Chereads / Three Jerks, One Chic, and Me / Chapter 38 - Fooling Mode

Chapter 38 - Fooling Mode

Chapter 38: Fooling Mode

Reed's Point of View 

Inagaw ni Haley ang kutsilyo na kakakuha ko pa lang sa lalagyan at sinimangutan ako, "Geez, sabi ko ngang ako na lang dahil baka masugatan ka. Hindi ka naman marunong, eh." she said as she underestimated me.

Bigla naman akong nahiya sa sinabi niya, "P-paano mo nasabi na hindi ako marunong?" nauutal kong tanong. Hindi pa naman niya alam kung marunong ako o hindi. Pero 'di naman talaga ako marunong, wala pa akong karanasan magluto ng matino kaya nga kapag may activity sa cookery namin noon ay lumalayo talaga ako dahil nakasunog na ako ng kusina.

Itinaas niya ang kanyang kamay sa tamang posisyon ng paghawak ng kutsilyo, "The way you held the knife." simpleng sagot niya 'tapos nag chop na ng gulay. Nakatitig lang ako sa kanya nang bigla siyang mapahinto.

Ang sunod na lang na nangyari ay napatingin siya sa kanyang kamay kung saan nasugatan ang daliri niya dahil sa hindi sinasadyang paghiwa nito.

Dali-dali ko siyang nilapitan para i-check iyon. "Ikaw naman kasi! 'Di ka nag-iingat, eh? Stupid woman." naiinis kong wika't kinuha 'yong kamay n'ya. 

"Hey, I'm okay... Nangyayari 'to minsan sa 'ki--" tumigil siya sa pagsasalita nang sipsipin ko ang nagdudugo niyang daliri. Nagulat ito sa aking ginawa na pati bibig niya'y nag form na ng bilog. "R-Ree-Reed?"

Dinura ko sa lababo 'yong nasipsip kong dugo kasama ang bacteria. Kumuha ako ng band aid sa bulsa at inilagay iyon sa daliri niya. Palagi akong nagdadala ng band aid incase magka-scratch ako.

Bumuka sara ang bibig niya kaya napataas ang kilay ko habang marka sa 'kin ang sobrang pagtataka. "Bakit ang pula naman nu'ng mukha mo?" walang ideya kong tanong pero wala siyang imik at pulang pula pa rin na nakatitig sa akin.

Animo'y naghahanap ng salita na p'wedeng sabihin. "Haley?" tawag ko sa pangalan niya saka na-realize 'yung ginawa ko. Napabitaw ako sa kamay niya't paulit-ulit na humingi ng pasensiya.

"I'm sorry! Madalas ko rin kasing gawin 'yan kina Kei dahil sabi ng parents ko na mas madaling mawala ang bacteria kapag ginawa ko 'yon! Sorry talaga!" hiyang hiya kong sabi sa kanya na inilingan lang niya.

Tumalikod siya sa akin. "I-it's fine"

May biglang tumikhim sa kung saan kaya dahil sa gulat, napasigaw kaming pareho. "Kei! Aatakihin na ako sa 'yo, eh!" asar na sabi sa kanya ni Haley.

Kaso ano'ng ginawa ng babaeng iyon? Ngumiti lang siya ng nakakaloko!

"Oops? Did I disturb you?" she said with a grin on her lips. Obviously... She saw what I did there.

"No-- Hala! Umaapaw na 'yong tubig!" Nagpa-panic na wika ni Haley at pilit na sinasarado ang kalan. Ngunit dahil naman sa init, hindi na niya ito maisara.  

"Dahan-dahan lang kasi, Haley!" tinulungan ko na s'ya pero maski ako ay naiinitan.

Nagtakip ng bibig si Kei, "Omo..." rinig ko mula kay Kei, lumingon ako sa kanya na mukhang amaze na amaze sa nakikita.

"Anong omo ka d'yan?! Halika rito!"

Jasper's Point of View 

Narinig namin ang sigaw ni Reed at Haley kaya agad agad kaming pumunta kung nasaan sila. Nang makarating sa kusina, naabutan namin ang dalawa na nagkakagulo na ro'n.

"Ano'ng meron?" takang sabi ni Harvey habang nakatingin do'n sa dalawa.

Humawak sa pisnge si Kei at malawak na ngumiti, "Wala naman, nagsasaya lang sila" sagot nito saka natawa ng bahagya.

*** 

LUTO NA ANG pagkain namin kaya naghain na kami. Umupo na kami sa kanya kanya naming kainan saka namangha sa pagkaing niluto ni Haley.

"Kumikinang." kumento ni Mirriam habang hindi inaalis ang tingin sa pagkaing nasa harapan niya.

"Ang bango!" puri ko naman. Umuusok pa ito at makikita kung gaano siya kasarap kainin. Nakakatakam!

Kinuha na kaagad ni Kei ang kutsara't tinidor niya, "P-p'wede na bang kumain?" wala naman kaming nagawa kundi ang pumayag, nagdasal muna kami saka kami nagsimulang kumain.

Halos hindi nga kami nag-usap at nakatuon lang ang atensyon namin sa kinakain namin. Hindi ko inaasahan na masarap 'yung luto niya…

…Sa mga nababasa ko kasing manga. Karamihan sa mga tsundere katulad ni Haley, palpak sa ganitong klaseng bagay. Kaya nakakamangha na magaling siyang magluto!

Nauna ng natapos si Kei, "Haley, p'wede ka ng mag asawa" Kei said as she complimented her.

Tumango tango si Mirriam, sang-ayon sa sinabi ni Kei. "Ang sabihin mo, suwerte magiging asawa niya"

Namula ang pisnge ni Haley at umiwas ng tingin, "Please, don't flatter me." sabi niya sabay tingin ulit sa amin, "Saka wala pa nga akong boyfriend, asawa kaagad?" napahinto si Reed sa kinakain niya dahil sa narinig.

Hindi tuloy namin maiwasan ni Harvey na mapangisi. Tumingala naman si Mirriam at ibinaling ang tingin kay Haley.

"Edi wala ka pa talagang boyfriend?" tanong ni Mirriam na inilingan lang ni Haley bilang sagot, "How about ex-boyfriend?"

She looked away, "Of course--"

"MERON NA?!" gulat na gulat naming sabi habang napatakip naman siya ng tainga niya. Inalis naman niya iyon at sinimangutan kami.

"Of course, not. Patapusin n'yo muna kaya ako? At isa pa, hindi ako nakikipag commit lalo na kung hindi pa naman ako sigurado." bumilog ang mata ko sa nalaman ko kay Haley. Mapapa-wow ka na lang talaga.

"Eh, kayo ba? Nagka girlfriend boyfriend na ba kayo?" tanong ni Haley sa aming lahat pero walang nagsalita ni isa sa amin.

Katahimikan...

Humalukipkip si Haley, "Oh...? By the looks of your faces, mukhang wala pa" tugon ni Haley at sumandal sa upuan, "Isa lang ang ibig sabihin niyan, may hinihintay kayo 'no?" teorya niya.

"WALA 'NO!" pasigaw naming sagot kaya napapikit na siya.

Kinuyom ang kamao at inis na tiningnan kami isa-isa, "EH, BAKIT KAYO DEFENSIVE?! BINGI BA AKO?! BAHALA KAYONG MAGHUGAS NG PLATO DIYAN"

Hala, nagalit na siya.

Tumayo na si Haley at tinarayan muna kami bago paabog na naglakad paalis ng dining room. Napatingin kami sa isa't isa na para bang naghihintayan na mag volunteer maghugas ng plato.

"Ang tamad ninyo, ako na nga lang" wika ni Harvey at tumayo na nga.

"Ako na lang ang magliligpit" sabi ni Kei at nagsisimula ng magligpit.

Okay, Chance!

Kinuha ko sa kanya 'yung plato, "Ako na lang ang magliligpit" volunteer ko.

"Ako na lang magpupunas ng lamesa" sabi naman ni Mirriam

Tumayo si Reed, "Sige na ako na lang, umakyat na kayong babae sa kwarto" hindi naman sila nag dalawang isip at umalis na lamang sila ng kusina.

Ngayon, naiwan na lang kaming tatlong lalaki rito. "Sabihin n'yo nga? Nasaan na ba 'yong pampunas?" hanap ni Reed sa pamunas. Ano bang klaseng paghahanap 'yan? Pati sa lalagyan ng spoon and fork, doon hinanap!

Kumamot si Harvey sa ulo n'ya tapos ipinakita sa amin 'yong hawak niyang sponge. "Paano gumamit ng sponge?" halos tumalsik naman 'yong laway ko dahil kay Harvey. T*ngina mo talaga, Harbe!

Hindi ko na lang sila pinakielaman at nagligpit na lang ng mga plato. Ang dali lang naman nito, eh. Kaso akala ko lang pala iyon. Dahil isa isang lumanding ang mga plato sa sahig.

Hala! Nahulog, Nabasag!

Napahawak si Harvey sa noo niya, "F*ck! Ba't mo binasag?!" galit na sigaw niya sa akin

"KASALANAN KO BANG NADULAS SA KAMAY KO?!" pagdadahilan ko. Pero hindi ko talaga iyon kasalanan dahil talagang nadulas sa kamay ko. Wala namang gulong?

"HOY! NASAAN KAKO 'YUNG PAMUNAS NG LAMESA! BAKIT MAY PANTY NG BATA RITO?" hanap pa rin ni Reed sa pamunas. Sa kasisigaw naming tatlo, nagising na ang mga kasambahay.

"Ano'ng nangyayari?" kinakabahang tanong ng isa sa kanila.

"Hala mga hijo, kami na ang bahala diyan" sabi naman ni manang na dali-daling kumuha ng walis para linisin ang mga nagkalat na bubog.

"Pasensya na po!" hinging paumanhin naming tatlo

Haley's Point of View 

Napailing na lamang kami nila Mirriam at Kei habang pinapanood ang mga lalaki sa kusina, napaka ignorante kung kumilos ng mga ito! Hay naku, ito kasi ang mahirap sa mga mayayaman, eh. Walang kaalam alam sa mga house chores!

Umalis na nga lang ako roon para bumalik sa room namin. Inangat ang daliri para titigan ang band aid na binigay ni Reed sa akin kanina, hindi napansin na napangiti at napapadyak na lang sa ere dahil sa kilig. 

Reed's Point of View 

Alas-otso kinaumagahan. Napamulat na lamang ako dahil sa ingay ng ringtone ko. Sa pagpupuyat namin kagabi, late na rin kaming napabangon. Kinapa-kapa ko ang cellphone ko. Sa'n ko ba nilagay?

"Reed. Cellphone mo, maingay." inaantok na daing ni Jasper at malakas na ipinatong ang kamay sa dibdib ko. Napahilik din ito ng malakas pagkatapos. 

Iminulat ko na nga lang ang mata ko at inalis ang mabigat niyang kamay sa dibdib ko para itulak siya palayo sa akin. Kaya napayakap siya ngayon kay Harvey na nagising din bigla dahil sa magulong pagtulog ni Jasper.

Umupo ako sa pagkakahiga 'tapos kinuha 'yong phone na nandoon lang pala sa lamesa na nasa paanan namin. Tiningnan ko ang caller sa screen, unknown number siya kaya sinagot ko rin kaagad. "Hello?" pagsagot ko sa tawag, hindi pa rin nawawala sa boses ko 'yong antok.  

"Hello? Is this Reed Evans?" tanong nito sa kabilang linya kaya muli kong tiningnan ang screen bago idikit ulit sa aking tainga. Ang lalim ng boses niya. "I'm Eugene Dark, the current investigator of the crime incident last July 7. May I know if you're the relative of Rain Evans?" tila nawala ang antok ko at tumayo na para umalis sa kwarto. Pumunta ako sa balcony na malapit sa kwartong pinagtutulugan namin nila Jasper.

Binuksan ko ang pinto at lumabas, hindi pa gano'n kainit ang araw kaya pwede akong manatili rito. "Yes, this is her brother. Reed." seryosong tugon ko.

Tumikhim muna siya bago magpatuloy sa pagsasalita, "We prepared some reports about the criminal activity and have collected some clues regarding to the possible evidence to find the culprit."  

Sumasakit 'yong lalamunan ko at mas bumibilis ang pagtibok ng puso ko. Nanunumbalik nanaman kasi 'yong mga mapapait na alaala. Nahihiraan akong huminga ng maayos.

 Lumunok na muna ako bago sumagot, "Give me all the details, pupunta po 'ko diyan sa station." sabi ko 'tapos tiningnan ang hindi kalayuan. 'Di napigilan ang mapakuyom ang kamao.