Blood VIII: Wondering TRUTH
Zedrick's Point of View
2 days have passed...
Balik ulit ang katawan ko sa dati, okay na ang pakiramdam ko at medyo masigla sigla na ulit. Iyon nga lang, kulang talaga ako sa exercise dahil madali akong mapagod. Ilang hakbang pa lang ng hagdan ay hinihingal kaagad ako.
Hindi ko alam pero ngayon lang ito nangyari sa akin, hindi naman kasi mabilis mapagod ang mga bampira. Human and Vampire has both physical appearance pero mataas ang stamina nila kumpara sa mga ordinaryo.
Hindi kaya...
I opened the refrigerator and took the blood pack that was put under the freezer. Ito ang madalas kong inumin, pero hindi ito dugo ng tao kundi dugo ng hayop tulad ng baboy, baka at ng kung ano pa. Gaya ng sabi ko kay Mr. Okabe, hindi pa ako umiinum ng dugo ng tao. Never in my life. I don't wanna a blood sucker as much as possible. Ayokong matulad sa lalaking 'yun.
Matapos kong uminum ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, lumabas sandali ang vampire instinct ko. The both of my eyes turned into a glowing bright red color of crimson with my fangs slowly appearing-- tila parang Alpha.
Unlike animals...
Dogs, cats and Deer have their kind of blood but their eyes don't look like ours. My eyes glow because of a layer called the tapetum lucidum just behind the retina. It's kind of amazing, isn't?
Naghintay lang ako ng ilang sandali bago mawala ang vampire instinct ko, kaya dumiretsyo na ako sa labas. Kailangan ko na ring pumasok ng maaga para maghabol sa requirements.
Bubuksan ko pa lang ang pinto nang may magbukas no'n, bumungad sa akin si Savannah na umagang-umaga pa lang ay bored na kung tingnan ako. Hawak-hawak niya ang susi ng room ko-- may number kasi kaya alam kong susi iyon ng kwarto ko. Pinaikot-ikot niya sa kanyang daliri ang susi. "Morning." Bati niya kasabay ang paghinto sa kakaikot nung susi.
Pabiro ko siyang sinimangutan. "Hindi ko alam na may pagtingin ka sa akin at nagawa mong magpa-duplicate ng susi ko--" naputol 'yong sasabihin ko.
"Hindi!" Mabilis niyang sagot habang namumula saka ako inirapan. Hinubad niya 'yong school shoes niya at pumasok sa loob na sinundan ko naman ng tingin, "Makikipasok" She said as she barged in. Papasok na kaya sana dapat ako?
Mas lalo akong sumimangot. "Ang cute mo talaga" sarkastiko kong sabi at sinarado na lang ang pinto. 'Di naman ako pwedeng umalis na may tao sa condo ko, 'no? "May pasok tayo kaya bakit ka pa pumunta rito?" Pumunta ako sa living room dahil nando'n si Savannah.
She sighed. "Hindi ka ba nanonood ng TV?" She asked irritably at humarap sa akin. "Wala tayong pasok, may bagyo raw na paparating" Wika niya at pasimangot na humarap sa bintana. "Kung bakit naman kasi kulob ka rito, eh." Naglakad siya papunta sa terrace ko at inurong ang curtains.
At oo nga, may paparating na bagyo. Ang dilim dilim na nung ulap.
"Kaya ba 'di ka pupunta sa Prison of Atlante?" Not long time ago nang sabihin niya sa akin na pumupunta siya roon para sa research. Ang duty niya ay sa umaga maliban na lang if Mr. Okabe will give her a task.
Iyon din siguro ang dahilan kaya may naaamoy akong kakaiba kapag papasok na si Savannah. Mula 'yon sa mga Class-A Vampires at kumapit sa kanya 'yung lansa nung lugar na 'yun.
Nasabi rin sa akin na may kaunting pagbabago matapos ang insidente tungkol sa Class-A na pumatay sa estudyante ng K.C.A. Hindi pa rin kasi nila alam kung sa'n ito nanggaling lalo na't dalawang lugar lang naman ang pinaglalagyan ng Class-A. Iyong isa ay sa Dawn Abyss at 'yong isa naman ay sa Prison of Atlante.
"No, I'm going" Sagot niya na nagpasingkit sa mga mata ko. Tutol talaga ako rito. Hindi naman kasi sila pumupunta by group, this is an individual task. Siya lang ang pumupunta sa isang lugar to observe what's going on.
Kung mayro'n mang ibang papasok sa Prison of Atlante, sa ibang area naman iyon at may mga sarili ng grupo. Pero si Savannah, mag-isa lang.
"Whether you like it or not, You must have a partner-- a comrade who understands you. You need to do this to bring out your inherited strength." Naalala kong saad ni Mr. Okabe para sa anak niyang si Savannah.
Pabagsak na umupo sa sofa si Savannah and crossed her legs. "Psst! Paluto nga ako, ano pagkain d'yan?" Parang donya nitong utos. Nilutuan ko kasi siya kahapon noong dumalaw siya rito, mukhang nasarapan sa luto ko. Hindi naman niya iyon dine-deny.
I let out a sigh. "What am I here? Tagaluto mo?"
Umismid siya at ipinatong ang siko sa hand rest para makapagsalong-baba. "C'mon! Magpa-salamat ka pa nga dahil ako ang ipagluluto mo, eh." Proud nito na sabi na may pagtango tango pa. Hoy, kailan naging narcissist 'tong babaeng 'to?
"So, you went here just to eat?" I asked her.
Hinarap na niya ang tingin sa akin. "Obviously. Alangan namang sa 'yo, 'di ba?" Diretsyo nitong sabi. Ngiti akong napabuntong-hininga, wala talaga akong magagawa kapag itong babaeng ito ang kausap ko.
"Fine, ipagluluto kita kahit araw-araw pa 'yan" Gumuhit naman ang ngiti sa labi niya, nawala lang iyon nang may idagdag ako. "But in one condition." kumunot ang noo niya at isinandal ang likod sa back seat ng couch.
Hinihintay lang niya ang susunod kong sasabihin habang napaawang-bibig ako, sasabihin na rin sana ang kondisyon nang hindi ko na lamang itinuloy, "Nevermind, kakaunti lang 'yong ingredients ko d'yan kaya huwag kang umasa na masarap ang maihahain ko sa 'yo"
"Sure, no problem." Kampante nitong sagot at kinuha ang remote control para buksan ang TV. Tumalikod na ako at maglalakad na sana nang tawagin niya ako. Lumingon ako sa kanya at tinanong kung ano 'yon.
Seryoso na ang tingin niya. "Hindi ka papayag maging vampire hunter, 'di ba?" Tanong niya na 'di ko inimikan. Diretsyo lamang ang tingin ko sa kanya. Matapos niya akong alukin noong na sa Dawn Abyss kami ay hindi ko na nagawang banggitin iyon sa kanya.
Muli akong humarap at seryoso rin siyang tiningnan. "I won't, bampira na mismo ako kaya hindi ako magiging vampire hunter," Sabi ko na nagpangiti sa kanya.
"I see, then good--" Napatigil siya nang may idagdag ako.
"...but I can be your shield who will protect you no matter what circumstances you will take. Wherever you are, I'll go with you" Tukoy ko sa pagpasok sa Prison of Atlante. Bago pa man siya may sabihin ay tumalikod na 'ko para pumunta sa kusina.
In that moment, I heard what her mind was saying...
She doesn't want me to say 'yes' for some unknown reason. Pero 'di ko na nagawang magtanong because I don't want to become a burden to her.
"Are you that ready to die?" A question that made me stop. I turned around to looked at her, she's friggin' worried about something even though she's wearing this serious expression all over her face.
But I could see the distress in her eyes
"Yes" I answered as I smiled. "I am ready to die for you."
Maganda na atmosphere ang pumapagitan sa amin noong bigla na lang siyang bumukaka. Ngayon ay nakikita ko kung ano'ng kulay ng panty niya.
"P-Pink." Samnit ko. Kumurap kurap muna siya bago sundan ang tinitingnan ko. Rawr!
Someone's Point of View
Nasa labas lang ako ng room 307 habang nakikinig sa sigawan ng dalawang tao sa loob, mukhang mga nagbabatuhan na rin ang mga ito dahil kung anu-anong ingay na ang naririnig ko.
Gumuhit ng malapad na ngiti ang aking labi. "Enjoying the moment, huh?" I said and giggled.
Zedrick's Point of View
Hawak-hawak ko ang kaliwa kong pisngi habang naglalakad ngayon papunta sa malapit na convenience store. Sinampal ako ni Savannah! Kasalanan ko ba na bigla siyang bumukaka kaya nakita ko 'yong panty niya?!
Pink Panty iyon na may design na Polar Bear. Hindi siya nagsuot ng sexy panty ngayon.
Binuksan ko ang glass door no'ng convenience store, hindi ako lumabas ng unit at nasa loob pa rin naman ako. Mayroon naman kasi ritong convenience store kaya hindi ko na kailangan pang lumabas.
Pumunta lang din ako rito para bumili ng p'wedeng makakain kung sakaling mawalan ng kuryente mamaya. Nainit ko naman na 'yung pagkain ni Savannah kaya wala namang problema kung iwan ko siya ro'n sandali.
Pumunta ako sa area ng mga chichirya at kumuha ng mga gusto ko. Mayamaya lang ay napalingon ako, pagkatapos ay tumingin sa kaliwa't kanan. Ako lang ang tao pero bakit parang may nagmamasid sa akin?
This isn't the first time I felt this and it's weird that I think there is actually someone who's staring from somewhere. I continued to look around yet my eyebrows furrowed nang wala naman akong makita na problema. I guess I'm just hallucinating? Do I still have a weak body? Hindi ko lang napapansin?
Humarap na lang ulit ako sa mga chichirya. Kukuha na sana subalit nakarinig ako ng malakas na pagbasag ng kung ano mula sa labas kaya napatingin ako roon. Dali-dali akong lumabas at laking gulat na may usok akong nakikita, at kung hindi ako nagkakamali ay sa bandang kwarto iyon ni Savannah.
"Sh*t."
Mabilis akong tumakbo papunta roon habang nagtititili't nagsisisigaw ang mga tao sa paligid, nababangga na rin nila ako habang iyong iba naman ay nakatingin lang sa pinanggalingan nung gulo.
Nakarating na ako sa 4th floor gamit lang ang hagdan, at wala pa nga ako sa kwarto niya ay may narinig na akong putok ng baril.
I ran towards the door at habang papalapit doon, I smelled it again. Her blood. "Savannah!" pumasok ako sa loob at naabutan ang kung sino. Nakasuot siya ng itim na tela, takip takip ang mukha niya kaya hindi ko nakikita 'yong kabuuan ng itsura niya.
Hawak naman ni Savannah ang braso niyang nasugatan habang seryoso lang na nakatingin sa harapan niya.
Inilipat ko na ang tingin sa nakaitim na iyon. "Who are you?!" Lumingon siya sa akin, kita ko ang paraan ng kanyang pag ngisi ganoon din sa pagdila ng dugo sa kanyang labi na nagmula pa yata kay Savannah. Mabilis siyang sumulpot sa harapan ko't binigyan ako ng napakalakas na suntok sa dibdib.
Subalit nasalo ko iyon at binigyan siya ng mababang sipa nang tumalon ito't sumipa, nasalo ko naman ang paa niya't umikot para malakas siyang itapon palabas. Ngunit nagawa pa rin niyang makatayo imbes na bumagsak sa sahig.
Lumabas na si Savannah, tumutulo pa rin ang dugo mula sa kanyang braso gawa ng pagkakakalmot sa kanya. "When did she get here?" Tanong ko sa kanya nang makalabas din ako.
"Just now actually." Sagot niya na tila parang walang nararamdaman sa kanan niyang braso.
Dumiretsyo na ng tayo 'yong nasa harapan namin. This presence…! Don't tell me.
Narinig namin ang malakas na kulog mula sa kalangitan senyales na parating na ang malakas na ulan. Ramdam din namin ang pagnginig ng lupa dahil sa lakas ng kulog, at ang ihip ng hangin ay nag-iiba na.
"You're also a vampire, aren't you?" Hula ni Savannah na nginisihan nung nilalang na nasa harapan namin. Mas napatunayan pa namin na bampira siya noong lumabas ang mga pangil niya kasabay ang pag kidlat.
"Bingo." Boses ng babae iyon.
Sumeryoso ang tingin namin ni Savannah. "Who would've thought that aside from Zedrick, there's still someone else who survived the last war?" Manghang sabi nito na medyo hinihingal. Malamang nasasaktan sa natamo niyang sugat.
Naingkit ang mata ko. "What do you want?" I asked in a calm way, "Where did you come from and you're here?"
She giggled, "Why? Can't I? Just want to have fun with you--" Hindi siya pinatapos ni Savannah dahil pinutukan niya ito ng baril sa may paanan. Hindi naman siya natamaan pero natahimik siya kaya nawala rin ang ngisi sa labi niya. "I'm still talking here."
"Don't mess around with me, you've been spying us for the past few days... And now that you appeared before my eyes, nagagawa mo pang makipag lokohan sa 'min?" Natawa lamang ang bampirang kausap niya at napahawak sa ulo.
"Easy, assignment ko ito. Also, I just want to observe something else." Kibit-balikat na sabi niya sabay lipat ng tingin niya papunta sa akin. "Right? Mr. Olson?"
Naningkit ang tingin ko. "What are you trying to say?" Medyo mahina pero sapat lang upang marinig niya ang sinabi ko.
Nilahad niya ang kamay niya kay Savannah. "She's injured, are you not curious about the taste of her blood?" Dinedemonyo niya ako.
Pinagpapawisan ako, totoo na natatakam ako sa dugo ni Savannah but I will never do a thing to hurt this woman.
Umismid ako. "Tinulad mo pa 'ko sa 'yo?"
Humagikhik ang babaeng bampira na ito at dinilaan ang itaas na labi. "Krr." Reaksiyon ni Savannah na tila parang naiirita't nandidiri sa ginawa nito.
"Interesting! Ipagpatuloy mo 'yan, Zedrick Olson! Let's see how long you can have the urge to stop your thirst." Sabay baling niya kay Savannah at muling ngumisi. "This is not our last meeting, Savannah."
Walang sinagot si Savannah at hinayaan lang namin siya na paunti-unting naglalaho sa paningin namin kasabay ang malakas na pagkidlat. She only wanted to observe something but I wonder what is it?