13th: OA Instinct
"A-ANONG ginagawa mo rito?" gulat na tanong ni Michael matapos nilang sambitin ni Hina ng sabay ang pangalan ko pagkakita sa akin.
Parang gusto kong hilingin na sana higupin ako ng drainage pagkabukas ng pinto. Hindi lang dahil sa nahihiya akong nahuli nila akong nakita sila sa ginagawa nila, masakit din sa akin ang nasaksikhan ko na dapat naman ay hindi ko maramdaman. Wala akong karapatan, at bilang sila na magnobyo ay natural lang na gawin nila ang kalokohang iyon.
Kayo ang dapat tanungin ko. Bakit niyo ginagawa 'yan dito? —–gusto kong sambitin pero nananaig ang kirot na nararamdaman ko sa puso ko kaya tila may bumabara sa lalamunan ko. Sa halip ay nagmadali akong kunin ang mga gamit ko at lumabas ng shower room.
Sinundan pala ako ni Hina palabas ng gym. Pauli-ulit niyang tinawag ang pangalan ko pero hindi ko siya nililingon.
Hinigit niya ang braso ko, saka lang ako napaharap sa kanya. Bahagya ng maayos ang hitsura niya.
"I 've been searching for you these past few days," aniya.
"T-tapusin niyo muna 'yung ginagawa niyo ni Michael. Masakit sa puson ng lalaki ang mabitin," sabi ko na lang upang makaiwas na makausap siya. Ayokong makipagplastikan sa kanya. Baka kapag hindi pa siya umalis sa harapan ko at kapag hindi ko na mapigilan ay kutyain ko pa ang pagkatao niya.
Hindi man lang siya nahiyang makita ako matapos nang nangyari. Kunsabagay, hindi naman iyon ang unang beses na nakita ko siyang nakikipagsiping sa lalaki.
"Okay," aniya. "I 'm horny na kasi, eh. But I 'll talk to you." At bumalik na siya sa shower room.
Ako naman ay habang hinihintay ko ang klase ko ay tumambay muna ako ng library at pinilit mag-aral hanggang sa sumapit ang oras ng class ko today ay lumabas na ako.
Hindi ko inaasahang makakasalubong ko si Michael sa pasilyo.
Ngumiti siya pero nagpatay-malisya lang ako ngunit nang makalagpas ako sa kanya ay hinawakan niya ako sa braso.
"May klase pa ako," sabi ko upang tuluyang makaiwas sa kanya. Binawi ko ang braso ko at nagpatuloy ako sa paglalakad.
Natapos na ang mga klase ko. Pumasok na ako sa trabaho hanggang sa natapos din ang shift ko, ngayon ay pinoproblema ko kung saan ako matutulog. Madilim na at sarado na ang restaurant pero nanatili pa rin ako sa labas. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi naman sapat ang pera ko ngayon para makapagrenta. Ganoon din naman kapag nag-hotel ako. Ayaw ko naman maging makapal sa mga kakilala ko at alam kong hindi rin nila ako matutulungan.
Naglakad-lakad na lang ako bitbit ang gamit ko at bahala na kung ano man ang mangyari saan man ako mapadpad.
May tumigil na sasakyan sa nilalakaran ko. Hindi ko sana papansinin kahit na bumaba pa ang windshield niyon pero narinig kong may tumawag ng pangalan ko.
Napahinto ako.
"Ami, what are doing here? Gabi na, ah," saad ni Hina.
Hindi ako tumugon. Ni hindi rin ako bumaling sa kanya. Bakit hindi niya itanong iyan sa sarili niya? Gabing-gabi, gumagala siya. Natiyempuhan pa ako. Pagkakataon nga naman.
"Kanina ko pa napansin na may dala kang malaking bag."
Nang hindi ako makasagot ay bumaba siya sa sasakyan.
"Naglayas ka ba?"
Nanahimik pa rin ako. Actually, hindi talaga ako sanay na magkuwento sa iba. Lahat, tinatago ko. Lalo na sa kanya. Pero kahit ganyan siya ay alam kong mapagkakatiwalaan siya, makikinig siya kahit hindi siya nakaka-relate. Pero hindi talaga ako ang tipong mahilig maglabas ng nararamdaman ko.
"You didn't answer. It means yes?" Bumuntong-hininga siya at hinawakan ako sa braso. "Come on, du'n ka na lang muna sa bahay namin tumira."
Napamaang ako sa alok niya. "'W-wag na," pagtanggi ko at binawi ko ang braso ko.
Pinilit niya ako hanggang sa wala na akong nagawa. Antok na antok na ako kaya wala na akong lakas na makipagtalo at sumama ako sa kanya. Sincere nga siya sa closure namin. How thoughful, at tinutulungan niya ako ngayon.
Sumakay ako sa passenger's seat.
Habang nagmamaneho si Hina ay paulit-ulit na tinanong niya ako kung bakit ako naglayas. Pinilit niya akong sabihin sa kanya ang dahilan pero hindi ako sumasagot. Hindi ko rin sinabi na hindi ako naglayas kundi pinalayas ako. Hanggang sa nagsawa na siya at nagkuwento na lang siya sa halip at nabanggit niya na galing pala siyang bar at lumantod at nang pauwi na siya ay noon na niya ako nadaanan. Nabanggit niya rin si Spencer na hindi mawawala sa mga kwento niya.
"Please, don't tell this to anyone."
"Bakit? Ano ba 'yon?" walang ganang tanong ko.
"Did you know that, Spencer is an exhibitionist?"
"Alam ko."
"How did you know?"
Bigla akong natauhan sa sinagot ko at na-realize kung ano ang tinutukoy niya. "Joke lang, hindi ko alam." Hindi ko naman pwedeng sabihin na nakita ko mismo kaya alam na alam ko. So, batid na pala niya. "Paano mo nasabing exhibitionist siya?"
"I just notice. And then, he admitted that he is."
Napatango-tango ako. "Ano pa ba 'yung sinasabi mong ikukwento mo tungkol kay Spencer?"
"Oh, that 's all," sagot niya.
"'Yun lang?"
"Yes, that 's all. Why?"
Napaikot ko ang mata ko. Tanggalang 'yan. Iyong ikekwento pala niya, alam ko na, eh. Nag-abala pa akong makinig. Akala ko kung ano na.
Ilang minutong biyahe pa 'y nakarating na rin kami sa kanila. Dumiretso kami sa kuwarto niya na sosyal at ang laki. Halos kasinlaki ng bahay namin ang silid pa lang niya. Grabe talaga ang diperensya sa pagitan ng mayaman at mahirap.
Sabi niya ay doon daw ako matutulog sa kama niya katabi siya. Nag-alangan pa ako noong una pero tiniyak niya na huwag akong mahiya dahil ayos lang sa kanya. Lumabas pa siya at pinakuhaan ako ng makakain.
Habang nakaupo ako sa higaan at hinihintay si Hina na bumalik ay napansin ko na lang ang mommy niya na nakadukwang sa nakabukas na pinto.
"Hina?" pagtawag niya sa anak. Nang makita niya ako ay tila nagulantang siya. "Sino ka? Bakit ka nandito? Anong ginawa mo sa anak ko?" sunod-sunod na tanong niya na wala naman akong maisagot.
Kinakabahan ako sa kanya.
Agad siyang lumapit sa akin at hindi ko inaasahan na sabunutan niya ako at pagsasasampalin. "Sino ka?! Anong ginawa mo sa anak ko?! Ilabas mo siya!!!" paulit-ulit na sigaw niya.
Nagmakaawa akong bitiwan niya ako pero patuloy pa rin siya sa pananakit sa akin. Hindi naman ako makalaban.
Nakarinig na lang ako ng pagbagsak ng kung ano.
"Mommy?! What are you doing? Stop it!"
Inawat ni Hina ang nanay niya sa pinaggagagawa sa akin hanggang sa nabitiwan din ako nito. Pumagitan si Hina upang hindi muli ako mahawakan ng nanay niya.
"Sino ka?!" singhal ng ginang kay Hina sabay sampal sa anak.
Nasapo ni Hina ang pisngi niya at napatingin sa ina na may gulat. Hindi makapaniwalang magagawang saktan siya ng ginang.
Patuloy ito sa pananakit at pagbulyaw ng salitan sa amin.
"Mommy, si Hina 'to!" Pinigilan niya sa mga braso ang nanay.
Tila natauhan ang babae nang mataman na napatitig sa anak. "Hina, baby." Napaling ang atensyon niya sa akin at dinuro ako. "Sino ang mangkukulam na 'yan? Anong ginawa niya sa anak ko?
Napantastikuhan ako sa pagsabi niya sa akin ng mangkukulam. Grabe ang pagkapraning niya. Kung ano-ano ang iniisip niya.
"Mom, she 's my friend."
"Nililinlang ka lang ng babaeng 'yan. Sasaktan ka lang niyan."
Ang OA ng instinct. Alam niyang pinaplastik ko lang si Hina. Bipolar lang ba talaga ang sakit niyan?
Hindi tumigil sa pagsisisigaw ang ginang at pilit naman itong pinapahinahon ni Hina. Nagawa naman niyang mapabalik ito sa kwarto nito at nang pagbalik niya ay labis ang pagpapaumanhin niya.