Chereads / Hymoneurí Academy / Chapter 3 - Kabanata 2: Simula

Chapter 3 - Kabanata 2: Simula

"Salamat sa iyong pagbisita kaibigan, lubos kaming nagpapasalamat sa iyong oras sa pagpunta mo dito. Sapagkat alam kong napakarami mong ginagawa ay nagpasiyahan mong pumunta dito para lang kumustahin kaming magpamilya," diritsong sabi ni Ama bilang pagsasalamat sa kaniyang bisita. Tumango ang kaniyang kaibigan at ngumiti.

"Lubos ko ring pinapasalamat ang iyong pag-aliw mo sa akin. Tungkulin ko bilang mayor sa munisipyong ito para kumustahin ang aking mga kaibigan na mga taong naninirahan," Mayor pala ito? Hindi halata sa kaniyang pananamit at postura.

"Maraming Salamat ulit kaibigan," sabi ni ina.

"Walang anuman. Kahit napakadelikado ng daan ay tatahasin ko para komustahin kayo." may bahid na sakit at paghihinagpis sa kaniyang boses. Halatang nasasaktan siya sa katotohanang maraming namamatay sa kaniyang lugar.

"Napakalungkot dahil napapadalas na ang mga halimaw dito sa atin. Kung noon ay sa sabado lang ng gabi ngayon ay paminsan-minsan sa araw ng Miyerkules at Lunes." mayroon din palang pake si Ama sa nangyayari sa kapaligiran namin? Ang alam ko't lagi lang siya sa kaniyang aklatan, nagbabasa o nagsusulat at walang pake sa mundo, nagkakamali pala ako.

"Kung ako'y inyong mararapatin ay aalis na ako at simulan ko na ang aking paglalakbay. Sapagkat marami pa akong bahay na bibisitahin, kaibigan," nagpapa-alam na ata ang mayor kaya kaagad akong umayos ng tuwid sa pagtayo. Ngunit napa-atras ako ng nakita kong nakatitig siya sa akin. Unti-unti akong napaatras dahil ang kaniyang obrang itim ay unti-unting naging dilaw. Kinapos ako ng hininga ng tumingin ako kila ina ay nawala sila at unti-unting nagbago ang paligid biglang naging itim at tanging mayor lang ang aking nakita.

Nanghihina ako at muntik na akong napaluhod ngunit pumitik ang mayor at biglang bumalik ang lahat. Nag-uusap sila ng matiwasay bilang pagpapa-alam, hindi ko maintindihan ang lahat! Tumakbo ako sa kwarto kahit na alam kong papagalitan ako ni Ama dahil hindi ako nagpa-alam sa bisita. Sasabihan na naman ako ng walang mudo ngunit wala na akong pake kung papagalitan ako kesa namang makakasalamuha ko ang halimaw na mayor.

Hindi ko maintindihan, nanginginig ang buo kong katawan at umaagos ang mga luha ko. Bakit? Bakit ako? Ako na ba ang target ng mga halimaw? Anong klaseng halimaw ang mayor?

Gusto kong sumigaw ngunit alam kong mapapatay ako, aking tinakpan ang aking bibig para hindi madinggan ang iyak ko sa sala.

Hindi ko namalayan nakatulog pala ako, ilang oras akong natulog dahil sa kakaiyak. Pumasok sa isipan ko ang mukha ng mayor, napatalon ako sa higaan at dumiritso ako sa banyo para manghilamos. Sabi sa libro pag-ikaw ay manghihilamos ay mahihimasmasan ka sa iyong mga iniisip na mga malalagim o nakakatakot.

May kumatok sa pintuan ng tignan ko ay aking inang nakabusangot ang mukha. Ako'y umupo ng tuwid para magbigay galang lalo na't alam kong may mali akong nagawa kanina.

"Anong ginawa mo kanina?" seryosong tanong niya ako naman ay biglang nanginig dahilan sa kaniyang malamig naboses.

"Po?" yumuko ako para hindi mapansin ang aking panginginig ng aking mga labi.

"Alam mo ba ang inasal mo na ibinigay kanina? Talagang wala ka ng modo at nabanggit ng iyong Ama ay binuksan mo na naman 'yung bintana. Bakit napakatigas na ng ulo mo Ellesmere Abilene?!" sa bawat litra na kaniyang sigaw ay mas nagpapanginig ang aking katawan gusto ko mang magsalita ay nanginginig na ang aking kalamnan dahilan hindi ako makapagsalita ng kahit ano.

Sa kaloob-looban ako ay nagpapasalamat ako na si Inay lang ang pumasok sa kwarto at papagalitan ako dahil kung si Ama ay malalalagot ako. Dahil kahit titig ni Ama ay nakakatunaw at gusto ko ng itago sa isang silid na hindi niya makikita. Ang mga mata niyang nakakatitig ay nakakatakot kahit ikaw pa ay yumuko.

Ngunit nagkamali pala ako sa aking iniisip na nagpapasalamat na wala siya dahil ang pintuan ng aking kwarto ay biglang bumukas dahilan para sa malakas na kalabog at nagpakita ang aking amang nakakunot ang noo at dala-dala ang malamig na titig. Dali-dali niyang itinaas ang kamay at namalayan ko na lang na ang kaniyang kamay ay nakadapo na sa aking mukha.

Isa,

Dalawa,

Tatlo,

At hindi na mabilang ang luhang umaagos sa aking mata. Ganoon na ba talaga ako ka panget sa mundong ito, kahit sarili kong mga magulang ay sinasaktan ako?

Gusto kong magsalita pabalik sa kaniyang mga salita, gusto kong umiyak at sabihin ang aking nararamdaman at ibahagi sa kanila anong nangyare sa mata ng mayor at ang nakakatakot na awra nito. Ngunit alam kong ako lang isang mangmang dahil sila ay magbingibingi-an dahil sa kanilang pananaw ay bawat salita ko ay walang kwenta.

"Hinding-hindi ka na lalabas sa kwartong ito at sa isang araw ay isang beses ka lang kakain, naiintindihan mo?" galit niyang ani kaya ako ay tumango sa pagsasang-ayon dahil wala naman akong magawa.

"At isa pa, hayaan kong buksan ang bintanang iyan. Bahala ka ng magkasakit at mamatay sa sariling lungga mo," nabigyan ako ng saya sa aking inisip dahil araw-araw o oras-oras na aking makakita sa daan at maayos ko ng ipinta ang mga pangyayari ngunit sa kabilang banda ako naman y nabahala sa aking sarili dahil sa sementa na baka ako ay magkaroon ng sakit na iyon.

Tumalikod na si Ama at Ina habang ako ay napahiga sa aking higaan. Halo-halong emosyon ang aking nararamdaman, ang saya at takot. Ngunit pwede ko namang malaman ang mga bagay na para hindi ako magkaroon ng sementa! Dahil hindi ko pa natapos ang libro na aking binabasa, Tama!

Ako'y dali-daling binuklat ang libro ng Medicina omnium morbo est a Daemones. Sa ika-dalawang daan at siyam na pong-apat na pahina ay nakita ko ang sagot sa delubyo! 'Sanando of De sementa: Ne Cura et "'

Hindi ko namalayan ilang oras na akong nagbabasa at nagsusulat para aking magawa ang mga panglunas sa sementa. Nakuha lang ng aking atensyon ng may kung ano-anong bagay na itinapon sa aking bintana. Nang tignan ko ito ay iyong lalaki pala kanina. Nakangiti at may dalang papel. Sumenyas siya na may isinulat daw siya sa papel, ako naman ay tumango dahil bigla akong nakaramdam ng kagalaka.

Umatras siya sa kaniyang kinatayuan at buong lakas na itinapon ang papel na may bato sa aking bintana na ngayon ay aking nasalo. Dali-dali kong binuksan at binasa ang kaniyang sinulat.

"Salamat sa pagtulong, ako ay lubos na nagpapasalamat sa iyong tulong dahil kung wala ka ay wala na ang akibg mahal na kapatid na mahimbing na natutulog sa kaniyang kwarto. Sana ay pwede kitang makaibigan at malaman ang iyong pangalan, magandang Binibini," ako'y napangiti dahil sa iyang pasasalamat kaya agad akong kumuha ng papel para isulat ang aking pagpapasalamat dahil gusto niya akong maging iaang kaibigan.

"Walang anuman, sino ba namang magtulong-tulongan kundi tayo lang. At oo, ako ay pwedeng iyong maging kaibigan. Lubos akong maligaya kong ito ay totohanin Ginoo," gamit ang bato na kaniyang ginamit ay tinakpan ko ang bato sa pagitan ng aking papel at tulad niya ay buo ko ring lakas na tinapon ang bato.

Siya ay napangiti sa kaniyang nabasa at naging magkaibigan kaming paglipas ng ilang araw. Natuklasan ko na ang mga bagay na ako ay kuryuso at naghahanap ng sagot ay ganoon din siya. Kaya kami ay mas naging malapit kahit hindi kami magkalapit. Sa aming pag-uusap ay may tamang oras at panahon dahil siya lang at kaniyang kapatid nasa kanilang bahay kung gayon ay siya ang mag-aalaga at magtatrabaho sa kanilang bahay dahil ang kanilang mga magulang ay nagtatrabaho sa bansang Foma. Isinali na rin ang mga halimaw na walang liban sa pag-aatake ng araw na nakatakda na sila ay sasalakay.