Chapter 42: Sorry for what?
Haley's Point of View
Mayroon nanamang pasok ngayong araw kaya maaga nanaman ang gising ko. Pambihira, sana madali lang ang buhay hindi 'yong ganito.
Lumabas na ako ng kwarto habang humihikab pa't tumitingin sa paligid. Nawawala nanaman kasi 'yung magaling kong alaga, baka mamaya nagpapa-rape na 'yon sa kung sinu-sinong pusakal.
Naglabas ako ng hangin sa ilong, "Mas malandi pa pusa ko kaysa sa akin." bulong sa sarili. Nadaanan ko ang kwarto ni Kei na siya naman ang kasabay ng kanyang paglabas. Nakasuot na rin siya ng uniform.
Ngumiti ako at babatiin sana siya nang mapansin ko na tulala ito at animo'y wala sa sarili. Baba ang mga balikat at napakataba ng eye bags.
Ibinaba ko ang kamay ko na kakawayan sana siya. Huminto naman ito at lumingon sa akin. Mukhang napasin na niya ako. "Good morning, Haley!" bati niya't patakbong lumapit sa akin. Hindi ako sumagot at nakatingin lang sa mukha niya, there's something wrong with her.
Kumurap-kurap siya noong makahinto sa aking tapat, pagkatapos ay itinagilid ang ulo nang mapansing nakatitig lang ako sa kanya, "What's the matter? May dumi pa sa mukha ko?" she asked me with a worried expression on her face.
I should be the one who is asking you that, idiot.
Ngumiwi ako at tumagilid sa kanya, "Hindi ka pa kumakain, 'di ba? Sabay na tayo." tumango si Kei bilang sagot. This isn't the right time to ask her things. Kapag pinilit ko siya, baka mas lalo lang n'yang hindi sabihin lalo na't iba 'yong mood niya. She's trying to avoid eye contact whenever I'm looking at her. Trying to make a distance. Of course I care, that's why I noticed.
Pero dahil sa ginawa ng hinayupak na lalaking iyon kagabi, hindi kaagad ako nakasabay kay Kei at napahinto lamang sa pababang hagdan.
"Haley" tawag nito at umakyat para lapitan ako, "May problema? Medyo pinagpapawisan ka?"
Gusto kong tawanan sarili ko. Ako 'yong dapat na magtanong sa kanya sa kung ano ang problema niya pero heto't ako pa 'yong napapansin. "No need to hide it, it's written on your face." segunda ni Kei.
Kahit pala itago ko 'yung sakit na nararamdaman ko kung talagang hindi maitatago, malalaman pa rin nila. Pilit akong napangiti, "Well, the truth is…"
***
TININGNAN NIYA ang paa ko habang nanlalaki ang mata. Nakaupo kami rito sa hagdan dahil hindi na nga rin ako makababa. "Ano'ng nangyari rito?! Bakit nagkaganito? Gusto mo pumunta sa ospital nila Jasper? O ni Mirriam?"
Tumaas ang dalawa kong kilay. May mga ospital 'yung dalawang iyon?
Mukhang nabigla nanaman kasi 'yong paa ko, 'kala ko medyo ma-okay okay na dahil nilagyan ko na rin ng yelo.
"Nah, gagaling naman ito kaso medyo masakit kasi siya ngayon." tugon ko na may kasamang pagpapanatag. Namaga talaga 'to kagabi dahil sa biglaang pagsara ni Reed ng pinto noong papasok sana ako sa kwarto niya…
Flashback
Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok sa kwarto niya, "Uy, Reed. P'wede kong mahiram 'yun--" pero bigla niyang isinara ang pinto kung saan naipit pa roon ang paa ko bago maialis. Napahawak ako sa pader at napapikit sa sakit.
"Ano ba! Sinabi ko bang pumasok ka rito?! Nagbibihis ako, eh!" sigaw niya mula sa loob na hindi ko na rin nagawang masagot dahil napaupo na ako't napahiga.
"T*ngina mo, Reed…" pabulong kong mura sa kanya.
End of Flashback
Muli akong napabuntong-hininga. Kahit bwiset na bwiset ako kay Reed kagabi, hindi ko na siya pinatulan. Lugi rin ako kung susugurin ko siya, eh.
"Alalayan kita." kukunin niya sana ang kamay ko para iakbay sa kanya nang hilahin ko ang kamay ko. Nahihiya akong magpaakbay sa kanya, saka okay lang naman ako.
"No, I can take care of myself" I said at hinawakan ang stairsway railings bilang suporta sa pagbaba ko. Argh, nakakahiya! Ang ayoko pa naman sa lahat ay 'yong nakikita nila akong ganito.
Malaki rin kasi ang possibility na alukan nila ako ng tulong which is sobrang NAKAKAHIYA!
"Geez, look at you? Tulungan na kasi kita." at nagmatigas si Kei na iakbay ako sa kanya.
Umiwas ako ng tingin, I wanna die. "Ang kulit mo" dugtong pa niya sa 'kin.
Narinig namin ang yapag ng paa ng kung sino dahilan para lingunin namin iyon, tumabi si Harvey sa amin at binati si Kei. Pagkatapos ay sinilip ako, "Napa'no ka?" tanong niya na para bang inaasar ako.
Binigyan ko siya ng walang ganang tingin, "Leave me alone."
Kaso hindi niya ako pinansin at ibinaling lang ang tingin kay Kei para tanungin kung ano'ng nangyari. Loser, hindi ko pa sinasabi sa kanya 'no!
Muling ibinaling ni Harvey ang tingin sa akin, "Hula ko, si Reed may gawa 'no?" nagulat ako sa panghuhula niya. Bumilog din ang mata ko dahil do'n.
"How did you--"
Ngumisi siya, "Kailangan pa bang tanungin 'yan?" tanong niya at inalis ang pagkakaakbay ko kay Kei, "Tawagin mo muna si Jasper, sabihin mo need siya rito para gamutin si Haley." bilin nito at nagulat nang bigla na lang niya akong buhatin na para bang isang sako.
"Gag*! Ibaba mo 'ko!" sigaw ko pero hindi lang niya ako pinagtuunan ng pansin at kinakausap lang si Kei. "F*ck you!" sigaw ko kaya ngayon ay binigyan na ako ng masamang tingin ni Kei.
"Don't say bad words." nahiya naman ako kaya pumaharap na lang ako ng tingin kasabay ang pagdikit ng aking mga labi. Goodness, cussing is just an expression for me, so why did I stop?
Tumalikod na si Kei at nanatili pa ring nakatingin sa amin, "Puntahan ko na si Jasper para maasikaso na 'yung paa mo." sabi niya sa akin na bago pa man bumaba ay nakita ko 'yung selos sa kanyang mata.
Sinuntok ko ng malakas 'yong pwet niya, "Stupid! Impakto ka talaga!" bulyaw ko.
Salubong ang kilay niyang lumingon sa akin, "Huh?!" naiinis niyang reaksiyon. Walang ideya sa sinasabi ko. Bakit ba ganito ang mga lalaki? Walang pakielam sa nangyayari sa paligid nila?
"Sabi ko na kasing ibaba mo 'ko! Nagselos pa tuloy 'yong tao!" umakyat siya ng mga ilang hakbang papunta sa itaas tapos pabagsak akong ibinaba sa carpet.
"Good-bye." paalam niya kaya binato ko sa ulo niya ang school shoes ko. What a jerk!
Kei's Point of View
Tahimik akong naglalakad papunta kila Jasper na habang palapit ako nang palapit roon ay naalala ko 'yung paraan ng pagbuhat ni Harvey kay Haley kanina.
Hindi sa nagseselos ako pero noong mangyari iyon sa akin, nag-aalanganin pa siyang gawin iyon kaya palaging si Jasper ang nagbubuhat gayun din sa paggagamot ng kung anu-anong pilay na nakukuha ko.
Umiling-iling ako, "What am I saying? 'Di dapat ako nagseselos. Kaibigan namin si Haley, dapat alam ko iyon." sabi ko sa sarili nang makahinto at determinadong tumango.
Humarap ako sa gate nila Jasper at pumindot sa kanilang doorbell. Lumabas naman kaagad ang isa sa maid nila at pinagbuksan ako. "Good morning, ma'am Keiley. Pasok po kayo."
Ngumiti ako habang papasok, "Manang talaga, kahit Keiley na lang ang itawag mo sa akin." pero hindi siya pumayag dahil ayun na rin daw ang nakasanayan nila. "Geez… Nandiyan po ba si Jasper?" hanap ko sa kanya.
Huminto kami sa tapat ng kanilang pinto, "Tulog pa po, buong magdamag kasi siyang puyat." sagot niya at napahawak sa pisnge, "Baka nga hindi na rin makapasok sa school ngayon." nag-alala pa nitong dagdag. Nagpuyat sa kakalaro nanaman siguro ng video games niya.
"P'wede ko po ba siyang puntahan?" paalam ko sa kanya
Tumawa naman ito sa tuwa at tumango-tango, "Aba syempre hija, mas matutuwa nga iyon kung ikaw ang makikita niya pagkagising sa umaga." makwela nitong pagkakasabi na nginitian ko lang. No wonder.
Pumasok na nga ako sa loob at dumiretsyo sa kwarto niya, nakapunta na ako rito kaya hindi ko na kinakailangan pang tanungin sina manang kung nasa'n ang kanyang kwarto.
Nakarating na ako sa tapat nang iangat ko ang kamay ko upang katukin ang kanyang pinto, hindi ko lang ipinagpatuloy noong pumasok sa utak ko ang isang ideya na paano kung isang araw magtapat siya sa akin?
Ano'ng sasabihin ko?
Hindi naman ako manhid para hindi malaman ang nararamdaman niya para sa akin. Kaya natatakot din ako na baka dumating ang araw na masasaktan ko siya. I prefer friendship over relationship.
'Cause in the first place, I already like someone else.
Naglabas ako ng hininga at kakatok na nang magbukas ang pinto kung saan bumungad sa akin ang naka-topless na si Jasper. Halatang bagong gising dahil magulo pa ang buhok at humihikab pa.
Ibinaba niya ang tingin sa 'kin at nagulat nang makita ako, "K-Kei!" he blushed and closed the door. "Ano'ng ginagawa mo rito?" tila parang nawala ang antok niya nang makita ako.
"Ah... Eh..." umiwas ako ng tingin. "B-baka gusto mo munang magsuot ng kung ano sa ibaba?" nakasuot lang kasi siya ng boxer kaya mapapansin mo kaagad ang matumbok na nilalang sa pagitan ng mga hita niya.
Tinakpan niya kaagad iyon at malakas na natawa, "S-sorry! Sorry!" kaagad siyang pumasok sa loob ng kwarto at mabilis ding lumabas na ngayon ay nakasuot na rin ng short at sando.
"Ano pa lang ginagawa mo rito at napadalaw ka yata?" tanong niya ulit pero itinuon ko lang ang aking tingin sa bandang balikat niya. Ibinalik ko lang ang atensyon ko nang mapansin niya na sa iba nakatuon ang tingin ko.
"A-ah! Sorry." wika ko at itinuro ang bandang bahay nila Harvey, "Pero kailangan ka namin doon, napilayan si Haley."
Nagpameywang naman siya't napasimangot, "Huh? Napilayan? Kaya namang gawin 'yon ni Harvey kaya bakit ako pa ang pinatawag n'yo?" ibinaba ko ng kaunti ang ulo ko.
Nagawa mo ngang gamutin ako kahit pilay lang, eh.
"Kailangan mo rin kasing i-check dahil namamaga rin 'yung paa n'ya." paliwanag ko.
Humalukipkip siya, "Sige, hintayin mo na lang ako. Magbibihis lang ako." he said and glance over his shoulder, "Ayoko rin kasing makita ni Haley 'yung likod ko." muli siyang pumasok sa kwarto para siguro magpalit ng T-Shirt.
I averted my eyes as he closed the door, "I'm sorry…"
***
CHINE-CHECK na ni Jasper 'yong paa ni Haley, napapailing siya habang sinusuri ito. Inangat ni Jasper ang tingin sa nakasimangot na si Haley, "Grabe, sinadya ba ni Reed na ipitin 'tong paa mo? Namamaga talaga, oh?" sambit niya. Sinabi na kasi ni Haley ang dahilan noong kulitin siya ni Jasper pagkapasok pa lang niya sa kwarto.
"Don't ask me." pagsusungit ni Haley saka tumalon papunta sa kandungan niya ang alaga niyang si Chummy.
"Meow"
Haley's Point of View
Tapos na akong lagyan ng kung anu-ano ni Jasper sa paa at sinabing h'wag na muna raw akong pumasok para hindi lalong mamaga. Kukuha na lang din daw siya ng gamot sa kanilang ospital na malapit dito para madaling gumaling ang aking paa.
"Hindi ba puwedeng mag wheel chair na lang ako?" tanong ko nang magkasalubong ang mga kilay. Nandito pa rin sila sa kwarto ko at mga nakaupo sa kanya-kanya nilang pwesto.
"Sus, h'wag na. Papahirapan mo pa kaming magtulak sa'yo." inirapan ko na lang si Harvey dahil sa sinabi niya. Animal.
"Kasama sa conduct kapag uma-absent!" paano kung bumaba ang conduct ko? Gawing 74? Ang dami ko na ngang absent, tapos a-absent nanaman ako ngayon.
Kumamot sa ulo si Jasper, "H'wag kang grade concious! Ako na bahala sa adviser mo, malakas ako do'n" kayabangan nitong si Jasper. Akala mo naman, papasok s'ya. Humikab siya kaya pabiro ko siyang hinampas sa tiyan na nagpatigil sa pag hikab niya.
Halatang sobrang puyat 'tong taong 'to eh.
"Paano ka pa makakapasok kung hindi mo rin kaya? 'Kala mo naman makakapag focus ka sa lessons n'yo. Eh, puyat ka nga." sabi ko.
Natawa siya ng kaunti, "Ah, halata ba?" tanong niya na ikinabuntong-hininga ko. Goodness.
Pumasok ang kung sino na walang katok katok, guess who?
"Uy, Haley! Nandiyan ka p-- Oh? Nandito lang pala kayo, eh. Kanina ko pa kayo hinahana-- Lah, bakit ganyan kayo kung makatingin sa akin? Wala naman akong ginagawa, ah?" masama kasi ang tingin ng tatlo sa kanya.
Ako naman ay nakatingin lang sa kanya at walang imik.
Lumipat ang tingin ni Reed sa paa ko at napanganga, "Napaano 'yang paa mo? Saan mo nakuha?' binigyan siya ng tatlo nang tig-iisang batok kaya medyo naawa naman ako sa kanya
"Puson lang ang may karapatang manakit ng babae, puson lang! Puson ka ba, huh? Feeling puson, amp*ta!" napatingin kaming lahat kay Jasper pero ibinalik din ang tingin kay Reed.
"Say sorry to her" tukoy ni Harvey sa akin
"Maiiwan muna namin kayo diyan" at tiningnan ako ni Kei na sinabayan pa ng pagngisi.
Sh*t! Iiwan ninyo talaga ako rito?!
Tumayo ako at balak sana silang habulin nang isara na nila ang pinto, "H'wag n'yo 'kong iwan…" bulong ko at pabagsak na lamang umupo sa edge ng kama.
Nakatuon lang ang tingin ni Reed sa pintuan nang ibaling na niya iyon sa akin, "Ako ba'ng may kasalanan niyan?" sambit nito na iniwasan ko lang ng tingin. Tingin mo, sino?
Lumapit siya sa akin kaya napatingin ako sa kanya, niluhod ang isang tuhod habang nakaangat ang tingin sa akin, "Hindi ko alam kung pa'no kita nasaktan but I'm sorry." sincere nitong paghingi ng tawad.
Wala akong ibinigay na kahit na anong salita pero nanlaki ang mata nang kunin niya nang marahan ang paa kong nakabalot ng benda para i-check ito. Naramdaman ko na lang ang pag-init ng mukha ko dahil sa hiya. "I-ibaba mo! Ano sa tingin mo'ng ginagawa mo?" at sinusubukan ko siyang ilayo sa pamamagitan ng pagtutulak ko sa mukha niya gamit ang isa ko pang paa.
Kinuha niya ito at kalmado akong tiningnan, "Masakit pa ba?" tanong niya dahilan para muling mag-ingay ang puso ko. Napahawak ako ro'n at tumingin sa hindi kalayuan. Nanaman?
"N-no." tugon ko na nginitian lang niya. Lah! Ano ba'ng nangyayari sa lalaking 'to at umaarte ng ganito?
Tumingin siya sa panyong nasa study table ko, "Na sa'yo pa rin 'yan, eh 'no?" tumaas ang kaliwa kong kilay.
"Pardon me?" 'di ko kasi siya gets.
"Wala, sabi ko magpahinga ka na, maliligo na ako para makapasok" paalam niya at maingat na ibinaba ang paa ko sa sahig. Tumayo saka tumalikod upang magsimulang maglakad.
Sa huling pagkakataon ay lumingon siya sa akin para humingi ng tawad, "Sorry."
Kunot-noo ko siyang tiningnan, "You don't need to repeat it--" sumabat siya bigla.
Ngumiti rin siya nang tipid. "Sa mga bagay na sinabi ko sa 'yo na ikinasama ng loob mo, sorry" at lumabas na nga s'ya sa kwarto ko. Mas lalo tuloy kumunot ang noo ko.
I don't get him!
Kinuha ko ang litrato namin ng kambal ko sa ilalim ng unan at pinunasan ang salamin sa pamamagitan ng hinlalaki.
What do you think of him, sis?