Chereads / Three Jerks, One Chic, and Me / Chapter 35 - Cheater

Chapter 35 - Cheater

Chapter 35: Cheater

Haley's Point of View 

Pagkahakbang pa lang sa loob ng campus ay bumungad na sa amin ang mata ng mga estudyante sa E.U.

Usap-usapan pa rin ang tungkol sa nangyari sa mansion nina Kei kaya hindi ko mapigilang hindi mainis dahil binabalik pa nila 'yong mga bagay na hindi naman na dapat pang balikan.  

"Bakit naman kasi mangyayari 'yung gano'ng bagay kung wala namang ginawang masama ang pamilya ng Montilla, 'di ba?" malakas na sabi ng babaeng estudyante na ito habang nakahalukipkip.

Sinaway naman siya ng katabi niya. "Huwag kang maingay!"

Huminto ako para bigyan sila ng kakaunting salita ngunit pinigilan na ako ni Harvey. Umiling s'ya na para bang sinasabi na wala akong magagawa at hayaan ko na lang sila. 

'Di ako sang-ayon sa sinasabi ni Harvey pero kahit siguro magpaliwanag ako for the sake of my friend ay hindi rin maiintindihan 'yon ng ibang tao. Minsan kasi, kung talagang sarado ang utak at tainga ng indibiduwal, magiging balewala lang 'yung effort mong ipahayag 'yong side mo. Kaya nga mas mabuti kung mananahimik ka na lang tutal alam mo naman sa sarili mo kung ano ang totoo.

"Kaasar." 

***

PUMASOK NA KAMI sa classroom. Tahimik ang lahat at mga nakatuon lang ang tingin sa whiteboard. Bumulong ako kay Kei, "Magsisimula na ba 'yung klase?" tanong ko na inilingan n'ya.

"Wala pang time, may 30 minutes pa tayo" sagot niya saka isinara ang pinto.

Tumayo ang president namin sa upuan niya at lumapit sa 'kin, "Buti naman at nakapasok ka na, marami ka talaga sigurong inasikaso" hindi ako sumagot at naningkit lang ang mga mata. 

Hindi na niya tinukoy 'yung insidente…

  Nginitian ko lang si Rose at bumalik sa pwesto ko, nakikita ko sa peripheral eye vision ang pagsunod ng tingin sa akin nina Tiffany na hindi ko lang din pinansin.

Umupo na ako sa upuan ko at tiningnan ngayon si Reed. Nilalapitan s'ya ng mga kaklase ko at kinakumusta ito. Hindi ba nila ginawa 'yan kahapon nu'ng absent ako?

"Dumalaw kami sa kapatid mo, pero wala ka do'n, kaya... Condolence" at nagbigay ang isa naming kaklase ng puting bulaklak.

Hoy, hoy... 

Nakatitig lang si Reed sa bulaklak noong may tumulo mula sa mata n'ya. Nagulat ang mga kaklase ko sa nakita na pati ako ay bahagyang napaawang bibig, magsasalita ngunit hindi itinuloy.

Umiwas lamang ako ng tingin. Ayoko s'yang nakikitang ganyan, may parte sa akin na nasasaktan at naaawa sa kanya kahit hindi naman dapat. He's trying to be strong kaya dapat gano'n din ako para sa kanya.

"Ang hirap 'no? 'Yong mawalan ka bigla ng kapatid sa 'di mo inaasahang pangyayari." 

tugon ni Kei na nasa tabi ko dahilan para mas lalo akong hindi makapagsalita.

 "S-sorry" paghingi ng pasensya ni Reed saka pinunasan ang luha. Mukhang hindi n'ya kaagad napansin na naiyak s'ya.

Inakbayan s'ya ni John saka ginulo ang kanyang buhok, "Bru, gusto mong maghanap ng chics mamaya? Punta tayo beach para naman sumaya ka. Ayaw naman ni Haley, eh." sabay lipat niya ng tingin sa akin at ngumisi.

  Napasimangot ako sa sinabi ni John. P'wede ko na bang itusok 'yong ballpen kong 0.3? Itutusok ko lang sa bay*g n'ya para wala na s'yang kinabukasan. 

  "Gag*! H'wag mo ngang igaya sa pagiging manyak mo si Reed" tumangu-tango naman ako sa sinabi ng isa sa mga kaklase ko. Tama 'yan, pagsabihan ninyo s'ya.

"Ay, hala sama ako, boy!" sabik na wika ng kaklase naming lalaki at umupo sa kandungan ni Reed. "Hi, fafa Reed!"  

 Sumimangot ulit ako. PATAYIN. 

"Wews, akala mo naman papatulan sila para makahanap ng chics." bulong ko dahilan para sikohin ako ni Kei. "What?" iritado kong tanong pero nagulat ako dahil naluluha s'ya. Ito ba ang tinatawag na tears of joy?

"This is what we called Yaoification" at naglabas na siya ng cellphone niya para kumuha ng litrato nila Reed na gumagawa na ng kalokohan sa mga upuan nila.

  Napabuntong-hininga na lamang ako.

Tumayo si Tiffany saka lumapit kay Reed, "Reed!" umalis ang mga nakapalibot sa kanya habang ibinaba ko naman ang kamay ko, "Ito" sabay abot ng gamot sa kanya, "Vitamins, my mom bought it para ibigay sa 'yo, sinabi sa 'kin ni Jasper na bigyan daw kita niyan" nagpameywang siya saka kinindatan ang lalaking nasa harapan n'ya.

 May pumitik na kung ano sa ugat ko.

"Huwag mo na akong pa-salamat-an, you're welcome" hindi sumagot si Reed at kinuha na lang 'yong binibigay ni Tiffany. Pilit na natawa at humawak sa batok.

"T-thank you pa rin" tugon niya. Pinagsalikop ko ang aking mga kamao at pinatunog ang mga daliri sa inis habang dahan-dahan namang napahawak si Kei sa kanyang bibig at hindi napansing lumalayo na siya sa akin.  

Si Jasper kamo may sabi? Sige, ganyanan pala, ha? Lagot talaga siya sa 'kin. Imbes na ilagay niya sa tamang tao 'tong si Reed, pinapahamak pa niya. Why does he have to do that?

Muli akong siniko ni Kei, jusko. Ano ba kasing ginagawa n'ya dito at ayaw pang pumunta sa pwesto n'ya? "Selos ka?" tiningnan ko s'ya ng masama.

"What?" taas kilay kong reaksiyon pero ang ginawa lang niya ay hinawakan ang pisnge ko't iniharap ako lalo sa kanya.

"Pawisin 'yung ilong mo, selosa ka nga." nakangiti nitong sabi kaya inis ko namang inalis 'yung kamay niya na nakahawak sa pisngi ko. Naniniwala siya sa mga gano'ng sabi sabi ng matatanda?

"As if."

At isa pa, bakit naman ako magseselos, 'di ba?

Pa-simple kong sinulyapan si Reed na nakangiti lang din kay Tiffany. Tsk! Kinilig ka naman?

Pumasok ang professor namin kaya nagkanya kanya na kami ng upo. Bumuntong-hininga ako saka napatingin kay Tiffany na bigla akong nginisihan. 

*** 

 MAKALIPAS ANG ilang oras ay nag announce na ang professor namin para sa short test ng literature. Pinasa namin ang mga papel para makapag simula na sa pagsusulit.

  Kasalukuyan na kaming sumasagot ngayon noong sipain ni Reed ang paa ko, katabi ko lang kasi siya ngayon. Tiningnan ko siya gamit ang peripheral eye view, "What?" mahinang tanong ko

Pa-simple niyang iginala ang tingin sa paligid tapos ibinalik sa akin pagkatapos, nakatalikod ngayon ang professor namin habang naglalalakad. "Ano'ng sagot dito?" sabay taas ng test paper niya at turo do'n sa number na hindi niya alam. Tumaas ang kilay ko tapos hindi makapaniwalang napatingin kay Reed.

Dude, ayan ang pinaka basic na tanong pero hindi mo alam 'yung sagot?! Niloloko mo ba ako?!

Bumuntong-hininga ako tapos nagpunit ng papel para isulat ang sagot do'n. Hindi ko rin siguro s'ya masisise, hindi s'ya makakapag focus sa pag-aaral kung may gumugulo pa rin sa utak n'ya. 

Yes, he's already moving forward, but it's not easy to move fast even if you want to. People have a hard time letting go of their suffering. 

I secretly gave him the piece of paper which I wrote the answer. "Thank you, Haley!"

Just like... Him.

"Miss! Nagbibigay ng sagot si Haley sa katabi niya" napatingin ako kay Trixie na bigla akong sinumbong. 

  Napatayo ako, "Hoy, babae! Inaano ba kita, huh?!"

"Sinasabi ko lang ang tama!" ba't para akong sinusumbatan nito?

Hinampas ko ang desk ko dahilan para mas mapatingin ang mga kaklase ko sa 'min, "Makapagsalita ka, akala mo naman hindi ka cheater!" tumayo s'ya.

"CHEATER?!" umismid s'ya, "Paano mo nasabing cheate--" may nahulog namang papel galing sa palda niya. 

Kinuha 'yon ng professor namin saka binasa ang nando'n, "Answer key 'to, ah?" sabi nito nang hindi inaalis ang tingin sa papel. Nanigas naman si Trixie habang nagsisimula ng pagpawisan.

  Si Tiffany naman, biglang umiwas ng tingin at nagsulat na sa papel niya.

"Oh, akala mo, ah?!" hindi niya alam na kanina ko pa s'ya napapansing nagche-cheat. Tss! Gagawa na nga lang ng hindi maganda, hindi pa ginalingan.

Same to you, Haley!

"Kayong dalawa..." unti-unting nilulukot ng professor namin ang kodigo ni Trixie at saka kami galit na sinigawan. "MINUS 10 KAYO SA SHORT TEST!"

*** 

TAWA NANG TAWA si Jasper habang kinukwento ni Kei 'yong nangyari sa classroom kanina. At seryoso ako, napipikon ako sa tawa ni Jasper na gusto ko na lang stapler-in ang bibig para manahimik. 

"Parang ang saya ng section ninyo!" tuwang tuwang wika ni Jasper na mukhang tanga na pumapalakpak na parang sea lion.

"Sino may sabing masaya?" tanong ko habang matalim na nakatingin kay Jasper

"Pero atleast pasado ka kahit papaan--" dinuro duro ko si Reed. 

"Kasalanan mo lahat ng 'to eh!" bulyaw ko kay Reed na kumukurap kurap na ngayon.

"Tama na nga 'yan, walang magagawa ang pagtatalo n'yo" saway sa amin ni Kei at ngiting nilingon si Harvey, "So, magse-sleep over na ba tayo? Tapos naman na lahat ng mga dapat i-exam" paghingi ni Kei ng permiso kay Harvey. 

Nagpahuli ako ng lakad, ang sikip sikip kasi pero sabay-sabay silang maglakad ngayon dito sa may corridor. 'Di ako kumportable.

"Harvey!" huminto kami sa paglalakad at sabay na nilingon ang taong 'yon. Una kong nakita ang trademark niya bago ang kanyang mukha.  Siya lang kasi ang mahilig gumamit ng Black ribbon bilang pagtali sa buhok niya.

"Nakalimutan mong isuli ang libro ko" habol ni Mirriam at huminto sa harapan namin. Ang bilis n'yang tumakbo. 

Humarap sa kanya si Harvey, "Kailangan mo na ba ngayon?" tanong nito at nagpamulsa.

Kumunot ang noo ni Mirriam, "Lalapit ba ako sa'yo kung hindi ko kailangan?" pamimilosopo ni Mirriam at napatingin sa 'min ni Kei. "Hey!" bati niya na kinawayan naman naming pareho. 

Ngumiwi lang sa inis si Harvey saka kinuha ang libro sa kanyang bag.

Ibinaling ni Mirriam ang tingin sa 'kin matapos ibigay ni Harvey ang libro, "Pagpasensiyahan mo na pala sina Tiffany kanina" bakit s'ya pa ang nagso-sorry para sa kaibigan niya?

And in the first place, bakit ba siya sumasama sa mga 'yon?

"I don't mind, actually." simple kong tugon. Para naman kasing may magagawa ako kung sa buhay talaga natin, may kontrabida. Hindi sila puwedeng mawala.

Ngumiti ng pilit si Mirriam, "G-gano'n?"

Humakbang palapit ng kaunti si Reed, "Wala ka bang gagawin ngayon?" tanong ni Reed na may ngiti sa kayang labi, "Sama ka sa 'min mag sleep over."

Medyo nag-alanganin bigla ang itsura ng mukha niya, "Uhm.. Hindi naman ako busy pero..." humawak s'ya sa balikat niya kaya lumipat ang tingin ng mata ko ro'n.

"Ipagpapaalam ka namin sa mom mo" sabay suntok ni Jasper sa sariling dibdib 

Nagsuot ng bored look si Mirriam, "Huwag mo 'kong pinagkakausap, hindi mo pa napapasa 'yung reply slip kay coach." sermon ni Mirriam kay Jasper. Pareho nga pala sila ng sports.

Nag-uusap lang sila nang maramdaman ko na medyo hindi na 'ko kumportable, mukha namang napansin 'yun ni Reed kaya napatingin siya sa akin, "Ano'ng problema?"  

"Wala naman." sagot ko, "Mauna na lang muna kayo sa parking, magbabanyo ako sandali." at nagmadali akong naglakad paalis habang hawak hawak ang puson ko.

***

NAKAHAWAK AKO SA pader habang nakasandal lamang ang gilid ng katawan ko ro'n. Dumiretsyo ako sa may bandang banyo na buti na nga at walang estudyante dahil mga nagsiuwi na.

"Geez, hindi ko na kaya..." medyo naiirita at nanghihina kong sabi. Kung lalaki lang siguro ako, tuli lang ang paghihirap na mararanasan ko! At isa pa, hindi rin siguro ako magiging torpe katulad niya!

In-imagine ko naman 'yung sarili ko bilang isang lalaki habang babae naman si Reed.

Hawak hawak ang kanyang baba (chin) habang ngiti na nakatingin sa kanyang mga mata, isama mo pa na parang sumasabay ang buhok namin sa ihip ng hangin,"You are finally willing to look in my eyes, what would have happened if you made me think you hated me?"

"H-Haley…" 

Napasampal na lang ako sa sariling mukha dahil sa iniisip ko. Ugh! Gusto kong ibaon 'yung sarili ko sa lupa dahil sa mga fantasizing ko! 'Di naman niya ako gusto pero,

"Hey, are you okay?" umayos ako ng tayo at tumikhim bago humarap sa taong iyon.

Humalukipkip na tila para bang ang cool cool kong tingnan, "Y-yeah. Why? What do you want?" hindi mo naman kailangang umarte ng ganyan! Ang pangit mo, Haley! Bumili ka na nga lang ng napkin mo!

"Sorry, para ka kasing nahihirapan." 

Hindi ako umimik at nakatitig lamang sa nerd na ito. Nang may mapansin akong kakaiba ay inilapit ko ang mukha ko sa mukha n'ya, "Nakita na ba kita before?" I asked him.

May dala-dala siyang tatlong libro, tapos nakasuot ng salamin, messy hair at maraming tigyawat sa mukha. Pero ang ganda ng mata niya tapos ang tangkad pa niya. He's not an ordinary nerd.

"You didn't remember me? Ako 'yung tinulungan mo sa mga bullies." inisip kong mabuti ang sinabi niya, hanggang sa maalala ko kung saan ko s'ya unang nakita. 

"Ah! Si Nerd!" turo ko sa kanya. Siya 'yung lalaking pilit na kinukuhanan ng pera mula sa mga siraulong estudyante ng E.U. Nakakatawa 'no? Nag-aaral sa mayaman na skwelahan pero baon, wala.

"J-Jude ang pangalan ko, hindi nerd" nakasimangot niyang sabi.

Umayos na 'ko ng tayo at hinawakan ang both shoulders niya, "Now that you're here, I have some favor to ask you." seryoso kong sabi dahilan para mas makita kong maigi ang mukha niya.

Nakatingin lang din siya sa mata ko, "A-ano?" nauutal nitong tanong.

Hindi nawawala sa mukha ko ang pagiging seryoso hanggang sa unti unting lumwak ang ngiti ko, "Bili ka nga ng napkin" utos ko at ibinigay sa kanya ang P5.00 "Hintayin kita sa girls comfort room, huh?" tinapik ko pa ang balikat niya bago umalis.

Hindi ko na talaga kaya! Gusto ko ding mag bawas ngayon!

*** 

 LUMABAS NA AKO sa comfort room matapos kong makapagpalit. Nando'n pa rin si Nerd kahit na naibigay na n'ya sa akin 'yong napkin. Paano ko nakuha? Pinapasok ko s'ya sa banyo tutal wala naman ng mga estudyante.

Pinahagis ko sa kanya 'yung pinabili ko na kamuntik muntikan na nga ring ma-shoot sa bowl. "Thank you, Nerd" ngisi kong sabi

"Nananadya ka na, Haley..." tila parang nahihiya nitong wika.

Inayos ko ang blazer ko at ibinaling na ang tingin sa kanya, "Paano mo nga pala nalaman ang pangalan ko?" tanong ko. Hindi ko naman kasi binibigay ang pangalan ko sa kahit na sino. Isa pa, hindi rin ako mahilig magsuot ng I.D at palagi lang nakatago sa bag.  

"Ah, kilala ka naman kasi dito" sabi niya habang kamot kamot ang ulo.

Imbes na matuwa ako, hindi eh. Kilala lang naman ako dahil kila Reed. Side kick yata ako sa kwento na ito.

"I see…" tumalikod ako't inayos ang pagkakasabit ng bag ko sa aking balikat, "Aalis na 'ko, pupunta pa ako sa kaklase ko, eh." nagsimula na akong humakbang noong marinig ko ang pagpapa-salamat niya. Ako dapat ang magsabi no'n, hindi siya.

Itinaas ko ang kamay ko bilang pagpapaalam, "Huwag ka ng magpapa-bully…" ngiti ko siyang nilingunan, "…Nerdy."