Chapter 3 - Hades

Blood II: Hades

Zedrick's Point of View

Titig lang ang ginawa ko ngayong nasa harapan na ako ng classroom ko. Para lang din siyang Japanese classroom na de-slide ang pinto 'tapos naka wide window din sila.

 Huminga ako ng malalim at inayos ang neck tie ko, hindi ako sigurado kung papasok ba ako o hindi. 

Bumukas ang pinto at bumungad ang isang napaka gandang babae sa harapan ko. May nunal siya sa bandang bibig at nakasuot ng eye glasses. Malaki rin 'yung… Boobs niya.

 Sumipol ako pero hinampas lang n'ya sa dingding 'yong hawak niya na stick dahilan para tumaas ang balahibo ko. "Anong sinisipol sipol mo r'yan?! Pumasok ka na rito!" strikto nitong sambit na kaagad-agad ko namang sinunod.

Pumasok na ako habang nakasunod lamang ng tingin ang mga estudyante sa 'kin. Ito ang ayoko sa mga nale-late, eh. Nagiging center of attention ako.

Pumunta ako sa harapan ng teacher's table habang 'yung homeroom teacher namin ay bigla bigla na lang nanghampas ng stick sa lamesa dahilan para mapapikit ang isa kong mata sa gulat. "Introduce yourself already, you brat!" pagalit na udyok nito na 'di ko malaman kung talagang ganito na siya o sadyang sa 'kin lang may galit. 

Huminga ako nang malalim at nagsimulang magpakilala. "I'm Zedrick Olson, 18 years old turning 19 on September 13. I still don't have any idea on how to ride a horse, so please take care of me." Gaya ng pangalan ng school na ito which is Chevalier (knight). This academy is mainly for school of horse riding, etc.

Nadaanan ko kasi kanina 'yong horse field kaya napag-alaman ko nga na may mga kabayo sa skwelahan na ito. 

 "Nice to meet you, bro!" sabi ng isa sa kaklase ko na medyo spiky ang buhok na nandoon sa pinakalikuran saka sila nag sunod-sunod na bumati…

…Maliban sa isang babae na nasa harapan ko.

Nakaangat lang ang tingin n'ya at taas=kilay na nakatingin sa 'kin. Kumaway ako sa kanya. "Hello?" Bati ko pero deadma lang. Siya 'yong anak ni Mr. Okabe na masungit. Nauna na kasi siya pagkatapos ng meeting namin ni Mr. Okabe kanina. Sasabay nga sana ako sa kanya kaso 'yung aura niya kasi, parang sinasabi na huwag akong sumunod sa kanya. 

 Pero ngayon, 'di ako mahihirapan na hagilapin siya. Lucky. 

"Umupo ka na sa bakanteng upuan na nasa likuran." Turo ng homeroom teacher namin sa pinakalikuran na 'di man lang ipinakilala ang sarili sa akin. Bakit ang susungit ng mga magaganda ngayon?

 Pumunta na ako sa pwesto ko't umupo, may sumiko naman sa akin kaya ibinaling ko ang tingin sa kanya, siya 'yung unang bumati sa 'kin kanina. "Sup! Hades nga pala!" Pakilala niya saka ako sinuntok sa braso.

Pilit akong natawa. "Zedrick." Simpleng pagpapakilala ko ulit at inakbayan ako, tinuro niya 'yong babaeng nasa harapan.

"Nice to meet'cha! Kilala mo ba 'yung babaeng 'yon?" tukoy niya sa tinuturo niya. Ano ba'ng pangalan ng anak ni Mr. Okabe nang hindi ko naman natatawag na babae lang?

I hummed. "Kilala na hindi?" Hindi ko siguradong sagot. Humigpit ang pagkaka-akbay niya sa 'kin, idinikit din niya ang pisngi niya sa pisngi ko habang hindi inaalis ang pagkakaturo ro'n sa babaeng iyon.

"Bro! Future girl friend ko 'yan!" Napalakas yata ang pagkakasabi niya kaya napatingin ang lahat sa 'min.

 I shook my head with my hand na parang sinasabing wala akong kasalanan pero bigla bigla na lang may lumipad na sapatos papunta sa 'min.

Mabuti na nga lang at nailagan ko iyon pero sumapul naman ito sa pagmumukha ni Hades kaya bumagsak s'ya mula sa upuan niya dahil na rin sa impact nung pagkakabato nito.

I looked at the person who did it, anak nanaman ni Mr. Okabe. Masama ang tingin niya sa 'kin ngayon. "I didn't do anything, y'know?" bulong ko.

Tumayo ang babaeng 'yun nang hindi inaalis ang masamang tingin sa akin. Makikita rin sa iba na medyo natatakot sila sa babaeng 'to. "Miss Eirhart, will you please let me discipline those boys at the back?" Paalam niya sa homeroom teacher namin.

Humalukipkip ito at malakas na nagbuga ng hininga. "No need" Tipid na sagot nito at taas-kilay na ibinaling ang tingin sa 'kin. "Mr. Olson, kabago bago mo pa lang dito pero gumagawa ka na ng kalokohan." 

 I raised my eye brows at her. "Kalokohan? Wala nga akong ginagawa, eh." Hirit ko kaya tinaliman n'ya ako ng tingin.

"Silence! Sinasabihan ka na nga, sumasagot ka pa! Nakakatuwa ka?!" hindi ako sumagot at nanahimik na nga lang. Para namang may mangyayari kung sasagot pa ako. Eh, estudyante nga lang ako rito at teacher siya.

Kahit na tama ka, mali ka pa rin sa kanila.

"Nakakatuwa ka?" ulit pa nito na 'di ko lang sinagot, huwag daw akong sumagot, 'di ba? "Sumagot ka!"

Akala ko ba "silence"?!

Hindi pa rin ako sumagot at nanahimik lang pero dahil do'n ay tinanggal niya 'yong sapatos n'yang may takong at tangka sana akong batuhin nang sumagot na ako. "Hindi po! Pasensiya na po!"

Ibinagsak na n'ya 'yong sapatos niya at sinuot na ulit, "Good" Wika n'ya at nagpatuloy sa dini-discuss n'ya kanina.

 Napatakip na lang ako sa mukha ko. Talaga bang ganito sa skwelahan na ito? 'Di ba nila alam na bawal manakit ng mga estudyante? Saka bakit ang amazona ng mga tao rito?

Tumayo na si Hades mula sa pagkakahiga n'ya sa sahig. "Oy, recess na ba? Gutom na ako" sabi nito habang hinihimas himas ang tiyan. "Hey, babe! Nand'yan ka pal--" muli nanaman s'yang binato ng pangalawang sapatos ng babaeng iyon kaya ngayon ay nakasuot na lamang s'ya ng medyas niya.

"If you're not going to shut up, I-stapler-an ko 'yang bibig mo." Babala nito gamit ang malalim na boses. Nakasilip lang ako mula sa butas ng kamay ko nang mapahilamos na lang ako. 

***

MATAPOS ANG period namin sa dalawang subject ay break time na, lumapit ang ilan sa mga kaklase ko at tinanong tanong ako tungkol sa kung anu-ano.

"May girlfriend ka na ba?"

 "Ang puti ng balat mo, para kang bampira." 

 Kasi bampira talaga ako.

Karamihan sa mga nakapalibot sa 'kin ay mga babae, 'yong mga lalaki wala lang pakielam maliban sa katabi kong si Hades.

Inakbayan nanaman niya ako. "Excuse us, girls... Pero pakainin niyo na muna 'tong si parekoy ko, huh? Mamaya n'yo na siya i-hot seat" tumili naman ang mga kaklase namin at saka kami umalis do'n.

 Sinundan lang nila kami ng tingin. "I guess, you're popular with girls?" 

Nagpogi sign s'ya at mabilis na inilabas ang cellphone. "Siyempre!" proud na sagot n'ya bago i-click ang circle sa screen. Nakuhanan tuloy kami ng litrato. "Twitter!"

Hinayaan ko lang siya bago kami mapatingin muli sa babaeng iyon, 'di pa kami nakakalabas ng classroom. "Hi, babe! Ayaw mo bang sumabay sa 'kin kumain?" Yaya nito kay Ms. Flying shoes.

Hindi siya umimik at inirapan lang kami bago umalis sa classroom. Tiningnan ko si Hades. "Ano ba'ng pangalan niya?" tanong ko.

He crossed his arms with his one hand on his chin. Bakit iniisip mo pa?!

Ngiti niya akong nilingon, "No idea?"

Binigyan ko siya ng walang ganang tingin. "Hoy."

Humalakhak siya. "Transfer student lang din ako rito, 'no? Na-love at first sight lang ako sa kanya." Sagot n'ya na nagpangiwi sa 'kin. I have no idea that there are still people that believe in such things like love at first sight.

Lumabas na kami ng classroom saka ako muling napatingin sa babaeng naglalakad palayo. Though, I couldn't deny that I myself also felt the same way.

"Oy, gusto mo ng hotdog--" Inakbayan ko si Hades bago pa man s'ya matapos makapagsalita.

 "Come here, buddy... May pag-uusapan tayo" Natatawa kong sabi habang nakaakbay sa kanya. 

 "Boy! Saglit, pinapatay mo na ako sa akbay mo, eh!" Daing niya na tinawanan ko lang.

Someone's Point of View 

Pumasok ako sa office room ni Dad at ipinatong do'n ang reports ko tungkol sa natapos kong misyon last time. "Here are the reports of the statement you wanted to check" Tiningnan ni dad 'yong mga folders saka tiningnan ang isa-isa.

"No changes?" tanong nito nang hindi inaalis ang tingin sa mga dokumentong hawak. Ayan 'yong mga dugong in-experimentuhan ng mga vampire hunters sa underground upang makita kung ano ang pagbabago sa mga nilalang katulad nila.

 

 6 years ago, hindi pa nag e-exist sa mundo ang mga katulad nilang Class-A vampires.

 Kahit ilang beses silang painumin ng dugong hayop, hindi na sila mabalik balik sa pagiging normal vampires. Kapag papainumin naman sila ng dugo ng tao mula sa mga researcher sa underground, mas nagiging aggressive sila. 

 

 "Dad, rumarami sila sa lugar na 'yon." Saad ko at sumeryoso ang tingin, "What should we do?" tanong ko.

Sumandal s'ya sa lean seat ng swindle chair niya at ipinagdikit ang sariling mga palad. "Wala tayong ibang dapat na gawin, unti-untiin lang natin sila patayin. Pero 'di natin magagawa 'yan nang mabilis kung wala si Zedrick Olson. Malaki ang maitutulong niya sa organisasyon." 

Dumikit ang kilay ko, "We don't need him, he's just getting in the way."

"Savannah" Tawag niya sa pangalan ko at kapag binanggit niya ito, ibig sabihin ay wala akong ibang magagawa kundi ang sumunod sa kanya. Wala akong ideya sa iniisip niya pero kapag nag desisyon siya, all I need is to believe in him. Alam niya 'yung pwedeng maitulong nito. 

"Okay, fine." pagpayag ko na tinanguan niya. "But he doesn't have any experience of killing, does he? Huwag mong sabihin na kaya mo rin ako pinatawag dito para sabihing I-train siya?" ngumiti siya ng bahagya. This is not a good idea. 

"Exactly." ngiti pa rin niyang tugon.

 "Please, no."

 "Please, yes."

 "Seriously, you're unfair dad!"

Ngumuso ito at humalukipkip. "I'm not forcing you, Sava ~ !"

"Don't mess with my name, old man!" Pero tinawanan lang niya ako at tumayo. Pagkadaan n'ya sa 'kin ay ginulo niya ang buhok ko.

"Get back to your room, make sure that you'd get along with that boy." tukoy niya kay Zedrick Olson bago lumabas ng office room. Naiwan lang ako ritong nakatayo habang nakatitig sa hindi kalayuan.

"Vampires… 

 

 I just can't stand with them..." Paanas kong sambit at tumungo.