Chereads / A Certified Casanova / Chapter 10 - Chapter 10

Chapter 10 - Chapter 10

NIYAYA ko si Terrence sa apartment ko. Hindi dahil nagustuhan ko ang mga halik niya kanina kundi dahil sa surprise ko para sa birthday niya. Sayang din ang effort ng kaibigan kong si Darlin saka gusto ko lang din maging extra special ang birthday niya.

Kahit hindi ko talaga alam kung saan pa ako nakakuha ng kapal ng mukha pagkatapos naming maghalikan. Hinayaan ko siya at inaamin ko nagustuhan ko! Nagtaksil ako. Nagtaksil ako kay Robi.

Narito na kami sa labas ng pinto at hindi ko alam kung paano ko sasabihing surpriseee!

"Hindi mo pa rin pinapaayos ang pinto mo, Keeshia." Sabi niya.

"Pinto ko 'yan kaya huwag mong pakialaman 'yan." Pabirong sabi ko.

Ngumisi siya. "Pinto mo nga, pero ang nakatira sa loob ng pintong 'yan, magiging akin kaya may pakialam ako."

Napalunok ako. Kunwari hindi ko narinig ang sinabi niya. Kunwari hindi ko naintindihan pero iyong kabog ng dibdib ko, kakaiba na naman.

"Tara sa loob." Sabi ko nalang.

Binuksan ko ang pinto. Nauna ako at bumungad sa akin ang banner na happy birthday, wait...

Nanlaki ang mga mata ko aa banner na nakasabit.

HAPPY BIRTHDAY! I LOVE YOU!"

Oh my gosh. Ginamit namin 'to noon ni Darlin noong ginawan ko ng surprisi si Robi. Bakit niya ikinabit?!

"Hey, Keesh---"

Mabikis kong itinulak palabas si Terrence. "Mali! Ano, ah, hindi ito ang apartment ko. Nagkamali ako kasi---"

"Anong mali? Are you a fool? Isang beses palang akong nakakapunta dito pero kabisado ko na. Saka room number mo 'yang nakalagay sa pinto."

Hindi ko na siya napigilan nang makapasok siya ng tuluyan sa loob ng apartment ko.

"Whoa! You love me?! What the actual fuck?"

"Mali 'yan! Kasi, hindi 'yan para sa 'yo. Ginamit lang iyan ng friend ko kasi nang surprise siya ng jowa niya saka---" hala siya!

Lumapad ang ngiti niya nang malapitan ang cake na nakapatong sa mesa.

"Really, huh? Hindi para sa akin, Keeshia? Kaya pala may Terrence na nakalagay sa cake? Don't tell me, hindi din ako ito?"

Hala siya! Ang epic fail naman! Lagot sa akin si Darlin!

"Ah, hehe." Wala akong ibang nasabi. Nakakaloka! Nakakahiya.

He smiled at me. "Thank you, Keeshia. I never thought you're this kind of cheesy. I appreciate this. And, oh, you love me? Papayag ka na kapag ikinama kita ngayon? Sasabihan kita ng I love you too habang nasa ibabaw kita."

Jusko! Ayan na naman ang kamanyakan niya!

Mabilis kong tinanggal ang banner. "Nagkamali lang ng kabit ang kaibigan ki. Huwag ka ngang feeler!" Sabi ko saka isinuksok kung saan ang banner.

"But still... thanks." Sabi niya. "Wala pang gumawa ng ganyan sa akin."

"Happy birthday ulit." Sabi ko. "Blow your candle na." sabi ko saka mabilis na sinindihan ang candle sa gitna. Mabuti at may nakahanda ng lighter dito sa ibabaw.

"Can you give me a blow instead?"

"Ano?!"

"Nevermind." Tumawa siya saka hinipan ang kandila. "Thanks for this cake. I like it."

Nakakatuwa naman na ang jatulad ni Terrence ay napangiti ko sa simpleng ganito lang.

"Should we get some drinks? Para tuloy tuloy ang celebration?" Sabi niya.

"E, hindi ka ba uuwi kasi baka magce-celebrate ka sa bahay niyo kasama ang pamilya mo." Sabi ko.

I saw the sadness in his eyes. "Since my mother died, hindi na ako nagce-celebrate ng birthday kasama ang pamilya. Madalas, night out kasama ang mga kaibigan but now that I'm here in the Philippines, I'll celebrate it with you."

Naawa naman ako bigla kay Terrence. Naalala ko na naman tuloy noong na-ooffend siya sa nasabi ko.

"I'll buy our beer outside. May nakita ako doong convenience store." Sabi niya.

"S-Sige..." sabi ko nalang.

Lumabas na siya ng apartment ko. Humunga ako ng malalim saka pinakalma ang puso ko. Bakit kasi kakaiba ang nararamdaman ko?!

Magkaibigan lang kami ni Terrence. Magka-trabaho! Iyon lang. Ginawan ko lang siya ng simpleng surprise kasi masyado siyang naging mabait sa akin saka naging knight in shining armour ko na din siya noong mga oras na nasasaktan ako kay Robi.

Isa pa, mabait talaga siya. Manyak lang talaga pero mabuti siyang tao.

Pero tenga nga, bakit ba ako nag-eexplain sa sarili ko. Basta wala akong nararamdamang kakaiba para sa kaniya. Tapos!

Mabilis aking nagpalit ng damit sa kwarto ko habang wala si Terrence. Pagkatapos ay tinawagan ko si Darlin.

"Yes?"

"Nakakainis ka! Bakit inilagay mo iyong banner na may I love you?!"

Tumawa siya sa kabilang linya. "Bakit, masama ba? Feeling ko siya na ang magiging new lovelife mo e. Saka advance ako mag isip. Mas maganda iyong wala pang kayo, nag i i love you ka na agad."

"Baliw ka talaga! Nakakahiya kaya!"

"Naku, babae ka! Hayaan mo na! Kay Robi nga hindi ka nahihiyang mag i love you kahit hindi ka na mahal e."

Tinamaan ako sa sinabi niya.

"Oops, sorry. Anyway, busy ako sa work. Goodluck! Go go go! Kapag niyaya ka niyang mag kemberlu, isuko mo agad! Bye"

Pinatayan ako ng gaga. Napaka-supportive friend talaga niya grabe. Hindi ko kinaya.

Napailing nalang ako saka lumabas na sa kwarto. Sakto namang dumating na si Terrence na may bitbit na mga plastic. Parang ang dami naman niyang binili.

Inilapag niya sa mesa ang binili niya. Inilabas niya ang mga beer in cans saka mga chips.

"Let's drink?" Aniya.

Tumango ako. "Okay?"

Umupo na ako sa sofa. Bumalik pa siya sa may pintuan para i-lock iyon.

"Hindi mo ba talaga pwedeng padagdagan o papalitan ang lock ng pinto mo?" Tanong niya.

"Ano ka ba, Terrence. Ilang taon na akong nakatira dito at okay naman ang pinto ko."

"But still, it's not safe."

Napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit. Bakit kasi never kong narinig mula kay Robi iyong ganyan na iniisip ang safety ko.

Pinagbuksan niya ako ng lata ng beer saka ipinatong sa harap ko.

"Cheers?" Aniya.

"Cheers! Happy birthday ulit, Terrence!"

"Yeah. Thanks."

Sabay kaming uminom. Nakakatuwa lang isipin na noong una, natatakot pa ako sa kaniya kasi para talaga siyang manyak na anytime, babastusin ka. Bibig nalang kasi, bastos na jusko.

"Uh, Terrence pwede bang magtanong? Para naman hindi tayo tahimik." Sabi ko.

"Why? Ayaw mo ba ng tahimik? Then I can make you moan and shout." Kumindat pa siya.

"Terrence naman! Seryoso kasi."

Kung hindi lang talaga ako nasanay sa bibig nyang bastos, ewan ko nalang!

Tumawa siya. "Fine. Ask me anything. In exchange of that, I'll ask you too."

Mukhang masaya 'to. Tanungan kami. Mas maigi iyon dahil makikilala namin ang isa't isa.

Inner self: At bakit gusto mong magkakilala kayo aber?

Napailing ako. Gusto ko lang siyang makilala bilang ka-trabaho saka friends na kami.

"Bakit pala pinagtrabaho ka sa cafe ni Miss Hestia? E 'di ba nga pamangkin ka ni Mrs. Palermo? Mayaman ang pamilya niyo. Bakit hindi sa company niyo?"

"That's my punishment."

Kumunot ang noo ko. "Punishment? Bakit, ano bang ginawa mo? Nakabuntis ka ba ng minor?"

"What the fuck, Keeshia. Ano ba 'yang utak mo." Tumawa siya. "Well, I fucked a minor before but that's not the reason for my punishment."

Oh my, seryoso?! Pati ba naman minor? Naiisip ko tuloy kung ilang babae na ang naikama ni Terrence. Hindi kaya siya magkaroon ng aids? Mamamatay siya sa kalandian niya, jusko!

"You looked surprised. I was twenty when I fucked a seventeen years old girl. Pero sa US iyon. You know how liberated they are. Hindi katulad ng mga pinay."

Kahit na! Jusme, ano ba naman si Terrence.

Muli siyang nagbukas ng lata ng beer. Hindi ko namalayang nakaubos agad ako ng isang lata. Feeling ko magiging bonding namin ang pag-iinom after work.

"E... ano ngang dahilan ng punishment mo?"

"Sumuko na sa akin ang Lola ko. She kicked me out. Pinalayas na niya ako at pinauwi dito sa Pinas. And knowing my Tita Charisse, she's a fucking living armalite. Mahigpit siya kaya gusto niyang parusahan ako. You know what, I don't deserve it. Kasalanan ko bang napaka gwapo ko, hot at masarap sa kama? Kaya ang mga babae, palaging sumasama sa akin pauwi. And yeah, nag uuwi ako ng mga babae sa bahay. Inuwian ko nga din ang Lolo ko. Akala ko naiinggit kaya ako sinusuway." Tumawa pa siya.

Malala na siya! Kakaiba 'tong lalaki na ito. Tapos kapag nagkwento siya, hindi man lang siya nahihiya.

Hindi siya tulad ng ibang lalaki na kapag bagong kakilala mo palang, kapag nakipagkwentuhan ka, puro good deeds lang ang iku-kwento nila. Unlike Terrence, talagang sinasabi niya ang kabalastugan niya. Iba!

Grabe, lumalakas na ako sa pag iinom. Pangatlong lata ko na 'to ng beer.

"Keeshia, ako naman ang magtatanong."

Tumingin ako sa kaniya. He looked serious.

"Bakit kahit alam mong ginagago ka na ng boyfriend mo, hindi mo pa rin maiwan? Bakit hinahayaan mong gawin ka niyang ATM? Why settle for less?"

Hindi ako makasagot sa tanong niya. Para pa akong saglit na natulala.

"What? You can't answer that simple question, Keeshia?"

Mapait akong ngumiti. "Mahal ko e. Mahal na mahal ko siya kaya kahit nasasaktan ako, hindi ako bumibitaw."

"Fucking love." Sabi niya. "Hindi palaging dahilan na mahal mo siya. Ginagago ka na. Niloloko ka ng harap harapan. Pineperahan ka niya. Tanginang pagmamahal meron ka, Keeshia." Aniya saka lumaklak ng beer.

Niyupi pa niya ang lata ng beer habang masamang nakatingin sa kawalan.

"Anong magagawa ko? E mahal ko nga. Mahal na mahal ko siya at alam kong siya na ang makakasama ko habambuhay."

Ngumisi siya. "Are you fucking serious, Keeshia?! Nakikita mo siya bilang mapapangasawa mo? You are fucking blind by your fucking feelings for him. Mabubuhay ka ba ng pagmamahal mong 'yan?! You're not just ruining your life, Keeshia. You're ruining your self just because of that asshole. You deserve better."

Parang medyo nahihilo na ako dahil sa beer na nainom ko. Naabot ko na yata ang limit ko.

Muli siyang nagbukas ng lata ng beer. Ni hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kaniya o dapat isagot.

Kung tutuusin, wala naman siyang karapatang pakialamanan ang buhay ko. Pero bakit hindi ko naman magawang magalit sa kaniya? Bakit hindi ko magawang sabihin sa kaniya na wala siyang karapatan tulad noong una niya akong pagsabihan?

"Basta ang alam ko, mahal na mahal ko siya..." iyon lang ang tangi kong nasabi.

"Fuck your feelings." Mura niya saka ako nagulat nang bigla niya akong inambahan.

Napalunok ako. Napasandal ako sa sofa habang siya ay nasa ibabaw ko. Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko. Iyong kabog na hindi ko maintindihan kung ano.

"T-Terrence..."

"You fucking live him that much, Keeshia? Really. Then, say it to my face after this."

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong siniil ng halik. Wala akong magawa, wala akong lakas na tumanggi, at lalong wala akong balak na pigilan siya.

Kusang pumikit ang mga mata ko habang dinadamdam ang lambot ng labi niya. Tinugon ko ang bawat paggalaw ng labi niya. Pagdating sa ganitong bagay, para siyang may mahika na para bang hindi ka na makakatanggi pa sa kaniya. Para akong nasa ilalim ng kapangyarihan niya. Para akong lulong sa kakaibang pakiramdam na pinaparamdam niya sa akin.

Mas diniinan niya ang paghalik sa akin. Nalalasahan ko pa mula sa labi niya ang beer na ininom namin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero para akong nakaramdam ng kakaibang init sa katawan ko.

Ano ba itong nararamdaman ko?

Hinahayaan ko na namang halikan ako ni Terrence. Niloloko ko ang boyfriend ko. Nagtataksil ako. Pero anong magagawa ko? Hindi ko magawang pigilan si Terrence.

Gumala ang kamay niya sa dibdib ko.

Napaliyad ako. Kakaibang kiliti at sarap ang hatid niyon. Tumigil siya sa paghalik sa labi ko ngunit bumaba ang labi niya sa leeg ko. Mas naramdaman ko ang kakaibang kiliti roon.

Ipinasok niya ang kamay niya sa loob ng t shirt na suot ko hanggang maramdaman kong natanggal na niya ang bra ko. Napakabilis. Hindi ko akalaing sa isang iglap, magagawa niya iyon.

Inihagis niya sa kung saan ang bra ko. Ngayo'y tanging t shirt lang ang suot kong pang itaas habang ang kamay niya ay gumagala sa katawan ko papunta sa...

"Ohh..." kusa akong napaungol.

Ang mga daliri ni Terrence ay abalang nakikipaglaro sa tuktok ng dibdib ko.kakaibang sensasyon ang hatid niyon. Pakiramdam ko ay may nagliliyab na apoy sa sistema ko.

"Break up with your fucking boyfriend, Keeshia or I will break his fucking bones. Choose." Aniya.

Hindi ako makasagot hanggang sa mabilis niyang natanggal ang t shirt ko. Nakakahiya pero bakit hindi ko siya magawang pigilan?

Lalo akong napaliyad nang maramdaman ko ang basnag labi niya sa tuktok ng dibdib ko.

Napasabunot ako sa buhok niya. "T-Terrence..."

Napalunok ako at napapikit habang dinaramdam ang sensasyong dala niyon.

Dinilaan niya ang tuktok ng dibdib ko dahilan para mapasigaw ako ng malakas.

"Fuck, Keeshia."

Tumaas ang labi niya pabalik sa labi ko. Siniil niya akong muli ng halik.

Hindi ko maipaliwanag ang ganitong pakiramdam.

Tumigil siya saka ako hinalikan sa noo.

"Again, break up with him." Aniya. "Or I will break his bones in front of you."

Napatanga ako sa sinabi niya. Hindi pa ako nakakamove on sa ginawa niya. Hindi ko pa rin makuha ang explanation kung bakit ko siya hinayaang gawin ito.

"Answer me, Keeshia."

He kissed me again. More seductive.

"B-Break up." Wala sa sariling sagot ko.

Nakita ko pa ang pagngiti niya bago ako muling siniil ng halik.

Anong nangyayari sa akin? Ano itong pinasok ko?