Blood VII: Artifical Memory
Savannah's Point of View
Sa harapan ni Dad ay nakatayo kami ni Zedrick habang seryoso lamang itong nakatingin sa 'min. Nasa office niya kasi kami at pinatawag rito dahil sa nalaman niyang nangyari.
Kahit si dad, walang ideya kung paano nakalabas at kung saan nanggaling 'yong bampirang iyon. Nag check ako sa Dawn Abyss kung saan manggagaling ka nga muna sa Dark Forest bago makarating sa pinaglalagyan ng mga nakakulong na bampira. (Class-A Vampires)
Walang mga nawala at nakawala, sila sila pa rin naman ang nandoon kaya ngayon ay marami sa mga vampire hunters ang pumunta sa Prison of Atlante para i-check kung may bago ba. Ini-imbestiga rin nila ang p'wedeng paglabasan ng mga bampira dahil baka nasira na nila iyong ginawang barrier na yari pa sa pinakamatibay na metal.
I think by this time, nililinis na ng mga tauhan ni dad 'yong banyo kung saan nangyari ang insidente kanina habang hindi pa tumatama ang oras para sa kainan ng mga estudyante. Ako ang nag-utos na pumunta roon ang mga Vampire Janitor dahil isa rin naman ako sa in-charge sa kanila.
Mabigat na bumuntong-hininga si Dad. "This is what I'm talking about, Savannah." Panimula niya. "Kung wala si Zedrick Olson kanina sa lugar na 'yon, tingin mo ano ang pwedeng mangyari sa 'yo?"
Umabante ako ng isang hakbang. "I was careful, Da--"
"Careful? Eh, napano 'yang na sa tuhod at siko mo?" Turo niya sa mga nakuha kong sugat dahilan para takpan ko ang na sa siko ko't mapaiwas ng tingin. "Ito ang kauna-unahan nagkaro'n ka ng maraming daplis, Savannah. It is already a sign you're stepping into danger you can't handle."
Tumingala ako para tingnan siya. "Dad--"
"Whether you like it or not, You must have a partner-- a comrade who understands you. You need to do this to bring out your inherited strength." Sabay tingin kay Zedrick na nagpabilog sa mata ko. Ibinaba ko rin pagkatapos dahil sa kaisipang tama siya't wala akong magagawa.
Muling bumuntong-hininga si Dad. "Pero masama 'to. Sa'n nanggaling 'yung bampirang 'yun at nakarating dito? Pa'no kung mangyari ulit iyon?"Paghawak niya sa kanyang noo, halatang problemado.
I won't wonder kung ba't ganito ang reaksiyon ni Dad. Matagal na rin noong mangyari ito, at ito pa ang unang pagkakataon na may namatay na estudyante matapos ang ilang taon.
He turned his head to Zedrick. "You have the ability to erase someone's memories, right?" He asked that made Zedrick's eyes widened.
Vampires like him has this ability to erase memories of the ordinary. Dad knew about this matter. Maliban sa naikwento niya sa akin na naranasan na niya iyon, nakita pa niya ito sa mismong mga mata niya.
Though, all of his memories came back after how many months for I don't know what reason.
"Don't tell me���" Nakatingin lang si dad kay Dad pero makikita sa mata niya na kung ano man ang iniisip ni Zedrick ay tama siya. "I can't do that!" He exclaimed.
"We have no choice, Zedrick." Tugon ni Dad na hindi pa rin tinatanggal ang kamay sa noo. "Please, cooperate with us. We need your help." Pakiusap niya nang maibaba ang kamay. "Burahin mo 'yong mga alaala ng pamilya no'ng biktima."
"Gusto mo lang bang ipagawa 'yan just to protect the school?! Old man, deleting their memories is too unfair. Parang pinatay mo na rin 'yong anak nil--" hindi natapos ni Zedrick ang sinasabi niya nang biglang sumagot si Dad.
"Patay na ang anak nila, ano ang pinagkaiba no'n?" Malamig na sambit ni Dad na nagpakuyom sa mga kamao ni Zedrick. Galit na galit siya pero mukhang "You're asking me that but..." yumuko pa ito. From the looks of his face, I know what he's thinking.
Zedrick's Point of View
I don't know what to feel, okay lang ba talaga na isipin nila 'yon? Comfort lies, they never stay but truth always stays... Naguguluhan pa rin ako sa gusto nilang mangyari.
"School is not our priority but the people themselves" Ibinaling ko ang tingin kay Savannah na ngayon ay naka halukipkip. Nakasandal lang siya sa pader katabi ng Vending machine dito sa may bandang lobby. Dito kami pumunta matapos ang kaunting meeting sa office. Sinamahan ko siyang bumili ng softdrinks niya.
"We can't tell that a vampire killed her, they won't believe it even if we do tell them pero hindi rin natin p'wedeng sabihin that she committed suicide. Wala sa one percent (1%) na estudyante rito ang may suicidal tendencies, may therapist and psychologist kami rito at alam iyon ng bawat magulang." mahabang paliwanag niya, "Kaya wala tayong ibang choice, I know that it's unfair but this is reality, Zedrick Olson. There is nothing you can do about it." Makikita sa mukha niya na seryoso siya habang hindi inaalis ang tingin sa harapan.
Wala nga akong nagawa kundi ang gawin ang sinasabi nila. Hindi lang kasi 'yong bits ng memorya nila ang buburahin ko kundi 'yong WHOLE. Lahat ng memorya nila sa anak nila ay buburahin ko. Lalagyan ko lang ng artificial memory ang lahat ng nakakakilala sa estudyanteng iyon upang 'di magkaroon ng contradictions or paradox.
But I'm not talking about the artificial memory in Science where people had external copies of their networked knowledge that they could share and relate them. That's not it. I'm talking about is... By using my powers, I will make a fake memory and transfer the biodata to their brains. Kung saan, mamumuhay ang mga ito na wala silang naalalang anak sa mundong ito.
Higpit kong kinuyom ang kamao ko, "It's unfair…"
Savannah's Point of View
Sinimulan ng gawin ni Zedrick ang trabaho niya. I excused the both of us in the class and they just gave us extra curricular activities para hindi kami mahuli sa klase.
Bawat pagtitig ko kay Zedrick habang binubura niya ang memorya ng bawat pamilya ng estudyanteng namatay ay makikita sa mukha niya ang sobrang lungkot.
I started to wonder. "Bakit may awa siya sa mga tao na hindi naman niya kilala? He should worry about himself. 'Pag nalaman ng buong mundo ang existence nila, pwede siyang mapunta sa panganib. And worse, he will live in hatred for the rest of his life."
Sumandal ako sa malamig na pader at muling ibinaling ang tingin kay Zedrick, nakapikit siya ngayon at patuloy pa rin sa kanyang trabaho. Magkakaroon ng kita si Zedrick sa ibinigay na task sa kanya ni Dad-- bawat misyon na ibibigay sa amin ay may kita depende kung anong lebel ang misyong ibibigay sa amin.
Titig na titig lang ako sa lalaking 'yun nang makita ang mahigpit na pagkuyom ng kamao niya. Tila nasasaktan siya habang hinihigop ang memorya papunta sa kanya. "Vampires like him do exist, huh?" Napatingin ako kay Dad na bigla na lang nagsalita.
"Savannah." Nilingon ko siya kasabay ang pagpatong ng kamay niya sa ulo ko. "He's adorable, isn't he?" Pang-aasar niya kaya napasimangot ako't hinampas paalis ang kamay niya sa aking ulo.
"He's not. Stop it."
Humagikhik lang siya ng kaunti. "Anyway, Savannah. Napag-aralan mo na ba na madaling mauhaw ang bampira 'pag inaabuso nila 'yong abilidad nila ng isang araw?"
Natahimik ako at ibinaling ang tingin kay Zedrick. Nabasa ko iyon sa report ng mga nakaraang vampire hunters. Aware ako roon.
Tinapik niya ang balikat ko bago siya umalis sa tabi ko. Nanatili lang ako sa pwesto ko bago mapahawak sa aking leeg.
Zedrick's Point of View
ONE WEEK before I finished the work. I already deleted their memories, it's gone. For now. Bagsak ang katawan ko sa kama, nakaka-drain din ang paggamit ng lakas ko para lang mabura lahat ng memorya ng acquaintance ng estudyanteng iyon.
I'm not wearing anything aside of my jeans and socks. I don't know but maybe because due to my lack of energy and strength, medyo naiinitan ako ngayon kahit na medyo malamig lamig naman dahil sa nakabukas ang aircon ko. Naka max na rin iyon.
Nakapatong ang likod ng palad ko sa noo nang biglang sumakit 'yong dibdib ko. Hinawakan ko iyon at napakagat sa ibabang labi dahil sa naramdamang kirot. "Argh..." Tunog matapos sumakit ang dibdib ko, sandali lang din kasi iyon.
W-what was that?
I sat at the edge of my bed and let out a sigh. Lumalalim na rin ang paghinga ko sa init. "Blood, I need blood." Lumabas ang ugat sa aking leeg. Tumutulo na rin ang nanlalamig na pawis sa sahig.
Sa sobrang tahimik nung lugar, maliban sa paghinga ko ay naririnig ko na ang ingay sa labas. Biglang tumibok ang utak ko dahilan para mapahawak ako sa ulo ko.
Nag ring ang phone na nakapatong sa side table kaya inilipat ko ang tingin doon. Sandali ko pang tinitigan ang nagri-ring na telepono bago pilit na kinuha iyon at sagutin. "Hello?" Pagsagot ko ng hindi pinapahalata ang panghihina.
[Zedrick, can you come out for a moment?] She asked. Si Savannah itong kausap ko ngayon. Until now, hindi pa rin niya alam na magkalapit lang ang floor namin dahil nga sa busy kaming pareho sa ginagawa namin.
Sometimes, we don't have a chance to meet after class dahil pupunta ako sa bahay no'ng kumabilang buhay na estudyante, minsan pa nga'y pumupunta pa ako sa malalayo para lang burahin din 'yong memorya ng ibang mga kamag-anak nila kaya ang resulta sa klase, madalas akong makatulog.
Hinawakan ko ang lalamunan ko. Ramdam ko ang pagkatuyo't uhaw. "I-I can't... May ginagawa ako." Palusot ko.
[You're breathing heavily, you're not okay.]
Huminga ako nang malalim. "I'm fine, don't worry about me. Nilalamig lang nang kaunti" Kahit na ang totoo ay naiinitan lang talaga ako.
[Where are you? Are you inside your room?] Tanong niya at huminto saglit, [Let me in] kumunot ang noo ko.
"What?" tanging nasabi ko.
[I said let me in, I'm at the front of your door.] Dahan-dahan kong tiningnan ang labas saka unti-unting tumatayo para ipagbuksan siya. Pero 'pag ginawa ko 'yon, malalaman niyang hindi nga ako okay.
"Hindi na! Ano ba'ng gagawin mo rito? Kita na lang tayo sa klas--" Dahil sa panghihina ay napaluhod ang isa kong tuhod. Bumagsak na rin ang katawan ko pero hindi pa ako nawawalan ng malay. "Sh*t..."
[What happened? May narinig akong ingay!] Rinig kong sabi niya kahit pa na nasa kamay ko ang telepono. Hindi na ako nakasagot dahil nawawalan na talaga ako ng lakas. Ngayon ko lang naranasan ito, gusto ko na lang muna matulog ng ilang araw. Pagod na pagod na 'ko.
Ipinikit ko ang mata ko pero iminulat din nang may malakas na bumagsak mula sa labas, kung hindi ako nagkakamali ay pinto iyong bumagsak. Narinig ko na lang din na may mabigat na yapak ng tao ang papunta sa akin.
Lumiwanag ang paligid kaya ngayon ay may nakikita na ako. Madilim kasi rito sa kwarto.
"Zedrick." Nag-aalalang tawag ni Savannah habang niyuyugyog ako. Tiningnan niya ang mukha ko at napanganga nang ihinto ang tingin sa mata ko, "Your eyes..." aniya. Nabuhay nanaman pala ang vampire instinct ko, hindi na ako magtataka.
Nanghihina akong tumawa. "Sinira mo ba 'yong pinto ko?" Tanong ko pero hindi lang niya ako pinansin at iniakbay lang ako sa kanya.
"You're exhausted, humiga ka na lang muna." Wika niya at inihiga ako sa kama na hindi naman lalayo sa akin. Hindi naman niya ako patapon na inilagay sa kama pero pabagsak niya akong inihiga kaya medyo nag bounced pa ang katawan ko roon.
Sumakit din bigla 'yong ulo ko. "Be gentle, please?" Biro ko pero lumabas siya sa kwarto.
"I'll go get some water." Nagmamadali niyang sabi kaya itinuon ko na lang din ang tingin sa kisame. Is she going to take care of me?
Nakarating na si Savannah dala-dala ang tubig, ibinigay niya iyon sa akin kaya dahan-dahan akong sumasandal sa headboard para inumin ang iniaabot na inumin. Nakatingin lang sa akin si Savannah, hindi man lang siya nao-awkward-an kahit na topless lang ako. May abs naman din ako.
"You are drenched in sweat, gusto mong ikuha kita ng damit?" Tanong niya sa akin pero ibinigay ko lang iyong basong wala ng laman sa kanya. Humiga ulit ako saka inilipat ang tingin sa kanya. I have no idea she has this kind of side with her.
"Why are you here?" I asked her but she looked away.
"Dad gave you a lot of work, and for his behalf... I wanted to apologize" animo'y nahihiyang pusa na sabi.
Pumitik sandali ang ugat sa ulo ko pero nagawa ko pa ring ngitian si Savannah.
"Kaso 'di ko talaga inaasahan na magkalapit lang tayo ng kwarto at pareho pa ng condominium" Saad niya at tumungo nang kaunti. "Also, do you need blood?" She asked as she paused and looked at me. "You told me that you want to live like human but truth be told, imposible 'yun. You were born to be a vampire" she added and gave me this kind of look again. Again.
She looks like she's in pain… Such agony and loneliness that she could cry anytime.
Sumalubong ang mga kilay niya. "I hate you vampires for trying to live like this but knew from yourselves that it's not possible... Bakit kailangan niyong pahirapan ang sarili n'yo?" Nangunot na ang noo niya't nangilid na ang mga luhar. "Zedrick, my best friend which was also like you tried to do the same thing, she did not drink even a bit of a blood including others and what happened to them? They turned into Class-A" Tukoy niya sa mga estudyanteng na sa Dawn Abyss.
Umupo na lang ulit ako nang sa gayon ay mas lalo kong makita 'yong mukha niya na ngayon ay namamasa dahil sa kanyang pagluha. "We won't know what will happen once na magmamatigas kang hindi uminum." Lumuhod siya at hinawakan ang dibdib ko, nakaangat lang ang tingin niya sa akin.
"Just why did you come here?" Hirap na hirap niyang pagbigkas ng salita na nagpakagat sa ibaba kong labi.
Unti-unti ko siyang ikinukulong sa mga bisig ko. Ang nararamdaman ko kanina ay tila parang bula na nawala. Gumaan ang pakiramdam ko.
"I'm sorry for making you remember those painful memories." Ipinikit ko ang mga mata ko. "Forgive me."
She didn't remember me-- the kid who saved her last 6 years ago. I'm also wondering kung ba't siya naroon at ano ang ginagawa niya?
"Forgive me." Ulit ko pa bago ko maramdaman ang basa sa aking dibdib mula sa kanyang pag-iyak.