"Maligayang Bati sayong kaarawan, Anak!" masiglang bati ni Ama't Ina. Ako naman ay hindi ko lubos mawari kung ako ba ay ngingiti
o iiyak dahil naghalu-halo na ang emosyon ko. Sapagakat ngayon lang ako nakaramdam ng saya sa aking kaarawan dahi sa mga nagdaang kaarawan ko ay hindi naman nila ako hinahandogan ng sorpresa o kahit ano-ano, para bang wala lang sa kanila o sa madaling salita ay tila'y wala silang anak.
Kaya ngayon ay gusto kong tumawa, umiyak at maglundag-lundag dahil sa saya. Itong araw nato ang lagi kong pinapangarap simula ng ako pa ay bata. Napakaswerte ko sa aking kaarawan, ako ay lubos na magtatanaw sa aking bukas na ngayong taon na ako ay dese-syete ay masaya ang aking kaluluwa sa lahat ng araw dahil sa wakas ay akin na silang maaabot, mahahawakan at mahagkan sila kahit kailan.
Ako ay dali-daling lumakad patungo sa kanila para hagkan ang kani-kanilang katawan na siyang nagdusang maghanap-buhay para ipapakain ako. Alam kong napakapanget ko ng tingnan dahil kakagising ko lang at grabe na ang iyak ko.
"Salamat Ina, Ama," ang katagang iyan ay aking sinabi sa kanila dahilan para ako ay humagulhol at sila naman ay nagpalabas ng simpleng tawa. Si Ina na mas niyakap ako at si Ama na nagpapatahan sa akin. Napakaswerte ko talaga sa kanila.
"Walang anuman, Anak. Lubos kaming maghihingi sayo ng tawad dahil sa pagtatrato namin sayo noon. Alam naming mali ang ginawa namin ng Ina mo kaya kami'y bumababawi. Patawad," taos-pusong sabi ni Ama na siyang ikinangingiti ko at lintik na luha ay bumuhos na naman. Kaya't tumatango na lang ako sa kanila dahil hindi na ako makakapagsalita dahilan sa aking iyak.
"Ito lang ang handog namin para sayo, anak. Sana ay magustohan mo. May isa pa kaming ibibigay mamayang gabi dahil mamayang hapon pa 'yun darating. Kung mayroon ka pang gusto ay kaagad namin itong pahihintulutan o kami ang gagawa ng iyong Ina," ani ni Amang nakangiti habang binibigay sa akin g regalong pula ang takip na may lasong itim.
"Salamat, Ama, Ina! Lubos ako nagpapasalamat sa inyo dahil ako ay hinandaan niyo ng sorpresa pati ang mga regalo na inyong ibinigay. At kung inyong mararapatin ay mayroon akong kaibigan na gusto kong imbitahan!" masigla kong sabi sa kanila. Ngunit napakunot ang kanilang noo at kaagad din namang ngumiti sila tila ba'y kuryuso silang malaman kung sino ang kaibigan ko.
"Sino ba iyan anak?" malambing na sabi ni Ina. Parang tunog tukso 'yun ah!
"Ina naman, kaibigan ko lang. Iyon pong Ginoo sa kapitbahay Ina at pati na rin ang munting kapatid niya, 'wag kang mag-alala Ina, Ama, mga mabubuting tao po sila at kasing edad ko po iyong Ginoo!"halata sa aking boses ay ako ay may konpidensiya na aking ipakilala sa kanila na ako ay may mabubuting kaibigan.
Nagkatinginan sila ni Ama, at nagsitanguan naman. "Sige Anak, papuntahin mo rito ang iyong kaibigan pati narin ang kaniyang pamilya dahil maghahandog kami sayo mamaya ng munting salo-salo," ngiting sabi ni Ina. Ako naman ay napalungkot ng banggitin niya ang pamilya dahil walang magulang ang Ginoo sa kanilang bahay.
"Nakakalungkot mang sabihin Ina ay wala silang magulang na nag-aaruga sa kanila. Sapagkat ang kanilang magulang ay nagpapakahirap magtrabaho sa bansang Foma," diritsong sabi ko sa kanila.
"Aba, dapat ngang imbitahan mo sila mamaya. Kung ang iyong gusto ay kami ang pupunta sa kaniya o ikaw ang bahala kung paano mo siya papuntahin sa bahay. Kaibigan mo naman siya kaya't alam kong alam mo na paano ka makikipagkomunikasyon sa kaniya," ngiting ani ni Ina na siyang ikanalundag ko sa tuwa.
"Salamat Ina, Ama! Ako na po ang bahalang mag-iimbeta sa kanila!"
"Oh sige! Papabayaan kita kung 'yan ang iyong gusto. Kami muna ng Ama mo ay aalis muna dahil mayroon siyang asikasuhin na mga papeles at kailangan ko siyang samahan. Huwag kang mag-alala dahil hindi makakansela ang selebrasyon natin mamaya."
"Sige po, maraming salamat ulit!" sila na ay timalikod na at ako naman ay patakbong nagpunta sa kwarto para tignan ang kanilang regalo sa akin.
Ako ay napanganga sa kanilang regalo, kasi naman napakakinis, napakaganda at alam kong mamahalin ng ukeleleng ito. Agad kong ikiniskis ang aking kuko sa kuwerdas at gumawa ng isang tono. Napangiti ako sa linya ng tono na komokonekta sa aking puso. Malambot, kalmado at mapapasayaw ang mundo.
Inihagis ko ang bato sa kanilang bakuran na may papel na liham pag-iimbita mamaya. Napagdesisyonan ko na maligo muna at talagang amoy na amoy ko na ang baho ko. Para mabigyan ko siya ng oras para magsaya dahil sa wakas ay makilala na niya ako pati ang mga magulang ko.
Hindi ko alam kung bakit hindi siya lumalabas kanina pa ako naghihintay dito sa bintana. Magdidilim na ngunit hindi man lang siya lumabas o ang papel na aking binato ay hindi manlang gumalaw. Ano kaya ang nangyari sa kaniya?
Ngunit nabigyan ako ng pag-asa ng lumabas ang babaeng kapatid niya, pansin kong may dala siyang bato na may liham din ngunit alam ko yung sa akin dahil nasa daanan pa ito. Ibinato niya ng malakas ako naman ay naparagilid para hindi matamaan ng tingnan ko ang kapatid niyang babae ay gunalaw ang kaniyang liig bilang pagsasabi ng hindi pagsasang-ayon. Hindi pagsasang-ayon? Saan?
May kung ano-anong nagtulak sa akin na agad basahin ang liham niya. Kaya't dali-dali kong binasa ngunit nahulog lang ito dahil sa aking pagkabigla kung anong isinulat niya sa liham. Bakit? Wala akong nagawang masama o kahit anong mali. Ngunit tumigil ang mundo ko nang mayna-alala ako. Natuod, nanlalamig, nanghihinang huminga at nawalan ng lakas.