10th: Congrats
"ANG BIPOLAR disorder, na tinatawag noon na manic depression, causes extreme mood swings that include emotional high—mania or hypomania, and lows—depression..."
Nakapangalumbaba ako habang nakikinig sa professor namin. Naalala ko ang mga kinwento sa akin ni Hina nang huli kaming mag-usap. Imbis na pag-usapan ang tungkol kay Spencer ay napunta sa mommy niyang may bipolar disorder.
"Kapag naging depressed ka, pwede kang makaramdam ng kalungkutan o pagiging hopeless at kawalan ng interest or pleasure in most activities," patuloy ng professor.
Ayon kay Hina, nagsimula ang kakaibang pag-uugali ng mommy niya nang ipinanganak siya. Lumala nang iwan sila ng daddy niya dahil hindi nito matiis ang kakaibang ugali ng asawa. Naisipan nilang ipa-check-up ang mommy niya nang wala na itong paggalang sa sarili nitong ina at nagtatangkang manakit ng ibang tao.
"Kapag ang mood mo ay nagsyi-shift in the other direction, maaaring makaramdam ka ng sobrang kasiyahan at mataas na energy."
Parang katulad ng nakita ko sa nanay ni Hina. Galit na galit ito sa nanay nito nang hindi ito pahintulutang lumabas pero pagkakita kay Hina ay nagbago ang mood nito. Dagdag pa niya, nang nakikitaan ito ng simtomas ay noong una, labis ang depresyon nito. Hindi na nito nagagawa ang usual routine nito. Makalipas ng ilang linggo ay akala nila nagbalik ito sa normal, iyon pala ay masyado itong naging hyper. Kumbaga nagpaplano na ito ng mga positibong kaisipan na imposibleng mangyari. At babalik na naman sa pagiging bugnutin nito, magiging masaya ulit, papalit-palit lang ng mood depende pa sa sitwasyon. Minsan matagalan, madalas mabilisan ang pagbabago ng ugali nito.
"Although bipolar disorder is a disruptive, long-term condition, maaari mo pa ring mapanatili ang iyong mood by a treatment plan."
May maintenance naman ang mommy ni Hina kaya paminsa'y napapanitili itong kalmado. Sabi pa niya ay tanging siya lang ang nakakakontrol sa kanyang ina kapag sinusumpong ito na hindi nagagawa ng lola niya. Kaya nga parang hindi maganda ang pakikitungo ng ginang sa ina samantalang kay Hina ay maamo ito.
Lihim akong napailing at napalatak. Naalala ko si Spencer na isang exhibitionist samantalang si Hina naman ay may lahing psycho, nagsama. Kung sakali, ano kayang magiging kahihinatnan ng pamilya nila? Makakabuo sila ng lahing may mental disorders.
NANG may dumating na dalawang customer na tila couple at umupo sa napili nilang pwesto ay agad ko silang nilapitan upang asikasuhin.
Inayos ko ang paglilistahan ng mga order.
"Ano pong order niyo, ma'am, sir?" magiliw na bati ko.
"Ami!"
Napabaling ako sa bulalas ng babaeng customer sa pangalan ko.
Natigilan ako. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila. "Hina? M-michael?" nagtatakang tanong ko. Anong ginagawa nila rito? Bakit sila magkasama?
"Magkakilala kayo?" tanong ni Michael na katulad sa naglalarong katanungan sa isip ko na nais kong isabibig.
"Why? Magkakilala rin ba kayo?" balik-tanong ni Hina sa amin ni Michael. "She 's my best friend," sagot niya sa unang tanong ni Michael.
"Friend ko rin siya," sagot din ni Michael kay Hina.
"Nice. What a small world," komento ng babae.
Malamang. Nasa iisang school lang tayo, eh. Tusukin ko kaya kayo ng ballpen.
Nagtawa sila sa isa 't-isa samantalang ako ay nawala sa ulirat.
"Dito ka pala nagtatrabaho?" ani Michael.
Pilit akong ngumiti at tumango.
"Don't worry. Bibigyan ka namin ng malaking tip," sabi ni Hina.
Kung ibang tao ang mga ito at sa ibang pagkakataon nila iyon sinabi ay labis akong matutuwa. Pero ngayon... hindi. Tila bumigat ang pakiramdam ko.
"Ano 'ng gusto mong i-order, babe?" tanong ni Michael sa kasama.
"Babe?" wala sa sariling nasambit ko.
"Ah, Ami." Ngumiti ng malaki si Michael. "Nakalimutan kong sabihin. Girlfriend ko, si Hina. Siya 'yung minsan kong nababanggit sa 'yo. It 's our first anniversary. Batiin mo naman kami."
Hindi ko pinansin ang huling mga sinabi niya. Natuon ang isip ko sa nauna. Pagkarinig ko niyon ay tila guguho ang mundo ko. Parang nabasag ang puso ko sa nalaman. Parang anytime, mabubuwal ako sa kinatatayuan ko. Namumuo na rin ang luha sa mga mata ko.
"Ami, are you okay?"
Tila natauhan ako sa untag ni Hina. "Ahm... Oo. Okay lang ako. Happy anniversary sa inyo and advance happy forever sa inyo." Kung merong forever.
Masama man ang loob ko ay wala akong magawa. Tila isa akong masokista at martyr na inaasikaso ang kaligayahan nila. Inasikaso ko ang order nila at mga pakulo nila sa isa't-isa.
Habang wala akong pinagseserbisyuhang customer ay wala akong ginawa kundi ang masaktan. Sinusubaybayan ko lang ang kalandian nila sa buong durasyon ng pananatili nila sa restaurant.
Naalala ko noong sports festival sa CU at laban ng College of Business Administration at College of Nursing kung saan isa si Michael sa player. Hindi ko napansing nasa harap ko si Hina noong una. At habang break time ng laro ay nag-flying kiss sa may gawi ko si Michael. Hindi pala para sa akin iyon. Sabi ko na nga ba, nag-a-assume lang ako.
Matapos ng shift ko ay naglakad lang ako pauwi. Meron naman akong pera pamasahe pero ayokong bumalik agad ng bahay. Nakakainis. Kahit saang lugar may mga bagay na nagbibigay ng sama ng loob sa akin.
MATAPOS ng practice game nila Spencer at ng mga kapwa niya varsity player ng basketball ay nagkayayaan silang gumimick. Iilan lang ang sumama dahil masyadong nanaig ang pagiging good boy at kill joy ng iba. Sa iisang van na pagmamay-ari ng captain nila sumakay ang iba tulad ni Spencer dahil hindi niya nilabas ang kotse niya ngayon. Hindi siya madalas magdala ng sasakyan kapag tinatamad siyang mag-drive kaya minsan nagko-commute siya.
Sa isang bar sila napunta, nagkainuman at nakipaglandian at pag-uwi ay may kanya-kanya nang bitbit na babae.
Ngayon pa lang hindi na mapigilan ang yugyugan kasabay ng malakas na road trip song. Animo lumilindol dahil sa pag-alog ng van. Hindi na matiis na makarating ng hotel.
Nasa gitna si Spencer tabi ng pinto at nakadungaw lang sa bintana habang ginagalaw siya ng babaeng nasa tabi niya. Caressing his hood that's always erecting.
Nilamas niya ang malaking dibdib nitong nakaluwa halos pati ang nipple nito sa hapit na suot nitong spaghetti. She doesn't have bra so he can feel her nipples.
When he squeezed her breast, naramdaman niyang hindi iyon authentic. He already knew that it underwent to surgery. Ang dami niyang nakakapang breast bone.
Baka siguro ang magandang mukha nito ay retokada rin at huwag naman sanang trans-gender ito dahil hindi niya ikakalibog iyon at maiuntog niya pa ito sa bintana.
Sa patuloy ng pagbabagtas ng van sa kalsada ay napansin niya ang nakasalubong nilang babaeng tila pamilyar sa kanya. Parang si Ami. Mag-isa itong naglalakad habang yakap ang bag nito.
"Hey, man, stop the car."
Medyo lagpas na sa babae nang huminto ang sasakyan. Bumaba siya at sinabi sa mga kasama na mauna na ang mga ito.
"Hey," untag niya nang makalapit siya sa babae. "What are you doing here?"
Paglingon nito sa kanya ay hindi man lang nagbago ang ekspresyon nito. Blangko ang mukha nito. Unusual sa tuwing nakikita niya ito. Para itong pinagbagsakan ng langit at lupa sa mukha.
"What 's with the face?" tanong niya.
"Pake mo?"
Natawa siya sa asik nito. "Oh, come on." Inakbayan niya ito. Ang sungit talaga niya kahit kailan. Paminsan-minsan naman ay mukhang pera.
Nang lumarawan ang pagkaasiwa sa mukha nito ay pilit nitong inalis ang braso niya rito. "Ano ba? Nakainom ka ba?"
"Yeah. We 've just had fun."
Natigilan ito at tila napaisip ng malalim. "Saan ka ba nanggaling...? Samahan mo ako roon. Gusto ko ring uminom."