Chereads / Hymoneurí Academy / Chapter 8 - Kabanata 7: Sigaw

Chapter 8 - Kabanata 7: Sigaw

"Ang init init mo, Ginoo," sambit ko sa kaniya habang pinupunasan siya ng maligamgam na tubig.

Dahil pagdating ko sa kanilang bahay ay umiiyak ang kaniyang kababatang kapatid at tinanong ko kung anong nangyari ngunit hindi naman ito sumasagot, itinuro lang ang hagdan. Kaya't dali-dali akong umakyat at nakita ko ang ginoong nakahiga at nanginginig sa sobrang init niya.

"Kung sa liham ay isinulat mo na lang na hindi ka makakapunta dahil ganito ka kainit at grabe na yung lagnat. Hindi yung inuuna mo pa yung mga bagay na kababalaghan sa bayan," sermon ko sa kaniya, gusto man nitong sumagot ay napapa-ubo lang siya.

"Ano ba 'yan, 'di ka kasi nag-iingat. Aish, " ani ko sabay himas sa likod niya. Ngunit nanlamig kaming dalawa nang tignan niya ang kaniyang kamay, maraming malalapot na dugo.

Hinay-hinay siyang tumingin sa akin at tumutulo ang luha niya. Bakit? Bakit pa ang Ginoo? Bakit siya pa? "Ano ba ang nangyare?" tanong ko ngunit napa-iyak na rin at bigla ko na lang siyang niyakap.

"Papel at lapis," mahinang sambit niya. Inisandal ko siya sa dingding at dali-daling humanap ng papel at lapis ngunit tila'y walang mga gamit sa kwarto na'to.

"Ginoo, patawad ngunit walang papel at lapis sa kwartong ito," ani ko sa kaniya at tinuro niya ang ilalim ng kama. Doon ko nakita ang mga gamit niya; libro, mga lapis, papel at iba pa.

Aking ibinigay sa kaniya ang lapis at papel at agad naman siyang nagsimulang magsulat. Kahit nanginginig ang kamay niya ay pinipilit niyang isulat ang mga gusto niyang sabihin at tumutulo ang luha dahil sa iyak. Napakasakit tingnan. Bakit pa ang Ginoong ito? Bakit pa ang Ginoong unang taong nakita kong ngumiti? Unang taong na pinapahalagahan ako? Unang taong nakikipag-usap sakin? Siya ang una sa lahat ngunit bakit siya pa? Nagtataka ako, dahil alam ko ang sakit na dinadala niya ngunit mayroong sintoma bago makadating sa yugtong ito? Hindi ito normal!

"Ma... Yor... Tu... Mu... Rok? Ha?" basa ko sa sinusulat niya at tanong ko sa kaniya ngunit tumingin lang siya sa kamay niya. Ano? Ngunit ngumiting umiiyak lang ang reaksyon niya. Bumalik sa aking isipan ang pangyayari na nakita ko ang Mayor, noong pumunta siya sa bahay namin!

"Bakit wala kang ginawa? Ano ba ang kasalanan mo at isinali ka pa niya?" sabi ko na ba't siya ang dahilan ng lahat ng 'to! Bakit niya ginagawa ang lahat ng 'to? Diba't sana ay siya ang mamuno?

"Ginoo, Umayos ka! Bakit ka niya tinurukan?" magiyak-ngiyak na tanong ko dahil hindi siya sumasagot tanging iyak at kunting ubo niya lang ang maririnig ko, ngunit ngayon ay nagsisimula siyang magsulat ulit.

Ang hina-hina na niya at halatang nag-aagaw hiniga siya lalo na't wala kanang makitang dugo sa kaniyang katawan dahil napakaputla na niya, nababahala ako! Ano ang gagawin ko?! Wala akong alam paano gamutin ang ikalawang yugto ng sakit na sementa!

"Na.. Ki... Ta... Ko... Na... Ki... Ta... Mo? Anong ibig sabihin mo Ginoo?" ano ba ang sinasabi niyang nakita ko? Bakit ba kailangan pa niyang sabihin ang lahat ng 'to kung sa naalala ko ay wala namang kung anu-anong kababalaghan ang nakita ko? Tumingin siya sa akin na nakakunot-noo at nagsimula naman siyang nagsulat.

"Hi... Ram… Li... Bro... Sa... Ba... Do... Ga... Bi? Oo naalala ko iyong gabi na humiram ka ng libro, 'yun yung unang pagkakataon na humiram ka sa akin ng libro sa araw ng linggo. Ngunit wala namang nangyari, 'di ba?" tanong ko sa kaniya dahil sa pagka-alala ko ay wala nama akong nakita o ano?

"Hin... Di... Mo... Ma... A... La... La? Ha? Anong hindi maalala? Walang nangyaring kababalaghan sa gabing iyon!" sigaw ko sa kaniya dahil baka gumagawa ito ng istorya na hindi naman totoo. Oo nga ang Mayor ang utak ng lahat ng ito, ngunit wala namang nangyari na kababalaghan na nakita ko? Ano ba pinagsasabi mo?!" ani ko't umiiyak na. Dahil hindi ko matandaan kung anong pahiwatig niya sa mga sinasabi niyang Sabado ng gabi, nakita ko na nakita niya na 'di ko daw maalala!

Sa totoo lang hindi ko alam kung papaniwalaan ko ang lahat ng mga sinasabi niya kung wala lang ang mga iyak at makikitang-makikita sa mata na nagdanas sa ngayon ng sakit ay gustong-gusto ko siyang pagtawanan! Ngunit alam ng puso ko, alam nito na totoo ang lahat ng sinasabi ng Ginoo. Hindi lang ako naniniwala dahil tila'y may kulang sa lahat ng nangyayari. Kulang ng detalye sa isip ko, pero ang puso ko'y hindi magkakamali.

"Zeh... Mex...?" tanong ko sa sulat niyang napansin ko na nagsusulat siya.

"Sino, Ano at Saan 'yang Zehmex, Ginoo?" tanong ko sa kaniya ngunit ngumiti muna siya bago nagsulat.

Akin lang nasa isip ngayon ay kung bakit tumatagal siya ng ilang minuto kung sa nabasa kong libro naman ay nasa isang minuto o hindi pa nga ito umaabot kung ikaw ay nasa ikalawang yugto. Ngunit iniwaksi ko sa kaisipan ang mga tanong ko sa isip tungkol sa nangyayare dahil ang maa importani ngayon ay ang buhay ng Ginoo.

"A... Ko? Ikaw si Zehmex?" basa ko at tanong ko sa kaniya ngunit ngumiti lang siya. Wala sa sarili kong napayakap sa kaniya. Tila ba'y ang puso ko ay nagdiwang dahil sa lakas ng pintig ng aking puso. Hindi ko nga alam nadidinggan ba niya malakas ng 'durubdubdub' ng puso ko. Tila'y mas lumakas ang tunog ng tambol ng puso ko nang naramdaman ko ang kamay niya sa aking likod. Hindi ko sa malaman na dahilan ay kung kanina ay umiiyak ako dahil hindi ko maintindihan ang nangyayare at sa sitwasyon niya ngayon naman ay sa sayang aking nalaman dahil sa pangalan niya.

"Sayo," dinig kong maliit na boses niya.

"Ako si Ellesmere Abi–," naputol ang hininga ko ng bigla nalang siyang naghahabol ng hininga at pilit na sumisinghap ng hangin. Kaya't ako'y nagulilat sa kung ano ang gagawin ko! Ano?! Ngunit sa kahuli-hulihan ay wala akong nagawa. Bigla nalang siyang nawalan ng lakas, tumutulo ang luha at pilit inaabot ang aking mukha.

"Kapatid ko at magulang mo," huling sambit niya at nahulog ang kaniyang kamay na lumalamyos sa aking mukha. Wala na, wala na si Zehmex! Pagbabayaran mo ito Mayor, dahil sa oras na magkikita tayo ay pagbabayaran mo ang lahat ng kahayupang ginawa mo sa bansang ito!

Napa-upo dahil nawawalan ng lakas, napuno ng hagulhol ko ang kwarto. Bakit ba kailangang mawala ang mga mabubuting tao kung pwede naman ang mga masasama! Bakit? Bakit napakamadaya ng mundo? Oh kaya'y ikaw Bathala ang madaya?!

Ang malamig at walang buhay na kamay na aking hinahawakan ngayon ay wala na, ang unang taong nagturo sa akin ng mga bagay na akala kong hanggang sa panaginip lamang ko lang makakamtan, ngayon ay wala na. Wala na ang taong ikalawang lalaking aking minahal, wala na si Zehmex.

Ngunit ako'y napatayo ng marinig ko ang hiyaw ng kapatid niya! Kaya't dali-dali akong bumaba ngunit sa ikalawang pagkakataon ay nakahandusay na ito, wala nang buhay at may saksak ng kutsilyo diritso sa ulo. Napatuod na lang ako sa aking nakita, ang babaeng aking iniligtas ay ngayong naligo sa kaniyang sariling dugo. Bakit?! Bakit kailangan kong masaksihan ang lahat ng ito?!

Ako sana'y luluhod pa para aluin ang kaniyang kapatid ngunit bigla akong nanginig ng may naalala ako. Kahit nanginginig buo kong katawan ay pinipilit kong tumakbo pabalik sa bahay, hindi ko pinansin ang luha na umaagos. Nang makarating na ako ay sirado ang pintuan, pili't kong binubuksan ay hindi talaga ngunit pumasok sa aking isipan ang sa likod na bintanang kulang sa kahoy pangtakip kaya't agad akong tumakbo at pumasok.

"Ama? Ina?" tawag ko sa kanila ng makapasok na ako sa bintana. Tila'y mayroong tao dito sa bahay dahil napaka-kalat ngunit hindi naman ito ganoon kanina.

"Ama? Ina?" tawag ko sa kanila ulit ngunit walang sumasagot hanggang sa 'di mabilang na pagkakataon ay malapit na mapapaos amg boses ko ay walang sumasagot kaya't ako'y umakyat sa hagdan at pumunta sana sa aking kwarto. Ngunit ako'y napatakip sa aking bibig, ang kaninang bumubuhos na luha na ngayon ay mas malakaa pa sa gripo ang ang buhos.

"Ama, Ina?!" sigaw ng aking hinagpis ko sa kanilang pangalan. Nakahandusay at katulad ng kapatid Ni Zehmex ay may saksak sa ulo at naliligo sa kaniya-kaniyang dugo!

"Ama! Ina!" sigaw ko sa mundo. Ang sakit na aking naramdaman ngayon ay hindi ko na alam kung mararamdaman ko ang sarili ko bukas. Iniwan ako ng lahat! Niisa ay walang itinira! Kahit, kahit si Ina't Ama man lang! Sana isang panganinip ang lahat ng ito! Ang aking hinagpis, iyak, sakit na aking nararamdaman at nangyayare sa kanila, sana.

Bakit ang tanga ko?! Bakit hindi ako agad tumalima sa mga sinabi ni Zehmex kanina?! Ang hina-hina ko! Ang bobo ko! Napakabobo! Literal na bobo! Kasalanan ko ang lahat ng 'to! Kung sana'y naintindihan ko ang lahat ng mga sinabi ni Zehmex ay hindi mangyayare 'to! Alam ko ang nangyayare sa mga oras na 'to!

"Ama! Ina!" huling sigaw ko ng mapaos na anng aking boses. Wala na, hindi na maibabalik! Hindi na maibabalik ang mga oras na buhay pa sila! Hindi na maibabalik ang mga oras na binibigyan nila ako ng napakatamis ja ngiti! Hindi na maibabalik! Ang sakit, ang sakit-sakit!

Aking napansin sa likod ko ang nakasulat sa pader. Nahirapan akong ikuha ang papel dahil ito'y malayo at isali na ang napakasalimoot ng kwartong ito. Nagsitumbahan ang mga aparador at kama at ang mga damit at alahas ni Inay y nasasahig nagkalat.

"Tu autem ibis ad iter, aut non vis aut non. Hoc requirit animam tuam in ore usque ad cultro."(You will join the path, either you like it or not. It requires your life until the edge of a knife.) basa ko sa sulat ngunit naramdaman kong may tumusok sa likod ko at bigla akog niyakap sa dilim na aking ipinapalangin na hindi na ako mawawala sa dilim. Ngunit nagkamali ako, ako pala'y hindi napunta sa dilim kundi sa impyernong buhay.