Minsan mas gusto nating kumilala sa mga taong hindi ngumingiti sa harapan ng dagat ng tao. Kilalanin kung ano at sino ang likod sa kanilang mga misteryosong pananahimik sa gilid ng kwadradong mundo. Ngunit tila'y nagkakamali tayo dahil mas pinagbibigyan nating pansin ang mga pamisteryoso kaysa sa mga taong misteryoso. Minsan kahit isang tingin lang natin sa isang tao ay alam mo na may itinatagong lihim ang bawat isa nito. Oo nga mayroong mga taong napakahusay magtago pero asahan mo ito yung mga taong madals ngumiti at palaging tumutulong sa mga tao.
Hindi ibig sabihin ngumiti ang isang tao masaya na. Hindi ibig sabihin malaki ang katawan, kumakain na ng tama. Hindi ibig sabihin tumutulong sayo, wala na siyang problema. Hindi ibig sabihin na mayaman ang isang tao, nasa kaniya na ang lahat.
Kaya tayong mga tao, huwag na huwag tayong madadala sa mga ngiting mapang-akit na akala natin ay masaya sila sa likod ng mga ngiti at tawa dahil sila ang mga taong may mas mabibigat na pasanin sa buhay.
"Anong iniisip mo?" tanong ni Khione ng bigla siyang umupo sa tabi ko.
"Iniisip ko lang kung bakit may mga ngiti kayong nakakadala at tila'y walang dinadalang mga bigat na pasanin," ani ko na hindi tumitingin sa kaniya at diritso lang ang aking paningin sa dalawang naglalaro sa bulwagan na tinatawag nilang Badminton.
"Did you know―este alam mo bang walang masayang tao na umapak sa lugar na 'to? Kahit ipusta ko pa ang katawan ko isali mo na tin ang kaluluwa ko. Walang masaya dito maliban sa mga demonyong naka-upo sa upuan," seryosong ani niya, bigla nalang padabog na tumalikod sa akin at lumabas ng bulwagan.
Nakakatakot naman ang pagkatao niya kung palagi siyang nagseseryoso. Pero bakit niya masasabing walang masaya sa mga taong narito kung kanina ay may nakasalubong kaming mga to ay lahat naman ay masasaya lalo na sa mga taong tumitingin sa kanilang mga aparato na aking tinanong kung anong pangalan nito kay Melinoe at ang sabi niya ay tinatawag daw itong cellphone.
"Hey Abby!"
Kung ganoon naman ay bakit niya masasabing hindi masaya ang mga taong nandidito? Kung kita naman sa kanila ang ngiti? Siguro nga't totoo yung iniisip ko. Mayroong istorya ang bawat ngiti na ating ipinapakita.
"Hey!" arteng sabi ni Evette. Kung makasigaw naman 'tong babaeng 'to akala mo bingi ako.
"Hey are you in daze? We were calling you many times!" arteng ani niya. Bakit ba siya nagsasalita ng lengguwahe nila kung alam niya na hindi ko naman siya naiintindihan at ang arte pa.
"Hindi ko nga kayo maiintindihan!" pabulong kong sabi.
"Hey! Hey! Are you cursing at us?"
"Ha?" ano bang pinagsasabi nito? Saan na ba kasi si Khione?
"Hotdog," singit ni Melinoe sa usapan.
"Khione!" sigaw ko sa kanila para matauhan naman silang hindi ko talaga sila naiintindihan.
"You are too fool, Evette. You know that we don't understand her and she can't understand us, you keep talking with her. Such a fool lady!" pagsingit ni Melinoe sa usapan at biglang pumunta sa harapan ko.
"Hey, what did you say I'm a―" arteng sabi ni Evette ngunit naputol ng bigla nalang akong hilain ni Melinoe sa kamay at bigla nalang kaming nagtakbuhan. Tumingin siya sa likod ko at kaniyang dinilaan na may pang-aasar ng ako naman ang tumingin sa likod ay si Evette na humahangos na tumatakbo at may mga lalaking nakasuot ng unipormi na hinahabol si Evette o kami?
"Faster! Don't look back or we will be dead!" sabi niya habang humahangos.
Nang makalayo na kami ay bigla kaming tumigil, habol-habol ang hininga. Bigla nalang kaming nagtawanan sa hindi malaman na rason at bigla nalang nagpakita si Khione sa aming harapan na may seryoso na nakakatakot na mukha.
"To the room, off-switch. Meeting," seryosong ani niya na siyang dahilan para magpatahimik sa tawa at biglang nagsitaasan ang balahibo ko.
*
"The upper class wil start after five days from now," seryosong panimula ni Khione na hindi ko naman naiintindihan. Ano pa ang layunin ko ditto kung hindi ko naman sila naiintindihan?
"The fuck? What's the sudden?" gulat na sabi ni Melinoe.
"Demon's order."
"Ahh, maybe my father was one of those who planned this. Wait, I will call―,"
"No! He's not part of this sudden class. This is the order from the demon's house," seryosong sad ni Khione na siyang napatanga ng dalawa. Seryoso, bakit ganoon ang reaksyon nila?
"Ahem," tawag pansin ko sa kanila. "Labas lang ako," ani ko at tatalikod na sana.
"No este huwag kang lumabas kasali ka dito, upo ka muna," ani niya at umupo ako. Hindi ko namalayan unti-unti na palang sumiraado ang talukap ng mata ko.
"Elle! Elle!" pagyugyog ng babae saakin.
"Asan ako?" tanong ko kaagad sa kaniya ng makadilat ako at inilibot ang aking tingin. Nasa masukal akong daan, nakahiga mismo sa gitna ng daan? Anong ginagawa ko rito?
"Nasaan ako? Bakit ako nandito?" takot kong tanong sa kaniya.
"Iha patawad, hindi ko mapapatawad ang sarili ko," umiiyak niyang sabi sa aking harapan at nagmamakaawa pa. Ang mas ikanakakagulat ko ay bigla siyang lumuhod sa akin. Sino ba to at tila'y may malaki siyang kasalanan sa akin? Sa pagkaka-alala ko naman ay wala akong kausap na mga tao maliban sa mga mag―
"Saan ho ang mga magulang ko?!" sigaw ko sa kaniya ng bigla kong maalala ang magulang ko! Saan na ba sila?
"Inay! Ama!" sigaw ko sa masukal na gilid ng daan. Saan ba sila?
"Iha, patawarin mo 'ko sana'y pagbigyan mo ako. Sabihin mo lang kung may gusto ka at tutulongan kita," malumanay niyang sabi. Sa hindi maalam na dahilan ay bigla akong kumalma ang agos ng tubig galling sa aking mga mata ay patuloy paring umaagos. Hindi ko alam ba't parang ang pag-agos ng aking mga luha ay mas malakas pa ang bagsak ng tubig kaysa sa bagsak ng mga talon sa tubig.
"Iha, magtiwala ka sa tatlo huwag sa apat at huwag sa lima. May babagabag ngunit may hahabag. Ikaw ang nararapat dahil ikaw ay dapat," ani ng matanda at bigla siyang yumakap sa akin. Hindi ko alam ba't parang nararamdaman ko ang aking mga balikat ay naging basa at naririnig ko ang iyak ng matanda. Bakit ka umiiyak?
"Hey, wake up!" pagyugyog ng babae sa akin. "You are crying!" ani niya na may pag-alala sa kaniyang boses.
Unti-unti akong dumilat ngunit tila'y napakabigat ng talukap ng aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit ako nanghihinang gumising. Ano ba ang nangyayare?
"Anong nangyayare?" nanghihinang tanong ko.
"HUHU! What to do? I'm doomed! Melinoe and Khione left! Why are you crying― shit! I'm sorry you don't understand me! What to do?" natatarantang ani ni Evette. Anong nangyayare sa kaniya?
"Okay ka lang?"
"Hey, are you saying thay you are okay, right?"
"Ha?"
"Hotdog," singit ni Melinoe ng bigla siyang lumabas sa pintuan.
"Omaygosh! The hell, I've been waiting for you two! She had a bad dreams and she's crying. Then, I don't know what to do!" arteng ani niya kay Melinoe. Bumalik na naman sa pagiging maarte.
"Hey, are you okay?" malumanay na ani ni Melinoe para maiwasan ang pag-iinarte ni Evette. Tumango lang ako bilang sa pagsang-ayon, nakuha ko ang tanong niya.
"You must rest in the room, so you can have a good sleep. Look at you you are sleeping in the table," tumango lang ako sa mga sinasabi niya kahit hindi ko man naintindihan nabigla na lang ako ng bigla niya akong hilain para maglakad papunta sa kuwarto.
"I know, you can't understand me but we, three of us, is curious about you. I don't know, if my gut is correct that you have a power that we don't three have one. I hope you choose the right path. Tomorrow, you will slowly know the real picture of the hell," ani niyang nakangiti at bigla nalang siyang tumalikod. Habang sinalaysay niya ang mga katagang iyon ay, klarong-klaro sa mga mata niya ay may naghalo-halo ang pangamba at takot.
Bumalik sa aking isipan ang sinabi ng matanda, masyadong malalim at kahit ilang oras mong hukayin ay hindi mo kayang ungkatin. ANo ba ang ipinahihiwatig mo? Ano ang layunin mo?