5th: Kaladkarin
MAKALIPAS ng kalahating oras ay lumabas na rin ako ng banyo. Ang tagal kong nagtiis sa loob at nagsawang titigan ang sarili ko sa salamin makaiwas lang sa psychotic na iyon. Buti na lang wala na akong namataang Spencer na nag-aabang. Nainip na rin siguro sa paghihintay sa akin. Nakahinga na rin ako ng maluwag, literal, tiniis ko ang amoy sa banyo. May kaka-jebs lang siguro.
Pupunta na lang ko ng library upang mag-aral.
Nakakailang lakad pa lang ako nang bigla na lang may humigit sa braso ko na si Spencer pala at hinila ako. Ang tatag naman nitong mag-abang talaga at hindi ko siya napansin.
Pilit akong nagpupumiglas. "Ano ba?! Bitiwan mo ako! Ang hilig mong mangkaladkad," singhal ko sa kanya. Ang sakit-sakit na ng braso ko sa ginagawa niya. Balak niya yata akong dalhin ngayon sa likod ng kabilang building dahil doon ang direksyon ng tinatahak namin. Ano naman kayang gagawin niya sa akin? Ayoko nang mapagsamantalahan ulit. Hindi pwede.
"P're, bitiwan mo 'yung babae, nasasaktan na siya, o."
Napahinto si Spencer nang may lalaking lumapit sa amin at pilit tinatanggal ang kamay ng kasama ko sa braso ko.
Na-overwhelm naman ako. Tila may isang knight with shining oily face ang balak magligtas sa akin mula sa isang taong maghahamak sa akin.
"'Wag kang makialam dito," asik ni Spencer.
"Pwede akong makialam, tol. Babae 'yang nasasaktan mo. At wala kang karapatang gawin 'yan."
"She 's my girlfriend. And it 's none of your business."
Napasinghap ako. Girlfriend daw? Ang kapal naman ng mukha ng mokong na ito.
"Siya kaya ang boyfriend ko!" saad ko turo sa lalaki sakaling baka tigilan na niya ako.
"Tinu-two time mo ba 'ko?" Niyugyog niya ang braso ko.
Tanggala! Two time? Ni hindi pa nga ako nagkaka-boyfriend.
"Hindi lang naman siya ang girlfriend mo, 'di ba?" sabi ni kuya. "Ibang babae na lang ang pakialaman mo."
Tama ka, kuya. Tama! Ipaglaban mo ako.
"Eh, siya ang gusto kong pakialaman, eh."
Pilit inalis ng lalaki ang kamay ni Spencer sa akin na nagawa naman niya at mabilis akong pumwesto sa likod niya.
Nagtagisan ng titigan ang dalawa na anytime maaaring makapambunuan sila.
Agad ko namang hinila ang lalaki palayo kay Spencer. "Oy, bawal magsuntukan dito. Tara na." Baka makita pa sila ng taga discipline office at madamay pa ako sa violation.
"Kaladkaring babae ka," ani Spencer.
Tang-ina. Literal mo nga akong kinakaladkad.
Nakita ko pa ang pagbabanta ng tingin niya bago ko siya tinalikuran.
Sumama ako sa lalaki at dinala niya ako sa clinic. Nagtaka naman ako dahil wala naman akong natamong sugat sa ginawa ni Spencer upang maparoon kami.
Pinaupo niya ako sa tabi ng table at kumuha siya ng icepack at inilagay sa braso ko. "May pasa ka na, o. Tignan mo."
Napuna ko ang namumula 't nangingitim sa braso ko. Hindi ko iyon namalayan. Ngayon ko lang na-realize na masakit. Tinignan ko lang siyang gamutin ang mga pasa ko. "Salamat po, ah..." Napatingin ako sa I.D. niya. "Michael Salazar." Nabasa ko rin na isa pala siyang nursing student kaya pala walang alinlangan siya kung mangialam ng gamit sa clinic at marunong manggamot.
Natigilan siya saka niya sinundan ng tingin ang tinitingnan ko. Bigla niyang tinakpan ang I.D. nya.
"Ang pangit ko sa picture," natatawang sabi niya.
"Hindi kaya."
Hindi naman kagwapuhan at tama lang naman ang tangkad nitong lalaking ito pero pwede nang kakiligan dahil sa ginawa niya. Buti na lang at naglakas loob siyang tulungan ako. Ang iba kasi ay walang pakialam o naisip marahil na "LQ" lang ang nasasaksihan nila. Tanggalang LQ iyan. Pwe! Kadiri. Naiisip ko pa lang na boyfriend ko ang nakakadiring nilalang na iyon ay kinikilabutan ako. Ayokong magkaroon ng chiwas na tulad niyang may sayad sa utak.
"Well, hindi mo na kailangang magpasalamat..." Tinignan niya ang ID ko at naipilig niya ang ulo at muling bumaling sa mukha ko. "Ami... Gagawin ko talaga 'yun para sa 'yo dahil 'boyfriend' mo ako."
Pakiramdam ko ay napamulahan ako sa sinabi niya. Pinagpanggapan ko pa kasing jowa ko ito, eh.
Bigla siyang tumawa. "Joke lang." Pumalatak siya't sumeryoso. "Dapat kasi hindi ang tulad niya ang bino-boyfriend mo. Pagsasawaan ka lang naman n'un matapos ka niyang paglaruan. Maniwala ka sa akin."
"Hindi ko kaya 'yun boyfriend."
Kumunot ang noo niya. "Eh, bakit sabi niya? Saka bakit ka niya pilit sinasama kanina?"
Teka, sasabihin ko ba? "Hindi ko alam." Hmm. Hindi naman kami totally magkakilala nito para sabihin ang totoo. At kung masabi ko man, nakakahiya naman sa kanya baka maisip niyang lokaret din akong babae kaya ganoon na lang ang inaakto ni Spencer ay dahil sa pag-video ko sa kanya habang nagma-masturbate siya. Kahit siguro itong si Michael ay ganoon ang magiging reaksyon maprotektahan lang ang privacy. "Teka, paano mo nalaman na ma-chicks 'yun? Close ba kayo?"
"Ano ka ba? Kahit sinong estudyante rito sa CU kilala siya. Famous 'yun, eh. Lahat na yata ng babae rito naging girlfriend niya."
"Oy, hindi, ah," bulalas ko. "Hindi ako. Ngayon ko lang kaya 'yun nakilala."
Napabuntong-hininga siya at ngayon ko lang napansin ang pagdilim ng mukha niya. "Sana hindi ko na lang din siya kilala."
Nagtaka naman ako. "Bakit naman?"
Mabilis na ngumiti siya't umiling.
Okay. Hindi na ako masyadong magtatanong pa dahil hindi kami close. Pero parang may something sa sinabi at ekspresyon niya kanina.
"Psychology student ka, 'di ba?" aniya nang matapos niya akong gamutin. "Hulaan mo nga ako."
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Hindi panghuhula ang Psychology, 'no!"
Tumawa siya.
"At hindi kami nakakapagbasa ng isip ng ibang tao," dagdag ko pa. Iba talaga ang tingin ng karamihan tungkol sa course at subject namin.
"Joke lang. Alam ko naman 'yun."
Nagkausap pa kami tungkol sa buhay-buhay namin at lumalalim ang pagkakilanlan namin tungkol sa mga personal na bagay.
Iginiit kong hindi ko boyfriend si Spencer at never pa akong nagka-boyfriend.
Siya naman ay 20 years old na, third year na. At may girlfriend siya ngayon at hindi na siya masyado pang nagkwento pa tungkol sa love life niya. Sayang. Akala ko pwede kaming magka-love story. Ang sakit talagang umasa. Pero walang forever. Magkakahiwalay rin sila.
Pero biro ko lang iyon sa isip ko, syempre. Marami pang lalaki sa mundo. Magsasawa akong mamili ng pwedeng mapasa akin.