Chapter 39: Repudiation
Reed's Point of View
Nag blind pass sa akin ang kalaro ko noong magkaro'n siya ng pagkakataon na maipasa sa akin ang bola. Dali-dali akong tumakbo sa other court at mataas na tumalon para maipasok ng diretsyo ang bola sa ring. 3 points shot!
Narinig namin ang whistle ni coach, "Last shot, p'wede na kayong umuwi." at isinulat niya ang score namin sa maliit na white board.
"Galing talaga ni captain! Kaya ang lakas sa chics, eh." puri ng kasamahan ko at ginulo ang buhok ko. Natawa naman ako habang inaayos pabalik sa dati ang buhok ko. "Kaso wala yata 'yung espren mo?
'Di ko masyadong nakikita." hanap nila kay Kei. Nasa California siya last 2 days ago dahil nagkaro'n ng emergency.Wala naman siyang sinabi tungkol sa iba pang detalye, basta pinapapunta lang siya ni tita Jen doon. May kasama namang bumiyahe si Kei, bale hinatid lang namin siya sa airport.
Bumalik na lamang kami sa mga posisyon namin habang patakbo akong naglalakad ay sumulyap ako sa nakaupong si Haley sa bench, nandito kami sa PLC Gymnasium. Hinihintay niya akong matapos sa training dahil magpapasama raw siya sa mall magpabili ng librong kakailanganin namin sa isa naming subject.
Humarap na 'ko sa kabilang court at tinapik ang mga katabi ko senyales na mag ready na sila. Pumito na ang coach namin samantalang focus lang ako sa bolang inihagis sa ere nang biglang pumasok sa utak ko 'yung kaunting usapan namin ng police noong araw na pumunta ako sa station nila para alamin kung ano ang balita.
Hindi pa nila ma-determine kung sino 'yung lalaking nakita nila mula sa CCTV at tina-track pa raw 'yung plaka ng sasakyan. Tinapon daw kasi ito sa kung saang ilog kaya ngayon ay medyo nahihirapan pa silang hanapin 'yong mismong location ng taong iyon.
Itinaas ko ang kamay ko para makita ako ng kasamahan ko na ngayon ay nagko-crossover. Akmang isho-shoot nang ipasa sa akin. Nag blind pass ako sa ka-team ko na nasa harapan kaya sa kanya pumunta ang kalaban.
Ibinalik sa akin ang bola kaya pumunta ako sa wing ng coart at bumwelo.
Kung may magagawa lang sana ako para sa kapatid at magulang ko,
Tumalon ako at isho-shoot na ang bola ngunit nagawang mai-blocked iyon ng kalaban. Napa-sobra rin ang pag-abante niya sa akin kaya dahil sa impact ng pagtama ng katawan namin ay malakas akong napaupo sa sahig. Nakabibinging pito ang aking narinig habang tumungo lamang ako't hinahayaan ang pawis na tumulo mula sa buhok ko
…Nang hindi ako nahihirapan ng sobra habang wala sila. Gusto ko na silang magkaro'n ng hustisya para matahimik na ako.
Haley's Point of View
Kasalukuyan kong pinapanood si Reed na ngayon ay nagte-training para sa basketball nila. Ang galing niyang mag-dribble. Kontroladong kontrolado ang bawat galaw niya.
Ipinatong ko ang siko ko sa aking tuhod para makapag-salong baba. Pagkatapos ay tinitigan ko ang bawat paggalaw ni Reed. Tumutulo ang pawis niya sa kanyang bawat paggalaw. Sumasabay din ang basa niyang buhok sa pagtakbo.
Bakit kapag napapawisan ako, ang pangit ko? Pero itong lalaking ito, mas lalo yatang pumog— Lah!
Sinampal ko nga 'yong sarili ko nang magising gising ako sa mga sinasabi ko.
Nag-time out na kaya lumapit sa akin ang pawis na pawis na si Reed. Inangat ko na ang tingin pagkatapos ay kinuha ang bimpo niya at iniabot iyon sa kanya.
Tinanggap naman niya iyon at ipinunas kaagad sa mukha. Tiningnan ko muna ang scoreboard bago siya nginisihan. "Hindi talaga ako makapaniwala na Team Captain ka." maliban sa nasabi niya iyon sa akin, siya rin halos ang naka-score sa game.
Ngumiti siya. "Hindi lang sa itsura makikita ang puwedeng gawin ng isang tao," panimula niya. "Choice niya 'yon kung ipapakita niya kung saan siya magaling o hindi," sagot niya. Kinuha naman niya ang tumblr niya para uminom.
Lumapit sa amin ang team mates niya. "Ah, kaya pala hindi kasama si Keiley, ah?" mapanuksong sabi nung isang medyo spiky ang buhok.
"Hindi mo naman siya bestfriend, 'di ba? Yieeh, luma-lovelife si kuya Reed!" tukoy naman sa akin ng isang lalaki na mukhang under-class man nila. Ang liit, eh. Pero amazing, kilala rin ako ng mga 'to.
"Ano ba, mga 'tol? Halata namang girlfriend 'yan ni captain, eh," pagmamalaki ng isa at saka siniko si Reed. "Tama ba 'ko?" taas-babang kilay na sabi nito dahilan para paltukan siya ni Reed.
Napairap lang ako. Depende talaga sa issue kung sino boyfriend ko.
"Siraulo, hindi!" sabi niya kaya ito namang isa pa niyang kasamahan, biglang hinawakan ang mga kamay ko.
"P'wede ba 'kong manligaw sa 'yo?" tanong niya. Umurong ako ng kaunti para lumayo sa kanya.
Tinulak siya ni Reed, "Okay, tama na nga 'yan, aalis na kami kaya umuwi na kayo" at nag gesture pa si Reed na parang nagtataboy ng aso. Inayos ko naman ang mga gamit ko para makaalis na nga.
"Ang bilis, dude!" reklamo nu'ng manliligaw sana sa akin.
Tumawa ang maliit nilang kasamahan at kinawayan kami, "Ate, ganyan lang 'yan si Captain pero gusto ka talaga niy--" tinakpan ni Reed ang bibig no'ng cute na player na iyon saka sila mga nagharutan doon.
"Uwi na!" tumawa lang ang mga kasamahan ni Reed at umalis na sa covered court. May pa-flying kiss pa nga 'yung isa sa akin pero kinuha ni Reed para itapon sa kung saan. Gusto kong matawa sa kanya pero pinakita ko na lang ang katarayan ko.
"P'wede na ba tayong umalis? Kanina pa ako naghihintay, Reed Evans."
Kinuha na niya ang bag niya't sumuklay sa kanyang buhok, "Ikaw na nga 'yung nagpapasama diyan, eh." at naglakad na nga siya na sinunod ko lang naman. Ngayon ko lang na-realize. Ang tangkad pala talaga niya 'no?
Tiningnan ko ang kamay niya, hindi namamalayan na kusa na pa lang lumalapit ang kamay ko para hawakan iyon nang lumingon siya, "Siya nga pala--"
Hinila ko kaagad pabalik ang kamay ko't tumalikod, ramdam ko ang panlalamig ko gayun din ang malakas na pagtibok ng puso ko. Hey, what the hell? Ano'ng ginagawa ko?
"Are you okay?" takang sabi ni Reed at humarap sa akin para i-check ako. Hahawakan sana ako sa balikat nang tumakbo ako.
"Dalian mo! Ang bagal mo!" sigaw ko nang hindi siya nililingunan. Hawak hawak ang dibdib ko't napayukom. Seriously… Ba't ako kinakabahan?
Kei's Point of View
"No dad! Ayoko!" umalingawngaw sa buong kwarto ng office ni dad ang sigaw ko.
Tumayo si daddy sa swindle chair niya habang hindi inaalis ang mga kamay sa pagkakapatong sa lamesa. "Pero nagkasundo na kami, wala ng bawian" napayukom ang mga palad ko.
Again?
"Pumayag ka sa kasunduan ninyo without my permission?!" tumaas ang boses ko sa inis ko. He's already selling her daughter, how dare him?
"Anak, ama mo pa rin siya" tiningnan ko ng masama si mom na nagpaawang sa kanya ng bibig. She knew about this matter pero hindi man lang sinabi sa akin?
"Para ba 'to saan? Para sa akin?" mainahonong tanong habang pinipigilan na mapaluha. I can't believe these people! All of this, it's totally nonsense!
They're doing this for themselves, not for me.
You guys are unfair!
"Kei, this is for your sak--" hindi ko na pinatapos si dad dahil sumabog na ako.
"You keep on telling me that this is for my sake, but did you ever ask me if I'm really happy?" Hindi lahat ng gusto ng parents para sa anak nila ay kailangang sundin. Because we might have our different philosophy of life. We make different choices and decisions, it's our responsible. It annoys me that they didn't even think that enforcing decisions on me could create unnecessary complications.
Natahimik si dad sa naging tanong ko. Umismid ako't umiwas ng tingin, "Right, ni hindi mo nga ako mabigyan ng atensyon kaya pa'no mo malalaman kung ano ang nararamdaman ko, 'di ba?"
"Kei." ma-awtoridad na tawag ni dad sa pangalan ko.
Yumuko ako dahil nararamdaman ko na ang patulong luha sa aking mata, "Sana kung may oras kayong kausapin ako tungkol sa gusto ninyong mangyari sa akin, gano'n din sa gusto ko." tumalikod ako, "I still have my own life. Sana hindi n'yo rin nakakalimutan." medyo basag ang boses ko pagkasabi ko no'n sa kanya pero ginawa ko ang lahat para hindi umiyak sa harapan niya.
Nagmartsa na ako paalis sa office. Hindi na sila nagbigay ng kahit na anong salita at hinayaan lang akong makaalis. Kaya hindi nila alam kung anong mukha ang ginagawa ko ngayon.
Until now, hindi pa nila nakikita ang pag-iyak ko. Kaya siguro okay lang sa kanila na gawin na lang ang mga 'to sa akin.
Dumiretsyo ako sa kwarto ko't parang nanghihina na sinara ang pinto. Naglakad papunta sa kama't pabagsak na humiga para iiyak lahat ng bigat sa dibdib ko.
Arranged Marriage? Nakakatawa, uso pa pala iyon sa panahon ngayon, ano? Kaso bakit sa lahat pa ng daan na pupuntahan ko ay do'n pa sa walang kasiguraduhang kaligayahan?
Bakit kailangan sa akin pa? Hindi naman dapat i-force ang feelings ng tao, 'di ba? Kaya bakit sa akin pa?
You're annoying, dad…
Kinuha ko ang unan ko para yakapin ito, sumasakit 'yung dibdib ko sa bigat nu'ng nasa puso ko. Gusto ko siyang isigaw pero hindi ko malaman kung saan p'wedeng ilabas.
I love my dad. But no matter how much he loves me, and no matter how much I love him. If I don't like it, I just can't do it.
Naririnig na sa buong kwarto ang hikbi ko, pakiramdam ko anytime p'wede na 'kong atakihin ng asthma ko kakaiyak. Higpit akong napahawak sa unan ko, "Harvey…"
Haley's Point of View
Matapos namin sa paghahanap ng libro't kumain ay dumaan kami sa isang pet shop na nasa pinaka unang floor ng mall dahil bibili rin ako ng catnip na ipinangako ko sa magaling kong pusa. Gano'n ko kamahal pusa ko, masyadong nai-spoil.
Kinuha ko na ang binili ko at lumabas na ng store, naabutan ko si Reed na ngiting nakikipaglaro sa asong nasa dog cage. May mirror wall sa pagitan nila kaya hindi rin niya ito mahawakan.
Lumapit ako sa kanya, "Ang cute mo naman." kumento ni Reed na luhod luhod ang isang tuhod para mas makita ng mabuti ang aso. Yeah, they're cute but I don't like them.
Sandali pa akong nakatitig sa kanya nang ilipat ko iyon sa bandang noo niya. Napansin ko kasing may something doon. Scar?
Humakbang pa ako ng kaunti, ignoring the people na nasa likuran namin para silipin si Reed. "When did you get that?" tanong ko kasabay ang paglitaw ng isang litrato sa aking utak.
Isang lalaki na ngiting nakatingin sa akin, hindi ko na maalala 'yung mukha niya pero nando'n pa rin 'yung pakiramdam ko na malaki ang chance na makita ko ulit siya. Pero bakit kay Reed ko pa naalala?
Tumayo si Reed at ipinasok ang kamay sa bulsa ng jacket niya, "Huwag mo ng alamin, tara na lang." anyaya niya sa akin sa kung saan. It can't be him, can he?
Mirriam's Point of View
Mag a-alasais na ng gabi at kanina pa ako pindot nang pindot sa doorbell nina Jasper pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya lumalabas. Tumingkayad ako para silipin ang loob, "Tao?" tawag ko sa kung sino at umatras ng kaunti para ibaling ang tingin sa dating mansion ng Montilla.
Nando'n pa rin ang marka ng nasunog na pader gayun din ang mga cracks na simento. Parang kailan lang noong huli akong pumunta d'yan, ang ganda ganda pa. Pero ngayon...
Narinig ko ang pagbukas ng pinto dahilan para muli akong mapatingin sa harapan. Si Jasper ang lumabas habang kamot kamot ang batok, lumapit siya pero hindi ako pinagbuksan.
"Really? Hindi mo talaga ako papapasukin?" hindi ko makapaniwalang tanong.
"Ay, sorry" hinging paumanhin niya at binuksan ang gate, pumasok naman na ako, "Napadalaw ka?" tanong niya. Nakasuot lang siya ng pajama at sando ngayon.
Medyo magulo rin ang buhok, halatang kagigising lang.
Nagpameywang ako, "Hindi ka raw pumasok sabi ni Harvey? Kaya pala hindi ka pumunta sa practice" halata naman din sa suot ko ngayon dahil naka track uniform ako.
Humawak siya sa ulo niya, "Medyo sumakit kasi 'yung ulo ko kaya hindi na ako pumasok." sagot niya habang nakaiwas ng tingin. There are two types of people who can't look at you in the eyes. Someone trying to hide a lie and someone trying to hide a love.
But I know him, I could tell right now that he's lying.
I let out a sigh and gave him the notes, "Ano 'to?" taka nitong wika. Tumalikod ako.
"Strategy book para sa darating na play next week, don't miss it." paalala ko't tumalikod.
"Pumunta ka lang ba rito para ibigay lang 'to sa akin?" tanong niya kaya lumingon ako, hindi man lang nag effort na ngumiti.
"Oo." tipid na sagot ko. Ayan lang naman ang role ko sa buhay mo, eh. Simula noong mas magkakilala tayo, taga paalala mo lamang ako na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago.
Kung p'wede ko lang alisin 'tong nararamdaman ko, matagal ko ng ginawa. Pero hangga't nandito pa ito at umaasa na magkaroon ng pagbabago, hindi ko magagawang lumingon sa iba.