyon ang palagi kong iniisip.

Dire-diretso ako sa pag-inom ng alak. Wala akong pakialam kung gaano ito kapait, basta ang gusto ko lang ay malasing ako at makatulog na.

Nagpatuloy ako sa pag-inom habang inaalala ang mga times na magkasama kami ni Robi hanggang sa maramdaman kong nagdodoble na ang tingin ko. Lasing na nga ako.

"Times up. Let's go. Ihahatid na kita."

Nagulat nalang ako nang bigla akong alalayan ni Terrence sa pagtayo. Akala ko hindi pa ako ganoon kalasing pero nang tumayo ako ay muntik pa akong matumba. Umiikot ang paningin ko, grabe.

Inalalayan ako ni Terrence hanggang makasakay sa kotse niya.

Kumabog ang dibdib ko nang lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Bakit ganoon, bakit...

"Kailangan kong ikabit ang seatbelt sa 'yo." Sabi niya.

Nagsimula na siyang mag-drive. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin pero umiikot talaga ang paligid. Pero alam ko pa ang nangyayari. E kasi naman, pinigilan na ako agad ni Terrence na uminom. Hindi pa ako sobrang lasing. Iyong tipong hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko. Naiisip ko pa rin si Robi kaya nakakainis lang. Dapat talaga nagpakalulong ako sa alak e.

"Don't fucking cry..."

Narinig kong nagsasalita si Terrence pero wala na akong lakas para sagutin siya.

"He's not worth of your tears. Don't settle for less. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo."

Hindi ko iyon pinansin basta ako, ayokong imulat ang mga mata ko dahil nahihilo talaga ako.

Maya maya pa ay naramdaman kong itinigil na niya ang kotse.

"We're here."

Nagmulat na ako ng mga mata ko. Napatingin ako kay Terrence na seryoso ang mukha. Parang hindi naman ako sanay na ganito siya ka-seryoso.

"T-Thank youuuu!" Sabi ko. Lasing na nga ako.

"You know what, there was a woman na biglang sumakay ng kotse ko and asked me to send her home. Pero alam mo 'yung nakakatawang part doon? Napagkamalan niya akong taxi driver. Damn, that was the cutest thing I've ever seen. Mula nang gabing 'yon, hindi na nawala sa isip ko ang babaeng iyon."

Natawa ako. "Ang bobo naman ng babae na 'yon. Ang gwapo mo masyado para mapagkamalang taxi driver." Sabi ko.

"Exactly." Sabi pa niya. "But do you know what makes me protective to her? Because the first time I saw her, she was crying and I don't want to see those tears again but fucking hell... I saw it again."

Tumawa ako. "Ang drama mo! Pasok na nga ako sa loob. Bye, pogi! Ingat! Thank you!"

Kumaway pa ako sa kaniya nang makapagpaalam ako saka ako naglakad papasok sa apartment ko.

Nakakatuwa pala si Terrence. Hindi ko alam na maliban sa pagiging manyak niya, ma-drama din siya.

Pero masaya ko. Nasaktan ako pero bakit masaya ako? Dahil ba naramdaman ko kay Terrence ang bagay na kailanman hindi ko naramdaman kay Robi? Ang pag aalaga...