Chereads / Arcane Vampire: A Fabled Fiend / Chapter 10 - Knight & Prince

Chapter 10 - Knight & Prince

Blood VIX: Knight & Prince

Savannah's POV:

Gabi na nang mag-ayos kami ng gamit ko. Tumuloy ako sa isa pang bahay ni Dad na medyo may kalayuan sa skwelahan, 'di na ako bumalik sa condo dahil marami ring na-damage, at wala na ring vacant rooms para sa paglilipatan ko.

 Tumutulong sina Zedrick sa paglilipat ng gamit ko nang mapatulala ako. Naalala ko 'yong nangyari sa kwarto ko kung paano siya gumamit ng kakaibang abilidad para maglabas ng isang elemento. She could control dark flames. Her ability, obviously that she's a Pyrokinesis.

Ngayon lang ako nakatanto ng gano'n. Iba-iba talaga siguro ang mga abilidad ng mga bampira.

Ibinaling ko ang tingin kay Zedrick na pinapagpagan ang sariling mga kamay, pawis din ito habang papalapit sa akin. Then what will be his another ability aside of erasing the memories of human?

 Napahinto siya at napatitig sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. "What? Is there something on my face?" I asked him saka ko hinawakan ang aking mukha. 

 

 Ngumiti siya at mas lumapit sa 'kin. Napaurong na lang din ako when he leaned closer to me. "Why are you so curious about it?" Nakatingin lang ako sa mga mata niya nang mapakurap ako. What is he talking about?

 

 He smirked. "You are curious about my other ability, aren't you?" mas napakurap na ako kaysa kanina. He can read minds?

Lumapad ang ngisi sa labi niya. "What do you think?"

You're ugly.

Sumimangot siya at umayos na ng tayo. "You serious?"

No, I think you're gay.

"Gusto mo bang magkita tayo sa korte--" Kinuha ko ang kuwelyo ng damit niya at inilapit sa akin.

"Read it, sure but prepare yourself to die." Pananakot ko sa kanya na tinawanan lang niya. He didn't take it seriously. Pumitik sa ere si Dad dahilan para mapatingin kami ni Zedrick sa kanya, he is now wearing an eye glasses and he looks very cool on that.

"Savannah, okay na 'yong loob." Turo niya sa loob ng bahay na tinanguan ko naman saka ko binitawan ang kwelyo ni Zedrick. 

Inayos ni Zedrick 'yung hoodie niyang pula 'tapos lumingon sa akin. "Nakalimutan kong tanungin. Bakit 'curry' ang apilyedo mo pero Sakai 'yong dad mo?" Nagtataka niyang sabi. 'Di ko pa pala naipapaliwanag sa kanya. 

Humalukipkip ako. "Because I'm not her biological daughter, that's why." hindi naman na siya nagtanong pagkatapos no'n kaya pumasok na rin ako sa loob para i-check 'yung bago kong titirhan. 

Ngunit bago pumasok ay kinuha ko ang natitirang box sa simento at pumasok na nga sa loob. Iginala ko ang tingin sa paligid, simple lang itong lilipatan ko ngayon na medyo may kalumaan nang kaunti pero sapat lang para sa akin na mag-isa lang na titira. 

 Mayroong ipinalagay si dad na CCTV sa labas ng bahay para makita ang mga taong tangkang papasok dito, although kahit naman na mayroong magnanakaw diyan at pumasok dito ay mararamdaman ko pa rin 'yong presensiya nila. Ganoon ako ka-alerto. 

Hindi kami magkasama ni Dad dahil palagi siyang nasa K.C.A. Doon na siya natutulog pagkatapos ng mga gawain niya, kung may time ako ay pinupuntahan ko siya para dalhan siya ng kakailanganin niya. Sometimes, siya naman ang pupunta para siguro matulog o kaya mag spend ng time kahit sandali.

Nag brush up si Dad gamit ang mga daliri niya. "Kakaunti na lang ang kailangan mong ayusin dito, ikaw na ang bahala, ah?" Tinanguan ko ulit si Dad bilang sagot saka siya nginitian.

"Nandito naman si Zedrick para tulungan ako, eh." Sambit ko. 

 Tinuro ni Zedrick ang sarili niya. "Seryoso? Ako?"

Taas-kilay ko itong nilingunan. "May ibang 'Zedrick' pa ba rito?" Tanong ko sa kanya saka may sumagot na lalaki sa aking kanan. 

"Zedrick po ang pangalan ko." Ngiti nitong wika habang nakataas ang kanang kamay.

Right, but I'm not talking to you though. 

*** 

LUMIPAS ANG ilang oras at mga nakauwi na ang lahat. Tanging ako at si Zedrick na lang ang nandito at tumatambay sa may bandang veranda. Hindi pa siya umuuwi dahil biglang umambon, paalis na rin kasi ang bagyo kaya hindi na gano'n kalakas 'yong hangin kumpara kahapon at nung isang araw.

"Alam mo na ngang may bagyo pa, 'di ka pa nagdala ng payong." Labas sa ilong kong sabi nang 'di inaalis ang tingin sa madilim na kalangitan. "Are you stupid?" Naiinis kong tanong. Gusto ko na rin kasing magpahinga pero nandito siya at kailangan ko pang samahan. 

 Pangit naman kasi kung iiwan ko lang siya rito sa labas ng bahay. Magmumukha pa 'kong masama. 

Hinawakan naman niya ang baba (chin) niya na tila parang nag-iisip, "Akala ko kasi papahiramin mo 'ko." Nguso niyang wika na inis kong tiningnan. 

 "I'm sorry, pero hindi ako gumagamit ng payong." Sabi ko at muling napabuntong-hininga. Sa dinami-rami ng nangyari for the past few weeks. Ramdam ko talagang bibigay na 'tong katawan ko. 

 Idagdag mo pa 'yung pag-iisip ko na mayro'n pang isang normal vampire na pagala-gala lang sa lugar na 'to kaya parang nai-stress ako lalo. Even though wala pa naman akong nababalitaan na may insidenteng nangyari sa tabi-tabi. 

 So, I guess, wala pa namang ginagawa ang babaeng bampira na iyon. Pero hindi dapat ako maging kampante. Maliban sa nanganganib ang tao, may pakiramdam ako na pwede niya ulit akong atakihin. 

 

 "You don't have to worry that much" Panimula ni Zedrick kaya inilipat ko ang tingin sa kanya. "I told you, I will protect you, right?" Naglabas ako ng hangin sa ilong at tumabi sa kanya para tumingala't makita ang dilim. 

 "Tigilan mo nga 'yong pagbabasa sa isip ko? Pakiramdam ko wala na akong privacy, eh." Animo'y napapagod kong suway. 

Pinagpagan niya 'yung alikabok na dumapo sa tuhuran niya. "Hindi ko binasa, halata lang talaga sa mukha mo na nag-aalala ka." Tugon niya at tumayo mula sa pagkakaupo sa pangalawang simento. 

Nakatingin lang ako sa kanya nang sipain ko ang puwet-an niya. "Aray ko!" reaksiyon niya habang hawak ang bandang puwet niya. Hinimas-himas na rin niya ito kasabay ang pagnguso. "How nice of you, Savannah." 

Humarap ako sa kanya. "You know, I don't understand you... Why are you acting like a prince who wants to be a knight in shining armor in front of a so-called princess? Saka bebe ba kita?" 

Sumimangot siya sa sandali bago humarap sa akin, luminya ng ngiti ang kanyang labi kaya parang na-flustered ako. "I'm not your knight to protect you all the time, not also a prince who must be mighty and strong but," He paused at niluhod ang isang tuhod.

Sa gulat ko, nanlaki ang aking mata lalo na noong kunin niya ang kanan kong kamay. "I can be your SERVANT who can take all of those roles if it's with you." Marahan niyang inilapit ang kanyang labi sa palasingsingan ko. "You're the person who are suited to be protected by me, my lady." Hinalikan niya ang kamay ko kung saan sumabay ang pagkulog. 

Zedrick's Point of View 

Matapos ang bagyo ay talagang nagbalik na sa normal. Medyo umaambon lang nang kaunti pero maliban doon ay ma-okay okay naman na ang panahon. Hindi lang talaga maiiwasan ang traffic sa panahon ngayon.

 Kaya mabuti na lang din at maaga akong nakaalis sa condo, nandito na ako sa campus ng K.C.A. kasabay si Hades at didiretsyo na sa building para makapasok sa classroom namin.

"Buddy! Tingnan mo 'tong kuha ko kay Savannah noong nakaraang araw." Ipinakita niya ang litrato mula sa phone. Nakasuot si Savannah ng school uniform habang hinahawi ang hibla ng kanyang buhok. Sa bandang library ito habang nagbabasa ng isang libro. "May future na 'kong maging photographer." at in-exit na niya ang album application para ilipat sa camera para muling mag selfie. "Yey!" at nag wacky siya kasama ako na naka bored look lang.

Hinayaan ko lang siya at pumaharap lang ng tingin. Napahinto lang ang tingin ng mata sa pamilyar na babae. "Curtis?" Tawag ko at patakbong naglakad para lapitan siya. Mukha namang naramdaman niyang may papalapit sa kanya kaya humarap ito sa akin, may hawak siyang cola. 

 "Ah! Ikaw!" Turo niya sa akin habang nakangiti lang ako. "Sino ka nga?" Tanong niya. Grabe naman! 

Pilit akong natawa. "Zedrick." Sagot ko. 

Ibinaba na niya ang kamay niya at tumatangu-tangong tiningnan ako. "Okay, aalalahanin ko na." Hindi talaga niya ako naalala?! 

Siniko ako ni Hades at binulungan ako. "Sino naman 'tong chics na 'to? Girlfriend mo?" Tukoy niya kay Curtis.

Umiling ako bilang sagot. "Nakilala ko lang noong first day, she's Curtis. Grade 11 student" Pakilala ko kaya lumapit si Curtis kay Hades at tinitigan ito mula ulo hanggang paa, hanggang sa ibalik niya ang tingin sa mukha nito.

"Made in Korea ka ba?" Tanong nito na tinangu-tanguan ni Hades. Binigyan siya ng isang malaking thumbs up habang may kindat pang nalalaman.

"Correct!" Sabay akbay kay Curtis na parang matagal na silang magkakilala. Alam mo bang sexual harassment na rin 'yang ginagawa mong loko ka? "Gusto mo bang lumabas tayo kasama ang oppa?" Tukoy ni Hades sa sarili niya at itinaas taas ang parehong kilay. Binigyan ko naman siya ng walang ganang tingin. Bru, ang pangit mong tingnan kapag ganyan. 

Inalis ni Curtis ang kamay ni Hades at ngiting lumapit sa akin. "Mas gusto ko si Zedrick." Natawa naman ako. 

"Aww, hindi siya gusto." Pang-aasar ko.

He looked at me irritably. "Ano ba ang mayroon sa lalaking 'yan? Mas macho naman ako!" At nagpameywang pa siya pagkatapos. 

"Morning." Napatingin kaming tatlo sa bumati. Si Savannah na nakasuot ng ngiti sa akin. Bumuka ang bibig ko. 

 Marunong naman pala siyang bigyan ako ng ngiti, eh. 

 "Good morning." Bati ko pabalik at sinundan siya ng tingin na nangungunang pumasok sa building namin. Pasakal nanaman akong inakbayan ni Hades at inaaway nanaman ako dahil kay Savannah. 

 

 "Meet me at the atrium before 8:30" Napahinto kami sa ginagawa namin ni Hades nang magsalita si Savannah. Naglaho na 'yung suot-suot niyang ngiti kanina. 

 Nag-alanganin naman akong tumango saka siya nagpatuloy sa paglalakad. 

Kumurap-kurap kaming tatlo nang yugyugin naman ako ni Hades ngayon. "Hoy! Transfer student din ako pero bakit napupunta sa 'yo 'yong magagandang girls?!" paninisi niya sa akin. 

Namimilog ang mata ni Curtis na napatingin sa akin. "I'm surprised that you guys are close." Mangha niyang sambit. Nakataas ang dalawa niyang kilay na parang hindi makapaniwala sa nalaman niya. Pumasok na kami sa loob ng building namin. Nasa kaliwa ko lang siya habang nasa kanan ko si Hades at nagtititingin na ngayon ng kung anu-ano sa twitter.

Nagpamulsa ako. "We're not totally close, sadyang kaklase ko siya kaya normal lang siguro na mag-usap kami kahit papaano?" patanong kong tugon. 

Inayos niya 'yong pagkakasabit ng bag niya. "This is not just a rumor dahil napatunayan ko na 'to but Savannah Curry isn't the type of person who likes to socialize. Kahit ilang beses mo siyang batiin, hindi ka niyan babatiin pabalik. Kaya nagulat ako noong siya pa ang mismong bumati sa 'yo."

Nag pogi sign ako sabay tingin sa kisame. "Maybe she fell inlove with me?" 

Naramdaman ko ang pag-iba ng itsura niya, "What a self-flattered human." walang ganang sabi ni Curtis. 

Ngiti ko siyang tiningnan. "Parang hindi tao kung makapagsabi ng 'human', ah?" Natatawa naman itong napahampas sa braso ko. Ang sakit! Mas masakit pa yata 'yong hampas niya kaysa kay Savannah! Saka tatawa na nga lang, kailangan talagang may paghampas pa?

Kung tawa, tawa lang. Walang hampasan...

"Mawe-weird-uhan ka ba? Kung sasabihin kong may mga times na iniisip ko talagang bampira ako?" Tanong niya at humalakhak. Binigyan ko lang siya ng pilit na ngiti. 

 "Pero siyempre joke lang 'yun! Napa-paranoid lang ako dahil sa naririnig kong balita na may kumakalat daw na bampira sa tabi-tabi." Nabigla ako sa narinig ko kaya napahinto ako. 

 Lumingon siya sa akin gayun din si Hades. "What's the matter?" Takang sabi ni Hades. Nakababa ang tingin ko, iniisip ko 'yung sinabi ni Curtis. Pagala-gala? Hindi kaya iyon 'yung babaeng vampira na umatake kay Savannah nung nakaraang araw?

Nakita ko sa peripheral eye vision ko ang paglingon ni Hades. "Saka, Curtis. Hindi ka dapat nagpapaniwala sa mga naririnig mo. Sa fictional books and movies lang ang mga vampire thing. Sa kakapanood siguro ng mga tao ng mga vampire genre, kung anu-ano na sinasabi." Kibit-balikat na sabi ni Hades na ikinahagikhik ni Curtis 

 

 "Sabagay." 

 Wala akong imik at muling naglakad na sinabayan lang din nung dalawa. Tumingala si Hades na parang may naalala. "Kaso sinabi rin ng lola ko nung bata ako na nag e-exist daw talaga ang mga bampira." Humawak siya sa ulo niya. "Pero alam mo naman ang mga matatanda, mahilig manakot." Dugtong niya. 

 Hindi ko na nagawang makapagsalita at nag-isip lamang. 

***

SAGLIT PA kaming nagku-kwentuhan nang marating na namin ang floor kung saan 'yong classroom namin. Nagpaalam na kami kay Curtis bago kami maglakad ulit. Ito ang pangalawang pagkakataon na nag-usap kami pero medyo naging okay naman ang pagsasama namin.

"Uy, wala pang teacher! Ayos!" Tuwang-tuwa na sabi ni Hades saka kami pumasok sa loob. 

 Tahimik lang akong sumunod nang tingnan ko ang pwesto ni Savannah. Kailangan ko siyang makausap tungkol sa narinig ko kay Curtis. O baka iyon ang dahilan kaya gusto niya akong papuntahin mamaya sa Atrium? 

 

 Dumiretsyo na nga ako sa pwesto ko para makaupo na ako. Inaayos ko lang sandali ang aking gamit nang tawagin ako ni Hades."Buddy!" Humarap ako sa kanya. "Rawwrr!" Pananakot niya na may suot ng nakakatakot na mask. Sa'n galing 'yan? 

 Tinanggal ko ang suot suot niyang mask.

 "Ano ka ba? Bata?" Walang gana kong tanong sa kanya pero kinuha lang niya sa 'kin ang mask 'tapos ginamit sa mga kaklase namin na nagtilian.