Chereads / Arcane Vampire: A Fabled Fiend / Chapter 4 - In the Dark Forest

Chapter 4 - In the Dark Forest

Blood III: In the DARK Forest

Zedrick's Point of View

Dismissal na kaya ngayon ay may kanya kanya na kami ng ayos ng mga gamit. Sa kalagitnaan ng pag-aayos ko ay naramdaman ko ang presensiya ng babaeng iyon dahilan para lingunin ko ito na ngayon ay nasa likuran ko na.

Gaya nung una kong kita sa kanya ay nakataas ngayon ang kanyang kilay habang nakahalukipkip. Nakaka-intimidate 'yung paraan ng kanyang pagtingin pero dahil sa ganda nung mga mata niya. Kabaliktaran ang nangyayari. "Beautiful." Nasabi ko ng hindi ko namamalayan. 

 Pumikit siya. "What are you talking about?" Parang naiirita niyang sambit at iminulat ang mga mata para bigyan ako ng walang ganang tingin. "Savannah" Pakilala niya sa sarili niya't ibinaba ang mga kamay para mag pameywang. "Are you free?" Tanong niya kasabay ang pagtapat nung araw sa kanya. Mas nag glow 'yung purple eyes niya dahilan para mapatitig ako. What a mesmerizing eyes. 

 "Are you asking me for a date?" Pabiro kong tanong sa kanya na tinaliman niya ng tingin. "I'm joking." Bawi ko. 

Napatingin sa 'kin si Hades na nasa tabi ko at sinuntok ang balikat ko. "Hoy! Wala kang sinabi sa 'kin na close na kayo!" Hindi ko lang siya pinansin at ibinalik lang ang tingin sa babaeng na sa harapan ko.

"Free ako, bakit?" 

Hinawakan niya ang kamay ko 'tapos iginiya ako sa kung saan na mabuti na lang at nakuha ko kaagad ang gamit ko. Pero naiwanan ko ang isa kong notebook. "Ah! Saglit lang, may naiwan ak--Aish! Hades! Itago mo muna 'yong notebook ko!" Habol ko pa bago makalabas sa classroom. 

 Sa panghihila n'ya sa akin ay siya naman ang pag-agaw ng atensiyon ng nakararami.

Wait a second, it's true that she's gorgeous. She has long legs and pale skin but is she the School Madonna? (Not the one who is seated and holding the infant Jesus.)

Tuloy-tuloy lang sa paglalakad si Savannah at 'di man lang pinansin 'yung mga sinasabi ng mga estudyante. Ako lang naman yata 'tong nako-conscious. "Sa'n tayo punta?" Tanong ko at napatakip sa ilong noong maamoy ko ang dugo sa kamay n'ya. Ito iyong sugat na ginawa niya kanina. 

 "Hindi ka ba naglinis mabuti, huh?" Tanong ko sa kamay niyang mayro'n ng bandage. Kaso kung iisipin ko, wala man lang akong narinig o nakita na kahit na anong concern mula sa kaklase namin. Ayaw lang ba nilang magtanong o sadyang wala silang pakielam? 

Nilingon niya ako na may inis sa mukha. "Ano ang pinagsasasabi m--" napabitaw siya 'tapos lumayo sa akin habang nakahinto lang ako. "Creep!" namumulang sigaw niya habang pilit na ibinababa ang skirt niya.

Inilipat tuloy ng lahat sa akin ang tingin nila. Tiningnan ko naman ang paligid ko bago ibaling ang tingin kay Savannah. "Hoy! Huwag ka ngang sumigaw ng gano'n!" Nahihiya kong suway sa kanya. Pa'no kung iba ang isipin ng iba?!

Hindi siya sumagot pero umaatras lang siya habang ibinababa 'yong skirt niya. Noong una hindi ko maintindihan kung bakit niya pilit na ibinababa ang skirt niya pero habang tinititigan ko ang sobrang pula n'yang mukha ay na-realize kong nakakahiya nga iyon para sa kanya.

 Mayroon siyang menstruation. Napasapo ako sa mukha. "You misunderstood it, woman."

Mas lalo siyang namula. "Sa'n banda?!" Bumuntong-hininga ako at lumapit sa kanya, pero umaastras lang ito nang akbayan ko siya palabas sa building namin. Ayokong agaw atensiyon doon, 'no?

Ipinunta ko s'ya sa likod ng building na siya namang kasabay sa pagtanggal ni Savannah sa pagkakaakbay ko. "Huwag mo nga akong maakbay-akbayan." Mainahon pero iritable nitong pagkakasabi. "Ako ang may kailangan sa 'yo, 'di ba? Ba't mo 'ko hinihila?" 

"Nakakapagtaka na wala man ni isa sa mga kaklase natin ang pumansin diyan sa sugat mo sa kamay." sambit ko na hindi niya binigyan ng kahit na anong reaksiyon. Alam niya? Sanay siya? 

 Napatingin ako sa bandage pero inilapat din sa simentong pwede niyang pag upuan. "Sit there" Turo ko ro'n. Nilingon niya ang nasa likuran niya bago ako taasan ng kilay. Ayaw pa akong sundin ng babaeng ito.

 Hinawakan ko ang magkabilaan niyang balikat saka marahan siyang tinulak para umupo sa tinutukoy ko. Hindi naman siya nagmatigas at sumunod naman ito. Nagpabebe lang siya. Gusto n'ya, iba pa ang gumawa para sa kanya.

Inalis ko ang nakapulupot na bandage sa kamay niya kaya ngayon ay nakikita ko ang mahaba-haba nitong hiwa, sariwa pa 'yung dugo kaya mas lumakas ang amoy nito. Pero, 

 …kaasar, kakaiba talaga 'tong dugo niya. Parang nang-aakit. Kumpara sa ibang dugo ng mga tao, mas malakas ang amoy nito at napakatamis. 

 Kadalasan, ganito ang mga nangyayari sa mga bampira kapag sila'y in love. Lumalakas ang aroma nung taong mahal niya. Pero sigurado akong may kakaiba lang talaga sa dugo ni Savannah, ganitong ganito rin noong una ko siyang nakita sa lugar na iyon. 

 

 "What are you trying to do?" ma-awtoridad niyang tanong. Wala naman akong gagawing masama.

"Savannah, not all vampires you knew are the same--" pinutol niya ang sinabi ko.

 "Vampires are vampire, nothing will change the fact that you will need human's blood." Pagsingit niya sa sasabihin ko. Parang may pinanghuhugutan siya sa sinabi niya na 'yan.

 Ngumiwi ako sandali at tumangu-tango. "You're right. Pero nandito ako sa mundo ng mga tao to change the fact that I am." pagkasabi ko no'n ay inilipat kong muli ang tingin sa kamay niya.

This girl is so stubborn. She is willing to hurt herself just to test me if I'm a violent vampire or not.

 Hehh, not bad. I will prove her wrong.

Nakita ko sa peripheral eye vision ko ang panlalaki ng mata ni Savannah nang tingnan niya ang mata ko, marahil ay nakita niya ang pag-iba ng kulay nito. "What do you think will happen if I'm going to suck this for you?" Pananakot ko nang kaunti nang hindi inaalis ang tingin sa sugat niya. "…Your blood is not ordinary, Savannah. Baka maubos ko 'to ng 'di mo namamalayan." Biro ko dahil sa panghuhusga niya sa akin.

Saglit siyang nakatulala nang sasapakin sana niya ako noong umilag lang ako't mabilis na hinipan ang sugat niya dahilan para ito'y unti-unting magsara.

Nagulat si Savannah nang makita niya ang nangyari sa kamay niya habang tumayo naman ako na may ngiti sa labi. "Iyan wala na, hindi ko na maaamoy--" muli akong napatakip. "Sabi ko nga mayroon ka pang menstrua--" bago ko pa man maituloy ang sasabihin ko ay binato niya sa akin ang sapatos niya. 

 "SILENCE!"

***

HAWAK HAWAK ko ang mukha kong natamaan ng sapatos niya kanina, kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa hindi pamilyar na lugar pero hindi lalabas sa campus. Dumaan kami sa tinatawag nilang Dark Forest dahil nga sa madilim ang parte ng lugar na ito at wala talagang estudyante ang tangkang pumunta rito. Makulimlim kasi saka natatakpan ng mga makakapal na dahon ang daanan mula sa puno.

Sa dulo ng lugar ay may pinto kung saan kami pumasok. Madilim sa loob at ang tanging ilaw lang na mayroon ay ang flashlight ng cellphone ko. Ewan ko nga kung bakit pumunta kami rito ng walang dala itong si Savannah na kahit na anong p'wedeng ipanliwanag sa daan.

"Hindi ka ba nahihirapang makakita?" tanong ko sa kanya habang sinusundan lang siya. Pababa na kami ngayon ng hagdan.

 "No." tipid niyang sagot at nilingon ako. "Bampira ka, 'di ba? Bakit kailangan mo pa ng flash light para lang makakita sa daan?" tiningnan ko ang hawak kong cellphone. Naka-turn on kasi ang flash.

"P-Para kasi talaga 'to sa 'yo." Nauutal kong sagot. 

 

 "Is that so? How considerate of you." Wika niya saka namuo ang katahimikan. Meydo ilang minuto na rin kaming bumababa pero hindi pa rin kami nakakarating kaya nagtanong na muna ako. 

 "Ano pala mga ideal type mo sa isang lalaki?" Tanong ko na may kuryosidad. 

Narinig ko pa 'yung kaunti niyang paglabas ng hangin mula sa ilong. 

 "I don't have one." Sagot niya. Atleast, 'di siya KJ at willing to answer naman. 

 "Bakit?" Tanong ko para mapatagal ang usapan. 

 Bumuntong-hininga naman siya. "Do I have to spell everything out for you? I'm trying to say is ideals are just ideals. They aren't reality, it's fake." 

 Sumimangot naman ako. "Savannah, 'di mo siguro alam magpahaba ng conversation." 

 "Do I need to?" Pagtataray niya nang lingunin niya ako. Ang talim talaga niyang tumingin. Tagos sa puso. "But when you're in love. Ideals won't matter." Natural niyang sagot noong ibaling niya ang tingin. 

 Napaawang-bibig pa ako kasi parang uminahon siya. Lumapad ang aking ngiti. "Ganyan ka sana palagi.��� Sabi ko na 'di lang niya binigyan ng kahit na anong reaksiyon. 

 

 Ilang minuto pa noong makarating kami sa dapat naming puntahan. Sa hindi malamang dahilan ay iba ang naaamoy ko mula sa loob kaya lumukot ang mukha ko habang takip takip ang ilong. "Ano 'yung na sa loob? Ba't gano'n iyong amoy?" Tanong ko pero 'di sumagot si Savannah, binuksan lang niya ang malaking pinto at pumasok.

Bumungad sa 'min ang ilan sa nakakulong na... Bampira. Sumara ang pinto sa likuran ko habang nakatitig lang ako sa mga bampirang na sa kwarto na ito. Mula sa TORCH na nakasabit sa mga rock wall ang liwanag namin. 

Hiyaw at hagulgol nila ang umaalingawngaw sa lugar, ang ilan naman sa kanila ay pilit na kumakawala habang kinakalmot kalmot ang metal sa kanilang harapan dahilan para dumugo ang kanilang mga kamay. 'Yong iba naman ay nagsisisigaw dahil sa sakit na hindi mo malaman kung saan nanggagaling. 

 

 Nanginginig ang mga mata kong nakatingin sa kanila. Hindi makapaniwala sa aking nakikita, bampira sila katulad ko pero bakit... Ganito sila kung kumilos?

Hindi ako makapagsalita at nakanganga lamang. Tumabi sa akin si Savannah habang diretsyo lang na nakatingin sa harapan. "This is what we're talking about," panimula ni Savannah at tiningnan ako. "...class-A Vampires"

Napasinghap ako sa napagtanto ko, hindi ko inaasahan na talagang totoo ang mga ito. 

 Biglaang sumagi sa isip ko ang nakaraan. Ang mga patayan at duguan na nangyari six years ago. 

 Humawak ako sa bibig ko dahil pakiramdam ko ay masusuka ako.

 "This is what happened to them due to their lack of human's blood, normal vampires turned into a Class-A vampires." Simpleng paliwanag niya. 

Marahan ko siyang tiningnan. "Ito ba ang sinasabi niyong Prison of Atlante?"

Umiling siya. "No, not exactly."

Ibinaba ko ang aking kamay at dumiretsyo ng tayo para tingnan si Savannah. "Then why are they here?! Paano kung may makaalam nito?! Saka delikado kung dito niyo sila itatago!" Singhal ko. 

Pumikit siya sandali na iminulat din pagkatapos. "It's not we liked them to be here, wala lang kaming magawa para mailabas sila dahil dito na sila mismo nanggaling."

Kumunot-noo ako. "What do you mean?" Naguguluhan kong tanong.

"These Class-A Vampires were like you" panimula n'ya na mas lalong nagpakunot sa aking noo. "...they also wanted to be human. Ang pinagkaiba nga lang ninyo ay hindi sila umiinum ng dugo ng tao o hayop. They're living just like human, puro pagkain ng tao ang kinakain nila para masabi nga nilang TAO sila." Umabante nang kaunti si Savannah papunta ro'n sa Class-A Vampires na umuungol sa sakit.

"They were also the students of K.C.A. that we cannot afford to kill, maliban sa naging estudyante namin sila, we must experiment them on how to be normal again because they will be able to help us eliminate violent vampires that will come during end of the world." hindi ako umimik at nakikinig lang sa sinasabi niya.

Mas lumakas ang ingay noong tingnan nila kaming dalawa. Hindi na sumagot si Savannah kaya ako naman ang nagsalita. "If that is the case, how come you still don't trust us vampires? Hindi naman kami masasamang laha--" Pinutol niya ako. 

Bigla siyang humarap sa akin pero hindi siya nakatingin sa mismo kong mata at nakababa lang ang tingin. "You're wrong" Tugon niya na may seryosong ekspresiyon. Hindi na niya ipinaliwanag kung bakit iyon ang naging sagot niya, sa halip ay pumunta lang siya sa harapan ng babaeng Class-A vampires.

Napaka lungkot ng mata niya pero nakangiti ito. "Zedrick" Tawag niya kaya napatayo ako nang tuwid, bigla niya akong tinawag sa pangalan, eh. "Paano kung dumating sa punto na kailangan mong patayin 'yong minamahal mo para sa ikabubuti ng lahat? Pipiliin mo bang mag sakripisyo o ipaglalaban mo pa rin ito?" tanong ko, "...maghahanap ka ng paraan para hindi matupad ang dapat na mangyari?" dagdag pa niya.

Biglang sumagi sa isip ko ang mukha ng aking ina dahilan para mapatagilid ako. "I... I don't know" Hindi ko siguradong sagot kasabay ang pag-iling. "I never thought about it, pero kung iisipin ko…" I lifted up my head with full of determination. "…I want to fight for it. Kahit na magkanda letche ang buhay ko."

Nakita ko ang paglipat ng tingin niya sa akin habang nakaharap sa babaeng Class- A na pilit siyang inaabot. "If you really love a person, you'll do anything even if it brings you pain and sadness, even if you're alone if you know what is right then do so. Basta may paraan, walang impossible"

Hindi ko talaga alam kung may sense itong sinasabi ko sa kanya pero sana nga mayroon. 

 Ngumiti siya lalo at ibinaling ang tingin sa akin. "I see." Tipid na wika niya at humarap na sa akin. Hindi pa rin natatanggal ang lungkot sa mata niya.

Bakit pati ako nasasaktan? Ang bigat lang sa pakiramdam...

"All this pain will make sense, I believe." she said as she smiled. "Thank you." For some reason, my heart skipped a beat. 

 She's tough yet weak on the inside. She have this sense of justice, she's independent and strong-willed. I want to protect her. 

 "Protect me and I will protect you." She extends her hand. "Join me, Zedrick Olson."