Chereads / Three Jerks, One Chic, and Me / Chapter 36 - Garcia Family

Chapter 36 - Garcia Family

Chapter 36: Garcia Family  

Haley's Point of View 

Naglalalakad kaming anim sa loob ng bahay nila Mirriam habang inililibot ang tingin sa paligid. Hindi siya gano'n kalakihan pero siguro sapat lang ito para sa kanila ng pamilya niya.

Isa pa, puro paintings ang nandito! Kung ako ang tatanungin ay mas prefer kong tumira sa hindi ganoong kalaking bahay kaysa sa mansyon na halos hindi naman nagagamit lahat ng rooms. "Wow…" mangha kong komento. May malaki silang litrato ni Mona Lisa pagkapasok pa lang sa bahay nila.

Talagang makukuha ng mga ito ang atensyon namin kaysa sa totoo naming pakay. Nandoon na nga rin si Kei sa malaking litrato at nagse-selfie na. "Para akong nasa museum." sabay peace sign ni Kei sa tapat ng camera.

Kay gandang dalaga talaga…

Nakarating na kami sa sala, Ang ayos ng mga unan sa mga sofas. Hindi naman nila alam na may bisita sila pero ang linis!

"Ipapakilala ko kayo sa mga kapatid ko." sabi ni Mirriam at naunang naglakad habang napahinto kaming lima.

Mayroon kayang dumi 'yung mukha ko?

Kinuha ko ang cellphone ko at ipinunta sa camera para tingnan ang sarili, "Wala naman-- Ay joke, sinungaling pala itong camera" ibinalik ko ulit sa bulsa ng blazer ko 'yong cellphone at lumapit kay Kei, "Pahiram mirror"

"Sino po sila?" tanong ng babaeng biglang sumulpot sa harapan namin. Nakatingin lang ako do'n sa paa niya noong dahan-dahan kong iniaangat ang ulo ko para makita ang mukha nito. Halos mapaatras ako nu'ng makita ang mukha niya...

Sino 'to?! Kambal ni Mirriam?

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Hindi ako p'wedeng magkamali! Hindi ito si Mirriam!

Tumawa ang babaeng 'yon kaya binigyan namin siya ng nakakapagtakang tingin. "Iniisip ninyo siguro na kambal ako ni Mirriam 'no?" ngisi niyang sabi. Napatingin naman ako sa mga kasama ko. Pare-pareho silang mga nakaawang bibig.  

"Edi hindi ka talaga si Mirriam?" hindi makapaniwalang tanong ni Harvey saka naman dumating bigla si Mirriam.

Unti-unti namin siyang nilingunan.

"Mama, kanina pa kita hinahanap, eh." nakasimangot na sabi nito dahilan para sabay-sabay ulit naming lingunin ang tinawag niyang mama.

"MAMA?!" gulat na gulat naming sambit. May tumawa sa likuran namin.

"Papa, kauuwi mo lang ngayon?" lumapit si Mirriam sa tinawag niyang papa na sinundan namin ng tingin.

Kung mukhang bata ang ina ni Mirriam ay siya namang kabaliktaran sa ama ni Mirriam. "Malaki yata 'yung age gap nila" sabi ni Kei na parang kagigising lang kung makatingin sa magulang ni Mirriam. Hindi rin naman siya nagja-judge. Nagtatanong lang talaga siya.

Ginulo lang ng papa niya ang buhok ni Mirriam na medyo nagpataas ng kaunti sa dalawa kong kilay. May lumabas na litrato sa utak ko kung saan nakapatong ang kamay na 'yun sa ulo ko't ginugulo.

Why do I suddenly remember that?  

Inaya kami ng magulang ni Mirriam sa sala tapos nagpakilala sa 'min. Ginawa rin namin iyon at nagpakilala isa-isa…

…Hanggang sa magpakilala na si Jasper, "Jasper! Jasper Kyle Villanueva! Ang pinaka POGI at macho sa Enchanted University!" mahangin na pagpapakilala ng mokong na ito at nag thumbs up.

At this moment, gusto ko siyang paltukan. Kaso nandito 'yung magulang ni Mirriam at ayokong mag-iba ang tingin nila sa 'kin kaya kailangan munang maging mabait. "Nice to meet yow!" binigyan nila Harvey si Jasper ng walang ganang tingin.

"Bagay ang pangalang Narcisso sa'yo, bagay sa narcissistic syndrome mo" walang gana kong sabi. 'Di ko napigilan, eh! 

Sumang-ayon naman ang mga kasama ko sa sinabi ko.  Tumawa ang papa ni Mirriam tapos lumapit kay Jasper, "Pero pogi ka, ha? Niligawan mo na ba si Mirriam?" ngisi nito sabay patong sa balikat ni Jasper. Nabilaukan naman siya bigla. Ni hindi mo malaman kung totoo ngang nasamid sa sariling laway. 

"Papa, you're embarrassing me!" nahihiyang bulyaw ni Mirriam. Natawa ang lahat ng dahil sa naging reaksiyon ni Mirriam, pulang pula itong sinasaway ang ama niya.

Tiningnan ko si Kei na ngiting nakatingin kina Mirriam pero mahahalata mo ang kakaibang kalungkutan sa mata nito. For some reason, I kind'a feel that we're actually pretty similar.

But what is it?

Humarap ako kay Kei at aabutin sana s'ya noong biglang magsalita ang magulang ni Mirriam. "O s'ya s'ya, maupo na muna kayo sa sofa, ipaghahanda ko muna kayo ng miryenda" umupo kaming lima sa sofa gaya ng sabi ni tita Airam-- Mama ni Mirriam.

"Salamat tita, pero aalis din kami pagkatapos, may sasabihin lang po sana kami sa inyo" si Kei na ang nagsimula.

Huminto naman si tita at lumingon sa amin, "Hmm? Ano 'yon?" at humarap muli ito sa amin.

HUMAWAK SA sariling kamay si tita Airam at matamis kaming nginitian, "P'wedeng p'wede! Ayoko rin kasi s'ya na kasama sina Ti--"

  "Mama." sita ni Mirriam na parang ayaw niyang ipagpatuloy ang kung ano man ang sasabihin ni tita. Hindi na rin naman kami nagtanong dahil mukhang ayaw talaga ni Mirriam. Iba na rin kasi ang itsura ng mukha niya.

 Ngumiti si tita Airam gayun din ang ama ni Mirriam, "Basta sa susunod, magpaalam kayo ng mas maaga, ha?"

Tumango kami, "Opo! Pasensya na rin po" sabay-sabay na sagot naming lima. 

UMALIS NA sina tita at tito para tawagin ang mga kapatid ni Mirriam, naghihintay lang din kami sandali noong sunod-sunod na humilera ang Garcia siblings. May mga kanya-kanya sila ng paraan ng pagpapakita ng kanilang ekspresiyon.

"A-ang sipag nina tita!" pasigaw na bulong ni Jasper na sinikuhan ko lang sa tagiliran. Medyo napayuko pa siya sa ginawa kong iyon, does it hurt?

  "Shuttup!" suway ko.

Kaso totoo! Ang dami nila!

"Bakit kailangan ding nandito ako?" daing ng babae na nakahalukipkip at nakaiwas ang tingin. Hindi ko na lang siya pinagtuunan ng pansin at napasulyap na lamang sa lalaking nasa dulo. Mukhang ka-edad ko lang din siya. 

Nakatingin din ito sa akin habang may suot-suot na ngiti. Medyo hindi ako naging kumportable kaya iniiwas ko na lang din ang tingin.

Humakbang siya't pumunta sa harapan ko, tulad kanina ay hindi pa rin niya inaalis ang kanyang pag ngiti kaya napaangat na lamang din ang ulo ko para tingnan siya ng diretsyo. Tila para bang may kakaiba sa paraan ng pagtitig niya kaya hindi ko rin magawang maialis kaagad ang aking tingin. "Jin Caleb Garcia, first son, nice to meet you…"

He's that…

Wait, if I'm not mistaken. Siya 'yung lalaking bakat ang abs, iyong nabangga ko last time sa building namin.

Pa-simple akong naglabas ng hangin sa ilong. Ang pervert mo, Haley.

"Hoy, Jin." tawag ng mataray na babae kaya lumingon naman ang nagngangalang si Jin, "Hindi ba't dapat ako ang unang magpakilala? Ako ang panganay, eh.""Wala namang pinagkaiba, magpapakilala pa rin naman tayong lahat." kibit-balikat na wika nitong si Jin at sandali na napatingin sa akin bago bumalik sa pwesto niya kanina.  

Umirap lang ang babae at sunod na nagpakilala, kambal siya ni Jin. Kahit na pareho sila ng pronunciation ng pangalan ay magkaiba naman ang spelling nito. J-E-A-N ang pangalan nu'ng babae, habang J-I-N naman sa lalaki.

Bakit kaya may ganitong magulang, ano? Kambal na nga ang anak, magbibigay pa ng pangalan na halos magkatunog na. Pinapahirapan pa nila 'yung ibang tao lalo na ang anak nila. 

"Pareho nga sila ng mukha't halos magkapareha na rin ng pangalan, pero magkaiba naman sila ng ugali." sabi ng isa nilang kapatid na mukhang kalog sa pamilya nila. "Airiam nga pala! At your service!" sabay labas ng dila nito. Lumapit sa kanya si Jean para akbayan at kotongan. "Aray! Ang sakit naman, ate!" pero inilayo na siya nito sa sala at pumunta sa kung saan.  

"Nick Garcia, second son, please take care of my sister" ang galang ng batang 'to. Ilang taon na kaya 'to?

Napatingin naman ako sa kasunod niya na nakangiti, nag flip hair siya't naglakad papunta sa amin, "Ako naman si Ricka, Fourth Daughter of Mrs. Airam! I'm in 5th grade... Kung sino man sa inyo ang gusto akong maging kaibigan, sabihin lang sa 'kin, pero hindi boyfriend, bawal pa ako" taas noo't ngisi niya na nginitian lang din namin.

Diretsyahan talaga siya eh 'no?

"Tss! Ang pangit mo namang magpakilala!" pang i-insulto ng kapatid niyang lalaki. Siya yata ang bunso. Nagsuot s'ya ng ngisi sa kanyang labi at nagpogi sign, "Ako naman si Julius! Ang pinaka pogi sa school namin!" I think ito 'yung isang version ng Jasper, eh...

Tumawa naman 'tong kasama namin at nag pogi sign. Lumalabas na naman 'yung kayabangan niya, "Wala ka sa 'kin! Ako ang heartthrob sa E.U! Ang pinaka pogi! Pinaka matcho! Pinaka astig! Pinaka mabait! At pinaka--"

"Shunga" dagdag ko pa. At ano ang nangyari? Pumunta siya sa sulok para mag emote.

"Shunga… Shunga..."

Ibinaling na lang ni Mirriam ang tingin sa amin, "Ah... Siya 'yung pangalawa sa bunso, 'yung bunso kasi namin, natutulog... Pero siya si..." she paused, mukhang nag-aalanganin sa isasagot. "…Siya si Rain." dugtong niya dahilan para ngumiti ako.

There's a saying na kapag nawala ang isang tao, mare-reincarnate 'to at mapupunta sa ibang katauhan ng tao. I believe that we will meet again.

"So, I have a logic!" taas kamay na sabi ni Julius na nagpapukaw sa amin ng atensyon. "Who ate 9?" tanong niya.

Napatingin si Reed at Harvey sa isa't isa habang itinaas naman ni Jasper ang kamay para sagutin ang tanong nu'ng bata. "Of course, 6!" proud nitong sagot.  

Malakas naming binatukan ni Mirriam si Jasper dahil sa naging sagot niya.

Gag* talaga nito!

Tumango tango si Harvey, "I see, this is a proof that you guys are not innocent anymore."

  "You shut up, Jerk!" pagpapatahimik ko sa kanya.

Umiling ang bata, "It's 8! Where did you get your answer, kuya Jasper?" inosenteng tanong ni Julius dahilan para pumunta si Kei sa harapan nito at pilit na natawa.

"N-no, it's nothing. Hula lang niya iyon." namumula nitong sabi.

Sumilip si Julius sa 'min habang nakahawak sa dalawang kamay ni Kei, "Then how 'bout this? What comes after 69?" tanong pa ni Julius. Sa'n ba niya nakukuha 'yang ganyang tanong?!

  Taas noo siyang tiningnan ni Jasper at pinitik ang bangs na humaharang sa kanyang mga mata, "The answer is always mouthwash--" nilagyan ko na nga ng scotch tape ang bunganga niya't kinaladkad na siya papunta sa labas. Hinila lang namin siya ni Mirriam habang nagpapaalam naman sina Harvey na aalis na kami.

Pagkalabas ng bahay nila ay malakas ko ng pinaltukan si Jasper, "You dumbass!" bulyaw ko habang nakiki-chismis na ang mga kapatid ni Mirriam na sinundan na pala kami. Kinukulit na nila 'yung kapatid niya kung nanliligaw daw ba itong si Jasper.  

Pasulyap kong tiningnan ang Garcia Family. They have 8 kids and all of them has their own characteristics which are good because you got to know the difference and weaknesses of each individual.

"Ma! Bakit si ate Mirriam, may manliligaw? Ako, wala?" takang tanong ni Ricka dahilan para mas mamula si Mirriam habang tawa naman nang tawa si Airiam at Jin. Si Nick naman ay tinatapik tapik lang ang likod ng kapatid. Bumuntong-hininga lang si Jean na ngayon ay karga karga si Rain.

"Hindi ko siya manliligaw!" si Mirriam.

"Bakit? Ang pogi naman niya, ah? Payagan mo na." biro pa ni tita Airam.

 

'Yung kahit na ang dami dami ninyo sa isang bahay pero makikita na masaya kayo? It's already a greatest blessing from God. In all honestly, I'm a little envious. Kumbaga sa isang quotes na nabasa ko, parang ganito sila…

…This family is like music, some high notes, some low notes, but always a beautiful song.  

Ang ingay na nanggagaling sa kanila ay maganda kung pakinggan dahil sa samahan na mayro'n sila. Hindi lahat, may ganitong pamilya. Bibihira na lang ang ganito kaya ma-swerte pa rin ako dahil nandiyan pa rin naman ang magulang ko…

…Kahit na hindi man ito 'yung tulad ng dati.