Chereads / A Certified Casanova / Chapter 8 - Chapter 8

Chapter 8 - Chapter 8

ANG sakit ng ulo ko. Paano ba naman kasi, nagpakalasing na naman ako kagabi. Nakakainis.

Ang mas nakakainis pa, wala man lang akong natanggap na tawag o kahit isang text galing kay Robi. Hindi man lang ba siya nag-alala na sumama ako sa ibang lalaki kagabi? Hindi man lang din ba niya iniisip kung wala na kami, or kung cool off kami, or kung hiwalay na kami? Hindi ko na talaga siya maintindihan.

Dati naman, napaka-ideal niya bilang boyfriend pero bakit nagbago na? Dati, kapag may hindi pagkakaunawaan, tatawagan niya ako agad. Hindi niya ako titigilan hangga't hindi kami nagkaka-ayos. Pero ngayon, lumilipas na ang twenty four hours na hindi man lang niya ako tinatawagan.

"Keeshia simula na ba ngayon ang promo para sa buy one take one na kape kapag couple ang bumili?"

Wala sa sariling tumango ako. "Oo."

Paano kasi si Robi, hindi mawala sa isip ko. Pinipigilan ko nga sarili kong tawagan siya kahit gustung gusto ko na.

"Kailangan talaga couple ang bibili?"

"Oo."

Tawagan ko na ba? Namimiss ko na siya. Baka mamaya, nagpapakalulong na siya sa alak kasi nasaktan ko siya sa pagsama ko kay Terrence kagabi?

"Buy one take one talaga?"

"Oo."

Tapos nasuntok pa siya ni Terrence. May sugat kaya siya? Nagamot na kaya niya?

"Sex tayo, Keeshia?"

"Oo."

Alalang ala talaga ako kay Robi. Syempre mahal ko 'yon e.

"What the fuck. Sabi mo 'yan, Keeshia ha? Iho-hotel na kita mamayang gabi."

"Oo."

Hindi ko siya tatawagan pero i-text ko kaya? Or huwag dapat? Ang hirap nang ganitong isipin.

"Damn it. Earth to you, Keeshia!"

Nagulat ako nang sigawan ako ni Terrence sa mismong tainga ko. "Ano ba?! Ang sakit sa tainga non ah!"

"Makikipagsex ka na sa akin, hindi mo pa alam. Seriously, Keeshia?!"

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Ano? Pinagsasasabi mo d'yan!"

"See? You don't even know you said yes to me when I asked you. Fuck, Keeshia iniisip mo ba ang gago mong boyfriend?"

Inirapan ko siya. "Wala ka na don!"

"Then let's have sex."

"Isa pa, Terrence ha!" Napakabastos talaga ng lalaking 'to.

"Alright, pagka-sex natin, isa pa."

Mariin akong pumikit. "Mamigay ka na nga ng fliers sa labas."

"Then I will let you here? Lumilipad ang utak mo, Keeshia. Baka mamaya, pati pera sa kaha ipamigay mo na."

Sumimangot ako. "Hindi na nga 'no! Okay na ako."

"Are you sure?"

"Oo nga! Sige na, mamigay ka na ng fliers para mas maraming customers ang dumumog dito."

"You're using me."

"Ano?"

"Ginagawa mo akong taga bigay ng flier dahil alam mong hot at gwapo ako. No questions asked. Dudumugin talaga 'tong Cafe de Lucio. Damn it, kung wala ako dito? Baka malugi na 'to."

Kahit kailan talaga, napakayabang ng lalaking 'to. Pero kung sabagay, totoo namang hot at gwapo siya saka totoo din namang mula nang magsimula siya dito, as in sobrang daming customers araw araw. Palagi na nga din akong pagod kasi umaapaw talaga ang customers.

"Hey, Keeshia."

"Ano na naman?"

"Sex nga tayo."

"Alam mo bukambibig mo na 'yan! Ang bastos bastos mo. Hindi ka siguro love ng Mama mo."

Hindi ko alam kung bakit parang nagsisi akong sabihin ang birong iyon dahil nag iba bigla ang ekspresiyon ng mukha ni Terrence. Iyong nakakaloko niyang ngiti biglanv naglaho.

"Hindi nga. Kaya nga iniwan niya kami." Seryosong sabi niya saka kinuha ang fliers na nasa ibabaw. "Ipapamigay ko na 'to. Tawagin mo nalang ako sa labas kapag may ipapagawa ka."

Hala siya. Bakit para akong na-guilty? Hindiko sinasadya kasi usong ekspresiyon lang naman iyon. Hindi ko naman naisip na... maaapektuhan siya.

Huminga ako ng malalim saka sinilip siya. Seryoso siyang namimigay ng fliers sa may entrance pero pangiti ngiti. Anong gagawin ko? Hindi pa naman ako matatahimik kapag ganitong alam kong may nasabihan ako ng hindi maganda.

Grabe, nakakahiya. Hindi ako aware na iniwan siya ng nanay niya. E kasi naman, nakikita ko sa facebook 'yung mga ganoong salitaan e.

'Di bale, siguro yayayain ko nalang siya sa apartment ko mamaya at ipagluluto ko siya. Pagdating sa pagluluto, confident ako. At least kahit sa ganoong paraan, makabawi ako sa kaniya.

KAKAALIS lang last customer namin at hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang sasabihin ko kay pogi. Paano naman kasi, hindi na rin niya ako kinausap. Kinausap man niya ako pero kapag may tinatanong lang siya. Nakakapanibago tuloy. Iyong feeling na nakakainis siya magsalita kasi walang filter ang bibig pero hindi pala bagay sa kaniya iyong tahimik lang at seryoso.

Feeling ko tuloy, tinamaan talaga siya sa sinabi ko. Nakakainis kasi 'tong bibig ko.

Huminga ako ng malalim saka nag-ipon ng lakas ng loob. Kailangan ko siyang kausapin. Hindi aki matatahimik ng ganito.

"Uh, Terrence."

Kakatapos niya lang magpunas ng mesa ng huling customer at pabalik siya dito sa kusina dala ang basahan.

"Yeah? I'll drive you home. Malakas ang ulan."

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Lalo akong nakaramdam ng guilt kasi kahit siguro nabadtrip siya sa akin, mabait pa din siya.

"Hmm, Terrence..."

"Are you done?"

Tumango ako. Mamaya ko nalang siguro siya yayayain sa apartment ko kapag naroon na kami. May mga ingredients naman palagi sa refrigerator ko kasi nagluluto talaga ako palagi.

"Let's go. You'll be stucked if you take a cab."

Hindi ko na siya tatanggihan kasi malakas talaga ang ulan. Buti nga ulan lang e. Kasi... kung may malakas na mga kulog, baka nagtago na ako sa loob ng cabinet ko. Hindi dahil sa pag iinarte kundi dahil may hindi magandang karanasan ako noong bata ako at ang tunog ng mga kulog at kidlat ang nagpapaalala noon sa akin.

I hate rainy days. Hindi na bale na mainitan ako palagi, basta huwag ang ulan. Dahil kapag may ulan, posibleng may kulog at kidlat.

Inayos ko na ang mga dapat ayusin saka ko tinanggal ang suot kong apron. Kinuha ko ang bag ko saka sumunod kay Terrence. Hindi talaga ako sanay na tahimik siya.

Bitbit niya ang susi ng kotse niya at cool na naglakad palabas. Inilabas ko ang payong ko mula sa bag ko.

"Terrence, wait!"

Tumingin naman siya sa akin at parang nabila pa siya nang payungan ko siya.

"Baka magkasakit ka pa. Hawakan mo muna 'to. Lock ko lang ang cafe." Sabi ko saka ko hinayaan sa kaniya ang payong.

Akala ko mababasa ako pero pinapayungan pala niya ako.

Nang mai-lock ko ang cafe ay kinuha ko sa kaniya ang payong. "Tara na?"

Tumango aiya pero seryoso pa din ang mukha niya. Nakakapanibago talaga. Sana matuwa siya mamaya kapag pinagluto ko siya at sana bumalik na 'yung usual niya.

Mas gusto ko pang bastos siya at walang preno ang bibig kesa ganito siya katahimik.

Nang malapit kami sa kotse niya ay kinuha niya sa akin ang payong saka ako pinagbuksan. Sumakay agad ako. Saka siya sumakay sa driver's seat.

Hindi muna ako nagsalita. Tahimik lang ako kasi ayokong mas masira ang mood niya. Kapag ganito kasi, ibig sabihin talagang naapektuhan siya sa nasabi ko.

Nagsimula na siyang magdrive pero nakakabingi ang katahimikan.

Biglang tumunog ang phone ko. Nagulat tuloy ako. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko saka mabilis na sinagot iyon.

"Robi..."

"Baby where are you? Umuulan. I need to be beside you. Baka..."

"Kaya ko ang sarili ko, Robi." Matigas na sabi ko. Ayoko munang maging mahina ngayon.

Okay na sa akin na tinawagan niya ako at naaalala pa din niya ako.

"But baby... alam kong wala namang kulog at kidlat but I want to be with you."

Huminga ako ng malalim. "Please, Robi. Gusto ko munang mag-isip."

"Baby please. Pupuntahan kita sa apartment mo?"

"Robi---"

Nanlaki ang mga mata ko nang agawin ni Terrence ang cellphone ko.

"Stop calling her, man. Nag-please na ang babae sa 'yo, so it means that she really don't want to be with you. Fuck off, asshole."

Pinatay niya ang tawag saka ibinalik sa akin ang phone ko.

Bakit ganito ang pagkabog ng dibdib ko. Sa halip na mainis ako dahil nakikialam na naman siya, hindi e. Iba ang nararamdaman ko.

"Don't fucking answer his calls. He's a fucking asshole, Keeshia. He's not worth of your fucking time."

Napalunok ako. Ano ba ang dapat na sagot ko sa sinabi niya?

Hindi nalang ako nagsalita kasi hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Pinatay ko nalang ang cellphone ko saka ibinalik sa bag ko.

Parang hindi ako makapaniwala na sinusunod konsi Terrence. Pero kung sabagay, may point naman siya.

Maya maya pa ay tumigil na ang kotse niya sa harap ng apartment ko. Tumikhim ako saka bumwelo.

"Uh, Terrence..."

"You don't need to thank me. It's my responsibility as a man and as a co-worker to make sure you're safe."

Ayan na naman ang kakaibang pagkabog ng dibdib ko.

"Kasi, ano... uh..."

Tumingin siya sa akin. Ang gwapo talaga niya at sa totoo lang, hindi ko pa rin maisip na may ka-trabaho akong ganito na mukhang artista.

"What is it? If you're thinking that I'm mad at you, no. May mga iniisip lang ako kanina kaya tahimik ako. But don't feel uneasy with me. Wala kang nagawa o nasabing hindi ko nagustuhan."

Kahit na. Iba pa din ang pakiramdam ko. Guilty ako kaya gusto kong makabawi.

"Terrence, okay lang ba sa 'yo na yayain kita sa apartment ko?"

He grins. "You wanna have sex with me?"

Okay, back to normal na naman siya.

"Terrence naman! Sorry sa nasabi ko kanina. Hindi ko talaga sinasadya. Hindi ko naisip na baka ma-offend kita. At hindi mawawala 'tong guilt ko hangga't wala akong ginagawa para sa 'yo."

"So you're planning to give me your virginity?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi. Huwag kang feeler. I mean, gusto kitang ipagluto. Hindi ka pa din naman nagdi-dinner e. Promise masarap ako---"

He smiled. "Yeah, I know, Keeshia. Masarap ka. Kaya patikim na."

Inirapan ko siya. "Seryoso kasi. Masarap akong magluto kaya kahit doon man lang makabawi ako para mawala 'tong guilt na nararamdaman ko."

Ang gwapo talaga niya kapag nakangiti.

"Oh right, okay. I'll park my car first."

Yes! Buti naman pumayag siya. Ano kayang pwedeng lutuin? Ipapatikim ko nalang sa kaniya ang specialty ko na tinola.

Ipinark niya ang kotse da harap ng Pink Apartment. Malakas pa rin ang ulan kaya nauna siyang bumaba ay binuksan ang payong.

"Come here, masyadong malakas ang ulan."

Bumaba ako saka napakapit kay Terrence. Iisang payong lang ang gamit namin kaya halos magkadikit na kaming dalawa. Aarte pa ba ako kesa mabasa ako ng ulan?

Nang makapasok kami sa building ay kinuha ko sa kaniya ang payong saka inikom 'yon.

"What floor?" Tanong niya.

"Second floor lang, huwag kang mag-alala. Hindi ka mapapagod." Sabi ko.

Wala kasing elevator dito sa building kasi naman, hindi naman pamgmayaman ang apartment ko. Sakto lang. Talagang hagdan lang ang meron dito kasi hanggang 8th floor lang naman.

"No, it's fine with me kahit pa gaano kataas 'yan."

"Sus, oo na. Tara!"

Umakyat kami ng hagdan. Nakakatuwa lang kasi parang komportable na ang pakiramdam ko kay Terrence. Kung noong una para akong kinakabahan na baka dalhin niya ako sa hotel, ngayon hindi na. Wala lang, para bang matagal ko na siyang kakilala.

Nakarating kami sa second floor. Nauna akong pumunta sa apartment ko saka inilabas ang susi mula sa bag ko.

"You must be kidding me, Keeshia."

Kumunot ang noo ko. "Ano?"

"Don't tell me, iyan lang ang pang-lock mo sa apartment mo? One big padlock. Are you fucking serious?"

"Ano ka ba, isa lang 'yan pero matibay 'yan 'no! Saka wala naman silang mananakaw sa apartment ko." Biro ko.

Binuksan ko ang pinto saka pumasok. "Pasok ka." Sabi ko.

Sumunod naman siya sa akin sa loob saka ko isinara ang pinto. Napansin kong chineck pa niya ang lock sa loob.

"Is this fucking real?"

"Ano na naman ba?"

"You're sleeping here and living here alone with this kind of lock?"

Nakakatuwa lang kasi parang napaka maalaga ni Terrence. Big deal talaga sa kaniya iyong dalawang lock ng pinto ko mula dito sa loob.

"Matibay 'yan, ano ka ba!"

"Why don't you install a keylock here?"

Ang sinasabi niya ay iyong lock na may passcode.

"Sorry ah, hindi ko afford magpaganon. Iyong ibibili ko nun, pang rent ko na."

"But it's your safety."

"Ano ka ba, Terrence? Pumasok ka na nga dito. Ang dami mo pang sinasabi. Huwag mo ngang problemahin 'yang lock sa pinto ko."

"That's my problem because you're a fucking girl, Keeshia. Hindi ka ba natatakot? Damn it."

Hinila ko siya papasok. "Umupo ka na lang diyan at hintayin mo akong matapos magluto okay? Mabilis lang 'yon. May mga DVD ako diyan, pwede kang manood." Sabi ko.

Inilabas ko agad mula sa refrigerator ang manok at mga ingredients.

"Magpapalit lang ako ng damit, ha?"

"Samahan na kita. Ako magpalit sa 'yo?" He chuckles.

"Bastos ka talaga."

"Oo nga. Tara, babastusin kita."

Sinamaan ko lang siya ng tingin saka pumasok sa kwarto ko. Nilock ko ang pinto kasi baka bigla akong pasukin ni Terrence.

Kahit naman komportable na ako sa kaniya, parang ang hirap pa din kasi lalaki siya saka hindi ko naman siya boyfriend at kami lang ang narito.

Nakabihis na ako. Nagsuot lang ako ng jogging pants saka ng tshirt. Ayokong magsuot ng revealing. Mahirap na. Kasi kapag ako lang ang narito? Shorts at sando lang ang sinusuot ko.

Lumabas ako sa kwarto saka inabot kay Terrence ang maliit na towel.

"Punasan mo sarili mo, nabasa ka kanina. Hindi naman kasi tayo kasya sa payong."

Kinuha niya iyon saka ngumiti.

"Magluluto lang ako. Huwag kang mahiyang gumalaw ng mga gamit diyan."

"Ikaw ba, pwede kong galawin, Keeshia?"

"Terrence naman!" Sigaw ko pero tinawanan niya lang ako.

Kahit bastos talaga ang lalaking 'to, mas pipiliin ko nang ganito siya kesa tahimik at seryoso.

Habang abala ako sa kitchen ay naramdama ko ang pagbuhos ng malakas na ulan. Grabe, may bagyo ba o kasama ko lang talaga ang living bagyo?

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang kumulog ng malakas. Para akong natigagal. Nabitawan ko ang hawak kong kaserola saka ako napaupo sa sahig.

Nag-flashback lahat sa isip ko ang pangyayaring hinding hindi ko malilimutan...

"Keeshia!"

Nanginginig ang mga kamay ko. Niyakap ko ang sarili ko. Kusang tumulo ang mga luha ko.

"H-Huwag..." hindi ko maiwasang bigkasin iyon.

Malakas na ulan, malalakas na kidlat at mga kulog, kasabay ng mga lalaking pinatay ang nanay ko... at sa murang edad, pinagsamantalahan nila ako...

"Huwag..."

Naramdaman ko ang mainit na yakap mula kay Terrence.

"Hey... I'm here..."

Napayakap ako sa kaniya. Naramdaman ko na safe ako---na walang ibang makakahawak sa akin dahil nariyan siya.

"Keeshia..."

Mas humigpit ang pagkakayakap ko sa kaniya habang nakaupo ako sa sahig habang patuloy na tumutulo ang luha ko.

"You're crying again... and I hate it. It's killing me."

Mariin akong pumikit saka pilit na pinakalma ang sarili ko. Safe ako, nasa mabuting mga kamay ako, walang mangyayari sa akin.

Narito si Terrence. Narito siya sa tabi ko.