Chereads / Exhibition / Chapter 10 - 9th: Polar Bear

Chapter 10 - 9th: Polar Bear

9th: Polar Bear

KUNG hindi lang kabastusan ay kanina pa ako sumabat sa mga ito. Hello! Nandito po ako. Kanina pa ako naghihintay rito sa may SPED office pero patuloy pa rin sa pakikipagtsikahan itong mga staff at ang isa ay professor ko. Hindi man lang ako pinapansin gayong malapit lang ako sa kanila.

Magpapasa lang naman ako ng project sa subject pero kanina pa ako pabalik-balik dito dahil nang pagpunta ko rito kanina ay nagtanghalian si ma'am ng mas maaga sa lunch break, eh 'di binalikan ko matapos pero heto ngayon at hindi ako binabalingan. Masyadong paimportante! At aba. Iniwan pa ako nang wala man lang paalam sa akin. Inichapwera ako.

So no choice kahit meron, sa pagkainip ko iniwan ko na lang sa mesa niya ang proyekto ko at umalis na roon. Nakakaurat, eh. Gusto ko lang naman makita ang reaksyon niya pagkakita sa gawa ko kung okay na ba o hindi pero 'di bale na lang.

Sa paglalakad ko palabas ng gusali ay hindi nakawala sa aking paningin ang namataan kong sina Hina at Spencer sa kabilang koridor papunta sa likod ng building. Magkahawak kamay sila at kung hindi ko lang alam, masi-sweet-an ako sa kanila. Pero actually, ang laswa nilang tingnan. Kadiri. Ang haharot! Gagawa na naman sila ng kalokohan imbis na mag-lunch. Iba yata ang kakainin nila.

Marahil sa pagkapokus nila sa isa't-isa at sa gagawin nila ay hindi talaga nila ako mapapansin. So never mind na lang din ako. Do what they want. I don't care sa kanila dahil gutom na ako.

Lumabas ako ng campus upang kumain at pinili ko sa usual na karinderyang pinupuntahan ko.

Since mag-isa lang naman ako, kahit punuan doon ay nakahanap ako ng pwesto.

Habang nakapila ako ay may kumalabit sa kanang sentido ko kaya napalingon ako pero hindi ko naman kilala ang nasa likod ko at wala naman itong bahid na ito ang gumawa sa akin niyon. Ni hindi rin siya mukhang nagmamaang-maangan.

Napalinga ako pakaliwa at napapitlag na lang ako sa bumungad sa akin na mukha ni Michael na may nakakalokong ngiti saka siya tumawa.

Iniwas ko ang mukha ko na halos kaunting distansya lang sa kanya. Nakakaasar!

Tinampal ko siya sa mukha. "Lakas ng trip mo, ah. Kainis ka!" Inirapan ko siya. Pero, actually kinikilig talaga ako.

Lalo siyang natawa.

Natigilan na lang ako at napatingin sa kamay niyang humawak sa balikat ko. Nag-iiba ang takbo ng sistema ko.

"Ano 'ng kakainin mo?" tanong niya nang humupa na ang halakhak niya.

"Asado rice," sagot ko, binali-wala ang nararamdaman ko.

"Masarap ba 'yon?" Dumukwang-dukwang siya upang tignan ang iba pang ulam sa mga tray.

"Hindi mo pa ba yon natitikman?"

"Ngayon pa lang ako kakain dito, eh. Hindi ba mahal dito?"

"Mura lang dito pero masarap ang mga meal lalo na ang asado rice na best selling nila."

"Ah, sige ita-try ko."

"Sino pala kasama mo?" usisa ko.

Umiling siya. "Wala."

"Eh 'yung girlfriend mo?"

Tila nag-iba ang hilatsa ng mukha niya. "Ahm... Busy raw siya."

Napapansin kong matipid ang mga sagot niya kapag pinag-uusapan ang girlfriend niya. Siguro masyado lang siyang pribado pagdating sa love life niya. At sa oras na mapag-uusapan ay tila naiilang siya.

Hindi pa niya pinakikilala ang girlfriend niya. Maganda kaya iyon? Mabait kaya? Matalino ba? Ano kaya'ng nagustuhan ni Michael doon?

"Saan ka nakaupo?" kapagkuwa'y tanong ni Michael.

Tinuro ko kung saan ako nakapwesto na sinundan niya ng tingin.

"Ay, wala ng bakante sa pwesto mo," disapointed sabi niya. Then, may tinuro siya na sinundan ko ng tingin. "Doon ka na lang, paalis na 'yung nasa tabi ko. Para magkatabi tayong makakain." Pinaalis niya ako sa pila at pinagtulakan. "Dali. Ilipat mo 'yung bag mo."

Sumunod na lang ako at kinuha ko iyong bag ko at inilagay sa katabing upuang pinagpatungan ng gamit ni Michael. Marami pa ang paparating at baka maagawan ako ng pwesto.

Napakagat ako sa labi ko. Tuwang-tuwa ang damdamin ko. Magkakasabay kaming kumain. Parang date. Magandang bonding ito para sa amin upang mas ma-develop ang ugnayang mayroon kami.

Bago pa ako makaalis sa pwesto ko ay dumating si Michael na may dalang dalawang platong laman ang asado rice. Naku naman. Naabala pa siya.

"Kain na tayo," aniya.

"Ay, bayaran ko na, baka makalimutan ko," sabi ko at dumukot sa bulsa ko.

"Hindi, 'wag na," tanggi niya. "Ilibre ko na 'to sa 'yo. Kain na tayo."

Tila kumislot na naman ang puso. Sa bawat kabutihang ginagawa niya para sa akin ay hindi ko maiwasang bigyang kahulugan at mag-asam. Nangangamba ako na kapag nagpatuloy itong samahan namin marahil na patuloy akong mahuhulog sa kanya nang walang hanggan dahil hindi ko tiyak kung sasaluhin ba niya ako.

"AMI!!!" SUMUGOD ng yakap sa akin si Hina pagkasalubong niya sa akin nang papalabas na ako ng gate.

Patay. Mahirap na naman siyang takasan. Magulo na naman ang buhay ko. Pero kataka-taka. Bakit kaya? Ang hyper niya ngayon. Ano'ng nakain niya? Dahil ba sa... Dahil according to the research, nagbibigay energy raw ang... Never mind.

"I've been searching for you," saad niya pagkaalis niya sa akin ng yakap.

"O, talaga? Bakit?" I tried my best not to sound sarcastic. Pero, alam naman niya yata na sadyang sarcastic ako all the time, so sanay na siya.

"Marami akong ikukwento sa 'yo. Ayyieehhh!"

Napataas ang kilay ko. Sabi ko na nga ba, eh. Kukwentuhan lang ako nito tungkol sa kasuklam-suklam niyang sex life. "Alam ko na 'yan. About kay Spencer."

"Yeah. Pero, there 's an additional story. Kumbaga, another chapter between me and Spencer."

"Oh, really?" Itiktik mo na lang kaya 'yan. May nalalaman ka pang chapter-chapter.

"Yes. But I want to talk about it privately."

"Privately?"

"I know you have an hour. So we could discuss it in our house. Don 't worry, hindi naman gano'n kalayo ang house namin."

Hindi nga ganoon kalayo sa bahay nila, pero traffic naman sa dinaanan namin kaya natagalan din kami sa pagbiyahe papunta sa kanila sakay ng car niya. Siya ang nagmamaneho.

Pagkababa namin ng kotse ay namangha ako sa laki ng bahay nila. No. Sa manyon nila. Yayamanin talaga niya. Grabe, pangarap ko ang makatira sa ganito. Ang swerte ni Hina.

Agad kaming pumasok at sumalubong sa amin ang mga kasambahay nila na magalang pang bumati kay Hina. Nahiya naman ako. Napakakinis niyong sahig at pakiramdam ko'y nababahiran ko ng pagiging hampas-lupa ko iyong bahay nila.

Umupo kami sa sofa. Nakaka-enjoy naman. Ang sarap umupo rito. Gusto kong lundagan. Ang lambot niyong couch.

"You know, you 're my bestfriend," panimula ni Hina pagkaalis ng maid matapos i-serve ang juice. Kaming dalawa lang ang nasa area. She really needs privacy nga para sa sasabihin niya. "You 're the only one I trust. You 're the only one I would like to share my story who 's willing to listen to me."

Actually, ayaw ko talagang makinig sa mga kwento niya. Hindi kasi ako nakaka-relate. Pero na-appreciate ko ang pagpapahalaga niya sa friendship na namagitan sa amin. Na pinagkakatiwalaan niya ako. "Kahit ma-giraffe lang ako?"

"It doesn't matter. You know, I have friends na rich but they are bitches. They betrayed me! They want to stole my guys from me."

Napataas ang isang kilay ko. "Uhh... Si Spencer."

"Oh, he 's one of them."

Napahinga ako ng malalim upang pahabain ang pasensya ko. Alam ko naman kung gaano kalandi ang babaeng ito. Minsan, hindi ko matanggap. "'Yan na ba ang kwento mo about kay Spencer?"

"Oh, no. Iba 'to. Actually, me and Spencer—"

"Ano ba?!!!"

Napapitlag kami ni Hina sa sumigaw na babae mula sa itaas.

"I want to go outside! Bakit mo ba ako laging pinakikialaman? Can't you just mind your own business? Itutulak kita sa hagdan kapag hindi mo 'ko tinigilan."

Napatayo si Hina at namataan ko ang isang matandang babae at isa pang may edad na babae na pababa ng hagdan na mukhang mag-ina. Lola 't mommy yata ni Hina pero obviously, mukhang mga donya at glamorosa.

"Hindi nga pwede, anak. Bumalik ka na sa kwarto mo," kalmadong sabi niyong lola.

"Lola, what 's happening here?" sabat ni Hina.

Lumapit ang matanda sa kanya at humawak ito sa braso niya. May bakas ng pangamba sa mukha nito. "Gusto kasi na naman lumabas ng mommy mo, eh." Tila mangiyak-ngiyak ito.

"Mommy," tila saway pero mahinahong sambit ni Hina sa isang ginang.

"Oh, baby ko." Mabilis nagbago ang mood niyong babae at biglang naging malambing pagkakita sa anak. Lumapit ito sa kanya at niyakap siya. "How 's my baby?"

"I 'm always okay, mommy."

"I always missing you, baby."

"I know, mom. I also do. But why do you want to go outside? You must be in your room."

"Nababagot na kasi ako roon sa room. Bakit ba hindi ako pwedeng lumabas? Gusto lang naman kitang hanapin. Hindi naman kasi kita nakakasama palagi rito sa bahay."

"I 'm sorry, mom. I promise, babawi ako."

"Give me a kiss."

Humalik si Hina sa magkabilang pisngi ng mommy niya. Nakaka-touch ang mag-ina, pero... parang something's weird.

Hinatid niya ang nanay niya papanhik kasama ang lola niya. Pagbalik niya ay nag-apologize siya sa akin.

"I 'm sorry for what you have seen a while ago," sabi ni Hina saka siya tumabi sa akin. "I think, saka na lang tayo ulit magkwentuhan."

Hindi ko na mapigilan ang curiosity ko. Hindi ko alam kung paano ko itatanong pero may gusto akong malaman. "Ano nga bang nangyari? Bakit inaaway ng mommy mo ang lola mo?"

"It 's not that. Ahmm... 'Di ba, psychology student ka. I know you 'll understand."

Tumango lang ako bilang simpatya.

"Si mommy kasi, may bipolar disorder."