Chapter 47: Kiss on the Scar
Jasper's Point of View
Out of nowhere ay bigla akong napabahing kahit wala akong sipon, may mga tao sigurong pinag-uusapan ang kapogian ko. Hay naku… Sana naman maumay sila, ako nahihirapan, eh. Minsan, natatapilok ako, nabibilaukan at kung anu-ano pa. Hindi rin maganda sa akin 'yon, baka mamaya mamatay ako sa gano'ng pangyayari hindi natin alam.
Katatapos lang naming pakainin ang mga bata sa hospital bed at sa ngayon ay nandito ako sa rooftop kasama si Mirriam. Kumakain kami rito dahil wala naman masyadong tao ang tumatambay ngayon.
Bumuntong-hininga ako't humawak na lamang sa railings, "Kumusta kaya sina Kei ro'n?" ilang araw pa bago kami magkita, nami-miss ko na siya. Lalo naman 'yung mga matatamis na ngiti na binibigay niya sa akin.
Gusto ko siyang puntahan sa Tagaytay, pero paano naman 'yung mga bata rito?
Kumagat si Mirriam sa sandwich niya, "Gustong gusto mo talaga si Kei, ano?" oo nga pala, 'Kei' na rin ang tawag niya dahil pinilit din siya nito na tawagin siya sa nickname niya.
Kumamot ako sa pisnge ko gamit ang aking hintuturo, "W-well, you could say that." wika ko na hindi niya inimikan. Medyo namuo rin ang katahimikan kaya binasag ko rin sa pamamagitan ng pagtatanong. "Kumusta naman pala kayo ng mga kaibigan mo? Sina Tiffany?" sambit ko dahilan para mapatigil siya sa kinakain niya.
Ibinaba niya ang sandwish niya't sinimangutan ako, "We're okay, ano ba'ng pakielam mo ro'n?" humawak ako sa puso ko. Maliban kay Haley, ang sakit din niyang magsalita. Ang tatalas ng mga dila.
Kumamot ako sa batok ko't natawa, "Hindi ko na rin kasi kayo masyadong nakikitang magkasama, kaya iniisip ko na baka may problema nga kayo." wika ko na nagpangisi sa kanya.
"Imbes na pakielaman mo ang buhay ng ibang tao, try to think of yourself." panimula niya at higpit na humawak sa walang lamang bottled water, nayupi iyon. "I'm telling you, kapag nawala ka talaga sa track team mapapatay kita." pananakot niya na ikina-pogi sign ko.
"Huwag ka masyadong mag-alala ro'n, puwede ring pumogi ang grades ko 'no?" pagmamalaki ko at determinadong ngumiti, "Basta may inspirasyon." dagdag ko pa.
Inirapan niya ako, "Ang corny mo." pagtataray niya pero humagikhik lang ako.
Tiningala ko ang aking tingin, "Pero Mirriam." panimula ko habang tahimik lang siyang naghihintay sa sasabihin ko. "Tingin mo, ano'ng gagawin mo kung may ibang nagugustuhan 'yong taong gustong-gusto mo?" curious kong tanong ng 'di inaalis ang tingin sa asul na ulap.
"Are you asking that hypothetically?" tanong niya na nagpaisip sa 'kin.
"Hmm... P'wede rin?" patanong kong sagot na ikinabuntong-hininga niya't tumabi sa akin.
Narinig ko ang paglabas niya ng hangin sa ilong, "What will I do? Actually nothing.
Alangan namang ipilit mo pa 'yong sarili mo sa taong 'di ka naman gusto. Besides, kung kaibigan mo rin 'yong taong nagugustuhan mo, I think it's better if you're just going to cheer them on." napatingin na 'ko sa kanya. Ganoon ba 'yon?
"I mean, their happiness is more important than your feelings if this person is really special to you." litanya niya at nilingunan ako. Diretsyo lang ang tingin niya sa mga mata ko, "Balewala na lang sa 'yo kung ikaw ang masaktan, as long as alam mo kung sa'n siya masaya."
Nanliit ang tingin ko. There's nothing wrong with what she said, but, is she still a human?
Paano niya nagagawang isuko 'yong feelings niya para lang sa isang tao?
Sinabi niya 'yan sa akin, meaning she already experienced it.
"I see..." medyo mahina kong sambit.
Ibinaba ko na ang kamay ko at napatingin sa pinto nang maalala ko na may nakakalimutan pala ako.
"Sandali, may gagawin lang ako sandali." sabi ko't nagmadaling pumasok sa loob. Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Mirriam at dali-dali lamang pumunta sa kwarto.
Mirriam's Point of View
Bumalik na lamang ako sa kwarto ng mga bata para i-check sila. Pipihitin ko na sana ang doorknob nang may maalala rrin ako. Nakalimutan ko pala 'yong cellphone sa kwarto ni Jasper dahil doon namin ginawa 'yung reports kanina. Kunin ko na muna, baka nagtext si mama.
"Ano ba 'yan" napapagod kong sabi tapos kumamot sa ulo, "Babalik pa tuloy ako" iling kong sabi at pumunta na nga sa kwarto niya. Nasa 5th floor pa naman iyon kaya kailangan ko pang gumamit ng elevator.
Pumasok na ako sa elevator at naghintay ng mga ilang segundo, nang makarating ay lumabas ako at patakbong pumunta sa kwarto niya. Maraming mga pasiyente ang naglalalakad sa hallway kaya dinahan-dahan ko na ang pagtakbo.
Noong makarating sa silid ni Jasper ay wala ng katok katok at binuksan ko na ang pinto, "Jas--!" napatigil ako lalo na nang makita siyang wala siyang pang itaas. Pero mas nagulat ako nang may madiskubre ako.
Nanlalaki ang mata niya't gulat na gulat na nakatingin sa akin. Pumasok ako kasabay ang pagsara ng pinto, dahan-dahang humahakbang palapit sa kanya, "Jasper... Ano'ng... Nangyari diyan?" tukoy ko sa likod niya na puno ng peklat. Kitang kita iyon at nangingitim pa.
"Mirriam" tawag niya sa pangalan ko. Humarap siya't napaatras, "Bakit hindi ka muna kumatok?" sa boses pa lang niya ay halatang nate-tense na siya. Huminto ako sa harapan niya, I also looked at him directly to his eyes.
Pumunta ako sa likod niya habang sinusundan lang niya ako ng tingin. "Tell me, what happened to your back?" I asked with a serious expression on my face.
Nakasunod lang ang tingin niya nang iiwas niya ito, "It's disgusting, right?" inilipat ko ang tingin kay Jasper. Hindi ko man nakikita ang mukha niya pero alam kong diring diri ang kanyang itsura. Why?
"It happened a long time ago, natapunan ng mantika 'yung likod ko dahil sa pagpilit na magluto ni Kei para kay Harvey." bumuka nang kaunti ang aking bibig dahil sa sinabi niya. "Whenever kids my age saw my back? They distance themselves. Thinking that I have a severe disease, that I'm disgusting. It made me decide to be alone because of that reason. It was also that time when I started to wear shirt. If I'm going to used tank tops, sa kwarto na lang." nakita ko ang pag guhit ng ngiti sa labi niya, "Kaya nga mabuti na lang nandiyan sila Reed, feel ko pa rin na hindi ako mag-isa." mahabang litanya niya.
Bigla naman akong naawa kay Jasper-- Hindi, mas namangha ako sa kanya. Hindi ko aakalain na may ganito rin pala siyang kuwento sa buhay niya.
Pineke niya ang kanyang tawa, "Kaya pasensiya na, ha?" bakit siya humihingi ng pasensiya sa akin? Wala namang problema kung may peklat, eh. Kung tutuusin, ang cool nga ng itsura, para siyang sumabak sa kung anong gera sa military soldier. "…Kung nakakadiring tingnan." napayukom ang kamao ko. Now, he's pissing me off.
"Hindi naman ako magtataka kung lumayo ka sa akin, eh. Naiintindihan ko nama--" hindi ako nag dalawang isip na halikan ang likod n'ya bilang senyales na walang problema sa akin at hindi ako nandidiri.
Natahimik siya sa ginawa ko habang lumayo naman ako't dikit-kilay siyang tiningnan habang naglalakad ako papunta sa kanyang harapan, "Kagag*han, kung anu-ano iniisip mo. It's not disgusting at all." pagpapanatag ko sa kanya saka tumingin sa hindi kalayuan, nahihiya na rin kasi ako. "In fact, it's cool." dagdag ko.
Sa hindi malamang dahilan ay hindi siya sumagot at tumitig lang sa akin. Bigla tuloy akong nailang, "Hoy, h'wag ka ngang tumitig ng ganyan sa akin! Ang creepy mo!" sigaw ko na hindi lang niya inimikan. Bumalik lang siya sa realidad noong may kumatok.
Mabilis naman akong pumunta roon at pinagbuksan ng pinto ang taong iyon, bumungad sa amin si Doc Nilson. Ang kaibigan ni papa. "Oh, nandiyan ka pala, Mirriam? Nasa'n si Jas--" nang iangat niya ang tingin kay Jasper ay napatango-tango siya. "Nasa ganyang stage na pala kayo, ha? Alam na ba 'yan ng papa mo?" wala pa man din siyang binabanggit na kahit na ano ay alam ko na kung ano ang tinutukoy niya. He misunderstood it!
"N-no! It's not what you think!" nahihiya kong pag depensa na tinawanan naman niya.
"Hindi ko naman ipagsasabi, eh." biro pa niya kaya mas sumabog na ako sa hiya. Itinuon na niya ang tingin kay Jasper, "May tawag ka pala, baba ka sa reception counter." ngiti niyang sabi saka tinapik ang balikat ko bago umalis.
Nakanganga lang ako nang mapatakbo ako paalis sa kwarto niya. Bumalik lang ako para kunin ang phone, "Bye!" at malakas kong isinara ang pinto.
Jasper's Point of View
Na sa pintuan pa rin nakatuon ang atensyon ko nang mapatingala ako. Naririnig ko ang malakas na pagtibok ng puso ko, "Sh*t" nasabi ko na lang habang iniisip kung posible ba na maging dalawa ang puso. Umiling ako at lumabas na nga lang sa kwarto para kausapin 'yung taong tumatawag sa akin.
Si Kei lang ang na sa puso ko. Siya lang at wala ng iba.