Blood X: Orders are Absolute!
Zedrick's Point of View
Nang tumapat sa alas otso ang oras ay lumabas na ako ng classroom para puntahan si Savannah sa Atrium. Hindi ko na dinala ang bag ko dahil napaka sagabal pa nito kahit isang notebook at ballpen lang ang dala ko. Wala kasi sa first period class at may O.B. (Official Business)
Sa pagbaba ko ng hagdan ay nakasalubong ko si Savannah, mukha siyang nagmamadali. "Oh, akala ko ba sa Atrium tayo magkiki--" Hindi ko naituloy 'yong sasabihin ko dahil bigla bigla na lang niya akong hinila at kinaladkad papunta sa kung saan.
"Come!" Wika niya't hinila ako. Halos madapa-dapa ako dahil sa pagtakbo namin. Dumiretsyo kami papunta sa rooftop ng building na ito. Bawal pumunta sa lugar na 'to kapag class hour dahil may posibilidad na mag cutting ang estudyante pero pumunta pa rin kami rito. Sakto nga na walang bantay, kaya tuloy-tuloy kami.
Tinulak ako ni Savannah sa labas ng rooftop na kamuntik-muntikan pa akong masubsob. Kunot-noo kong nilingon si Savannah. "Uy, dahan-daha--" malakas niyang isinarado ang pinto at hinarang ang katawan doon. "Run!" sigaw niya na mas nagpakunot sa noo ko.
"Ano ba'ng nangyayari?" Naguguluhan kong tanong saka siya biglang tumalsik nang may malakas na pwersa ang lumabas. Nagpakita sa amin ang malaking palaka na medyo kumikinang kinang pa ang paligid. Napaatras ako sa kinatatayuan ko. "What the F*CK is that thing?!" I asked filled with shocked.
Sh*t! Ano 'to?! Bakit nakasuot pa ng make-up?!
Tumalikod si Savannah sa palakang iyon at tinakpan ang mukha na animo'y hindi kayang tingnan ang nilalang sa harapan namin. "I-I hate frogs, I don't know how to deal with it."
"You're a vampire hunter but you can't take care of this thing?" hindi ko makapaniwalang tanong kay Savannah dahilan para ibaling niya ang tingin sa akin. Sobrang PULA nung mukha tapos kamot pa nang kamot lalo na sa leeg.
"They irritates me!" She shouted as the frog suddenly attacks.
Pa-tumbling akong umiwas paatras saka pinosisyon ang sarili. "Saan siya nanggaling?!" tanong ko kay Savannah na 'di pa rin humihinto sa kakakamot. May mga ganito pa pala talagang tao? Nakakita lang ng kinadidirian nila, kating kati na sila.
"I don't know! But in history, they were called Spirit Animals summoned by a vampire but I never thought that story was real-- Eek!" Napatili siya nang lumabas ang mahabang dila nung palaka. "Zedrick!" Patiling tawag niya sa akin at tumakbo takbo na.
Umakto naman ako na parang walang naririnig. "Ha? Ano 'yun?"
"I'll kill you!" Inis niyang sigaw sa akin at tumalon noong hahampas sa kanya ang dila nung palaka.
Humawak ako sa batok ko. "I get it, pero paano ko 'to mapapatumba?" Tanong ko sabay sipa sa likod nung palaka noong makalapit ako kaunti rito. "Literal na spirit talaga sila, tumatagos--Whoa! Huwag naman masyadong aggressive." Biro ko pa nang makailag.
"Nothing, all you can do is to dodge until it'll disappear, it will last in less than 5-10 minutes. Hindi umaabot 'yan ng ilang oras-- Disgusting creature!" Diring diri na wika niya nang mapa-tumbling ito sa pag-ilag. Hmm… Nakasuot siya ng shorts ngayon.
Nakalapit na sa akin si Savannah at nag posisyon na, pero 'di pa rin talaga maiiwasan sa itsura niya ang pagka-irita. "You're itching me..." Sambit niya at saka ako sumeryoso.
"Sa tingin mo, sino kaya naglabas sa kanya?" Tukoy ko sa palaka na nasa harapan namin.
Savannah shook her head. "I don't know, but it's impossible that this thing came from the girl we encountered last time... 'Di puwedeng magkaroon ng double ability ang mga vampire aside sa abilidad ninyong magbura ng memorya. Each vampire has one ability depends on their power capacity." Saad niya.
"So, may possibility pa rin?" Tanong ko at tumakbo papunta sa likod nung palakang 'yon. Mahihirapan kasi siyang humarap dito, eh.
"I guess, 0.1% will be the possibility." Sagot ni Savannah at mataas na tumalon na tumapat pa roon sa araw, pagkatapos ay umikot siya para masipa ang palaka, gusto kong mapasapo sa mukha dahil kasasabi ko nga lang niya na tumatagos 'yong physical attack! Saka siya na rin naman 'yong nagsabi na wala kaming dapat gawin.
Kaya ngayon, sa 'kin pa tuloy siya lumanding. Nakahiga ako habang nakapatong lang siya sa dibdib ko. Sa hindi ko inaasahan, mabilis akong inatake ng aking Savant Syndrome nung maamoy ko lang nang malapitan ang scent ni Savannah, isama mo pag nakaipit sa mukha ko ang mga hita niya.
Iminulat ko ang mata ko at binigyan siya ng walang ganang tingin. "Pervert." Pang-aasar ko kaya namula siya. Malakas niyang hinila sandali 'yong buhok ko bago umalis sa pagkakapatong sa akin.
"What an annoying jerk." Nahihiya niyang sabi nang makatayo, tumayo na rin ako at nagpa-salamat pa sa kanya. Very good, Zedrick Olson. Mas inaasar mo pa siya.
Tiningnan ni Savannah ang wrist watch niya saka napakunot noo. Napatingin ako sa kanya habang humaharap pa sa 'min 'yong spirit animal na 'to. "May problema?" Cool lang na tanong ko.
Taas-kilay akong nilingunan ni Savannah. "Huwag ka ngang chill d'yan." Inis nitong sambit at ibinalik ang tingin sa wrist watch niya. "Umabot na ng more than 5 minutes mula kanina nang lumitaw siya," tukoy niya sa nilalang na nasa harapan namin, "...pero hindi pa rin siya nawawala." Dugtong niya.
Nag-iisip ako sa puwede kong gawin nang mabilis akong tinulak ni Savannah para hindi ako ang makuha nung palakang iyon. Sa halip na ako ang na sa ere, si Savannah ang nakuha nung palaka sa pamamagitan ng dila na nakapulupot sa katawan niya. Kaya ngayon ay mas namula na ang mukha ni Savannah at tila parang iritang irita na sa kanyang pwesto.
Pumailanlang ang ungol niya sa sakit habang hinihigpitan nung spirit ang dila niyang nakapulupot sa katawan ni Savannah.
Sumeryoso ang tingin ko nung maalala ko 'yung bawat pag-atake ng spirit na ito. Kanina ko pa talaga 'to iniisip, we can't touch her pero siya p'wede?
Pumikit ako para makapag-isip. Mayamaya pa'y may pumasok sa utak ko na pwedeng magpabagsak sa spirit na ito. Lahat ng nabubuhay sa mundong ito ay may kahinaan, hindi pwedeng wala.
Mabilis akong nagtititingin sa paligid nang makakita ako ng isang pahabang stick gawa sa metal. Mabilis kong kinuha iyon saka tumakbo para atakihin at isaksak ito sa dila no'ng palakang iyon. Malakas na hagulgol ang maririnig sa kanya kasabay ang pagbitaw nito kay Savannah.
Nasalo ko siya kaya napatingin siya sa akin. "What kind of servant are you if you are this useless?"
I smiled. "I like how straight forward you are, my lady..." I said and looked away. "But that is too much that it even aches my heart" Malungkot kong wika na may pag-iling.
"Ano ba'ng nangyayari sa 'yo? Ang corny mo! Ibaba mo na nga ako! Mas nakakadiri ka pa sa palaka-- Eh?!" pareho kaming nagulat nang makita namin ang natutunaw niyang damit. Unti-unti tuloy nakikita ang katawan niya. Hindi kaagad ako nakaimik at pokerface lang na nakatingin doon.
Si Savannah, sinusuntok na ako sa dibdib. "I-I-Ibaba mo 'ko!" Hindi ko siya pinansin at tumalon lang pa-atras noong muli nanamang umatake ang spirit.
Puwede ko ng bigyan ng palakpak ang creature na ito for having a good supernatural powers. Very good, very good.
Ibinaba ko si Savannah sa gilid, wala na siyang suot ngayon kaya umiwas ako ng tingin at hinubad ang school blazer ko para ibigay iyon sa kanya, mabilis naman niyang hinablot iyon at sinuot. "Huwag ka munang gagalaw d'yan. I will take care of this thing." kumbinsi ko at in-activate ang vampire instinct ko.
Mabilis akong nakarating sa harapan ng spirit at malakas itong binigyan ng Air Kick. Itinama ko 'yong sipang iyon sa dila niya dahil iyon lang naman ang katangi-tanging bagay na p'wedeng mahawakan.
Malakas siyang natumba dahilan para magkaroon ng crack ang sahig. "My bad." Walang gana kong sabi at nilingon si Savananah. "Hindi ko naman siguro kasalanan 'to, 'di ba?" Turo ko sa nawasak na simento.
"Don't mind it, j-just continue what you're doing" pag gestures niya sa akin habang nakatagilid. Gaganahan talaga ako sa ginagawa ko kung ganitong mukha ang pinapakita ng babaeng ito sa akin.
Seryoso kong nilingon ang spirit at in-activate ang Mind Control, this is also a part of my Mind Reading but this power has the ability to control the body of the target by looking at their eyes and controlling their brains to do what I command in mind.
Naningkit ang mata ko.
Disappear.
Utos ko dahilan para mawala ito na parang bula. "A-ano'ng ginawa mo?" Naguguluhang tanong ni Savannah ngunit nagpamulsa lang ako't naglabas ng hangin sa ilong. Hindi ko siya sinagot.
Umayos na ako ng tayo noong bumaba ang epekto ng Savant Syndrome ko dahil sa paggamit ko ng abilidad ko. Matagal din nung huli ko siyang ginamit kaya talagang hinigop nito ang lakas ko.
Dali-daling lumapit sa akin si Savannah at pumunta sa harapan ko, hinawakan niya ang aking balikat habang nakahawak lang ako sa puso kong malakas na tumitibok, lumalabas na rin ang pangil ko habang mas namula ang mga mata ko.
"Blood..." Nanghihina kong sambit at inilipat ang tingin sa leeg ni Savannah. Hindi ko napigilan matakam kaya itinulak ko siya sa sahig saka ako pumatong sa kanya. Unti-unting nagiging blanko ang utak ko habang 'di inaalis ang tingin sa leeg niya, "I... Want your blood..." Hirap na hirap kong sabi at unti-unting inilalapit ang mga pangil sa leeg niya.
Tumigil lang ako nang magsalita si Savannah. "It's okay, this is your prize for protecting me" Umangat ako nang kaunti to looked at her face. She's also staring at me nang bumalik ang wisyo ko.
Umalis ako sa pagkakapatong sa kanya at tinalikuran siya nang makaupo. Hinawakan ko ang mukha ko. What are you doing?!
Naramdaman ko ang pag-upo niya mula sa pagkakahiga. "Why didn't you do it?" Tanong niya.
"And why didn't you even stop me?" Balik ko naman sa kanya noong makalingon ako, pagkatapos ay ibinaba ang tingin. "I still hold my oath that I won't suck human's blood just because I'm thirsty." Litanya ko at tumayo na. "I could live without your blood nor human's blood. And also," Inangat ko ang tingin para makita siya. "…I told myself that no matter what happens, I won't hurt you." Dagdag ko. "So, I want you to avoid doing that again" Pakiusap ko at tinaliman siya ng tingin, I'm serious. "Naiintindihan mo?"
Malakas na umihip ang hangin sa paligid habang nagkatitigan lang kami ni Savannah sa isa't isa.
Huminga siya ng malalim nang bigyan niya ako ng seryosong tingin. "I can't do that." Iling nitong tugon."...It's my responsibility to give you your needs, you're helping me a lot so it's my turn to do the favor."
Inangat niya ng unti ang ulo. "And my orders are absolute."