Chereads / Three Jerks, One Chic, and Me / Chapter 33 - Changes

Chapter 33 - Changes

Chapter 33: Changes 

Reed's Point of View 

Nakaharap sa salamin habang isinasara ang buttones ng aking school blazer. Tirik na tirik ang sikat ng araw sa labas habang maririnig ang himig ng mga ibon na nagmumula pa sa mga puno puno.

Pumunta ako sa harapan ng aking lamesa kung saan nakapatong ang litrato ni Rain, nakangiti ito kasama ang mga magulang ko. Kinuha ko ang picture frame at tinitigan sandali ang litrato, muling nanumbalik ang mga alaala na kailanman ay hindi na p'wedeng mangyari at bumalik ulit.

Higpit kong hinawakan ang frame, "Hahanapin ko ang may gawa nito sa inyo…" pinakita ko sa litrato ang kamao ko na animo'y nakikipag bro fist sa kanila, "Pangako"

Balik sa normal ang lahat, dito kami nanatili ni Kei sa Smith Mansion habang wala pa kaming malilipatan. Tutal plano na rin kasi nilang ipagiba ang mansion. Hindi na nila sinabi ang dahilan at wala akong balak tanugin. Para sa 'kin, okay na rin iyon nang hindi na bumalik 'yong mga mapapait na alaala. Nahihirapan ako... 

Si Tita Jen bumalik na sa California dahil kailangan na siya do'n ng kanyang asawa para sa business nila. Balitaan na lang daw namin sila kung okay na ang lahat dito. Tatawag-tawagan na lang daw niya kami. 

Umalis na ako sa kwarto para bumaba. Ang totoo niyan, wala pa rin akong ganang pumasok. Pero wala, eh. Kailangan. Ayoko namang manatili na lang sa kwarto ko dahil mas guguluhin ako ng kalungkutan ko. 

Sinalubong kaagad ako ni Jasper ng akbay at nung maingay niyang bunganga nang makatuntong ako sa pinakaibabang palapag. "Babe! I miss you, babe!" at ginulo pa nito 'yung buhok ko kaya tinulak ko siya.

"Ano ba! Umayos ka nga!" naiirita kong singhal at inayos ang buhok ko. Ang gulo tuloy! Para namang hindi niya ako nakita kahapon!

Hindi niya ako pinansin at muli nanaman akong inakbayan, "Ano'ng ginawa ninyo ni Haley sa Smith Hotel, ha?" mapanuksong tanong na may pagtaas-baba pa ng dalawang kilay. Ganito na ang itsura niya kaya kamanyakan nanaman iniisip nito.  

  Binatukan ko siya, "Sira! Wala kaming ginawa!" kung anu-ano iniisip, eh!

  Pumitik siya sa ere na parang nanghihinayang sa naging sagot ko, "Sayang, chance mo na 'yon, eh. Oh, sige. Tayo na lang ang may gagawin." at ipinulupot niya ang mga kamay niya sa leeg ko para halikan ako nang tadyakan kaming pareho ni Harvey.

  "Nasa bahay ko kayo pero ang iingay n'yo." kalmado lang ang pagkakasabi niya pero malalim na boses ang gamit gamit kaya nagmumukha pa rin siyang galit. Nasa likuran niya si Kei na may ngiti sa labi.

  Huwag ka ngang ngumiti diyan!

Bumaling sa akin si Kei, "Baka gusto mong puntahan si Haley sa kwarto niya?" tanong niya sa akin kaya namilog naman ang mga mata ko.

"B-bakit kailangan kong pumunta sa kwarto niya?" taka kong wika kasabay ang malakas na pagbukas ng pinto dahilan para sabay-sabay naming tingnan ang pumasok, "Mirriam?" banggit ko sa pangalan niya na siya naman ang saktong paghinto ng tingin niya sa 'min.

Tinuro niya ako, "Ikaw!"

Umatras ako ng isang hakbang, "Eh?" takang reaksiyon ko naman saka siya nagmartsa palapit sa akin. Hinablot niya ang kwelyo ng uniporme ko para ilapit sa kanya.

"Nasa'n si Haley?!" hanap niya kay Haley. Gusto ko ring itanong 'yan kaya bakit sa 'kin niya hinahanap?!

Tinuro ni Kei ang itaas sa bandang kanan, "Nasa kwarto, may sakit." pagsagot niya sa pareho naming tanong. 

"May sakit?" koro naming tanong ni Mirriam at nag-unahan papunta sa kwarto ni Haley. Sa kalagitnaan ng patakbo naming pag-akyat ay napahinto rin kami't nilingon si Kei.

"Nasa'n kwarto niya?" tanong ko kaya biglang napabuntong-hininga si Harvey habang nagpipigil naman ng tawa si Jasper. Kotongan ko 'tong monggoloid na 'to, eh.  

***

UNGOL NI Haley ang pumainlanlang nang makapasok kami sa Red and Pink Theme Room n'ya. Simple lang 'yung ayos kahit medyo girly 'yong kulay nu'ng kwarto niya. Ngayon lang ako nakapasok dito kaya namamangha ako na ito pala itsura ng kwarto niya.

Lumapit kami kay Haley na ngayon ay nakatalukbong ng makapal na kumot, inilabas lang niya 'yung ulo niya nang marinig na may pumasok. Suminghot siya at inilipat ang tingin sa akin, "Ba't ka nandito?"

Pilit akong ngumiti, ayaw ba niyang nandito ako?

"Haley, ito pala 'yung handouts na pinapabigay ni miss Kim." sambit ni Mirriam nang mailabas sa bag ang mga papel. Inilagay niya 'yun sa side table ni Haley saka kumamot sa pisnge gamit ang hintuturong daliri. Parang nahihiya siya. "S-sana gumaling ka na."

Tipid siyang nginitian ni Haley, "Nag-abala ka pa, thank you but I'll be fine. Just a cold." napaawang bibig ako. Is it because of me that she got a fever?

Napayuko ako. She stayed in that room for too long, hindi nga yata siya natulog ng husto dahil sa pagbabantay sa akin kaya siguro siya nagkasakit. Tsk! Kasalanan ko 'to, eh

"I-I'm sorry." hingi kong pasensiya dahilan para tingnan nila akong lahat. Nagtataka sa biglaan kong pag-sorry. "Dahil sa 'kin, nagkasakit ka pa." nagsisisi kong wika. Kung hindi lang niya ako binantayan dahil sa katigasan ng ulo ko, malamang okay sana siya ngayon.

Ibinaling naman ni Haley ang tingin sa 'kin, "Are you stupid? Pinili kong gawin 'yun and the choice is not yours. Huwag kang magpaawa effect diya--" bumahing siya bigla na sakto naman ang pagtalsik ng laway niya sa 'kin.

"Haley!" sita ko at umaktong pinunasan 'yung damit ko, natawa naman bigla si Kei at Jasper habang para namang nawe-weird-uhan si Mirriam na nakatingin sa 'kin. "Matuto ka ngang magtakip ng bibig mo!" dagdag ko pa. 

She just rolled her eyes at me saka niya kinuha ang panyo sa kabila pa niyang side table na nagpapukaw sa akin ng atensyon. Plain White lang ito na may disenyong pusa sa ibaba nito. 

Sisinga siya roon nang mapabulyaw ako, "Ano'ng ginagawa mo?!" walang gana lang siyang nakatingin sa akin nang suminga na lamang siya sa panyong iyon. "Hoy!" at susugurin ko pa sana nu'ng hawakan na ni Harvey at Jasper ang balikat ko.

  "Easy, ano ba'ng problema mo, men?" pabiro na tanong ni Jasper. "Ba't galit na galit ka?" dagdag pa niya. 

  Ibinaba na ni Haley 'yong panyo 'tapos ipinakita sa 'kin 'yon, "What am I doing? Siningahan ko" pamimilosopo niya't iwinagayway pa 'yung tela. "A boy gave this to me." sagot niya kasabay ang pagsinghot. "So, why are you making that face? Ano ba'ng pakialam mo rito?" 

   Napaawang ako sa kanyang natanong at umayos ng tayo. Geez, what the heck am I doing?

  "Oh, siya! Siya! Pagpahingahin n'yo muna si Haley para madali na lang siyang gumaling. Tara na." yaya ni Harvey at nagpamulsang naglakad palabas ng kwarto. Nagpaalam na sila Jasper kay Haley at umalis na rin sa kwarto. 

  "Thank you ulit." pagpapasalamat ni Haley kay Mirriam na medyo nahirapan pang magsalita dahil sa sipon niya. Tinutukoy rin niya 'yong pagdala nung mga handouts. 

"Wala 'yon. Nautusan lang din naman ako." ngisi ni Mirriam saka lumabas ng kwarto. Kami na lang ni Haley ang natitira rito ngayon.

  Umayos naman siya ng higa saka dahan-dahang inilipat ang tingin sa akin, "Oh? Ano pa'ng ginagawa mo rito? Kung wala ka ng kailangan, layas na. Shoo, shoo." pag gestured niya sa akin. 

  Bumuntong-hininga ako, "Alam mo, parang spada 'yang bunganga mo kahit may sakit ka na."

Inirapan lang niya ako at tinalikuran, "Tss, I couldn't care less." patuloy pa rin niya sa pagtataray sa 'kin kaya tumalikod na lang din ako. I was about to take a step when she spoke.

"Don't do it again."

I turned around to look at her, nakatalikod pa rin siya sa akin at mas kinumutan ang sarili. "I'll smack you if you're going to run away, Reed." nakatingin lang ako sa kanya nang mapaharap ako.

  Napahawak na rin ako sa dibdib ko nang maramdaman ko ang malakas na pagtibok nito. Tumango saka malawak na napangiti, "Thank you."

  Sometimes, maybe I act like I don't care. We always fought to each other but every time I got to see you? I have this feeling that I want to protect you, especially the smile that you're making on your lips right now.

Pumaharap na 'ko ng tingin sa pintuan at binuksan ang pinto, "I'm happy that you came into my life." sambit ko. Narinig ko ang mahina niyang pagsinghap niya ngunit bago pa man siya makalingon ay nakalabas na ako ng kwarto niya.

Pababa ng hagdan habang suot-suot ang masayang ngiti. She changed me without changing my feelings.

Nakababa na ako at sa ngayon ay hinihintay na lang ako ng mga kaibigan ko sa may pintuan.

Si Mirriam naman, nandoon lang sa may bandang frame at nakasandal at masama ang tingin sa 'kin. 

'Di ko lang pinagtuunan ng pansin at nagpatuloy lamang sa paglalakad. 

"You're too slow" reklamo ni Harvey.

Inilayo ni Mirriam ang tingin, "Kailangan ko ba talagang sumama?" nahihiya pa nitong sabi habang sinusundot-sundot ni Kei ang pisngi niya. 

"Bro! May oras pa tayong kumain sa convenience store! Bili tayo ng Koaded ni Hale para kunwari kasama natin siyang kumain." sabay pogi sign niya. Talagang pinapahalagahan niya mga kaibigan niya.  ."

Pa-simple akong ngumiti saka lumapit sa kanila. Life is too complicated to deal with… If you want to be strong, you have to go through hard time. Learn from the mistake to be wiser and experience sadness to make you happier.    

Hindi lang ito ang mararanasan ng mga tao sa mundo gayun din ako, alam kong mas marami pa kaming pagdadaanan pagdating ng panahon. But when life is too hard for me, I want her to be always there for me. If I'm going to be selfish again, I want her to stay and cry with me. 

"Lah! Ngumingiting mag-isa, oh?" pang-aasar ni Jasper sabay takip ng bibig.   

"Is he thinking about pervert stuff?" taas kilay na sabi ni Mirriam.

"Si Haley ba 'yan?" taas babang kilay na pang-aasar ni Kei.

"P're, huwag dito. Nakakahiya." walang ganang wika ni Harvey.

Napahinto naman ako't namula sa sinabi nila, "Hindi nga!"

…Simula pa lang ito ng kwento.