Blood XI: Trust In You
Savannah's POV:
"I saw what you did there." Kasalukuyan akong naglalakad pababa nang makasalubong ko ang nakapamulsang si dad. Kagagaling ko lang sa banyo dahil nagpalit ako ng damit at ngayon ay didiretsyo na sana ako sa classroom, kaso nagbago ang isip ko.
Diretsyo lang ang tingin ko when I glance over my shoulder, huminto lang siya sa likod ko. Hindi kasi talaga kami nagpapansinan kapag na sa labas ng office, pero kapag na sa labas naman ng campus. Malaya kaming nag-uusap.
"Are you sure you're going to offer your blood to him? You will be a blood pet if you are going to do that." I turned my head to looked at him while giving him my emotionless look. "Huwag mong sabihin sa akin na hindi?" Tanong ni dad at humarap na rin sa akin. "Your blood is not an ordinary cell, Savannah. This is not the first time vampires is craving for your blood, hindi natin alam kung ano ang puwedeng mangyari sa 'yo kung pumayag si Olson sa pagbibigay mo ng dugo mo. Maybe he won't stop and that'll lead you to your death."
Naningkit nang kaunti ang mga mata ko. "Let me ask you, Dad. Why did you took me in the first place?" Tanong ko sabay harap sa kanya. "I have no memories of my past. I don't know my real identity, wake up in the morning na parang bago ang mundo ko, wala akong kilala ni isa... Saan ako lulugar? Ano ba ang dapat kong isipin tungkol sa sarili ko?" Sunod-sunod kong tanong habang nanatili lang siyang nakatitig sa akin at 'di nagsasalita.
Maririnig sa paligid ang tawanan ng mga estudayante sa taas gayun din ang kung anu-anong ingay na nagmumula sa labas ng building na ito.
"Kapag pupunta ako sa Prison of Atlante at may nakakasalubong akong Class-A Vampires. Wala silang ibang bukambibig kundi ang kakaibang dugo sa katawan ko. Dad, I'm scared... How if I found out that I'm not the person you knew? Pano kung hindi naman pala ako isang ordinaryo? I'm..." I paused.
Nag ring na ang bell kasabay ang pag announce mula sa Audio Visual Room tungkol sa activities na magaganap para sa susunod na period. Tumalikod na nga lang ako. "Forget it. I'm going." Bumaba na ulit ako at hindi na pumunta sa klase.
Pupunta ako sa Prison of Atlante. Baka mayro'n akong makitang clue kung paano napunta rito ang isa sa mga Class-A gayun din 'yung Normal Vampires including 'yung nagmamay-ari sa Spirit Animal na bigla na lang lumitaw sa K.C.A.
Humawak ako sa baba (chin) ko samantalang 'yung isang kamay ay hawak naman ang aking siko. Kaso nakakapagtaka naman, kung kailan dumating si Zedrick dito ay saka lang mga nagpakita ang mga mga ganitong pangyayari.
"Savannah." Tawag ni Zedrick mula sa likuran ko. Pababa pa rin ako ng hagdan.
Humarap ako sa kanya, nakahawak pa rin siya sa leeg niya at medyo pinagpapawisan pa. "I thought you were in the class, sa'n punta mo?" Tanong niya at bumaba pa ng isang hakbang paabante sa akin.
Is it only coincidence?
"He--" Pinutol ko siya.
"Zedrick." Tawag ko sa pangalan niya na limang segundo pa siguro ang pagtitig ko sa kanya, hinihintay lang niya ang sasabihin ko't hindi umimik. "Can I trust you?"
Zedrick's Point of View
"Can I trust you?" Isang tanong na medyo nagpagulo sa isip ko. Hindi siya magtatanong niyan kung wala siyang iniisip na kung ano tungkol sa akin. Gusto ko mang silipin kung ano ang nasa utak niya ngayon, hindi puwede.
She gave me her sweet yet saddest smile. "Please, don't ever betray me."
It's not always the tears that measure the pain. Sometimes, it's the smile we fake.
Bumaba na siya at iniwan lang ako sa gitna nung hagdan, animo'y parang bumagal ang oras sa bawat paggalaw ng mundo.
I smiled. "The more I get to know you, the more attractive you become, Savannah."
***
IPINASOK KO ANG mga kamay ko sa aking bulsa habang papalabas sa building namin kasama si Hades. Tumama kaagad sa akin ang sikat nung araw kaya napapikit pa 'ko kasabay ang paghagip ng tingin ko kay Curtis. Mag-isa lang siyang naglalakad habang palabas ng campus, diretsyo lamang ang tingin niya at 'di man lang dinadaanan ng tingin 'yong iba pang mga estudyanteng kasabayan niyang naglalakad.
"Hi, Hades!" Bati ng isang fan niya sa kanya na kinawayan naman nito with matching kindat pa.
Hindi pa ako sanay sa pagiging sikat nitong si Hades, pero malapit naman na at hindi na ako maiilang. "Sino kasama mo?" Biglang paglingon sa akin nung babae, ako rin pala kinakausap nito?
Inakbayan naman ni Hades 'yong babae. "Don't mind him." Sabi niya sabay hawak sa pisngi nito. "Sa akin mo lang itutuon ang atensiyon mo." Namula naman ang mukha niya dahil siguro sa kilig.
"Y-yes, Hades."
Nag gestured ako. "Mauuna na ako sa 'yo." Naglakad na ako para iwanan ang makating lalaking iyon. Magsama sila ng fan niya, pupunta na muna ako kay Curtis.
Patakbo akong naglakad papunta sa kanya saka siya tinapik sa braso."Oy." Bungad ko.
Lumingon siya sa akin. "Zedrick. Hindi mo kasama si Savannah?" Tanong niya kaagad sa akin.
Pumaharap ako ng tingin at medyo natawa. "Hindi naman kami nagsasama no'n, eh." Sagot ko at muli siyang tiningnan. "Uwi ka na?" Tanong ko na inilingan niya.
"Mag go-grocery muna ako, gusto mong sumama?" Tanong niya para maaya ako. Wala naman siguro akong gagawin mamaya kaya okay lang siguro kung sasama ako sa kanya kahit mga ilang oras lang, 'di ba?
Gusto ko lang siyang samahan, kapag kasi nakikita ko ang babaeng 'to. Palaging walang kasama, eh.
Tinanguan ko siya. "Sige, tar--" hindi ko pa nga natatapos ay hinampas nanaman niya ako. Ang hilig nitong manghampas!
Pumunta kami sa parking-an at kasalukuyang nasa tapat ng isang big bike na MT-09. "Is that yours?" Hindi makapaniwalang tanong. Kinuha niya ang helmet na nakasabit sa manibela at umangkas.
Sinuot na niya ang helmet. "Yes, how about it?" Taas-babang kilay niyang tanong at pinaandar na ang makina. Tinapik niya 'yong upuan sa likod niya. "Dali, sakay."
Nag-alanganin pa akong tumingin sa space ng upuan. "May driver's license ka na ba? Ilang taon ka na ba?" Kinakabahan kong tanong kaya itinagilid niya ang katawan niya paharap sa akin.
"18 na ho ako! Na-late lang ng pasok kaya grade 11 student lang ako. Saka kuya, hindi ako makakapag drive kung wala ako no'n, gusto mo ba akong magbayad ng malaki imbes na ipangkain ko na lang?" Nakasimangot niyang tanong dahilan para mapangisi ako. Ngumisi ako dahil tinawag niya akong "kuya" ang gandang pakinggan sa tainga.
Umangkas na nga ako sa motor niya. Ilang segundo nga rin yata kaming nanatili roon at hindi pa rin niya ito pinapaharurot. Sinilip ko ang mukha niya, "Bakit 'di ka pa umaandar?"
Lumingon siya sa akin at awkward na ngumiti. "Wala ka pa lang helmet." halos bumagsak naman ako sa kinauupuan ko. Bakit ngayon lang niya na-realize?!
"Edi huwag na?" Tanong ko pero pinaharap lang niya ang kanyang tingin.
"Humawak ka." Panimula niya at pinaingay ang tambucho.
"Huh?" Naguguluhan kong reaksiyon kaya siya na ang gumawa nung sinasabi niya. Kinuha niya ang dalawa kong kamay saka ito inilagay sa beywang niya. Nahiya ako bigla dahil hindi pa ako nakakahawak nito.
Grabe! Ito pala pakiramdam makahawak ng may kurba--
Sinapak ko ang sarili ko. Taksil! You can't do that!
"Kumapit ka bago ka mahulog." Paalala niya bago pumaharap ng tingin. Hindi pa nga ako nakakapaghanda ay mabilis na nitong pinaharurot ang motorsiklo niya. Naiwan pa nga yata ang kaluluwa ko sa kanina naming puwesto.
Mas binilisan pa niya ang takbo kaysa kanina kaya napayakap na ako sa kanya. "M-mahuhuli tayo sa ginagawa mong 'yan!" Suway ko sa kanya.
"Mahuhuli talaga tayo, you aren't wearing a helmet anyway. Kaya sa alam kong eskenita tayo dadaan." Napaawang-bibig ako dahil magsasalita pa sana ako kaso noong bumagal siya nang kaunti ay muli nanaman niya itong binilisan.
Sa pagkakataon na ito, iba na ang nahawakan ko. "Iyaahhh ~!" Ungol na madalas mong maririnig sa mga hapon (Japanese). Mabilis ko namang tinanggal ang kamay ko roon at inilagay na lamang sa beywang niya, namumula ang mukha na humingi ng pasensiya. "Ecchi!" Malanding sigaw niya kaya napatingin 'yong mga taong naglalakad sa may side walk.
Napa-poker face ako ng wala sa oras. "What are you? An anime character?"
"Half Japanese and American ako." Sabay lingon sa akin at peace sign na may kasama pang pagkindat. Kamuntik-muntikan pa naming mabangga 'yung matanda sa harapan.
***
PUMASOK NA KAMI sa supermarket matapos naming mag park. Kahit hindi ko pa nakikita ang sarili ko sa salamin ay alam kong napakagulo na nung buhok ko. Kaya dinaan ko na lang sa pagsusuklay gamit ang mga daliri ko.
Itinuon ko ang tingin ko sa paligid, marami rami rin pala ang mga estudyante ng ganitong oras.
Kung sabagay, sa panahon kasi ngayon ay hinahayaan na sila ng mga magulang nila na mamuhay mag-isa to become independent. Especially those people na malapit ng maka-graduate katulad namin.
But what will I become in the near future?
"Zedrick." Tawag ni Curtis kaya napatingin ako sa kanya. "Hold it." nakasimangot niyang abot ng basket sa akin, namumula pa rin 'yong mukha niya. Bumuntong-hininga ako at walang nagawa kundi ang kunin iyon.
"Ako'y alipin ng pag-ibig mo" Chorus nung kanta na pinapatugtog ng supermarket kaya napatingin ako sa basket na hawak ko bago kay Curtis na malapad kung makangisi.
Pumasok na nga kami para mag grocery. Nagtititingin na rin ako habang namimili siya dahil baka mamaya ay may kailangan din pala akong bilhin na wala sa refrigerator.
Magluluto ako ngayon dahil baka pumunta ulit si Savannah sa condo para kumain.
Napakamot ako sa pisngi gamit ang index finger ko, naalala ko lang 'yung iba't-ibang mukha ni Savannah kapag kinakain 'yung mga putaheng hinahanda ko sa kanya. Also, it totally looks we're a couple.
Kumuha ako ng cabbage at carrots nang ibaling ko ang tingin sa laman nung basket. Walang ibang nakalagay doon kundi puro dugo ng baboy. Tiningnan ko si Curtis. "Magdidinuguan ka ba mamaya?" Tanong ko sa kanya.
Ngiti lang siyang nakatingin sa mga gulay na nasa harapan niya nang umayos na ito ng tayo at humarap sa akin. "No." Tipid na tugon niya.
"Then what will you make for dinner?" Ang dami kasi niyang kinuha ng dugo.
"Secret." Pambibitin niya. Hindi na nga lang ako nagtanong at kumuha naman ng para sa akin. Lumapit naman sa akin si Curtis at sinilip 'yong mga inilagay ko sa basket.
"Veggies... Ayaw mo ng dugo?" Huminto ako at muli siyang nilingunan. Nanatili lang siyang nakangiti sa akin, medyo naki-creepy-han na ako kaya umiwas na ako ng tingin.
"Hindi ko type mag dinuguan ngayon, eh." Sagot ko na lang. Lumapit pa lalo sa akin si Curtis.
"Wala naman akong sinabing dugo ang kunin mo." Inilapit niya ang kanyang labi sa aking tainga upang bumulong. "Uhaw ka na ba?" Umatras ako at seryoso siyang tiningnan. Hindi pa rin nawawala sa labi niya 'yong kakaibang ngiti.
Nagsisimulang manginig ang mata ko habang nakatingin ng diretsyo sa kanya. "Who are you?" Kinakabahan kong tanong kaya mas lumapad ang paraan ng kanyang pag ngiti.
Kaso binelatan lang niya ako at binawi ang sinabi.
"Just kidding! Ginagaya ko lang 'yong character na napanood ko sa movie kahapon, grabe. Ang astig niya, pati ikaw natakot." Humalakhak ito sa tuwa. "Kung nakita mo lang kung ano ang itsura mo, ang epic!" Tawa pa rin siya nang tawa habang turo-turo ako.
Sml? (Share.Mo.Lang?)
Napakamot na lang ako sa ulo ko saka lumayo sa kanya. "I'm out of here." Naglakad na ako. Sumunod naman siya kaagad sa akin habang tinatapik tapik ang aking balikat. "Pero wala ka bang interest sa 'kin, Zedrick?" Tanong niya.
"I was made to love Savannah." Proud ko pang sagot. Matapos kong masilayan ang mukha ni Savannah last 6 years ago. Hindi ko magawang tumingin sa iba, maliban sa wala akong karapatan. Ordinaryo lang sila, hindi sila pwedeng mapunta sa bampirang tulad ko dahil paniguradong masasaktan lang sila.
Gayun din kay Savannah. All I can do is to protect her.
Humagikhik si Curtis. "Candid."