Chereads / Three Jerks, One Chic, and Me / Chapter 34 - Rose Tattoo

Chapter 34 - Rose Tattoo

Chapter 34: Rose Tattoo

Kei's Point of View 

4:26 PM

Tinanggal ko sa bibig ni Haley ang thermometer para tingnan ang temperature niya. I tsked twice, "Lalong tumaas lagnat mo Haley, ano ba'ng ginagawa mo habang wala kami?" tanong ko 'tapos kinumutan siya.

Nakapikit siya at hindi makadilat. "Nakahiga…" tipid na sagot at umubo nang umubo. Inilagay ni Jasper ang bagong cold compress sa noo ni Haley saka nagpameywang. 

"Magpagaling ka na kaagad, magse-sleep over tayo kasama 'yong babae." tinutukoy ni Jasper si Mirriam. Napag-usapan kasi namin na medyo matagal tagal na rin nu'ng huli kaming mag enjoy saka mabait naman si Mirriam kaya isinama namin. Kung tutuusin nga, gusto ko siyang isama sa circle of friends dahil kumportable rin ako sa kanya kaso mayro'n na rin kasi siyang sariling grupo kaya hanggang invite invite na lang kung p'wede siya.   

"Saka ninyo na lang kaya isipin 'yan? 'Di ba mayro'n kayong short test kinabukasan?" tanong ni Harvey sa akin na tinanguan ko lang din. Narinig niya 'yong announcement ng professor namin dahil hinintay nila kami ni Reed sa labas nu'ng dismissal. Pareho lang din naman kami ng schedule.   

"L-long test?" tanong ni Haley nang imulat ang mata na animo'y nagulat sa narinig, dahan-dahan siyang umupo sa pagkakahiga.

Lumingon ako sa kanya at hinawakan ang magkabilaan n'yang balikat, "Humiga ka lang Haley, bibinatin ka talaga niyan" nag-aalalang sita ko. 

Umiling s'ya, "No, I'm fine. Kailangan kong mag review, ilang araw na rin akong absent kaya ayoko ng ma-miss 'to." pagmamatigas niya't tiningnan ang kwaderno ni Mirriam na inabot ko sa kanya kanina.

Sinulat talaga niya 'yong mga lectures namin para kay Haley. Saan ka ba naman makakakita ng gano'ng kaibigan na kahit hindi mo masyadong kakilala, tutulungan ka?

"Pakiabot sa 'kin 'yong notebook Kei" the both of my eyebrows furrowed. Just look at her, breathing heavily but still insist to study. 

"Excuse ka naman, eh" ani Jasper. 

"I said I'm fine" sagot pa n'ya pero halos hindi na nga siya makaupo ng maayos. Look how stubborn she is.  

  Muli ko siyang tinanong pero nagmatigas talaga siyang mag-aral kaya wala na lang din akong nagawa kundi ang iabot 'yong notebook sa kanya. Pumasok si Harvey dala-dala ang Ringing Service Bell.

  Inilapag niya 'yun sa tabing unan ni Haley, "If you need something, pumindot ka lang diyan. Darating kaagad aso mo." turo niya kay Reed na nasa labas ng pintuan. 

"Gag* ka ba?" mura ni Reed.

Ngiti lang akong nakatingin sa kanila nang mapatingin ako sa labas ng bintana. Medyo kumikidlat, uulan siguro.

  Ibinaling ko ulit ang tingin sa mga kaibigan ko. Nagtatalo na sina Reed at Harvey sa may pintuan habang nakikisali naman si Jasper. Si Haley, nakapikit lang ng mariin sa kama niya habang mahigpit na nakahawak sa notebook ni Mirriam, malamang naiingayan na siya.   

 Inaya ko na nga lang na lumabas kami nang makapag pahinga na si Haley. 

 "Tang*na mo, supot ka naman!" patuloy na pang-aasar ni Reed kahit palabas na kami ng kwarto.

"Gag*. Ako pa talaga sinabihan mo? Baka gusto mong ilantad ko 'yang kabahuan mo!" para namang napipikon na sabi ni Harvey. Inakbayan na nga lang sila ni Jasper at pinakalma ang mga ito. Habang ako naman ay napalingon sa gawi ni Haley.  

  "Will you be alright?" tanong ko. Medyo nag-aalala kasi ako dahil mukhang malakas-lakas yata ang kulog mamaya. Okay lang ba siya usually mag-isa? Pero kung sabagay, nandiyan naman 'yung alaga niyang si Chummy at 'di naman yata siya takot sa kulog at kidlat.

  Tumango siya't humagikhik ng kaunti, "I wish you were my sister." sabi niya na talagang nagpangiti sa akin. .

  "We're not related by blood but I think of you as my real sister. Not just a girl best friend." hindi siya sumagot at tinalikuran lamang ako ng higa. But I will take it as a good response.

Bumungisngis ako at isasara na sana ang pinto nang pumukaw sa atensiyon ko ang artificial rose na nakalagay sa maliit na vase. Sa ibabaw lang din ng study table ni Haley. May naalala ako bigla—'yung lalaki na may rose tattoo sa braso nung araw ng burol ni Rain. I saw him stading alone in a distant. What was he doing there? I don't want to overthink but, 

"I saw him… I saw a guy who has a rose tattoo on his arm. He's the one who did it! He killed them!" naalala kong sabi ni Reed nang puntahan namin siya ni mommy noon sa ospital noong mabalitaan namin ang nangyari sa magulang niya. 

Naningkit ang tingin ng mata ko. Is it a coincidence? Pa'no kung pareho lang, 'di ba?

  "Kei!" malakas na pagtawag ni Reed dahilan para mapahinto ako't manlaki ang mata sa gulat. Kanina pa ba nila ako tinatawag?

Lumapit sa 'kin si Jasper, "May problema ba?" nakatitig lang ako sa nag-aalalang si Jasper nang umiling ako. 

"Ah, wala. May iniisip lang ako." sagot ko at naunang bumaba. Sa pagbaba ko, hindi ko pa rin maiwasang isipin ang tungkol sa nakita ko no'ng araw na iyon. Don't tell me si Reed ang habol niya rito?

  Umiling ako at ibinaba ang tingin. No, baka nag o-overthink lang ako.

  Nakarinig ako ng mga yapak na papalapit sa akin kaya nilingon ko iyon at sinundan ng tingin si Harvey na ngayon ay nasa harapan ko na, pinitik niya ang noo ko dahilan para mapahawak ako ro'n. "Aray! Why do you have to do it every time?" nagtatampo kong tanong.

  "Right now, I don't like the way you act so get a rid of yourself." seryoso niyang wika  bago maunang bumaba. Sinundan ko naman siya ng tingin habang tumabi naman sa akin si Jasper.

 Kunot-noo siyang nakatingin sa pababang si Harvey, "Ba't mo siya pinitik?" hindi makapaniwalang sabi saka ako nilingon, "Okay ka lang?" nag-aalala nitong sabi at napailing. "Papansin talaga 'yung Harbe na 'yun."

  Nginitian ko lang siya, "I'm fine…" pagpapanatag ko sa kanya saka muling ibinaling ang tingin sa pinaggalingan ni Harvey kanina. Nauna na siguro sa kusina para kumain.

  Nag-aalala ba siya sa 'kin?

  Nakarating na kami sa dining area at sa ngayon ay umupo na kami sa mga kanya-kanya naming pwesto. Nakisabay na rin sa 'min si Jasper kaya nasa tabi ko siya ngayon.

  Tiningnan ko ang bakanteng upuan na nasa tabi ko saka tiningnan si Reed na medyo matamlay na nakatingin sa kanyang plato. Kinuyom ko ang aking kamao kasabay ang pagtungo.

  Hanggang kailan mawawala ang sakit, Rain?

Haley's Point of View 

Pilit kong kino-compute ang formula na nasa kwaderno ni Mirriam pero kahit na ano'ng gawin ko ay hindi ko magawang ma-solve kaya isinandal ko na lamang ang likod ko sa lean seat. Ang sama ng pakiramdam ko…

Sinubsob ko na lang din ang mukha ko sa study table, "Ang sakit ng ulo ko..." peste, this is what I really hate the most. Pa'no na lang kung mahuli na talaga ako sa klase? Tiyak na mahihirapan pa 'ko lalo nito.

May biglang nagbukas ng pinto dahilan para pumukaw doon ang aking atensyon.

"Yoh" bati ni Reed na may dala-dalang tray. Isinara niya ang pinto gamit ang paa pagkatapos ay lumapit na sa 'kin. "Ang dilim naman dito! Ba't kasi naka lampshade ka lang?" sumasakit kasi lalo 'yung ulo ko kung masyadong maliwanag kaya itong lamp shade lang ang tanging liwanag ko.

Binigyan ko siya ng walang ganang tingin, "Don't mind me, and hindi ba uso katok bago pasok?" humagikhik ito sa sinabi ko.

"Sensya" hinging pasensiya nito saka inilapag sa tabi ang mainit na cha-a. Sinilip ko naman iyon at napalayo nang maramdaman ang init ng usok sa mukha, "Inumin mo, mayro'ng herb 'yung cha-a kaya makakatulong na makalinis ng katawan mo 'yan." tiningnan ko na muna si Reed bago kunin ang cha-a na 'to.

Hindi pa naman ako fan ng cha-a.

"Ayoko. Noodles gusto ko." pagde-demand ko pa.

"Alangan namang ipagluto pa kita ng noodles mo? Saka mas okay 'yang tsaa para gumaling ka rin 'agad." kinuha niya 'yung tasa para ilapit iyon sa akin. Lumalayo lang ako dahil ang init-init nung usok! Gusto ba niyang matapon 'yon sa akin?! "H'wag na kasing matigas ang ulo, gusto mong pumasok pero 'di ka naman gumagawa ng paraan para gumaling."

 

Tumayo ako bigla, "No--" nabigla siguro ako sa pagtayo kaya nakaramdam ako ng hilo at paninilim ng paningin. Pabagsak na ang katawan ko pero mabuti na lang ay mabilis akong sinalo ni Reed samantalang natapon naman ang tsaa na inihanda niya para sa akin.

"Uy, Haley! You okay?" nag-aalalang tanong ni Reed at tiningnan mabuti ang mukha ko na may pagtapik nang kaunti sa pisnge ko. Nakapatong lang ang dalawa kong kamay sa dibdib niya nang bumalik na sa dati ang vision ko. Ngayon ay kitang-kita ko kung gaano kalapit ang mukha niya sa akin. Unang-una kong tiningnan 'yung labi niya bago ang kanyang mata. "Hoy, Hal--"

Tinulak ko siya palayo sa akin at tumayo na nga ng maayos na animo'y hindi masama ang pakiramdam ko. Kung ramdam ko ang sobrang lamig kanina, ngayon naman ay pakiramdam ko pagpapawisan na 'ko anytime.

"N-no, I'm fine. Medyo nahilo lang ng kaunti." sambit ko at natarantang naghanap ng basahan para ipampunas sa natapong tsaa. Si Reed naman, mukhang 'di nakumbinsi sa sinabi ko at hihirit pa sana nang iharap ko siya sa harapan ng pinto at itinulak. "Seriously, lumabas ka na nga."

Sa labas ng pintuan ay lumingon pa siya sa akin, "Pero sayang 'yung tsaa--" sinarado ko na nga lang ang pinto 'tapos sumandal doon para dahan-dahang mapaupo sa sahig. Geez, Haley! Why did you have to treat him so coldly like that?

Huminga ako nang malalim at mabigat na nagbuga ng hininga. Whenever I'm in front of him, it's always doesn't go well for some reason.

Napahawak ako sa dibdib ko't higpit na napakuyom. This is strange. It's throbbing too hard and beating so fast, his face is all over my head. His voice is still in my ears that it won't go away.

Just why? 

*** 

PASADONG TWELVE O'CLOCK ng hating gabi. Nagpasya na 'kong matulog dahil mas nararamdaman ko na 'yong pagod lalo na 'yung mata ko na kusang pumipikit mag-isa.

Pinatay ko na ang ilaw ng lamp shade at pagapang na humiga sa kama para makapagpahinga. Tinitigan sandali ang blankong kisame bago ipikit ang aking mga mata. Mayamaya lang nang may magbukas ng pinto. Ano ba 'yan! Hindi talaga marunong kumatok mga tao rito.

  Nagtulog tulugan na lang ako kahit hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang gawin 'yun. Isturbo siya, ganitong oras papasok ng kwarto ko? Hay naku!  

Dumilat ako ng kaunti. Si Reed pala itong pumasok, ano gagawin niya rito?

Binuksan niya ang lamp shade tapos nagtititingin sa paligid, tila parang may hinahanap. Inihinto niya ang tingin sa panyo na naiwan ko sa lamesa.  

Oh, ano nanamang problema n'ya sa panyo ko?

"I hope you remember me like I remember you" paanas niyang sabi sa sarili.

Nagsalubong ang kilay ko. Huh?

Pumikit na lang ulit ako nang ilingon niya ang tingin sa gawi ko't naglakad palapit sa 'kin. Hinayaan ko lang siya pero hindi maaalis sa akin ang sobrang pagtataka. Bakit ba kasi siya nandito, 'di ba? Saka bakit parang may humihinga sa tapat ng mukha ko?

Dumilat ulit ako ng unti para makita ang ginagawa ni Reed at muntik ng magulat nang mapagtanto ko ang malapit niyang mukha. Hoy! Hahalikan ba niya ako?!

Pinigilan ko ang paghinga ko sa kaba. Shet! Ginagawamue? Ba't ka pumipikit?! Ano? Gusto mong halikan ka niya?!

Ipinatong ni Reed ang noo niya sa noo ko kaya napatigil ako sa kakadada sa utak ko. 

Hahh... Now, ano nanamang kalokohan 'to?

Sandali na nanatili 'yong noo niya roon nang alisin na niya, "Ayan, magaling ka na bukas niyan." mahina niyang wika at umalis ng kwarto. Pinakiramdam ko na muna ang paligid bago mapaupo at kumuha ng maraming hangin. Grabe! Hindi ako makahinga!

  Tiningnan ko ang pinto kung saan siya lumabas. He just came here just to check on me? Damn you, Reed.

 Aatakihin na talaga ako sa puso nito, eh. 

Reed's Point of View 

Nang maisara ko na ang pinto sa kwarto ni Haley ay hindi mapigilan ng mga labi ko ang mapangisi. Ayaw no'n mawala kaya tinakpan ko na ang bibig ko para hindi naman ako magmukhang tanga na ngumingiting mag-isa. I was thinking of kissing her just earlier, sh*t.  

I have to be careful next time. Hindi maganda kung lalapit pa 'ko masyado kay Haley. Baka 'di ko na mapigilan ang sarili ko't mahalikan ko na siya.

*** 

KINAUMAGAHAN. Maaraw na ulit sa labas ngunit sa sobrang lakas ng ulan kagabi ay basang-basa pa rin ang kalsada. Madulas ang daan.

Nandito kami sa hallway nila Kei at Harvey samantalang na sa bahay pa lang si Jasper at nag text sa 'min kanina na magpapahintay siya. Gusto ko ngang iwan na lang dahil ang bagal ring kumilos, eh.

Inayos ni Kei ang pagkakasabit ng bag niya bago buksan ang pinto para makita ang labas. "Hindi na ba natin hihintayin si Haley?" tanong niya at nilingunan kami.

Humalukipkip si Harvey at tumingin sa itaas ng hagdan. "Hindi pa naman yata siya magaling." sagot niya 'tapos bumaling sa akin. "Gusto mong i-check?" tanong niya sa akin.

Napatingin naman ako sa kanya, sasagot sana nang maalala ko ang mukha ni Haley habang natutulog. Kaya umiling ako't naglayo ng tingin para hindi nila makita kung ano ang itsura ng mukha ko ngayon. Pakiramdam ko kasi, pulang-pula ito. "Huwag na. Bababa naman 'yon kung okay na siya, eh."

Mukha namang nagtaka sila Kei sa naging reaksiyon ko pero napaatras na lamang kami dahil sa biglaang pagpasok ni Jasper na may dala-dalang bouquet of flowers. Iba-iba ang kulay ng mga bulaklak kaya talagang napatitig kami ro'n sa hawak niya.

Marahan naming iniangat ang tingin kay Jasper na may pagbuka pa ng bibig. Hindi pa naman Valentine's Day, ah? Ba't nagdala siya niyan para kay Kei? Alangan namang sa 'kin o kay Harvey niya ibigay, 'di ba?

"Para kanino 'yan, p're?" medyo hirap kong tanong. Mahirap na kasi kung dito niya sasabihin na gusto niya 'yung best friend ko. Eh, gusto rin kasi ni Harvey si Kei.

Bahagyang napaatras si Kei kaya pilit akong napangiti.

Masiglang itinaas ni Jasper ang mga bulaklak dahilan para malaglag ang ilan sa mga petals. "Para kay Haley 'to! Get well soon flower!" sagot niya na may malapad na ngiti sa labi. Nagbuga ng hininga si Harvey na animo'y nabunutan ng tinik.

"Oh, 'kala ko nakaalis na kayo."

Sabay-sabay kaming lahat na napatingin sa taas ng hagdan kung saan nanggaling ang boses na 'yon. Nagsusuot pa si Haley ng black blazer n'ya. Nginitian niya kami. 

Pumaharap ako kung nasa'n siya habang pabiro siyang tinawag ni Jasper sa pangalan. "Haleeeee! I missed you!" ibinuka niya ang mga bisig niya na parang naghihintay sa hinihinging yakap kay Haley. "Gimme hug!"

Diri naman siyang tiningnan ni Haley. "Get away from me."

"Eh?!" hindi makapaniwalang reaksiyon ni Jasper 'tapos ako ang niyakap, "Reed! Magaling na siya kaya away niya ako." sabi niya na umaaktong parang bata. Lumayo nga ako sa kanya.  

Nakababa na si Haley nang lapitan siya ni Kei at idinikit ang likurang palad sa kanyang noo para i-check kung talagang okay na siya. "Oo nga, magaling ka na." sambit niya habang papalapit kami nila Harvey.

"Magaling na nga ba?" paninigurado ko at huminto sa tapat ni Haley.

Binigyan niya ako ng walang ganang tingin. "Hindi ako magsusuot ng school uniform kung 'di pa ako okay." pamimilosopo niya na nagpatango-tango sa akin.

Humilamos din ako ng mukha dahil sinisimulan nanaman niya ako.

Inabot ni Jasper ang dala niyang bouquet kay Haley, "Pero pa'no 'to?" tanong niya na ikinamula ng mukha ni Haley. Nag react din siya ng kaunti kaya sinimulan din siyang asarin ng mokong, "Hoy! Nagba-blush! Hindi ka pa nakakatanggap ng flower 'no?!" pang-aasar ni Jasper na may pagturo pa kay Haley kaya mas lalong namula ang mukha niya at hinablot ang bouquet of flower.

Akala pa nga ni Jasper ay ipanghahampas ni Haley 'yung bigay niya pero laking tuwa niya nang yakapin ni Haley 'yung bulaklak at nguso na naglayo ng tingin. "Thank you."

Hindi naman ako makapaniwala sa naging reaksiyon niya kaya hinablot ko ang uniporme ni Jasper nang mailapit siya sa akin, "Gag* ka, may sakit din ako no'ng nakaraan pero wala akong flower!"

"Bakla ka ba?!" bulyaw niya sa akin.

Kasalukuyan na kaming nagtatalo ni Jasper habang pumagitna naman si Kei para awatin kami. Ngunit sa pagdaan ng tingin ko kay Haley ay naabutan ko ang kaunti nitong pagtawa.

Kaya wala sa oras na napangiti na lang din ako.

Harvey's Point of View   

Pinapanood ko lamang ang mga kaibigan ko habang nakapasok ang dalawa kong kamay sa aking mga bulsa.

Hindi man siguro napapansin ng mga kasama ko pero matapos ang insidente at pagkawala ni Rain. Maraming nagbago lalo na kay Reed. He was lost, but because of that… He found a perfect 'place' where he could finally find his self again.