Chereads / Exhibition / Chapter 7 - 6th: The Internet is for Porn

Chapter 7 - 6th: The Internet is for Porn

6th: The Internet is for Porn

NARINDI ako sa ingay na dumagundong sa buong campus. Alam kong sa gym iyon nanggaling kung saan namamayagpag ang malalakas na tilian. Naalala ko na sports fest pala ngayon. Paniguradong tagisan ng mga departamento sa basketball ang kaganapan doon.

Dahil mamaya pa naman ulit ang klase ko ay naisipan ko munang umakyat sa gym. Sayang naman ang nangyayari sa unibersidad na ito kung hindi ko mae-experience.

Buti at may bakante pang mauupuan. May pumapasok at lumalabas kasi. Laban ngayon ng College of Nursing at ng Business Administration. Agad na namataan ko si Michael na naglalaro at tiyak na nasa koponan siya ng nursing. Ang hot niya habang nasa court suot ang jerseys. Nang mag-break saglit ay iwinagayway ko ang mga kamay ko upang makuha ang atensyon niya. At sa wakas ay napabaling siya sa direksyon ko. Ngumiti siya at kumaway. Napasinghap ako nang nag-flying kiss siya.

Kikiligin ba ako? Dapat ba akong kiligin? Napakagat ako sa ibabang labi ko at napahawak sa dibdib ko. Nag-iinit ang mukha ko. Nagba-blush yata ako. Shet. Kinikilig ako!

Napuna ko ang biglang pagsama ng timpla sa mukha ni Michael. Sinundan ko ang tinitignan niya. Hindi ko napansin na kasali rin pala si Spencer! Kahit ako nga naman mabubwisit sa inaasta niya. Nagyayabang ang kolokoy. Well, kasi mas mataas ang puntos ng CBA na kinabibilangan niya. Rumampa pa siya sa court na nakataas ang mga kamay, at nag-flying kiss pa na ikinahiyaw ng mga babaeng nanonood.

"I love you, Spencer!" sigaw pa ng babaeng nasa harap ko. Isa pa ito. Lalo na ito, ang OA na ng pagkaharot. Halos mangisay pa sa puwesto niya.

Punyeta. Nakakairita. Mahalin niyo pa kaya 'yan kapag nadiskubre niyo ang sikreto niyan? Hindi kayo papasukan niyan, gagawin lang kayong audience sa pagbabate niya.

Napansin kong nag-retouch pa ang babae sa harap ko nang mamukhaan ko siya. Si Hina. 'Ba naman? Nasabi pa niya iyon, eh alam na nga niya ang sakit ni Spencer.

Bigla siyang napalingon. Nakita yata ako sa repleksyon ng salamin. "Hey, Ami."

Napilitan akong ngitian siya.

Umisod siya at tinapik niya ang espasyo sa tabi niya na gusto niyang tumabi ako sa kanya na ginawa ko naman. Close na kasi kami ng babaeng ito kaya kung minsang magkikita, nagkukwentuhan kami at ang tanging madalas na bukambibig niya ay ang experiences niya sa sex—–bukod kay Spencer. Oo, fuck girl siya, slut, hoe, whore, etc., at may hustisya naman dahil siya iyong tipo nang kinalilibugan ng kalalakihan. Maganda, sexy, matangkad, makinis, fashionable pa at palaayos, at mapanukso ang aura.

"Akala ko ba nandidiri ka kay Spencer? Bakit mahal mo pa?" pang-iintriga ko. Una ko nang nalaman ang pangalan niyong lalaki noong ilibre niya ako—–este, nagpalibre ako sa kanya sa canteen. Since, hindi naman ako palakwento at obligasyon ko lang yata ang makinig ng mga walang kabuluhang bagay, hindi ko na nabanggit kay Hina ang iba pa naming pagtatagpo ni Spencer at sa pagkakaalam niya ay dahil sa kanya kaya nakilala ko ito.

"Well..." Napakibit-balikat na lang siya.

Well ano? Tatanggapin mo ba kung ano siya? Martyr ka ba? O sadyang tanga ka? Marami nang nakakita sa marumi niyang katawan. Admit it, including me. Paulit-ulit ka lang magtitiis at masasaktan. Well, bagay sila. Pervert plus slut equals successful benefits.

Napailing-iling na lang ako.

Noong sumunod na laro, nakabawi ang koponan nila Michael. Pero natatambakan muli sila ng team ni Spencer. May nangyari pang nang isyu-shoot na ni Spencer ang bola ay sinubukan itong i-block ni Michael pero aksidenteng natumba ang huli. Nanlilisik ang mga mata ni Michael at nagtatagis ang panga. Pagtayo niya ay inambaan niya si Spencer na pinipigilan niya lang ang mamuo ang away habang laro. Tila gustong-gusto na niyang sapakin ito.

Nang sulyapan ko si Hina ay kita ko ang tensyon sa hitsura niya. Gusto ko mang tanungin kung bakit kaya lang tinatamad akong kausapin ang haliparot na ito. Nag-aalala lang siguro siya kay Spencer.

Sa pagpapatuloy ng game ay sa huli ang College of Business Administration ang nagwagi. Well, wala talagang makakapaglampaso sa kanila. Alamat na ng school ang CBA ever since. Sila ang madalas manalo sa sports competition ng school. Siguro dahil sila ang pinaka-populated students ng campus kaya marami silang alas na pwedeng isabak.

Walang sabi-sabing patakbong bumaba si Hina at lumapit kay Spencer. Pinulupot niya ang mga kamay niya sa leeg nito.

Naku. Huwag niyang hahalikan ang mokong na iyon kundi diretso sila sa Office of the Student Discipilne. Bawal ang labis na paglalandian dito sa loob ng campus lalo na at maraming nakakakita. Pero buti na lang ay hindi nila ginawa. Nakapagpigil pa sila.

Nakita kong lumabas ng gym si Michael. Hindi gaya ng mga kasamahan niya ay bumati sa nanalong koponan. Masama yata ang loob niya na natalo ang department nila.

Pinili kong sundan siya.

Hindi ko siya inuntag. Sumabay lang ako sa paglalakad niya habang pababa ng hagdan. Ganoon ba kabigat ang loob niya kaya hindi niya ako pinapansin?

Binundol ko siya patagilid upang makuha ang atensyon niya at bumaling naman siya sa akin.

Napahinto siya. "Ami." Mabuti ay ngumiti na siya.

"Ang galing mo kanina, ah. Nagba-basketball ka pala."

"Natalo nga kami, eh."

"Okay lang 'yun. Panalo ka naman para sa 'kin." Ikaw lang at wala akong pakialam sa team mo.

Tumawa siya. "Salamat, ah."

Sinamahan ko siya papunta sa laboratory nila. Pagpasok ay nangatog ako sa lamig.

"Sira ka ba? Kagagaling mo lang sa laro, tapos papasok ka sa de-aircon na room. Nursing ka pa naman," sermon ko sa kanya. Umupo ako sa hospital bed.

Pinatay niya ang aircon. Then, hinubad niya ang jersey niya at pinunasan ang pawisang sarili.

Napalunok ako. Hindi pa naman tuluyang nawawala ang lamig sa kuwarto pero parang pinapawisan na ako. Tulala lang akong nakatingin sa nakatalikod niyang katawan na walang saplot. Sunod na hinubad niya ang pang-ibaba niya at bayolente akong napasinghap.

Narinig niya yata iyon kaya bigla siyang napalingon sa akin. Nag-iwas naman ako ng tingin. Shocks. Nakakahiya! Teka, bakit ako ang mahihiya, hindi naman ako ang naghuhubad. Pero halos makita ko na ang kabuuan niya.

"S-sorry," sambit niya.

Napatakbo ako palabas ng lab. Shocks. Bakit ang awkward? Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Magpapalit lang naman siya ng damit. Bakit ang big deal sa akin niyon? Parang hindi naman ako nasanay sa napapanood kong porn. Saka likod lang naman ang nakita ko.

Napasandal ako sa dingding. Para akong hinihingal. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit ganito? Ano ka ba?! Psychology student ka. Dapat alam mo kung ano ang nararamdaman mo at alam mo rin kung paano ito kontrolin.

Para mabawasan ang tensyon ko ay napili ko na lang ang mag-surf sa phone ko. Medyo kumalma na ako pero hindi ko maiwasang magtaka sa nararamdaman ko.

Kung ano-ano na lang ang pinaghahalungkat ko sa facebook pero walang anumang nagsi-sink in sa utak ko.

"The Internet is really really great, for porn! I've got a fast connection so I don't have to wait. For porn! There's always some new site. For porn! I browse all day and night. For porn! It's like I'm surfing at the speed of light... For porn!!!" Inalala ko na lang ang rehearsal ng musical play na Avenue Q na napanood ko sa mga Mass Comm student kahapon. Na-LSS ako sa kantang iyon na isa sa mga sound track nila.

"The Internet is for porn! The Internet is for porn! Why you think the net was born? Porn! Porn! Porn! The Internet is for porn! The Internet is for porn! Me up all night honking me horn to porn, porn, porn! The Internet is for porn! The Internet is for porn! Grab your dick and double-click...for porn, porn, porn!"

"So, you 're surfing in the internet because for porn?"

Marahas na napabaling ako sa pinanggalingan ng boses. "Hindi!" sabi ko, hindi bilang sagot sa tanong niya kundi dahil hindi ko gustong makita ang pagmumukha niya. Si Spencer na hindi pa nagpapalit at pawisin pa rin.

"Hindi raw?"

"Umalis ka nga rito."

"Why? Is this your terri—"

"Ami, sorry nga pala sa—"

Nahinto si Spencer sa pang-aalaska niya nang lumabas si Michael na naka-school uniform na at nahinto rin sa sasabihin niya nang makita ang mokong.

Nagsisimula na naman ang tensyon sa kanilang dalawa.