Chereads / Arcane Vampire: A Fabled Fiend / Chapter 1 - Prologue

Arcane Vampire: A Fabled Fiend

🇵🇭Yulie_Shiori
  • 62
    Completed
  • --
    NOT RATINGS
  • 781.2k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prologue

Prologue

Singaw ng mainit na usok ang kumakapit sa aking balat. Sigawan at tilian ang maririnig sa paligid habang unti-unting nagbabagsakan ang mga puno sa lugar gawa ng malakas na apoy.

Bumungad ang trahedya sa isang malamig pero mainit na gabi...

Bakit hindi p'wedeng maging masaya na lang kami? Bakit kailangang mahirapan para makuha ang gustong mahangad ng iba? Imbes na magtulungan kami, bakit nagpapatayan?

"Zedrick... Zedrick, umalis ka na..."

Why do I have to see her cry again? We're one, pero bakit nangyayari ito?

Nanginginig kong tiningnan ang katawan niya, pasa at sugat ang natamo niya mula sa ama ko na hanggang ngayon ay 'di ko maintindihan kung ba't niya 'to ginawa. "Zedrick! Ano ba?! Umalis ka na bago ka pa mahuli ng ama mo!" ginawa niya talaga ang lahat para makasigaw kahit hirap na hirap na siya.

Nakadapa lang siya roon sa lupa't pilit na inaangat ang katawan. Maliban sa puno siya ng pawis dahil sa init ng lugar ay nagiging mala kulay pula na ang suot suot niyang damit. Napupuno iyon ng dugo.

"Zedrick... Please..."

Napailing ako habang binababa ang tingin na napapapikit ng mariin.

Wala akong maintindihan sa nangyayari, punong-puno ng katanungan ang utak ko pero ni isa ro'n wala akong mailabas.

Inangat kong muli ang tingin ko para makita ang ina ko, patuloy sa pagbagsak ang luha niya habang nanatili lang akong nakatayo rito at walang magawa kundi ang tumayo lang doon.

"Zedrick!"

Umalis na ako sa harap niya kasama ang pagtulo ng mga luha ko. Sa kalagitnaan ng pagtakbo ko at nang makalayo ako ay do'n ko lang naisip na hindi ko p'wedeng hayaan ang ina ko sa lugar na 'yon, kaya huminto ako para balikan siya.

I can't just leave my mom. Kailangan ko siyang maitakas.

When I went back to take my mom with me, huli na ang lahat. Naabutan ko na lang ang ama ko na inuubos lahat ng dugo ng aking ina. Malakas na tumibok ang puso ko habang dahan-dahang umaatras.

Hindi makapaniwala sa nangyari...

Tumalikod na ako't mabilis na tumakbo palayo sa lugar na ito na kamuntik-muntikan pang madapa.

Pulang buwan ang tila parang sumusunod sa akin, kakulay na nito ang mga nagkalat na dugo sa paligid, isabay mo ang mga maiingay na uwak na naroon sa ere't paikot ikot.

Saan naman ako pupunta?

I thought to myself. I walked and walked. Naglalakad mag-isa sa gitna ng dilim. Suddenly, may naramdaman na lamang akong kakaiba kaya agad agad akong lumingon at humarap. May nakita ako sa hindi kalayuan, palapit siya sa akin. Sa takot ko ay napaatras na lang ako.

"Don't be scared, I am here to guide you..." pagpapanatag niya no'ng makarating sa mismo kong harapan. Nakasuot siya ng itim na cape coat. Hindi ako umimik sa halip ay tiningnan ko lang siya ng masama

Inabot niya sa akin ang kamay niya, "Come to me, young vampire" udyok niya habang nakangiti. Sino ito?

Wala na 'kong nagawa kundi kunin ang kamay niya. Narinig ng tainga ko ang tunog ng tubig na kung hindi ako nagkakamali ay hindi naman lalayo mula rito. Naramdaman ko ang kakaibang presensiya-- Tao.

'Di ko na natuloy ang pag-abot ko ng kamay at pinuntahan ko lamang iyon kahit wala akong ideya kung bakit ko nga ba iyon ginawa. Pero tadhana na rin siguro ang nagdala sa akin doon dahil nang marating ko ang ilog ay nakita ko pa ang kanyang pagtalsik papunta sa ilog.

Hinintay ko pa ng unti kung aahon siya, mga ilang segundo nang magpasya na akong mag dive para puntahan siya.

Hinanap ko ang babaeng iyon. Sa paglangoy ko, 'di naman ako nahirapan dahil mabilis ko lang din siyang nahagip. Lumiko ako't lumangoy papunta sa kanya. Nakatingin siya sa akin nang ngitian niya ako, pero pinikit din niya ang mga mata at saka roon nawalan ng hininga.

Kinuha ko 'yung kamay niya at inahon ito. Inihiga ko lang s'ya sa lupa ng dahan-dahan at tiningnan siya ng ilang saglit bago ko gawin ang mouth to mouth resuscitation.

Nagising naman siya kaya gumaan ang loob ko. Nagpalinga-linga ako sa lugar bago ko ulit ibalik sa kanya. Bago pa man siya makadilat ay binulungan ko siya, "Sleep" isang magic words na nagpatulog kaagad sa kanya.

Tiningnan ko ang mukha niyang namumula, may unti siyang gasgas sa pisnge. Naamoy ko 'yung maruming dugo ng ama ko sa kanya.

He did this to her. But....

Taka ko siyang tiningnan, bakit iba ang amoy nung dugo niya?

I lift up my head to see the bright brilliant red colored moon, the color of the vermillion blood. "This isn't the end..."

After 6 years...

Namuhay ako sa mundo-- puno ng tao, nasanay'ng uminum ng dugo ng hayop.

Matapos akong patuluyin ng isang kumupkop sa 'kin ay umalis din siya kaagad. Ngunit nakakatawang isipin na kahit binura n'ya ang alaala ko tungkol sa kanya...

There will always this fragment memories that will stay forever even if you try to erase all of it.

***

HUMIHIKAB AKO nang may babaeng pasinghal akong tinawag. "Hoy!" tawag nito saka nagmartsa palapit sa akin.

I turned around to look at her only for me to see the beauty of a girl last 6 years ago. The purple eyes that shows the strength of her soul.

Maybe she doesn't know how wonderful her eyes could be but in my eyes, I know how beautiful it is. Her intense eyes that can pierce through even the strongest of veils

The eyes that can be the key to see their inner self, the "real" self that it cannot be seen.

"What?" tanong ko nang makaharap sa kanya. Magkasalubong ang kilay niya pero 'di mawawala 'yung seryoso sa mukha niya.

Tinuro niya ang simento, "Nakita mo na nga akong natalisod tapos hindi mo pa rin ako tutulungan?" pagtataray nito sa akin na nagpaawang sa 'kin.

Itinagilid ko ng kaunti ang ulo ko, "Nakatayo ka naman na, ah?" sabi ko at umalis na sa harap niya.

"Hoy! Hindi pa kita tapos kausapin! Bumalik ka rito!" Udyok niya at tumakbo papunta sa akin para paharapin ako sa kanya.

"Ano ba'ng--" hindi ko naipagpatuloy ang sasabihin ko nang sipain niya ang pinaka-iingatan ng mga kalalakihan. 'Di ako makapaniwala na may isang babae ang makakagawa nito sa 'kin, ni isang beses hindi pa ako nahahawakan ng kahit na sino pero siya?

Seryoso ka ba?

Nanginginig na ang katawan ko't bumagsak sa simento, "Arrrraaaayyy!!!" sigaw ko sa sobrang sakit. Hawak hawak ko ngayon 'yung sinipa niya habang gumugulong-gulong. "F*ck sh*t! Are you insane?! Why the hell did you do that, b*tch?!" naiiyak kong tanong sa kanya habang patuloy pa rin sa paggulong.

Kinuha n'ya ang baril sa lalagyan nito na naroon sa ilalim ng skirt n'ya saka iyon itinutok sa noo ko. She glared at me, "Why are you here, vampire?"

I will promised that I will protect you no matter what happen.

I would rather stay and be your shield-- but! I won't promise, that I can't hurt you but If I can be your wings...

Then even if my life burns out, I'll keep leaning on you right here.

Because that may be my purpose in life.