Chereads / Hymoneurí Academy / Chapter 10 - Kabanata 9: Makabagong Kaibigan

Chapter 10 - Kabanata 9: Makabagong Kaibigan

"Saan ka galing?" tanong ng bababe.

"Sa Silangang bansa, Sorcha," agad kong sagot sa kaniya.

"Walang ganiyang lengguwaheng nabubuhay sa kahit ano mang bansa ka magpunta. Mahilaga man o matimog, kahit ipagtanong mo sa House of Scientist ay wala silang alam!" ani niya sa malamig na boses.

Kahit na malamig sa kuwartong ito ay ramdam na ramdam ko ang apoy niyang titig nagdadahilan ito para ang katawan ko ay manginginig sa takot at pagpawisan ng malamig.

"N-Ngunit natutunan ko lang ito sa libro!" sigaw ko, napataas na rin ang boses ko dahil 'di ko napapansin na parang kaluluwa ko ay sumisigaw sa panginginig dahil sa binubuga niyang apoy. Ang bawat salita na kaniyang isinalaysay ay mas nakakapanghina sa akin. Anong klaseng tao s-siya?

"Sinungaling!" sigaw niya pabalik sa akin, ang kaninang mainit na kapaligiran ay mas naging mainit pa ito. Hindi na ako makahinga! T-Tulong!

"Patawad, wala talaga akong alam. Natuklasan ko lang ang lengguwaheng ito sa mga libro. Kahit anong gawin ninyo sa akin ay wala kayong mahihithit na sagot, kahit kunting detalye dahil ang mga libro na aking binabasa ay galing sa─," naputol ang salita ko ng may naalala ako.

"Saan ang mga magulang ko?!" sigaw ko.

"Maghintay ka ta─," ani niya ngunit naputol ito dahil may sinabi ang maarte.

"Ugh, you two were talking almost an hour without any translation! How about us?" maarteng singit ng babae. Pakialamera lang?

"Damn! why can't you just shut your damn fucking mouth and don't mind our conversation, huh? Anyway, I will share it if we will done with our serious convo. So shut it, okay? Or I'll punch your ugly face?!" galit na sigaw ng babaeng kausap ko, galit na galit na ata ito dahil nadadamay na niya ang hindi niya kausap.

"Ouch?! What did you say I'm ugly? How about you, huh? And what a serious convo, but you two were shouting. What are we deaf?" ani niya. Ang arte naman ng babaeng ito, parang pinagpasan ito ng isang maliit na bato ay iiyak na ito dahil sa bigat.

"Evette, instead interrupting them why try to update or files in HS? We will be back in hell after a week from now or else we fall into deep image," ani ng babaeng nasa kaliwa, parang kanina pa 'to nanditong nakikinig.

"Just shut up you two," ani ng babaeng may boses na gumagamit ng Filipino at tumabi sa akin. "Ano ang pangalan mo at alam kong malabo ang mga mata mo, paano ka lumabas ng kwartong ito ng hindi nakakakita ng maayos sa paligid?" masinsinang tanong niya saakin.

"Ako si... Anong sasabihin ko? Hindi naman sa gusto kong gawin ito dahil sa walang rason ngunit may kung ano-anong nagtulak sa akin na itago ang aking pagkatao na huwag sabihin na ako ay si Ellesmere Abilene Lentre. Ngunit kung sasabihin ko man ay parang walang mali naman ngunit ang aking nararamdamang panganib sa aking damdamin ay nagdadala ng bagsik sa aking desisyon. "si... A-Abby," pagsisinungaling ko.

"Ab—by, what?" ani ng maarte.

"Po? Anong wat?" tanong ko sa kaniya. Hindi ko alam n sa babaeng maarteng ito kung alam ba niya na hindi ako nakakaintindi ng lenggwahe niya at kung bakit ginagamit niya para tanong sa akin, seryoso may sakit ba siya sa ulo?

"Anong apilyedo mo?" masinsinang tanong ng babae. "A-Abby L-Lem—b-bao—xi?" kinakabahan kong sabi sa kanila.

"At bakit parang nararmdaman kong hindi ka sigurado sa pangalan mo, kung sa gayon naman ay ang pangalan na ating pagmamay-ari ay naka-ukit na ito sa ating isipan pero dipindi na lang kung ibang isipan ang ginamit mo?" tanong niya sakin na parang may nahahalata sa aking pagkukunware. Paano na 'to? Kung sa umpisa pa lamang ay alam na niya kung ano ang nasa isipan ko.

"A-Ano ba ang pinagsasabi mo?" kaba kong ani sa kaniya.

"Wala lang naman, bakit hindi mo pa sinasagot ang ikalawang tanong ko?" malamig na boses niyang ani.

"Hindi ibig sabihin na hindi malinaw ang kapaligiran mo o hindi mo nakikita ang kapaligiran mo ay hindi kana makakagawa ng paraan kung ano ang gusto mo o ano ang isinisigaw ng damdamin mo na kung ano at saan ka man gustong mong gawin dahil hindi lahat nakakabase lang sa mata. Hindi dapat nating kalimutan na may limang kapangyarihan ang tao, mabubuhay ka kahit may mawala rito," saad ko sa kaniya na siyang nakapagtahimik sa kanila ng ilang minuto. Alam ko mang nandito pa rin ang dalawang babae ay nakakagulat dahil wala akong marinig na kung alingawngaw na nanggagaling sa kanila.

"Fix yourself and don't be scared at us, I will put this eyeglass on yours," ani ng maarte. Kahit hindi ko man naiintindihan ang kaniyng sinasabi ay nagbibigay ito ng kaunting dahilan para ako'y kumalma at pabayaan siyang may kung ano-anong nilagay sa akin at ako'y pumikit nalang.

At sa pagdilat ko ay malinaw na ang aking kapaligiran unti-unti akong tumingin sa mga taong tumitingin sa akin puro mala-dyosa ang mga ganda! Saan nanggaling ang mga taong ito at para bang kung saan-saan silang lugar nanggagaling na bagay lang sa kanilang ganda.

"Sino kayo? Kayo ba ay mga diwata o baka mga anghel na kasama ni Bathala?" ani ko sa kanila at yumuko bilang paggalang ko sa kanila ngunit ang akin lang natanggap ay puro tawa. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Ang mga anghel ba o diwata ay hindi nagsasalita sapagkat sila lang ay tumatawa? Kahit ang pagtawa lang ay parang anghel. Ngunit unti-unting bumalik sa aking isip ang tatlong babaeng maraming tanong sa akin! SIla ba 'to? Bakit ang gaganda?!

Tumingin ako sa kaliwa ay may babaeng hindi medyo maputi at katamtaman namang itim, buhok ay kulay kayumanggi at medyo kulot sa mababa, maganda, mukhang anak mayaman at parang lalaki manumit, sa harap ko naman ay isang babaeng nakasaya at kita ang pusod, mataas ang takong ng sapatos, nakagaway ang buhok na matuwid, maganda at halatang mayaman at kung sa maikling salita ay maarte pagdating sa pananamit, at sa isang babae naman ay nakabotas, natastas na maong, dyaket, kulot na kulot ang buhok, literal na maitim at may kung ano-anong nasa tenga niya at nakapikit siya ngayon parang may dinaramdam na kung anu-anong ritmo dahil medyo siya sumasayaw.

"Ganoon na ba kami kaganda para purihin mo kami na kami ay isang diwata o anghel?" tanong ng babeng maypagka-lalake manamit.

""Hindi ko alam kung bakit luminaw ang aking paningin at pwede ko bang maitatanong sa inyo kung saan kayo galling?" ani ko sa kanila. Ang kaninang babaeng kulot na nakapikit ay ngayon ay nakadilat na kumakaway at nakangiti sa akin. Magkaibigan ba kami para ngumiti siya ng ganiyan sa akin?

"It is because of your eye—. Ops, I'm sorry you don't understand us, Melinoe," arteng ani niya at umikot pa ang mata niya. Seryoso, maarte nga siya. Ang arte ng pananamit, boses at paano ito gumalaw. Ako na ata mismo ang mahihiya kung kasama ko 'to.

"Dahil iyan sa salamin, halata ngang nagbabasa ka ng libro sa bahay niyo dahil ang laki ng grado ang binigay sayo," ani niya at tumalikod at pumasok sa banyo.

"Hey, I'm Evette Sanx!" maarteng sabi ni maarte. Parang nagpapakilala ito, sasabayan ko na rin. "El— este Abby Limbaoxi!" ani ko at nakikipagkamayan sa kaniya.

"What a nice name, huh?" arteng sabi niya at nakataas pa ang kilay. Ang arte ng maarte. Bathala, paki-usap sapakin mo siya para mawala ang kaartehan niya sa buhay.

"Po?" ani ko sa kaniya. Syempre, hindi ako magpapahalatang naartehan ako sa kaniya, no. Baka ako pa iyong masapak niya.

"Khione, teach her please! I want to chit's chat with her!" ani niya at umiindak pa ang mga paa. Bata ba 'to?

"Overacting!" sabat ng babaeng kulot ang buhok.

"Tsk, you are just insecure!" giit ng maarte at parang nanunusok pa ang mga mata nito sa babaeng kulot ngunit hindi nito pinansin at tumingin sa akin.

"Hello dear, I am Melinoe Zreibes," ani niyang nakangiti at nakipagkumustahan sa akin. "You are Abby Limbaoxi, right?" tumango nalang ako sa kaniya, magsasalita na sana ako.

"Hoy! Khione Zulci," ani ng lalaki— este parang lalaki at itinaas ang kamay. Bastos 'to, nakatalikod magpakilala at umiinom pa.

Nagsipalitan kami ng tingin tatlo at bigla nalang may unang papunta sa akin at bago ko pa nalaman kung sino ang bumato ay bigla nalang sumigaw ang maarte ng "Pillow Fight!" at nagsimula na ang away naming gamit ang sandatang unan.

Hindi ko man maiwasang isipin ngayon ay alam ko na may mga istorya sa iba't ibang ilalim ng mga ngiti ng bawat isa ditto lalong lalo na ang babaeng nakatitig sa aking nakangiti. Sino kayo at Saan kayo galling? Ngunit ang importanti ay sana matanggap niyo ako bilang kaibigan niyo. At sana'y tulungan niyo ako. T-Tulong!