Chereads / Arcane Vampire: A Fabled Fiend / Chapter 7 - Sneak Attack!

Chapter 7 - Sneak Attack!

Blood VI: Sneak Attack!

Zedrick's Point of View

"Take it." Ibinaba ko ang tingin ko sa inaabot ni Savannah. Nasa gitna kami ng horse field ngayon kung kailan napakainit ng panahon. Tamang tama sa amin ang sikat nung araw 'tapos makikita pa sa ibabaw ng lupa 'yung moist na nagmummula sa init.

 Siguro kung yelo lang ako, malamang kanina pa ako natunaw. Required bang mag activity kahit na ganito kainit?

Tiningnan ko isa-isa ang mga kaklase ko, wala bang may asthma diyan? Magreklamo naman kayo? Yoohoo?

Kumamot na lang ako sa ulo ko't tiningnan si Savannah na nagtatali ngayon ng buhok niya. Pumukaw sa atensiyon ko ang leeg niya kaya mabilis kong iniiwas ang aking tingin at umiling-iling. Sinampal ko rin ang magkabilaan kong pisngi para hindi umatake ang Savant Syndrome ko. 

Sa sobrang pagliliwanag ni Savannah sa paningin ko, baka tuluyan na talaga akong maging abo. 

Kinuha 'yong helmet na inaabot ni Savannah kanina. Nasa gilid ang iba kong kaklase at tanging kami lang ang nandito sa gitna ng INIT. Nakakatulong daw kasi iyon para mas lumakas ang immune system ko.

 Tamad kong sinuot 'yong helmet at tiningnan ang puting kabayo na hawak hawak ni Savannah. "Hindi ba ako sisipain niyan?" Tanong ko na medyo init na init pa. Hinimas niya 'yong kabayo at saka ako tiningnan.

Hindi siya nakasuot ng kahit na anong safety armor at naka school uniform lang siya. Kung sa bagay, sanay naman na kasi ang babaeng ito kaya wala na lang sa kanya kung hindi ito magsuot ng kahit na anong protection.

 "I wonder." Plain niyang sabi nang makaiwas ng tingin, samantalang lumingon sa akin ang kabayo na animo'y para akong tinitingnan ng masama habang kinakaskas ang likurang paa sa lupa. Kinakabahan tuloy ako rito! 

Naipaliwanag naman niya kanina na alaga talaga niya itong kabayo at well-trained. At walang ibang umaangkas sa kanya kundi si Savannah lang. 

 Kaya malaki rin ang posibilidad na ayawan ako ng kabayo na ito at ihagis na lang ako kung gugustuhin niya. 

Ibinaling ko na ulit kay Savannah ang tingin ko. "Hindi ba't nasabi mong ikaw lang ang umaangkas sa kanya? Ba't mo siya ipapagamit sa akin?" Kinakabahan kong tanong.

She looked at me as she rolled her eyes. "Hindi naman kita paangkasing mag-isa diyan" Sabi niya at naunang umangkas. Nakita ko ba talaga 'yung Red niyang panty?! Ang sexy, Savannah! Huwag kang ganyan! 

 Tumili ang mga kababaihan habang mga nakabuka naman ang mga bibig ng mga kalalakihan. Hindi na ako magtataka kung bakit sikat si Savannah kahit sa klase namin. 

Ibinaba niya ang tingin sa akin at iniaabot ang kamay sa akin. "Come." I looked at her hand and stared her for a second. Sumulyap pa ako sandali sa maputi niyang legs. Ugh. Tigilan mo, Zedrick. Lalaki ka pero dapat may respeto ka pa rin sa babae. "Hey, you're wasting my time. Are you going to ride or not?" Kumurap ako ng ilang beses bago ko kunin ang kamay niya't umangkas sa kabayo niya.

 Tila nagmistulang babae pa 'ko sa naging posisyon namin dahil nasa likod ko siya habang nasa harapan niya ako. Nakakahiya!

Nagtawanan ang mga kaklase ko at naghiyawan. "Go, Olson!" Cheer ng isa sa kanila dahilan para takpan ko ang mukha ko. Ibaba n'yo na nga ako! 

Kinuha ni Savannah 'yong Horse Tack kaya parang napayakap siya sa akin. Masama bang isipin ko na ang tamis talaga nung amoy niya kaya parang gusto ko pa s'yang amuyin lalo?

 

 Nilingon ko siya't muling napatingin sa kanyang leeg. Kaasar. 

"If you don't want to embarrass yourself then learn how to ride it." Pagkasabi niya no'n ay medyo tinadyakan niya ang pwet nung kabayo dahilan para magsimula na siyang tumakbo.

Muntik pa akong ma-out of balance pero buti na lang at nahawakan ako ni Savannah. "Hoy, ayusin mo nga." Naiinis niyang sambit. Kahit naman sabihin niyang ayusin ko kung ito naman talaga ang unang beses kong sumakay sa kabayo, wala akong magagawa.

 Kaso nakakatuwa talaga dahil para siyang nakayakap sa akin, ang bango pa niya. Ano ba 'yong shampoo at pabango niya?

"You aren't thinking any perverted things, are you?" Tanong niya. Ako naman itong tanga na sumagot sa kanya ng hindi nag-iisip.

"My thoughts are more lewd than what you imaginin--" Nagtakip ako ng bibig dahil sa nasabi ko. "I mean--" Bumuntong-hininga siya. 

 "Boys will always be boys, I guess." Parang napapagod niyang sabi. Parang na-insulto ako ro'n, ah? 

Nilingon ko siya. "You're not going to punch--" hindi ko pa nga natatapos 'yong sinasabi ko ay sinuntok na niya 'yong likod ng ulo ko. "Ouch." sabi ko habang himas himas 'yong ulo ko.

 Pinaharap ko na lang ang tingin sa harapan. "If you won't shut your mouth, swear I'm going to tear you apart." Ngumuso ako. Iyan naman 'yong madalas sinasabi ng mga tao kapag naiinis sila pero hindi naman nila nagagawa.

Bakit ako matatakot?

Muli ko siyang nilingon. "Pero saan ka nagpunta bago ka pumasok dito?" tanong ko at tiningnan ang maliit na kalmot sa kanyang leeg, "Hindi 'yan mukhang gawa ng hayop o tao…"

Hindi rin maganda 'yong amoy nung gumawa ng sugat na iyan sa kanya. "It doesn't concern you." Malamig niyang sagot kaya wala akong nagawa at hindi na lamang nagtanong ulit. 

Natapos na ang ilang oras ng pagbabad sa initan kaya ngayon ay bumalik na kami sa klase para sa susunod na period. Sa ngayon ay nasa banyo ako at naghihilamos, grabe ang init ng panahon ngayon. Alam kong month of August pero ganito ba talaga kainit? Magbababad ako mamaya sa yelo.

Malakas na bumukas ang pinto kaya napatingin ako ro'n at iginala ang tingin sa paligid. "Who's there?" Alerto kong tanong. Nakabukas ang pinto pero wala namang pumasok, malamang may mga estudyante sa labas ang gumagawa ng kalokohan at binuksan ang pinto.

Kumamot na lamang ako sa batok at ipinagpatuloy ang paghihilamos. Ngunit napalingon noong may marinig akong ingay mula sa kabilang banyo kasabay ang malansang amoy na iyon. Mabilis akong lumabas at tiningnan ang girl's comfort room.

 Papunta pa lang ako nang lumakas ang amoy. Blood!

Binuksan ko na ang pinto. Laking gulat nang mapagtantong may babaeng naliligo sa sarili niyang dugo. Umatras ako nang kaunti. Nanginginig ang mga matang nakatingin sa kanya, hindi makapaniwala sa nakikita.

Napahawak ako sa ulo ko nang may lumitaw na litrato sa utak ko. Mga pangit na alaala na hindi naman na dapat ibinabalik pa. "F*ck." I cussed at ibinaba na ang kamay ko. Class hour ngayon, walang estudyante ang dapat nandito maliban na lang kung magba-banyo sila. Wala ring mga CCTV para ma-check kung sino ang huling pumasok dito.

Lumapit at huminto ako sa harapan ng babaeng estudyante. Niluhod ko ang isang tuhod ko at kinuha ang pulso niya para tingnan kung buhay pa siya, ngunit nadismaya ako dahil wala na ito. Iginala ko ang tingin sa paligid, walang trace na may pumasok na kung sino rito. Ang tanging na sa tabi lang niya ay ang kutsilyo. Mayro'n itong hiwa sa kanyang leeg kaya aakalain mong nag commit suicide siya.

But the thing is…

Hinawakan ko ang hiwa nito sa leeg at pinakiramdaman ang sugat nito. Hindi ito gawa ng kutsilyo.

Huminga ako ng malalim, pilit na pinipigilang gumawa ng bagay na hindi dapat. "Ano'ng gagawin ko?" Tumibok ang puso ko nang tingnan ko pang maigi ang hiwa n'ya sa leeg. May dalawang butas doon. "Wha--"

"What have you done?"

Lingon akong tumayo para tingnan ang taong iyon. "Savannah" Tawag ko sa pangalan niya at tinuro 'yong babaeng estudyante na nasa sahig, "Look at thi--" itinutok niya sa akin ang nakatagong baril mula sa ilalim ng skirt niya. Nakalagay kasi 'yon sa hita niya.

"Mali ang inaakala ko sa'yo." Mariin niyang pag-aakusa habang matalim akong tinitingnan. Mas lumakas ang pintig ng puso ko sa kaba.

Umatras ako ng isang hakbang. "Are you accusing me?"

"Sino pa ba ang nandito?" She asked and clenched her gun. "Why did you do this?" Nanginginig niyang sabi dahil sa galit.

"Sandali! Hindi ka dapat manghusga nang dahil sa ako lang ang nandito!" protesta ko. "You should know that!" Mas tinaliman pa niya 'yong tingin niya kaysa kanina, dumakdak na rin siya nang dumakdak na hindi ko na rin maintindihan kung ano ang pinagsasabi.

Nakatingin lang ako sa kanya nang may maramdaman akong presensiya mula sa loob ng banyo kaya palihim kong iginala ang tingin sa paligid. What's that?

Nanatili lang akong nakatayo noong may makita akong kaunting imahe sa likuran ni Savannah. Tila parang naka-invisible siya nang biglang magpakita ang buong anyo n'ya noong handa na sana niyang kalmutin mula sa likuran si Savannah.

"Savannah!" Mabilis ko siyang itinulak palayo sa aatake sa kanya. Naiwasan naman namin ang nilalang na iyon pero pareho kaming nauntog sa dingding.

"That hurts." Paanas na sabi ni Savannah. Tumayo ako at sinarado 'yong pinto kasabay ang pag locked nito.

Malayo ang classroom mula rito pero hindi ibig sabihin ay kampante ako. Hindi namin malalaman kung may pupuntang estudyante rito o wala kaya kailangan na naming linisin ang duming ito.

Tumayo nang maayos ang naka-hood na nilalang at humarap sa 'min kasabay ang pagdila niya sa kanyang upper lip. "Walang nakapagsabi sa 'kin na may halimaw na rito…" Nanginginig kong wika.

"You're wrong, it's also a Class-A Vampire." Seryosong saad ni Savannah.

Tiningnan ko ang bampirang nasa harapan namin. Naaamoy ko 'yong dugo nung estudyante sa kanya. Pero ito ba talaga ang itsura ng sinasabing Class-A Vampire? Bakit iba ang itsura niya kumpara sa pinuntahan namin ni Savannah papuntang Dark Forest? Hindi ko malaman kung babae o lalaki siya.

"Nasa stage 3 na siya…" Seryosong wika ni Savannah. 

Stage 3?

"Where did you come from?" Mainahong tanong ni Savannah pero ngumisi lang siya at muli nanamang nawala-- hindi, gumamit siya ng isang supernatural powers like invisible ability.

Hawak ni Savannah ang ulo niyang tumayo. "You dare to hurt me, vampire." at itinutok nanaman niya iyon sa akin kaya ako naman itong biglang humarap sa kanya.

"Are you stupid? Can't you see that I'm protecting--" Ipinutok na niya ang baril at laking gulat nang magpakita sa mismong harapan namin 'yong Class-A Vampire at nagsisisigaw sa sakit.

 Pero hindi niya inihinto ang pananakit niya. Tangka sana niyang ibabaon ang mga pangil niya sa leeg ni Savannah nang mabilis siyang umiwas at pumunta sa likod nung bampira. Ngunit nagtaka ako nang ngumisi ang bampirang iyon, "What?" reaksiyon ko sa naging ngiti niya.

Hinawakan niya ang leeg ni Savannah nang nakatalikod saka siya malakas na inihagis.

Pumailanlang ang ungol ni Savannah noong tumama ang likod niya sa simento, kung saan ito ang naging dahilan ng pagkasira nito.

Bumagsak siya sa sahig. "Sav--" Naamoy ko nanaman ang kakaibang dugo kaya muling nabuhay ang vampire instinct ko. Napahinto rin 'yong Class-A at nag-iba ang anyo.

Napatingin siya kay Savannah. "Dugo." Banggit ng bampira habang lumilinga-linga. 

 Hindi pa rin gumagalaw si Savannah. Tinakpan ko ang ilong ko upang 'di maamoy 'yong dugo niya. Masyado siyang nakakaakit sa ilong. Ito rin ang magdadala ng kapahamakan sa kanya pagdating ng araw.

Humalakhak sa tuwa ang halimaw na ito saka inilabas at pinahaba ang mga dila. "I'll eat you up!" Sumugod siya kay Savannah na ngayon ay iniaangat ang mga tingin nang humarang ako saka kinuha ang pulso niya. Nagulat siya sa biglaan kong paglitaw habang matalim lang akong nakatingin sa kanya.

"Don't ever touch what's mine." 

Binuhat ko siya't malakas na binato kaya nagpagulong gulong siya sa sahig. Hindi pa roon natatapos dahil mabilis din akong pumunta sa kanyang harapan kasabay ang pag-apak ko sa dibdib niya.

 "Tell me, where are you came from?" Tanong ko gamit ang malamig na tono ng aking boses. 

Humagikhik lamang siya't pinanlakihan ako ng mata. "F*ck you!" Mura niya sa akin kaya inis ko siyang tinignan. Disgusting sh*t. 

 Lumabas ang mahahaba't matutulis niyang kuko at akmang gagamitin iyon sa akin nang ibaon ko na ang kamay ko sa dibdib niya.

Kakaibang lakas ang tumatakbo sa dugo ko, at hindi ko alam kung saan nanggaling iyon. 

 Hindi rin ito galing sa Savant Syndrome ko. Alam ko 'yun. 

Tumigil ang bampira at dahan-dahang ibinaba ang tingin, napagtantong nandoon na ang kamay ko sa puso niya. Kapag hinatak ko 'to palabas, mamamatay siya. Unti-unti kong ipinagsalubong ang aking mga kilay. "Any last words?" Tanong ko pero tinaliman lang niya ako ng tingin.

Pumikit ako saka kinuha pahatak ang puso niya dahilan para maging abo 'yong buong katawan niya. Tumayo na ako at tiningnan ang pusong tumitibok tibok pa. Noong piniga ko iyon ay naging abo rin siya, ngunit naiwan ang mga nagkalat na dugo sa lugar na ito.