Chereads / Hymoneurí Academy / Chapter 4 - Kabanata 3: Kasaysayan

Chapter 4 - Kabanata 3: Kasaysayan

Sa ika-apat na daan at bente otso na pahina ng Historia Orbis Terrarum Andastre ako'y napahikab. Tama na ata itong nabasa ko sa araw na'to, nalaman ko na nagsimula ang lahat ng ito sa tahimik na mundo na kung saan ay lahat ng tao ay pwedeng gawin kung ano maliban lamang sa paggawa ng masamang gawain. Itinawag ang mundong ito noon na Odile: Ang mundo ng Kabutihan na pinamumunuan ni Hagan. Sa tulong ng kaniyang asawang na naggabay sa kaniyang mga desisyon na si Atalia at ang kaniyang makikisig na sina Kamal at Niklaus, na sekretong nakikipagkompetensiya sa isa't isa. Ang kaibahan lamang ay si Niklaus ay ginagamit niya sa mga mabubuting paraan habang si Kamal ay sa maruming paraan.

Naging baliktad ang lahat ng ito ng nagsimula ng nagkasakit si Haring Hagan, sa natitirang araw niya ang mga tao na kaniyang pinamumunuan ay nag-alala sapagkat natatakot sila na mawawala ang kanilang Haring napakabuti sa kahit kanino at isa pa ay baka na ang mundong ito ay maging maaliwalas na kung papamunuan sa kahit sino o sa taong may itim na budhi.

Sa huling dalawang araw ni Haring Hagan ay kaniyang napagdesisyonan kung sino ang mamuno sa mundo ng Odile, ito ay si Niklaus. Si Kamal ay lubos nagalit sa katotohanang siya ay hindi napili ng kaniyang ama kung iisipin ang lakas at paano mag-isip siya ang mas karapatdapat maging Hari at isa pa ay siya ang mas matanda kay Niklaus. Kaya sa isang araw na nawala siya sa pagkokorona ng bagong hari ay nagtago siya para gumawa ng hukbong makakapagpatay sa kaniyang pamilya. Ang mga hukbo ay nag-atubiling sumali kung hindi lamang sa mga benepisyo nilang makukuha kung lalaban sila kasama ni Kamal ay hindi sila papayag.

Sa kasamaang palad ay natalo ni Kamal at ang kaniyang hukbo ang hukbo ng kaniyang Ama at ni Niklaus. Siya ay lubos na nagdiwang sa kaniyang pagkapanalo, gumawa siya ng bahay ng pasugalan at libreng pagpatay. Kaya dito na nagsimulang maging maaliwalas ang mundong Odile. Ngunit hindi nagtagal ang kaniyang pagiging Hari dahil siya ay nagkasakit ng kanser sa balat. Isa lang ang naging kaniyang anak na si Isaac, kaya't ito'y nahirapan sa pagpamahala sa mundong Odile dahil sa kaniyang edad na dese-syete lalo na't wala siyang ina, dahil ang ina niya ay isang katulong lamang na pinatay ni Kamal pagkatapos na ipinanganak siya na lingid sa kaniyang kaalaman.

Kaya madali lang siyang naminipula ng limang lider ng mga hukbo ni Kamal na sina Foma, Sorcha, Rieka, Devika at Snežana. Ito'y kanilang kinontrol, ang lahat ng kanilang sasabihin ay kaniyang tutuparin. Marami ang kanilang binago; ang dating Odile ay ginawang Andastre at sina Foma, Sorcha, Rieka at Devika ay kanilang hinahati hati ang Andastre; Si Foma sa Kanluran, Si Sorcha sa Silangan, Si Rieka sa Hilaga at si Devika sa Timog. Ang kanilang nakuhang territoryo ay ginawa nilang pangalan ay ang kanilang mismong pangalan.

Ngunit nakapagtaka ay walang nakuha si Snežana sa mga ari-arian lalo na't siya naman ang namuno sa kanilang pagpaplanong magkontrol ni Isaac. Aking binuklat ang kasunod na pahina ngunit ito ang hindi kasunod sa naunang pahina! Ang aking kilay ay nagsimula ng umusbong dahil sa pagtataka kung bakit may nawawalang pahina. Aking binuklat ang lahat ng pahina baka sakali ito'y tinupi lang ngunit wala naman akong nakitang nakatupi. Tiningnan ko ang iba pang libro ngunit wala rin naman. Pumasok sa aking isipan na hindi kaya'y may sekreto dito? O namatay si Snežana sapagkat hindi ko pa naman natapos ang libro. Tama, walang mali dito. Di ko pa lang talaga natapos.

Naputol ang aking pag-iisip sa kung may misteryo ba sa nawawalang papel o wala sa may kung ano-anong bagay na pumalantik sa aking bintana. Kaagad akong tumayo para tignan kung ano ang kailangan niya.

"Oh, Ginoo?" taas-kilay kong tanong sa kaniya habang siya naman ay natawa sa aking reaksiyon. Aish, kahit kelan talaga lagi nalang tumatawang timawang ito daig pa yung taong may sakit sa utak. Sumenyas siya sa libro at isasa-uli niya daw yun sa akin dahil ito ay kaniyang hiniram noong isang linggo.

Para sa akin ang mga libro ay mga diyamante dahil alam kong magagamit ko sa lahat ng panahon ang aking kaalaman. Ngunit ang tiwala ko para sa ginoong ito ay labis-labis na dahil pinahiram ko sa kaniya ang isa sa mga inpormasyong libro ko. Ngunit ako naman ay nagtiwala sa lalaking aking tinulungan lang at naka-usap ko ng ilang buwan ngunit hindi pa namin alam ang isa't isang pangalan. Iwinaglit ko ang aking iniisip dahil pwede namang magtiwala kung alam mo naman kung gaano kabuti yung tao kahit hindi mo alam ang pangalan.

Ako'y tumango sa kaniya at sinimulan kong binuksan ng napakalaki ang bintana para siguradong madiretso sa kwarto. Hindi na muling isinara ni Ama o ni Ina ang akibg bintana na hindi ko alam ang dahilan o talagang hindi ko lang kayang sabihin sa sarili ko na gusto nilang magkasakit ako ng sementa para wala na silang pabigat na anak.

At sa ika-hindi na mabilang na pagkataon ay nahulog diritso sa kuwarto ang libro. Hindi na naman magagawa niya ang taya ko sa kaniya na kapag hindi niya mahulog ang libro diritso sa kwarto ay sasayaw siya. Dumungaw ako sa bintana at tinarayan siya, siya naman ay parang gagong tawang-tawa sa daan. Akin siyang sinenyasan na umuwi na siya sa dahil delikado na ngayon dahil ngayon ay sabado ng gabi ngunit napakatigas ang ulo niya. Ngingiti lang siya at tatawanan akong nagtataray sa kaniya. Ako'y pumasok sa kuwarto para kunin ang libro na kasunod ng kaniyang binabasa, ang tungkol sa paggamot sa sakit na sementa.

Kaagad kong inihagis sa kaniya siya naman ay walang hirap na sinalo ang libro kahit napakalakas ng aking hagis. Akin na siyang sinenyasan na umuwi na siya ngunit hindi parin! Malapit na mag-aalas-onse ng gabi! Baka anong mangyari sa kaniya.

Ngunit ako ay napatood nang nagsimula ng humiyaw sa sakit ang mga tao sa kanlurang bahagi sa daan. Ang Ginoo naman ay napatood din siya sa kaniyang kinatayuan at nakatitig siya sa akin, blanko pero halatang nanginginig ang katawan at takot. Agad siyang tumakbo patungong bahay nila para magtago ako naman ay dali-daling isinarado ang bintana.

"Bathala, sana iligtas mo si Ginoo at ang kaniyang kapatid sapagkat silang dalawa lamang sa bahay nila ngayon," 'yan lamang sa isipan ko ngayon, ang maligtas sila sa mga halimaw.