Chereads / Hymoneurí Academy / Chapter 9 - Kabanata 8: Bagong Mundo

Chapter 9 - Kabanata 8: Bagong Mundo

Minsan nagkakagusto tayo sa mga bagay na pamilyar sa atin, at minsan ating hinahawakan ang mga bagay na ligtas at alam natin ang bukas, kahit alam naman natin na kahit ligtas ito pa rin ay nakakasama sa atin.

"Napakapanget na panaginip sa buong buhay ko, " ani ko sabay hikab. Kumurap-kurap ako para madama ko ang sinag ng araw. Ito ang gusto ko paggigising ako ng tanghali na, may sinag ng araw at mapapangiti ka na lang.

"Hello, are you okay?"

Kumurap-kurap ako dahil parang mayroon akong naririnig na taong hindi ko alam ang pinagsasalita. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ako kumurap basta't napakalabo pa rin ng paningin ko. Umupo ako't inaaninag ang paligid. Ang dilim at ano tong nasa harapan ko? Pigura na parang tao ba o gamit lang.

"Hey, are you okay?"

T-Tao?

"Waaaaaahh!"

"Waaaaaahh!"

"Waaaaaahh!"

D-Dalawang magkaibang b-boses?! Ibig sabihin mqy tao sa kwarto ko?!

"Inaaaaaaa! Amaaaa! Bakit may tao sa kwarto ko?!" sigaw ko ngunit walang sumasagot sa akin, kahit na malabo ang paningin ko ay alam kong nakatitig sa akin ang dalawang tao.

"Hey girl, are you okay? Hey?" ani ng isang babae at parang kumakaway siya sa akin.

"Ano ba ang mga pinagsasabi niyo, hindi ko kayo maintindihan!" sigaw ko sa kanila.

"I think we need Khione," ani ng isang babae na nasa kaliwang banda.

"Yeah right, we need her!" sigaw naman ng babae na nasa bandang kanan at bigla na lang silang nagtakbuhan at isinisigaw ang mga salitang 'Khione, she's awake. We need you!'

Anong klaseng tao ba sila? Bakit hindi ko naiintindihan mga pinagsasabi nila? Kung ibang lenggwahe ang ginagamit nila, ano ito? Bakit hindi ko nabasa sa mga libro? Dalawang lengguwahe lang naman ang nabubuhay sa mundong ito, kahit saang bayan kapa pumunta, tanging Latin at Filipino lang. Filipino para sa mga taong may sariling bahay at sariling kalupaan at Latin para sa mga taong nasa pinakamataas na antas. Ang mga presidente, mayor at gobernor lang ang gumagamit nito sa tuwing sila'y nagpupulong.

Nakakapanghinala na mayroon palang mga lengguwaheng hindi ko pa nalalaman. Sa tinatagal ko ng pagbabasa may kulang parin pala, kailangan ko pa ding matuto dahil ang mga natutunan ko ay nararamdaman ko na hindi ito sapat para bukas. Kailamgan ko pang matuto ng napakaraming bagay.

"Gumising kana pala?" ani ng bagong boses na babae.

"Khione, please translate that one," ani naman ang matinis na boses na nasa kanan ko kanina.

"Yeah right, I don't know, I feel like you two are cursing at us," arteng sabi na nasa kaliwa ko kanina. Seryoso, ano ba ang pinagsasabi nila?

"Khione, look at her eyebrows! It furrowed and look Melinoe it's perfectly curved, even it's natural! How I wish, my eyebrows are like those. But I'm pretty, right Khione?"

"Seriously?" ani ng babaeng gumagamit ng lengguwaheng Filipino kanina.

"Ugh! You are so kill joy, rght Devika?"

"Hmm."

"You two are annnoying!" sigaw ng babaeng maarte at basi sa narinig ko ay parang nagpapadyak ito. Tsk, ang bata mag-isip.

"Anong pangalan mo?" ani ng babaeng gumagamit ng Filipino. Tila'y ako ata ang tinatanong nito.

"Ako ho?" tanong ko sa kaniya pabalik, mahirap na baka hindi ako ang tinatanong.

"Ay hindi, hindi, hindi, siya! Siya!" nanunuyang ani niya.

"Ayy ako nga," halatang ako naman siguro 'di ba?

"Tanga, madami na namang tanga," bulong-bulongan niya.

"Ako po? Ako po ba 'yung tanga?" tanong ko.

"Pwede ba? Anong pangalan mo?!" sigaw niya, ako naman ay napasinghap. Nakakatakot itong babaeng 'to.

"Gosh Melinoe, Sera is already mad."

"What the fvck? May I remind you Evette that you are actually fucking overacting!"

Nag-aaway ba yung dalawa?

"Uhmm, bago po ako magpakilala, pwede bang magtanong?"

"Nagtatanong ka na girl?" tamad na ani ng babae.

"Po?" anong girl?

"Pwede bang magtaning kana lang? May dalawa na ngang perwisyong aso't pusa, ikaw namang parang walang internet yung brain mo?!" sigaw niya. Halatang galit na siya, patay! Umayos ka Ellecemere!

"Di ko po makita kayo ng maayos, napakalabo po," ani ko sa kaniya na nagpatahimik sa dalawang parang nag-aaway at parang napatitig sa akin ang babaeng kinakausap ako.

"Melinoe, give me her eyeglass," ani niya. Pilit kong inaaninag ang nangyayare na ngayon naman ang babaeng kinakausap ako ay papalapit sa akin. Anong gagawin niya? Yun bang salitang a-ayglash ay punyal ba 'to sa wika namin?

"H'wag mokong patayin, paki-usap!" pagmamaka-awa ko sa kaniya ngunit bigla nalang siyang humagalpak ng tawa. Ha?

"P-Patayin? HAHAH! P-Patay? HAHAHAHA," tawa pang siya ng tawa. Anong mali dun? May sakit ba 'to sa utak?

"Wag mokong patayin, please?"

"Tangina patayin? HAHAHAHA!" tawa lang ng tawa siya hanggang sa mabila-ukan siya ng sariling laway at ngayon namay para siyang mamatay sa kaka-ubo. Ang dalawa namang babae kanina ay ngayon naman ay silang dalawa ang tawa ng tawa. Seryoso, may sakit ba sila sa utak?

"Melinoe, Evette!" galit na ani ng babae na siyang ikinatatahimik ng dalawa.

"At ikaw na tanga, pwede ba? Di ako pumapatay ng mga tanga," Ha? Sino ba ang kinakausap niya, ako? O sila?

"Ako po?"

"Bullshit!" sigaw niya at parang may gamit na tumilapon malapit sa akin.

"Girl, what did you do? Look at her she transformed into a wild animals! So scary!" ani ng babae nasa kaliwa ko. Ang arte naman nito.

"Seriously, Evette? When will you stop to overact?!" galit na ani ng babae sa kanan.

"Duh, I'm beautiful! It's normal if I overact!" tugon ng babaeng maarte na nasa kaliwa.

"Whatever!" galit na tugon sa babaeng nasa kanang banda.

"Whatever nyenye! Loser!" panunuya ng maarte.

"Feeling winner, yuck!"

"I don't care, I'm not one of those LOSERS!"

"Fuck you!"

"Thank you, I know I'm beautiful!"

"Sto-"

"Quid de illo? Nescio de ?! Quin etiam ego quidem non video bene!" (Pwede ba? Hindi ko alam ang mga pinagsasabi nyo! Isa pa, hindi ko kayo nakikita ng maayos!), sigaw na ani ko sa kanila na alam ko ngayong nakanganga na silang lahat.

Hanggang kailan ko mapagtiisan ang mga taong 'to? Mga taong may sakit sa ulo.